แชร์

KABANATA 70

ผู้เขียน: GennWrites
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-27 18:44:07

SAMANTALA, makalipas ang ilang araw, nanatiling malamig ang simoy ng hangin sa Metro Manila habang papalapit ang kalagitnaan ng Marso.

Abala si Stella sa paghahanda ng mga gamit ni Marikit para sa nalalapit nitong pag-alis papuntang California.

Naayos na ni Professor Kent Morales ang lahat. Aprubado na ang visa. Nakahanda na rin ang matutuluyan nito roon. Pati ang mga dokumentong kailangan para sa pag-aaral ay kumpleto na.

Ilang araw na lamang at lilipad na si Marikit. Mahigit dalawang buwan na
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Alyssa Ynnas Navier Al-yanne
see u after 5ys marikit.bawiin mo anak mo
goodnovel comment avatar
Karen Joy Aranda
isa pa po author pls..
goodnovel comment avatar
Jovie Minglana
yun, oh ito na good lock marikit.... see you in 5 years. .........
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 71

    LIMANG TAON ANG LUMIPAS...Sa gitna ng Makati Central Business District, nakatayo ang punong himpilan ng Altaverde Group.Sa pinakatuktok ng gusali, sa loob ng malawak na opisina ng CEO, kapansin-pansin ang isang bagay na hindi inaasahang makikita sa opisina ng isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa bansa.May mga stuffed toys sa isang sulok. May maliit na bookshelf na puno ng children's books. May easel na may mga makukulay na drawing. At sa dingding ay nakadikit ang iba't ibang artwork na halatang gawa ng isang bata.Sa harap mismo ng executive desk ay may maliit na study table na espesyal na ginawa para sa isang munting prinsesa.Tahimik na nakaupo roon si Mithi. Magli-limang taong gulang na siya ngayon. Nakasuot siya ng isang pink dress habang marahang iniindayog ang kanyang mga paa. Nakahati sa dalawang maayos na bun ang kanyang buhok na pinalamutian ng maliliit na pearl clips.Sa harapan niya ay isang tablet. Tahimik siyang naglalaro ng educational puzzle game habang seryos

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 70

    SAMANTALA, makalipas ang ilang araw, nanatiling malamig ang simoy ng hangin sa Metro Manila habang papalapit ang kalagitnaan ng Marso.Abala si Stella sa paghahanda ng mga gamit ni Marikit para sa nalalapit nitong pag-alis papuntang California.Naayos na ni Professor Kent Morales ang lahat. Aprubado na ang visa. Nakahanda na rin ang matutuluyan nito roon. Pati ang mga dokumentong kailangan para sa pag-aaral ay kumpleto na.Ilang araw na lamang at lilipad na si Marikit. Mahigit dalawang buwan na rin mula nang makalabas siya ng ospital. Sa buong panahong iyon, halos hindi siya pinayagang lumabas nina Roberto at Stella. Pahinga, nutrisyon, at gamutan. Iyon lamang ang inatupag nila para sa kanya.Kaya naman malaking bahagi ng mga nakalipas na araw ni Marikit ay ginugol sa loob ng bahay. Madalas ay nakatayo lamang siya sa tabi ng bintana. Tahimik na pinagmamasdan ang mundo sa labas. At habang papalapit ang araw ng kanyang pag-alis, lalo siyang nakakaramdam ng kakaibang pagkabalisa...---I

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 69

    MABILIS na lumipas ang mga sumunod na linggo. At sa isang kisapmata, sumapit ang araw ng unang buwan ni Mithi.Bilang nag-iisang apo na babae ng kasalukuyang henerasyon ng pamilya Altaverde, natural lamang na pinaghandaan iyon nang mabuti ng buong pamilya. Isinagawa ang selebrasyon sa isa sa mga luxury hotel na pagmamay-ari ng Altaverde Group sa Makati.Mula sa mga kilalang negosyante, prominenteng pamilya, hanggang sa matataas na personalidad sa iba't ibang industriya, halos lahat ng inimbitahan ay may mahalagang katayuan sa lipunan. Maliban kay Marikit at sa pamilya Valejo na hindi man lang inimbitahan. Na para bang hindi nag-exist ang mga ito sa buhay ng Altavede.Bago pa man magsimula ang mismong salu-salo, isa-isang dumating sa Altaverde Villa ang mga kamag-anak upang personal na makita si Mithi at magbigay ng kani-kanilang regalo. Dahil dito, halos mapuno ng mga kahon, gift bags, at mamahaling present ang buong receiving area ng mansyon.Sa gitna ng masayang kaguluhan, unti-unti

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 68

    NANG makitang nananatili pa ring nakaupo si Raiko sa lounge, bahagyang napalingon si Mikael bago nagsalita."Hindi ka pa ba bababa?"Marahan namang isinuksok ni Raiko ang cellphone sa bulsa at tumayo. Kasunod ni Mikael, naglakad siya palabas ng family lounge.Ilang minuto lang ang lumipas ay pareho na silang nasa grand dining hall. Mainit ang mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa. Puno ng liwanag ang paligid at bakas ang masasayang ngiti sa mukha ng bawat miyembro ng pamilya.Sa kabilang dulo ng mesa, karga ni Don Emilio si Mithi. Ang lalaking kilalang istrikto at seryoso sa negosyo ay ngayon ay may malambot at masayang ngiti habang nakatingin sa sanggol.Sa tabi niya, aliw na aliw naman si Doña Esperanza habang pinaglalaruan ang apo gamit ang isang maliit na stuffed toy. Napahagikgik si Mithi. Kasabay niyon ay nagtawanan din ang lahat.Dahil espesyal na gabi iyon para sa pamilya, kapansin-pansing napakabait ni Mithi buong araw. Hindi ito umiyak o nag-inarte. Sa halip ay panay ngiti

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 67

    PAPALAPIT na noon ang bisperas ng Bagong Taon. Abala ang buong Valejo Residence mula pa lamang sa umaga.Sa kusina, maagang naghahanda si Stella ng mga sangkap para sa nalalapit na salu-salo. Nakahilera sa countertop ang iba't ibang rekado, prutas, at mga pagkaing nakalaan para sa family dinner.Samantala, sina Roberto at Gabriel naman ay abala sa pag-aayos ng bahay. May mga bagong dekorasyong ikinakabit. May mga regalo ring maingat na inilalagay sa ilalim ng Christmas tree.Sa kabila ng malamig na hangin ng Disyembre, puno ng init at buhay ang buong tahanan. At nang araw ding iyon, ay may dumating na bisita. Si Raiko Altaverde.Pagkababa pa lamang nito ng sasakyan ay agad na sinalubong nina Roberto at Stella. May dala itong ilang paper bags, mga prutas, mga imported supplements, at ilang regalo mula sa mga kakilala nilang nagpapaabot ng pagbati para kay Marikit."Raiko, pasok ka," nakangiting sabi ni Stella."Salamat po." Pagkatapos ay bahagyang tumingin ang binata sa ikalawang palap

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 66

    MATAPOS mamatay ang tawag, dahan-dahang ibinaba ang cellphone sa kanyang kandungan. Tahimik ang buong sala. Napakatahimik. Ngunit sa katahimikang iyon, lalo lamang lumalakas ang tunog ng sarili niyang paghikbi.Una ay pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. Ngunit maya-maya lamang ay may panibagong luha na naman ang tumutulo sa kanyang pisngi.At isa pa.At isa pa.Hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha.Mahigpit niyang niyakap ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa sofa. Hindi na niya napigilan ang sarili at tahimik siyang umiyak. Ang bawat hikbi ay parang unti-unting pinupunit ang kanyang puso. Miss na miss na niya si Mithi, at sa bawat araw na hindi niya ito nakikita at nakakasama ay para siyang pinapatay.Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling ganoon. Hanggang sa kalaunan ay napagod na rin siya sa kakaiyak. Unti-unting kumalma ang kanyang paghinga. At dahil sa kahinaan ng katawan at emosyonal na pagod, nakatulog siya sa kanyang silid m

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status