Se connecterPagpasok ni Dr. Kaye, sa conference room ng St. John General Hospital, puno na ang mga upuan. Naroon ang mga resident doctors, consultants, at department heads para sa buwanang administrative meeting.
Suot niya ang pastel blue designer blazer, may nakasukbit na stethoscope, at bitbit ang imported quilted handbag. Tulad ng dati, nakangiti siya na para bang wala siyang ginawang kasalanan sa buong buhay niya. Napatingin sa kaniya ang HR coordinator na nakatayo sa harapan, hawak ang attendance sheet. “Dr. Kaye Salazar?” “Present po!” Kumaway pa siya na para bang tinawag ang pangalan niya sa isang beauty pageant. “Fashionably late lang. Traffic kasi sa EDSA. Alam n’yo naman, kahit anong aga mo, may paraan ang traffic para sirain ang plano mo.” May ilang resident doctors na napangiti. Ang ibang consultants naman ay napailing na lamang. Hindi na nag-aksaya ng oras ang HR coordinator sa pagsita sa kaniya. Itinuro na lamang nito ang mga bakanteng upuan. Mabilis na naghanap si Kaye ng mauupuan. Halos lahat ay okupado na, maliban sa isang bakanteng silya sa tabi ng lalaking pinakahuli niyang gustong makasama sa isang tahimik na meeting. Si Dr. Nathan Villareal. “Oh, my God. The universe is working overtime.” Tahimik na nakaupo si Nathan, nakahalukipkip habang nakatingin sa presentation. Malinis na naman ang white coat niya, kapalit ng damit na nabahiran niya ng kape kahapon. “Di tuloy niya mapigilan ang mapangiti. At dahil wala na siyang ibang mapagpipilian, lumapit siya at umupo sa tabi nito. “Good morning ulit, Doc Grim.” Hindi siya pinansin ni Nathan. Tumingin si Kaye sa puting coat nito. “Wow. New coat? Mukhang bagong labas sa laundry. Ang fresh naman. Amoy Downy ba ’yan?” Bahagyang lumingon si Nathan. “Dr. Salazar, the meeting has already started,” sa halip ay sagot nito. “I’m aware, Doc. Kaya nga nandito ako.” Muli itong humarap sa presentation. Napangiti si Kaye. Hindi man lang siya makakuha ng simpleng good morning. “Okay. Challenge accepted,” bulong na niya pa. Nagpatuloy ang meeting. Tinalakay ng speaker ang hospital policies, budget allocation, at mga bagong patakaran tungkol sa insurance claims. Habang nagsasalita ang presenter, nagsimulang maghalungkat si Kaye sa loob ng handbag niya. Lipstick. Compact mirror. Wallet. Phone. Small perfume. Walang pen. Napatingin siya kay Nathan. “D-Doc?” Walang sagot na narinig. “Doc Nathan?” Bahagyang gumalaw ang kilay nito. “D-Do you have an extra pen?” kagat labing tanong niya rito. Dahan-dahang lumingon si Nathan. Blangko ang mukha, hindi mabasa ni Kaye, pero sigurado naman siyang inis pa rin ito sa nangyari kahapon. “You came to a mandatory hospital conference without a pen?” Kumindat si Kaye. “I brought confidence and a winning personality.” For a moment, tinitigan lamang siya ni Nathan na para bang sinusubukan nitong intindihin kung seryoso ba siya. Pagkatapos, kinuha nito ang isang itim na ballpen mula sa bulsa ng coat at iniabot sa kaniya. “Here. Please take notes instead of talking.” Tinanggap iyon ni Kaye na may malaking ngiti. “Aww! T-Thank you, Doc. Sabi ko na, you had a soft side naman pala.” “I don’t,” mabilis na sagot ni Nathan. Nawala tuloy ang fantasy niyang baka umeepekto na ang charming niya rito. “Of course not. You’re the Ice King.” Bumalik si Nathan sa presentation. Tahimik na nagsimulang magsulat si Kaye. Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita, na halos ikinagulat ng dalawang senior nurse na nakaupo sa likuran nila. Ngunit hindi nagtagal ang katahimikan. Bahagyang yumuko si Kaye patungo kay Nathan. “Doc, can I ask you something?” bulong niya. “No.” “Hindi mo pa nga naririnig ang tanong ko,” pangungulit pa niya. “And I would prefer to keep it that way.” Napakagat-labi si Kaye para pigilan ang pagtawa. “Grabe. Ang hirap naman nito.” Sa likuran nila, napayuko ang isang senior nurse para itago ang ngiti. Pagkatapos ng meeting, dumiretso si Kaye sa nurses’ station sa ikalawang palapag para kunin ang charts ng mga pasyente niya. Habang inaayos niya ang mga dokumento at naglalagay ng lip tint gamit ang pocket mirror, lumapit si Nurse Minda kasama ang dalawang senior nurses. “Doc Kaye, may itatanong kami sa ’yo.” Hindi inalis ni Kaye ang tingin sa salamin. “Kung tungkol sa lipstick ko, imported ’to. Pero hindi ko sasabihin kung saan ko binili.” “Hindi tungkol sa lipstick mo.” “Sayang. Ready na sana akong magbigay ng review.” Napailing si nurse Minda. “Ayaw mo bang malaman kung sino talaga si Dr. Nathan Villareal?” Isinara ni Kaye ang salamin at humarap sa kanila. “Kilala ko na siya. Neurosurgeon. Matangkad. Gwapo. May jawline na parang ginawa ng sculptor. Single, pero may emotional baggage na siguradong kailangan ng sariling storage room.” Nagkatinginan ang mga nurse. “Yun lang ang alam mo?” tanong ni Minda. “A-Ano pa ba ang kailangan kong malaman?” takang sagot ni Kaye. Napangiti siya na para bang may naalala. “Ah, oo nga pala. My future husband.” Natahimik ang nurse sa station. Tumigil sa pagta-type ang isang nurse. Ang isa naman ay napatingin sa kaniya na para bang may narinig itong medical diagnosis na hindi niya maintindihan. Pagkaraan ng ilang segundo, sabay-sabay silang natawa. “Doc Kaye!” natatawang sabi ng isang nurse. “Hindi mo ba alam kung gaano kahirap lapitan ang lalaking ’yon?” “Bakit naman? May security guard ba sa puso niya?” “Mas malala pa,” sagot ni Minda. “Sarado ang puso niyan. Walang nakakapasok.” Umupo si Kaye sa gilid ng counter. “Okay. Tell me more.” Napabuntong-hininga si Minda bago nagsalita. “Marami nang nagtangkang mapalapit kay Doc Nathan. May mga resident doctors na nagdadala ng lunch para sa kaniya. May nagbigay pa raw ng mamahaling relo. Pero walang nagtagumpay,” mahabang salaysay ni Minda. “Bakit?” “Dahil tinatanggihan niya ang lahat. Kapag trabaho, trabaho lang. Kapag personal na usapan, wala kang makukuha sa kaniya. Minsan nga, simpleng invitation to dinner, tinanggihan niya agad.” Saglit na nag-isip si Kaye. “S-So, let me get this straight. Gwapo siya, successful, at hindi madaling ma-impress?” “Exactly!” sabay sabay na sagot ng mga kasama niya. Lumapad lalo ng ngiti sa mukha ni Kaye. “Perfect.” Napakunot ang noo ni Minda. “Anong perfect?” “Challenge!” Tumayo si Kaye saka inayos ang designer ID lace niya. “Kung madali siyang makuha, saan ang excitement? Gusto ko ng lalaking hindi basta-basta napapahanga. Someone who can challenge me.” “Doc Kaye, hindi ito laro,” seryosong sabi ni Minda. Bahagyang nawala ang ngiti ni Kaye. “A-Alam ko naman, Nurse Minda.” Tumingin siya sa direksiyon ng hallway kung saan naroon ang Neuro-Surgery Department. “Hindi ko naman siya pipilitin kung talagang ayaw niya. Pero gusto ko siyang makilala. Hindi lang bilang isang gwapong neurosurgeon na mahilig magsungit, kundi bilang tao.” Saglit na natahimik ang mga nurse. Pagkatapos, muling bumalik ang pilyang ngiti ni Kaye. “Pero hindi ibig sabihin na susuko na ako agad.” Napailing si Minda. “Bahala ka nga sa buhay mo, Doc. Basta huwag mong kalimutang may trabaho ka rin.” “Of course! I’m a professional.” Kinuha ni Kaye ang mga chart niya at tumalikod. “Pero kung sakaling kailangan niyang operahan ang puso niya, pakisabi sa akin. Ready akong maging attending physician.” “Doc Kaye!” Tumawa si Kaye habang papalayo. “Joke lang! Mostly.” Naiwang nagkatinginan ang mga nurse. “Hindi ko alam kung matapang siya o talagang walang takot,” sabi ng isa. “Pareho,” sagot ni Minda. “At sana alam niya kung ano ang papasukin niya.” Samantala, nasa Neuro-Surgery Department si Nathan, abala sa pag-review ng patient records. Tahimik ang opisina. Tanging tunog ng keyboard at paglipat ng mga pahina ang maririnig. Ngunit sa tuwing susubukan niyang mag-focus, may isang makulit na boses na sumasagi sa isip niya. “I brought confidence and a winning personality.” Napahinto siya sa pagbabasa. “Unbelievable.” Kinuha niya ang ballpen sa bulsa ng coat, saka naalala na naipahiram niya iyon kay Kaye sa meeting. Napatingin siya sa bakanteng lalagyan nito. “Dr. Kaye Salazar,” bulong niya. Umiling siya at bumalik sa trabaho. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang laging may eksena kapag naroon ang babaeng iyon. Una, nagbanggaan sila sa orientation. Pagkatapos, nagdala ito ng pastries sa opisina niya. Kinabukasan, nabuhusan naman siya ng kape. At ngayong umaga, kahit sa isang mandatory meeting, hindi pa rin siya tinigilan. “She’s impossible.” Iyon ang tanging konklusyon na mabuo niya. Hindi niya alam na sa kabilang bahagi ng ospital, may isang pediatric consultant na itinuturing na personal mission ang makuha ang isang simple at tunay na ngiti mula sa kaniya. At para kay Kaye, ang pinakamahirap na challenge ay hindi ang mapasagot si Dr. Nathan Villareal. Kundi ang malaman kung ano ang nasa likod ng katahimikan iyon na kahit alam niyang mahirap ang misyong gagawin niya ay nakahanda pa rin ito, makita lamang ang ngiting magpapalambot lalo sa buong pagkatao niya.Sabado ng umaga.“Anak, pang-ilang palit mo na ba ng damit iyan?” Natigilan si Kaye habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng asul na dress, ngunit tila hindi pa rin sapat ang kaniyang itsura sa harap ng salamin.“Mom, I’m not even a birthday celebrant. Why does it feel like I have to go through a fashion show?” taka niyang tanong sa ina. Nakasandal si Karen sa pintuan ng kuwarto habang pinagmamasdan ang anak.Gusto sana niyang bulyawan ang anak subalit tila alam na niya ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan ang anak. “Hindi ko rin alam.” paunang sagot sa anak saka lumapit. “Pero simula nang banggitin mo ang pangalan ni Dr. Nathan, kanina ka pa paikot-ikot diyan.”“Ma!” mabilis na depensa ni Kaye. Namula agad ang mukha.“A-Ano? Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa Doctor Nathan na ‘yon,” napapailing na sagot ng ina..“G-Good. K-Kasi hindi naman,” depensa agad niya.. Tumaas bigla ang kilay ni Mommy Karen. “Talaga?”“Oo!” mabilis na sagot ni K
Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa St. John General Hospital ang kontrobersyal na pagpasok ni Dr. Kaye Salazar sa pribadong opisina ni Dr. Nathan Villareal, ang lugar na mas kinattakutan pa ng ilan kaysa sa morgue.Para sa karamihan ng mga doktor, nurse, at residente, sapat nang dahilan ang paulit-ulit na pagtanggi, malamig na titig, at nakabibinging pananahimik ng sikat at mailap na neurosurgeon upang tuluyang sumuko ang sinumang babaeng magtatangkang lumapit dito.Ngunit iba si Kaye. Para sa kaniya, ang bawat pagtanggi ni Nathan ay hindi isang mataas na pader na hindi kayang lagpasan. Isa lamang itong hamon na lalo pang nagpapasidhi sa kaniyang determinasyong mapaibig ang tinaguriang Dr. Grim ng ospital.Alas-singko na ng hapon. Kakagaling lamang ni Kaye sa isang mahabang konsultasyon sa pediatric ward, kung saan sunod-sunod niyang inasikaso ang mga batang umiiyak, nagtatampo, at nangangailangan ng kaniyang atensiyon. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit na
Hindi pa rin maalis sa isip ni Kaye ang pambihirang ngiti ni Nathan na nasaksihan niya sa madilim na pasilyo malapit sa charity ward. Ilang beses na niyang binalikan sa isip ang tagpong iyon, at sa tuwing naaalala niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki, hindi niya maiwasang mapangiti na para bang nanalo siya sa isang malaking kompetisyon. Para sa ibang tao, maaaring wala lang ang ganoong kaliit na reaksyon. Pero para kay Kaye, na halos araw-araw ay nasasalubong ang malamig na ekspresyon at walang emosyong mukha ni Dr. Nathan Villareal, isa na iyong malaking tagumpay. Kung kaya nitong ngumiti kahit saglit, nangangahulugan lamang na hindi pa tuluyang nagyeyelo ang puso nito. At kung may natitira pang kahit kaunting init sa ilalim ng makapal nitong pader ng kasungitan, determinado siyang hanapin iyon. Hindi naman ibig sabihin na naging mas mahinahon si Kaye dahil sa maliit na tagumpay na iyon. Sa katunayan, tila lalo pang lumakas ang loob niya. Kung dati ay pangungumus
Isang linggo na ang lumipas mula nang opisyal na simulan ni Dr. Kaye Salazar ang kaniyang matapang na three-month countdown. Sa bawat araw na nagdaraan sa St. John General Hospital, ginagamit niya ang bawat pagkakataon para guluhin ang tahimik, seryoso, at malamig na mundo ni Dr. Nathan Villareal. Mula sa pag-abot ng mga laboratory request at paghihintay sa tapat ng elevator hanggang sa simpleng pangungulit sa cafeteria, wala siyang pinalalampas na pagkakataong mapansin ng lalaking balak niyang patunayang hindi pala kasing-yelo ng inaakala ng lahat.Ngunit sa kabila ng kaniyang mga makukulit na biro, pagpapakita ng alindog, at pagdadala ng iba’t ibang imported pastries, nanatili pa ring propesyonal si Kaye. Sa oras na may pasyenteng nangangailangan ng kaniyang tulong, nawawala ang pagiging makulit niya at napapalitan iyon ng pagiging seryoso at mahusay na pediatric consultant.Isang hapon, habang abala si Kaye sa pag-aayos ng mga dokumento at gamot sa charity ward sa pinakadulong baha
Ilang araw na ang lumipas mula nang tawagin siyang "delikado" ng mga nurse sa station, at lalong naging determinado si Dr. Kaye Salazar sa kaniyang misyon. Para sa kaniya, ang St. John General Hospital ay hindi na lamang simpleng lugar ng trabaho, isa itong malaking entablado ng telenobela kung saan ang pinakamalaking premyo ay ang mga ngiti ng pinakamalamig na neurosurgeon sa bansa.Isang hapon, habang naglalakad si Kaye bitbit ang isang makapal na stack ng mga colorful medical charts patungo sa pedia ward para sa kaniyang afternoon rounds, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit sila ni Nathan sa isa sa mga pampublikong pasilyo malapit sa central atrium.Huminto si Kaye, itinaas ang kaniyang perpektong kilay na binigyang-diin pa ng kaniyang designer headband, at ngumiti nang nakakaloko.“Good afternoon, Doc,” masiglang bati niya na may halong himig ng pang-aakit at pangaasar.Nagpatuloy sa paglakad si Nathan subalit dumaan ang isang saglit bago ito malamig na tumugon nang hindi man lan
Pagpasok ni Dr. Kaye, sa conference room ng St. John General Hospital, puno na ang mga upuan. Naroon ang mga resident doctors, consultants, at department heads para sa buwanang administrative meeting. Suot niya ang pastel blue designer blazer, may nakasukbit na stethoscope, at bitbit ang imported quilted handbag. Tulad ng dati, nakangiti siya na para bang wala siyang ginawang kasalanan sa buong buhay niya. Napatingin sa kaniya ang HR coordinator na nakatayo sa harapan, hawak ang attendance sheet. “Dr. Kaye Salazar?” “Present po!” Kumaway pa siya na para bang tinawag ang pangalan niya sa isang beauty pageant. “Fashionably late lang. Traffic kasi sa EDSA. Alam n’yo naman, kahit anong aga mo, may paraan ang traffic para sirain ang plano mo.” May ilang resident doctors na napangiti. Ang ibang consultants naman ay napailing na lamang. Hindi na nag-aksaya ng oras ang HR coordinator sa pagsita sa kaniya. Itinuro na lamang nito ang mga bakanteng upuan. Mabilis na naghanap si Kay







