Share

Mistaken Identity
Mistaken Identity
Author: Michelle Vito

CHAPTER 1

“WHAT?” Napabalikwas mula sa kanyang kinauupuan si Catherine nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng ama, “You want me to marry this guy?” Aniyang tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaking nuon lamang niya nakita sa tanang buhay niya.  In fairness, guwapo ang lalaki.  Matipuno ang pangangatawan, matangkad at may pagka-tsinito.  Mistula itong isang bida sa mga koreanovela na kinahihiligan niya.  Pero sa pormahan nito, alam niyang hindi ito straight.

            Hundred percent sure siyang may itinatago itong lansa sa katawan lalo na nang nahuli niyang inirapan siya nito at pinagtaasan ng isang kilay.  Palihim siyang napangiti. 

            Siya pa ba? Matalas ang pang-amoy niya pagdating sa mga ganitong bagay. “Dad, this is crazy!” Naiiling na sabi niya.

            “Yeah, this is crazy.  Mamatay na muna ako bago ko pakasalan ang babaeng ‘yan ‘no?” Tili naman ng lalaki sa kanya saka tumayo at waring mag-wo-walk out na pero mabilis na naharang ng Daddy niya.

            “Hindi ka makaalis dito hangga’t hindi ka nagpapakalalaki!” Matigas ang tonong bulyaw dito ng kanyang ama.  Napabalik sa kinauupuan ang binata.  Pero nakairap sa kanya.

            Hindi niya alam kung sino ang binabaeng ito.  Mas lalong hindi niya naiintindihan kung ano ang ibig mangyari ng Daddy niya.  Hindi pa naman siguro nauubos ang lalaki dito sa mundo para sapilitan siyang ipakasal dito ng ama.  Natatakot na ba talaga itong tumanda siyang dalaga?

            She’s only 23.  Bakit ba parang minamadali naman siyang masyado ng Daddy niya na makapag-asawa?  At saka ano ba ang akala nito sa kasal? Hindi ba siya dapat ang nagdedesisyon at pumipili ng mapapangasawa niya at hindi ang Daddy niya? 

            “Iha, makinig ka. . .”

            Ngunit bago pa nito ituloy ang sasabihin ay isang mariing ‘No’ na ang sagot niya saka nagmamadaling tumakbo sa kanyang kuwarto para magkulong.  Ano bang akala ng Daddy niya sa kanya? 

            Mahal niya ang kanyang Daddy.  Twelve years old pa lamang siya nang mamatay ang Mommy niya sa sakit na cancer of the lungs kaya ang Daddy niya na ang tumayong ina at ama para sa kanya.  Hindi na nga ito muling nag-asawa para lang maibuhos ang buong pagmamahal sa kanya.

            Natatandaan niya nuong 15 years old siya.  May ipinakilalang girlfriend ang Daddy niya sa kanya.  Sa galit ay one week niya itong hindi kinausap.  Nalaman na lang niya na nakipag-break ito sa girlfriend nito para lang sa kanya.

            Kapag naiisip niya iyon ngayon, nagi-guilty siya sa pagiging selfish niya nuon.  Sana pala ay hinayaan na lang niyang mag-asawa muli ang Daddy niya.  Deserve din naman nitong lumigaya na muli.

            Ngayon namang gustong-gusto niya itong magkaroon ng girlfriend ay parang hindi na ito interesado.  Sa halip ay siya ang pinipilit na mag-asawa na.  Gusto na raw kasi nitong magkaroon ng mga apo bago man lang ito mamatay.  Kinikilabutan nga siya kapag sinasabi iyon ng Daddy niya sa kanya.

            Hindi yata niya kakayanin kapag pati ito ay nawala.

            “Anak. . .”

            Nagtulog-tulugan siya.

            “Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ko kinakausap,” dinig niyang sabi nito sa labas ng kuwarto niya.  Napabuntong hininga siya ng malalim.  Ewan ba niya kung bakit hindi niya kayang tikisin ang Daddy niya.

            Siguro ay dahil alam niyang buong buhay nito ay wala itong ginawa kundi ang ibigay ang lahat para sa kanya.  Nuong college siya, nag-aahente ito ng mga lupa pagkatapos nito sa trabaho para lang maitaguyod ang pag-aaral niya at mabayaran ang lahat ng pagkakautang nila.

            Nuon kasing magkasakit ang Mommy niya ay naisanla ng mga ito ang lahat nilang mga ari-arian pati na rin ang bahay at lupang tinitirahan nila. Nasaid rin ang savings ng Daddy niya. Ngunit nang dahil sa sipag at tiyaga nito ay unti-unti rin nitong nabawi ang lahat ng mga naipundar nito.  In fact ngayon ay masasabing napaka-stable na ng buhay nila.

            Maganda ang takbo ng negosyo ng Daddy niya na talyer.  May tatlo na itong branch sa ngayon.  May mga naipatayo rin itong mga apartments na malapit sa university belt.  Mayroon din itong malawak na farm sa Batanggas.  Kung tutuusin, maalwan na maalwan na ang pamumuhay nila kung ang standard ng simpleng buhay ang pagbabasehan niya.  Hindi naman sila maluho, pero kahit paano ay nabibili naman niya ang mga bagay na gusto niya.

            Binuksan niya ng bahagya ang pinto saka sinilip ang ama sa maliit na siwang niyon, “What?”

            “Anak, pakinggan mo muna ang paliwanag ko.  Gusto ko lang naman na masiguradong nasa mabuti kang lagay bago man lang ako mamatay. . .”

            “Kaya ipapakasal mo ko sa baklang iyon?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa ama.

            “Anak. . .”

            Binuksan niya ang pinto ng kanyang kuwarto, ibig sabihin, ready siyang pakinggan kung anuman ang ipapaliwanag ng Daddy niya tungkol dito. 

            Pero hindi ibig sabihin ay magpapahinuhod na siya sa kung anuman ang gusto nito.  Siya pa rin naman sa palagay niya ang dapat na masunod pagdating sa buhay niya.

IPINARADA ni Andy ang kanyang motor sa tapat ng shop ng girlfriend na si Alexa.  Hanggang ngayon ay ayaw pa rin siya nitong kausapin dahil nahuli siya nitong nakikipag-flirt sa isang babaeng nakilala niya online.

            But God knows, mahal na mahal niya si Alexa. Aminado naman siyang me pagka-chickboy siya, pero wala naman siyang ibang babaeng seneryoso kundi si Alexa.  Iyong mga flings niya, katuwaan lang. Dinampot niya ang binili niyang boquet ng mga roses mula sa likuran ng kanyang motor saka pumasok sa boutique shop ng kasintahan.  Napasimangot kaagad ito pagkakita sa kanya.

            “Love. . .”panimula niya, tumikhim siya, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag, “Sorry na. Alam mo naman di ako seryoso sa babaeng iyon, kita mo naman sya ang nakapulupot sakin, hindi ako,” pagdadahilan niya.

            “So, kaya sinunggaban mo?” Nanlilisik ang mga matang sabi nito sa kanya.

            “Love naman, alam mo namang ikaw lang ang babae sa buhay ko,” aniyang punong-puno ng paglalambing.  Ngunit parang wala sa mood ng araw na iyon si Alexa, hindi tumalab ang charm niya.

            “Go away,” singhal nito sa kanya, “I don’t want to see your face!” anitong itinulak pa siya palabas ng shop.

            “Alexa. . .” Napabuntong hininga siya ng malalim at napakamot na lang sa ulo.  Pasakay na sana siya ng motor nang tumunog ang kanyang cellphone.  Ang kakambal niyang si Anthony ang nasa kabilang linya.

            “Hello, Andy, I need your help, si Papa, pinipilit akong ipasakal dun sa anak ng kaibigan nya.  I can’t.” Tumitiling sabi nito sa kanya, “Alam naman nyang kahit anong pilit ang gawin nya, never akong magiging lalaki.”

            “Well, I can’t do anything about it. Kung yun ang gusto ni Papa, e.” Aniya sa kapatid.

            “Talaga lang ha? Eh kung sabihin ko kaya kay Papa na ikaw ang magpakasal sa babaeng iyon?” Nagpapanic na sabi nito sa kanya.

            “No way! Over my dead body!” Mariing pahayag niya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Nan
Ganda Ang kwentong ito.
goodnovel comment avatar
Malou Amador
maganda basahin kna agad
goodnovel comment avatar
Rezel Padilla
ganda ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status