LOGINSOLARA'S POV:Nanghihina na ako.Pakiramdam ko, anumang oras ay bibigay na ang katawan ko dahil sa sobrang sakit at pagod. Gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko at hayaang lamunin ako ng dilim.Iniwan nila ako rito sa loob ng madilim na bodega kasama ang isang armadong bantay. Tanging malamlam na ilaw lamang mula sa labas ang bahagyang sumisilip sa loob kaya halos wala akong makita.“Ahhh…” napahiyaw ako nang gumalaw ako nang kaunti.Hindi ako makasandal dahil sa hapdi ng mga sugat ko sa likod. Para bang bawat galaw ko ay may ilang daang karayom na tumutusok sa balat ko.Nilalamig na rin ako.Basang-basa pa rin ang katawan ko matapos nila akong paulit-ulit na ilublob sa drum na puno ng tubig kanina.Niyakap ko ang sarili ko kahit nakatali pa rin ang mga kamay ko.Sa labas ay naririnig ko ang sunod-sunod na putok ng baril at yabag ng mga taong nagtatakbuhan.Hanggang sa maya-maya ay may narinig akong malakas na kalabog.May kung sinong pilit itong itinutulak mula sa labas para mabuks
SOLARA'S POV:Pinuno nila ang isang malaking drum ng tubig habang ako’y nakaluhod lang sa malamig na sahig. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi lang dahil sa lamig kundi dahil alam ko na agad kung ano ang balak nilang gawin.Nanikip ang dibdib ko.“Tanggalan niyo ng tali ’yan. Alam niyo na ang gagawin.” malamig na utos ng pinuno ng mga ito.Agad nila akong kinalagan ngunit bago pa ako tuluyang makagalaw ay marahas nila akong hinila patayo saka inilapit sa drum na halos umaapaw sa tubig.“No! Let me go!” sigaw ko habang nagpupumiglas.Ngunit masyadong malalakas ang mga hayop na ito.Mariin nilang hinawakan ang likod ng ulo ko saka bigla akong inilublob sa tubig.“Hmp!”Biglang pumasok ang tubig sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng hangin. Nagpumiglas ako habang desperadong sinusubukang umahon ngunit lalo lamang nila akong diniinan.Pakiramdam ko’y sasabog ang dibdib ko sa kaba at takot.Ilang segundo pa lang ngunit parang isang oras na akong nalunod.Mga demonyo…Nang iahon nila
SOLARA'S POV:Ilang minuto pa ang lumipas habang nakatali ako sa malamig na upuan nang makarinig ako ng mabibigat na yabag na papalapit.Isa.Dalawa.Marami sila.Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bumukas ang kalawangin na pinto ng abandonadong warehouse na kinaroroonan ko.Dahan-dahang naglakad papasok ang grupo ng kalalakihan na puro armado. Nakasuot ng itim ang mga ito habang seryoso ang mga mukha.Nanlaki ang mga mata ko nang kusa silang humawi para bigyang-daan ang taong nasa likod nila.“Isabelle...?” mahina ngunit puno ng gulat na saad ko.Huminto ito sa harapan ko habang nakahalukipkip.Ngumisi siya.Pero hindi iyon normal na ngisi lang.Dahil isa iyong ngiti na puno ng galit, inggit, at kabaliwan.“Surprised?” natatawa nitong saad habang dahan-dahang lumalapit sa akin. “Did you miss me, Solara?”Matalim ko siyang tinitigan.“So ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng ‘to…” malamig kong saad.Humalakhak siya nang malakas tila ba natutuwa siya sa nangyayari sa buhay k
SOLARA'S POV:Habang abala sina Draven, Mr. Ramos, at ang mga IT specialist sa walang tigil na pag-iimbestiga tungkol sa harassment na nangyari sa labas ng club. Hinanap nila ang mga taong nasa likod nito. Pakiramdam ko naman ay unti-unti akong nilalamon ng kawalan ng silbi.Ayokong nakaupo lang dito habang silang lahat ay kumikilos.Kailangan ay may magawa rin ako.Kaya habang malalim akong nag-iisip ng paraan kung paano ako makakahanap ng lead, biglang nag-vibrate ang cellphone ko dahilan para mapatingin ako rito.Unknown number.Agad kong binuksan ang mensahe.“Hindi ko na kayang manahimik. Alam ko kung sino ang mastermind sa likod ng lahat ng gulo sa buhay mo…”Nanlaki ang mga mata ko.Mabilis na kumabog ang dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang mensahe.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.Mabilis akong nagtipa.“Who are you? How did you know my number? And who’s the mastermind? Tell me everything.” reply ko.Ilang minuto akong naghintay.Bawat segundo ay tila napakabagal
“D-Draven…” mahina kong saad habang ramdam ko ang mainit nitong hininga sa balat ko.Napangisi ito sa pagitan ng leeg ko na tila ba sinasadya akong lalo pang akitin.“You smell so damn good,” paos nitong bulong.Napapikit ako nang mariin. Parang kusa na lang nanghihina ang tuhod ko kapag ganito ang paraan ng pagsasalita nito.“Stop flirting with me,” mahina kong reklamo habang pilit pinipigilan ang sariling mapangiti. “Nasa sala tayo.”Agad itong napatingin sa akin.At sa paraan ng pagtitig nito…Parang gusto na naman akong kainin ng buo.“Then let’s continue this somewhere private,” mababa at mapang-akit nitong saad.“Draven…” halos pabulong kong sabi ngunit hindi na nito ako pinatapos pa.Bigla na lang niya akong binuhat nang pa-bridal style dahilan para mapasinghap ako.Mabilis akong kumapit sa leeg nito bilang suporta.“Draven!” bulalas ko saka tumingin sa buong paligid.Ngumisi lamang ito habang walang kahirap-hirap akong iniaakyat sa hagdan.“Too late, sweetheart.” malokong saad
SOLARA'S POV:Naging awkward at napakatahimik ng buong biyahe.Tanging mahinang tunog lang ng makina ng sasakyan at ang minsannay pagbusina ang naririnig ko habang mahigpit kong pinipigilan ang sarili kong mapabuntong-hininga.Pakiramdam ko kahit simpleng paghinga ko ay sobrang lakas nang marinig sa loob ng sasakyan.Kaya tahimik akong napalingon sa lalaking nasa tabi ko.Mahahalata mo na ang katandaan sa itsura nito.May ilang hibla na ng puting buhok at bakas na ang mga kulubot sa mukha nito.Pero hindi noon nabawasan ang nakakatakot nitong presensya.Kung tutuusin…Mas nakakatakot pa ito kaysa kay Draven.Because unlike Draven…This man looked completely heartless. Walang emosyon.Parang kahit may masaktan siyang tao ay wala itong pakialam.Makalipas ang ilang minuto ay huminto kami sa isang kilalang five-star restaurant.Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto.Agad akong bumaba ng sasakyan at diretso na sana akong papasok ngunit hinarangan ako ng isang guard.“Good







