تسجيل الدخولDRAVEN'S POVIt’s been a month.A fucking whole month.Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Solara.And every single day feels like hell.Pakiramdam ko ay unti-unti akong kinakain ng katahimikan sa tuwing gigising ako sa umaga at hindi ko maririnig ang mataray niyang boses o makikita ang maganda at maamo niyang mukha na unang bumubungad sa akin.The mansion doesn’t even feel like home anymore.Parang nawalan ito ng buhay simula nang mangyari ang lahat.Tahimik.Malamig.At punong-puno ng sakit.Nakatitig lamang ako kay Solara habang mahimbing itong nakahiga sa hospital bed. Ang putla ng mukha nito ngunit nananatili pa rin ang kagandahan niya. Para lamang siyang natutulog matapos mapagod sa buong maghapon.Pero alam kong hindi ganoon kasimple iyon.She’s fighting for her life.Dahan-dahan kong hinaplos ang malamig nitong kamay saka marahang pinisil iyon.“How are you, baby?” mahina kong saad habang pilit ngumingiti. “When are you going to wake up, huh? Draexis and I are wai
CHAPTER 80DRAVEN’S POV:I don’t even know how many days I’ve been staying in this hospital.Halos dito na kami nakatira ni Draexis.Every single day felt like hell.Bawat segundo na nakikita kong walang malay si Solara ay parang unti-unting may pumapatay sa akin.Tahimik kong pinagmamasdan si Solara habang nakahiga siya sa hospital bed. Ang dating masigla niyang mukha ay ngayon ay maputla at halos wala nang emosyon.Parang natutulog lang siya.Pero alam kong hindi ganoon kasimple iyon.At mas lalong hindi ko kayang tanggapin na muntik na siyang mawala sa amin ni Draexis.— FLASHBACK —“Why did she fall into a coma? How did this happen, Doc?” nanginginig kong tanong habang hindi inaalis ang tingin kay Solara.Malalim na napabuntong-hininga ang doktor bago seryosong tumingin sa akin.“Matindi ang trauma na naranasan ng katawan at utak niya,” paliwanag nito. “Base sa kondisyon niya, ilang araw siyang dehydrated, kulang sa pagkain, sobrang stressed, at may mga injuries na hindi agad naga
SOLARA'S POV:Nanghihina na ako.Pakiramdam ko, anumang oras ay bibigay na ang katawan ko dahil sa sobrang sakit at pagod. Gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko at hayaang lamunin ako ng dilim.Iniwan nila ako rito sa loob ng madilim na bodega kasama ang isang armadong bantay. Tanging malamlam na ilaw lamang mula sa labas ang bahagyang sumisilip sa loob kaya halos wala akong makita.“Ahhh…” napahiyaw ako nang gumalaw ako nang kaunti.Hindi ako makasandal dahil sa hapdi ng mga sugat ko sa likod. Para bang bawat galaw ko ay may ilang daang karayom na tumutusok sa balat ko.Nilalamig na rin ako.Basang-basa pa rin ang katawan ko matapos nila akong paulit-ulit na ilublob sa drum na puno ng tubig kanina.Niyakap ko ang sarili ko kahit nakatali pa rin ang mga kamay ko.Sa labas ay naririnig ko ang sunod-sunod na putok ng baril at yabag ng mga taong nagtatakbuhan.Hanggang sa maya-maya ay may narinig akong malakas na kalabog.May kung sinong pilit itong itinutulak mula sa labas para mabuks
SOLARA'S POV:Pinuno nila ang isang malaking drum ng tubig habang ako’y nakaluhod lang sa malamig na sahig. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi lang dahil sa lamig kundi dahil alam ko na agad kung ano ang balak nilang gawin.Nanikip ang dibdib ko.“Tanggalan niyo ng tali ’yan. Alam niyo na ang gagawin.” malamig na utos ng pinuno ng mga ito.Agad nila akong kinalagan ngunit bago pa ako tuluyang makagalaw ay marahas nila akong hinila patayo saka inilapit sa drum na halos umaapaw sa tubig.“No! Let me go!” sigaw ko habang nagpupumiglas.Ngunit masyadong malalakas ang mga hayop na ito.Mariin nilang hinawakan ang likod ng ulo ko saka bigla akong inilublob sa tubig.“Hmp!”Biglang pumasok ang tubig sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng hangin. Nagpumiglas ako habang desperadong sinusubukang umahon ngunit lalo lamang nila akong diniinan.Pakiramdam ko’y sasabog ang dibdib ko sa kaba at takot.Ilang segundo pa lang ngunit parang isang oras na akong nalunod.Mga demonyo…Nang iahon nila
SOLARA'S POV:Ilang minuto pa ang lumipas habang nakatali ako sa malamig na upuan nang makarinig ako ng mabibigat na yabag na papalapit.Isa.Dalawa.Marami sila.Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bumukas ang kalawangin na pinto ng abandonadong warehouse na kinaroroonan ko.Dahan-dahang naglakad papasok ang grupo ng kalalakihan na puro armado. Nakasuot ng itim ang mga ito habang seryoso ang mga mukha.Nanlaki ang mga mata ko nang kusa silang humawi para bigyang-daan ang taong nasa likod nila.“Isabelle...?” mahina ngunit puno ng gulat na saad ko.Huminto ito sa harapan ko habang nakahalukipkip.Ngumisi siya.Pero hindi iyon normal na ngisi lang.Dahil isa iyong ngiti na puno ng galit, inggit, at kabaliwan.“Surprised?” natatawa nitong saad habang dahan-dahang lumalapit sa akin. “Did you miss me, Solara?”Matalim ko siyang tinitigan.“So ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng ‘to…” malamig kong saad.Humalakhak siya nang malakas tila ba natutuwa siya sa nangyayari sa buhay k
SOLARA'S POV:Habang abala sina Draven, Mr. Ramos, at ang mga IT specialist sa walang tigil na pag-iimbestiga tungkol sa harassment na nangyari sa labas ng club. Hinanap nila ang mga taong nasa likod nito. Pakiramdam ko naman ay unti-unti akong nilalamon ng kawalan ng silbi.Ayokong nakaupo lang dito habang silang lahat ay kumikilos.Kailangan ay may magawa rin ako.Kaya habang malalim akong nag-iisip ng paraan kung paano ako makakahanap ng lead, biglang nag-vibrate ang cellphone ko dahilan para mapatingin ako rito.Unknown number.Agad kong binuksan ang mensahe.“Hindi ko na kayang manahimik. Alam ko kung sino ang mastermind sa likod ng lahat ng gulo sa buhay mo…”Nanlaki ang mga mata ko.Mabilis na kumabog ang dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang mensahe.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.Mabilis akong nagtipa.“Who are you? How did you know my number? And who’s the mastermind? Tell me everything.” reply ko.Ilang minuto akong naghintay.Bawat segundo ay tila napakabagal


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




