"THANK YOU, Mr Dyson for allowing us to investigate inside your company. Thank you for helping us."
"You shouldn't thank me but the girl laying here. She's the one who convinced me, not to mention her loud voice."Hindi ko man nagawang imulat pa ang mga mata sa sobrang liwanag sa nasa harapan ay nagagawa ko namang pakinggang ang mga tunog sa paligid. Kahit noong una'y malabo ito, nalaman kong si Chief at si Sir Luke ito.Unti-unti kong tinakpan ang mga mata bago bumangon. Nakasisilaw kasi ang ilaw at kailangan kong bumangon para hindi tuluyang mabulag."Hey! Hindi ka pa gaanong malakas!" agad akong natigilan nang bigla akong alalayan nang kung sino sa aking likod at inalalayan upang makasandal ng ayos sa head ng kama.Nang maramdamang tumahimik na ang buong paligid, saka ko lamang iminulat ang mga mata at laking gulat nang makita ang presensya ng girlfriend ni Nathan ang nasa harapan ko. Nginitian niya ako ng marahan at kinawayan pa.AGAD AKONG napabangon at bumangon na. Inalalayan naman ako ng nars bago ako nilisan. Alam kong magtatawag na naman iyon ng backup at ayaw ko pa nmang pinagtutulungan ako. Katulad na lamang ng ginawa sa akin bago ako mabaril. Isang araw ang lumipas at kausap ko ang doktor. Tuwid na akong nakatatayo at mayroong lakas na rin upang magmakaawa sa kaniya. Gustong-gusto ko na talagang makaalis dito at bagot na bagot na ako."Pwede naman kitang palabasin ngayon na," ani doktor bago lumapit sa mini drawer ng kuwarto ko at kinuha lahat ng gamot ko. "Basta tatandaan mo lang ang oras ng pag-inom mo ng gamot. Okay?"Kaagad na nagliwanag ang aking mukha at lumapit na sa kaniya. Buti na lang at ang doktor na ito ay kapatid ng girlfriend ni Nathan. Alam ko namang hindi niya ako matitiis dahil bestie ako ng kapatid niyang bunso."Yes, yes! I promise, iinumin ko lahat iyan nang hindi nakalilimot."PANGITI-NGITI AKONG pumasok sa loob ng mansion ni Luke dal
LUMIPAS ANG ilan pang araw na nanatili lamang ako sa loob ng bahay. Pero kahit sinusunod ang favor kuno ni Luke, hindi ko maitatangging marami akong gustong malaman.Nagagawa ko nang makipag-usap sa kaniya na para bang wala na ang barricade na humahadlang sa akin upang kausapin siya ng pormal. In a span of time, lalo akong nananabik na malaman ang pagkatao niya.Hindi man niya ako hinahayaang umalis, gayunpaman ay nanatili rin siya sa loob ng mansyon. Hindi naman sa pag-assume pero, ramdam kong nais niya akong bantayan. Sino ba naman kasi ang gustong manatili sa tabi ng isang matigas na ulo at reklamador na tulad ko? Bukod sa kaibigan, nag-stay siya kaya kakaiba.Tanghalian na ngunit hindi pa rin naghahanda ng mesa. Wala rin akong nakikitang mga katulong sa paligid at mukhang bukod sa mga sekyu sa labas ay dalawa lang kaming nasa loob.Dahil sa pagtataka, agad kong hinanap ang CEO upang tanungin kung bakit walang tao. Alam kong nasa garden siya— palagi naman siyang naroon tuwing walan
HABANG KUMAKAIN, ramdam ko pa rin ang awkwardness between us. Nakatungo lang ako sa pagkain sa kaniyang tapat habang siya naman ay pormal na kumakain, walang kaide-ideya kung paano niya ginawang awkward muli ang pakikitungo ko sa kaniya."The Liempo's good. It's not really burnt or uncooked. You did a job well done here."Napaangat ako ng tingin at tipid siyang nginitian. Buti naman at na-realize niyang walang masama sa niluto ko kahit nananahimik ako."But why'd you cut yourself?" tuluyan akong napatigil sa pagkain nang tanungin niya ako tungkol sa nangyari kanina.With no chance, kaagad ko siyang tiningnan at sinagot saying, "Nagulat lang ako sa sinabi mo, sir. Hindi ko lang na-absorb kaagad kasi ang eerie sa pakiramdam."Saglit siyang napabungisngis palihim at nabigla ako roon. Ngayon naman, tumatawa na siya. Sa loob kasi ng panahong nagtatrabaho ako under niya ay hindi ko pa siya nakikitang tumatawa. Ngumingiti lang pero kapag kasama ang sekretarya o kaibigan niya.Ang totoo, naba
NANG MAKAUWI sa mansion ni Sir, dumiretso naman ako agad sa aking kuwarto upang makapagpalit ng damit at makapagpahinga.Habang kinukuskos ang mga nabasang buhok gamit ang tuwalya, naagaw ng aking atensyon ang tatlong shopping bags na ibinigay ni Sir Luke. Kahit nakita ko na ang mga gamit kanina, hindi ko pa rin mapigilang hindi magtaka kung bakit binilhan niya ako."Tsk, dapat itinabi ko na 'to." Nang hindi na makatiis ay agad kong kinuha sa loob ng bag ang mga damit at isinulat ito sa harapan ng salamin. Ang una kong pinulot ay ang coordinates na blazer, spaghetti strap top at pencil skirt. Maganda ito, sa totoo lang kaso ang problema, kulay pink.Hindi ako nagsusuot ng mga matitingkad na kulay lalong-lalo na ang kulay pink. Kung ganito namang mga palda, okay lang basta hindi ruffled o A-line or circle skirt. Kahinaan ko ang mga ganito. Ever since highschool never akong nagsuot ng hindi pencil or tube skirt.I roughly sighed and placed back the coordinates to its original bag. Hind
NAPALUNOK AKO bago napakamot na pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala akong kaide-ideya sa nangyari sa akin. Hindi ako naging updated, sila pa naman ang binabantayan ko.Without saying a word, binaba ko ang tawag. Bumalik ako sa post ko ngunit natigilan nang makita sa pinakadulo ng lugar ang sekretarya na si Daisy, parang mayroong kausap. Dahil sa pagtataka kung bakit ganoon siya, palihim ko siyang sinundan. Nagtago sa mga pader, halaman, at shelves, masundan lang siya.Nang makita siyang nakatigil at parang mayroong kinakausap. Gumilid ang leeg ko nang masilayan ang paglinga-linga siya sa paligid, katulad na lamang ng pagiging awkward niya nang makasabay ko."She's fishy," I whispered before taking her a picture. Hindi naman nagtagal ng ilang minuto ang kanilang pag-uusap kaya muli akong bumalik sa post ko.Habang naglalakad, ibinigay ko ang larawan kay Nathan at iminungkahing imbestigahan si Daisy.Nakita ko naman si Daisy'ng papalapit sa department office kaya nag-iwas
SANDALI PANG nagtagal ang aming titigan ni sir bago ko naisipang bumitaw at padarag siyang itinulak muli. Patakbo kong kinuha ang aking baril at mula sa basag na glass wall ay pinaputukan ko ang tatlong taong tumatakbo palayo.Dinukot ko ang aking cellphone at tinawagan ni Nathan. Gusto kong humingi ng backup para sa nangyari dahil naiipit na si Sir Luke sa gulo. Nang makailang ring at hindi niya pini-pickup, lumingon ako sa gawi ni Sir Luke na tumatawag na rin kung kanino.Lapit ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang likod. Lubos akong nag-aalala para sa kaniyang kalagayan at kaligtasan. Kailangan niyang magpahinga. Kailangan niyang umuwi.[On the way na kami sa Dyson Financial, tinawagan ni CEO si Chief, eh. Ayos lang ba kayo?] tanong ng kausap sa kabilang linya at kahit alam kong hindi naman niya kita, tumango ako."Umuwi na po tayo, sir," matigas kong utos sa kanya at halos gumaralgal na ang boses dahil sa biglaang nangyari. Tanging pagtanggi ang nagawa ng kausap at kinuha na ang k
LUMIPAS ANG oras at tanghali na ako nagising. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo. Matapos noon, lumabas na ako ng kuwarto at naabutang nag-aalis ng sapatos si Luke. Sa aking pagkawindang agad ko siyang sinugod at tinanong."SIR, LUMABAS KA BA?"hindi ko maiwasang hindi mainis dahil nakaporma pa siya at parang nakipag-date. Alam naman niyang delikado ang kalagayan niya tapos ang lakas ng loob niyang lumabas.Nag-angat siya ng tingin at nakakunot-noong tiningnan ako. "Why you mad? I just went to attorney Protacio to know what happened. What's wrong?""What's wrong?" Hindi ko maiwasang hindi mainis. "Ipinagbabawal po kayong lumabas. Paano na lang kung mangyari ulit 'yong kahapon? Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo?""I am with the guards. And I went home safely. It's not my fault na hindi mo ako sinamahan, okay?"Agad akong napasinghap sa inis dahil pinapalabas niyang parang ako pa ang mayroong kasalanan. Inirapan ko siya at napabuntong-hininga, hinahayaan ang sariling kumalma.
SUOT ANG kulay sky blue'ng floral dress na lampas hanggang tuhod at itim na stilleto, lumabas ako ng aking kuwarto at mahigpit na napakapit sa gold straps ng bag ko.Hindi niya ako pinayagang jeans ang isuot ko. Aniya, mamahalin daw ang restaurant na kaniyang ini-booked para magsuot ako ng damit na para bang pupunta lang akong sinehan. Kaya, wala akong choice kundi suotin ang isa sa ibinigay niyang damit.Nang tuluyang makalabas, ang nakatalikod niyang physique ang sa akin ay tumambad. Halatang naka-collared long sleeves ito at itim na pantalon. Nang humarap siya, ngumiti siya sa akin at parang tangang pumalakpak pa."I was right, after all. The dress fits you well."He looked manly in his long sleeves with two of his buttons are unbuttoned. Naka-tucked in din ang mga ito at naamoy ko ang tapang ng kaniyang pabango."Pasalamat ka't wala akong dalang damit na gan'to. Hindi ako sanay na magsuot ng gan'to pero ginawa ko pa rin para sundin mo ang magiging utos ko," pormal kong pahayag at