Share

MS13.5: Say Yes

LUMIPAS ANG oras at tanghali na ako nagising. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo. Matapos noon, lumabas na ako ng kuwarto at naabutang nag-aalis ng sapatos si Luke. Sa aking pagkawindang agad ko siyang sinugod at tinanong.

"SIR, LUMABAS KA BA?"

hindi ko maiwasang hindi mainis dahil nakaporma pa siya at parang nakipag-date. Alam naman niyang delikado ang kalagayan niya tapos ang lakas ng loob niyang lumabas.

Nag-angat siya ng tingin at nakakunot-noong tiningnan ako. "Why you mad? I just went to attorney Protacio to know what happened. What's wrong?"

"What's wrong?" Hindi ko maiwasang hindi mainis. "Ipinagbabawal po kayong lumabas. Paano na lang kung mangyari ulit 'yong kahapon? Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo?"

"I am with the guards. And I went home safely. It's not my fault na hindi mo ako sinamahan, okay?"

Agad akong napasinghap sa inis dahil pinapalabas niyang parang ako pa ang mayroong kasalanan. Inirapan ko siya at napabuntong-hininga, hinahayaan ang sariling kumalma.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status