Se connecterCELESTIA'S POV
Ang mundong binuo ko sa loob ng tatlong taon ay gumuho sa isang iglap. Hindi dahil sa putok ng baril sa labas, kundi dahil sa pitong salitang binitawan ni Lex. “Kaleb is not my son, Celestia.” Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. My mind raced, searching for any logical explanation. Impossible. Si Lex lang ang lalaking minahal ko. Siya lang ang lalaking ginalaw ko. Siya lang ang tanging arkitekto ng gabing iyon sa penthouse na nagbunga kay Kaleb. “Lex, hindi totoo 'yan...” nauutal kong sabi, pero hindi na niya ako pinakinggan. Isang malakas na pagbasag ng salamin ang umalingawngaw mula sa sala. CRAAASH! Kasunod nito ang pagtili ni Jace mula sa kabilang kwarto at ang malakas na pag-iyak ni Kaleb na nagising dahil sa ingay. “Get down! Dapa, Celestia!” sigaw ni Lex. Mabilis niya akong hinila pababa sa carpet at sinalo ang umiiyak na si Kaleb mula sa kama. Naramdaman ko ang bigat ng katawan ni Lex na pilit kaming pinoprotektahan. Sa gitna ng dilim, tanging ang pulang laser light na gumagala sa pader ang nakikita ko. A sniper. May sniper sa tapat ng building. “Lex, Kaleb is scared!” hikbi ko habang pilit na inaabot ang anak ko. “Stay low, Cel! Don’t move!” Lex’s voice was no longer cold; it was the voice of a man in combat mode. Hinila niya kami patungo sa walk-in closet na walang bintana. Pagkapasok namin, agad niyang ni-lock ang pinto at binuhat si Kaleb na nanginginig sa takot. “Mommy! Daddy!” iyak ni Kaleb, mahigpit ang kapit sa leeg ni Lex. Kahit sa gitna ng panganib, tila huminto ang oras ko nang marinig ang tawag ni Kaleb kay Lex. Daddy. Ang sakit. Ang sakit dahil alam kong totoo ang nararamdaman ng anak ko, pero may papel na nagsasabing hindi sila magkadugo. Tumahimik ang paligid, pero hindi pa rin kami lumalabas. Ang tanging maririnig ay ang mabilis na paghinga ni Lex at ang mahinang hikbi ni Kaleb na muling nakatulog sa bisig ng lalaking itinatwa siya base sa isang test. “Lex, kailangan nating mag-usap,” bulong ko. “Hindi ko alam kung ano ang lumabas sa test na 'yan, pero sumusumpa ako sa buhay ng anak ko… ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Wala nang iba.” Hinarap ako ni Lex. Sa dilim ng closet, ang mga mata niya ay tila dalawang baga na nagniningas. “Then explain the results, Cel! I used the most advanced lab in the country. Isang oras lang ang hinintay ko para sa rapid test. Negative, Celestia. Zero percent probability.” “Baka nagkamali sila! Baka pinakealaman ni Jace!” giit ko. Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi niya. “Jace was with me the whole time. Siya ang nag-abot ng sample sa lab technician. Why would she sabotage it? She’s my legal counsel.” “Dahil gusto ka niya, Lex! Ayaw niyang magkaroon ka ng anak sa akin!” Bago pa makasagot si Lex, bumukas ang pinto ng closet. Tumambad sa amin ang head of security ni Lex na si Marcus, kasama ang dalawang armadong bodyguards. “Sir, the area is clear. We neutralized the drone sniper. It was a remote-controlled weapon, walang tao sa kabilang building,” ulat ni Marcus. “But we found something else. May nakapasok sa server room ng penthouse bago pa mangyari ang putukan.” Kumunot ang noo ni Lex. Inabot niya sa akin si Kaleb at tumayo. “Sino?” “Hindi namin nakita ang mukha, Sir. But they left a message on your main monitor.” Dinala kami ng security sa main office ni Lex. Nakasunod ako, bitbit ang natutulog na si Kaleb. Si Nanay Ising ay kasama na namin muli, nanginginig sa takot habang nakakapit sa braso ko. Sa malaking monitor ni Lex, may nakasulat na pulang mga letra “THE BLUEPRINT HAS A FLAW. THE HEIR IS A LIE. THE MARQUEZ DEBT MUST BE PAID IN BLOOD.” Nanlamig ang buong pagkatao ko. Hindi lang ito tungkol sa amin ni Lex. Ito ay tungkol sa kumpanya ng tatay ko. Isang pagbabanta mula sa mga taong gustong tuluyang ubusin ang pamilya Marquez. “Jace!” sigaw ni Lex. Lumabas si Jace mula sa anino, maayos na ang suot pero halatang balisa. “Yes, Lex?” “Where is the DNA report? I want to see the physical copy, not just the text notification,” utos ni Lex. “Nasa baba pa, Lex. Susunduin pa lang ng courier—” “No need,” putol ni Lex. Kinuha niya ang kanyang laptop at mabilis na nag-type. His fingers moved with lightning speed, the brilliant engineer at work. “I’m hacking into the lab’s mainframe. Kung may nag-alter ng results sa server nila, malalaman ko.” Katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto. Ang tanging tunog ay ang mabilis na pagpindot ni Lex sa keyboard. Nakatitig lang ako sa kanya, nagdarasal na sana ay mahanap niya ang katotohanan. Makalipas ang ilang minuto, biglang huminto si Lex. Ang kanyang mukha ay naging estatwa. “What is it, Lex?” tanong ko, halos hindi makahinga. “The digital file in the lab... it says Kaleb is 99.9% my son,” bulong ni Lex. Nanlaki ang mga mata ni Jace. “That’s impossible! I saw the notification on your phone, Lex! It said negative!” Humarap si Lex kay Jace, ang titig niya ay kasing talim ng katana. “Exactly. Ang notification na natanggap ko ay dumaan sa private server ng Riverra Tower bago nakarating sa phone ko. Someone intercepted the data and changed the word 'Positive' to 'Negative'.” Tumingin si Lex kay Marcus. “Check the logs. Sino ang may access sa private server ko sa loob ng huling tatlong oras?” Yumuko si Marcus. “Sir... only two people have that level of access. You... and Attorney Valez.” Lahat kami ay napatingin kay Jace. Namutla ang babae, pilit na umaatras. “Lex, hindi ko gagawin 'yon! Naniniwala ka ba talaga sa kanya?! Baka siya ang gumawa niyan para pag-awayin tayo!” “I built that server, Jace,” Lex said, his voice dropping to a dangerous, low octave. “I know every digital footprint left behind. You didn’t just change the result. You also tipped off the 'snipers' para magkaroon ng gulo at hindi ko na maberipika ang test, 'di ba?” “No! Lex, please!” “Marcus, take her to the holding room. I’ll deal with her later,” utos ni Lex nang walang bahid ng awa. Nang mailabas na si Jace, naiwan kaming tatlo, ako, si Lex, at ang anak naming si Kaleb na himbing na himbing sa gitna ng kaguluhan. Binuhat ni Lex si Kaleb mula sa aking mga bisig. Sa pagkakataong ito, wala nang pag-aalinlangan. Hinalikan niya ang noo ng bata, isang aksyong puno ng pagsisisi at pagmamahal. “I’m sorry, Cel,” bulong niya habang nakatingin sa bata. “Pati ang sarili kong anak, pinag-dudahan ko dahil sa galit ko sa'yo.” “Lex, kailangan nating umalis dito,” sabi ko. “Kung nagawa ni Jace na mag-set up ng sniper, ibig sabihin hindi lang siya ang kalaban natin. Sabi sa monitor, the Marquez debt must be paid in blood. My father... Lex, baka nasa panganib si Papa sa ospital!” Agad na tumigas ang mukha ni Lex. “Marcus! Prepare the convoy. We’re going to St. Jude Memorial. Ngayon din!” Mabilis kaming bumaba patungo sa parking basement. Puno ng armadong escort ang paligid. Sumakay kami sa bulletproof SUV ni Lex. Habang binabaybay namin ang kalsada ng Makati sa gitna ng madaling araw, hinawakan ni Lex ang kamay ko nang mahigpit. “I won’t let them touch your father, Cel. And I won’t let them touch you or Kaleb again. I promise.” Nakahinga ako nang maluwag, pero panandalian lang iyon. Pagdating namin sa St. Jude, sinalubong kami ng nagkakagulong mga nurse at security. “Mr. Riverra! Ms. Marquez!” sigaw ng head nurse. “I’m so sorry! Kinuha po nila si Don Ricardo!” “Anong kinuha?!” sigaw ni Lex. “May mga nagpanggap na medical team... dinala po nila ang pasyente sa rooftop. May chopper pong naghihintay!” Mabilis kaming tumakbo patungo sa rooftop, pero bago pa namin mabuksan ang pinto, isang pamilyar na boses ang narinig namin mula sa intercom ng hagdanan. “Tsk, tsk. Napakabagal mo pa rin, Lexius. Kung gusto mong makitang buhay ang biyenan mo, bitawan mo ang baril mo at pumasok ka rito… mag-isa.” Nanlamig ako. Ang boses na iyon... hindi iyon kay Jace. Ito ang boses ng taong tatlong taon ko nang pilit na kinakalimutan. Ang taong akala naming dalawa ni Lex ay matagal nang patay.CELESTIA'S POV:Ang rooftop ng St. Jude Memorial Hospital ay nababalot ng ingay mula sa malakas na hangin at ang papalapit na ugong ng helicopter. Pero para sa akin, tila tumigil ang mundo. Ang boses na narinig ko sa intercom ay sapat na para mangatog ang aking mga tuhod."Lex, huwag..." pigil ko sa kanya. "Ang boses na 'yon... hindi maaari."Hindi sumagot si Lex. Ang kanyang panga ay mariing nakatirik, ang kanyang mga mata ay puno ng purong galit. Alam niya. Alam niya kung kanino ang boses na iyon. Ang boses ni Prince Valez, ang pinsan ni Jace at ang lalaking akala namin ay namatay sa isang trahedya sa dagat tatlong taon na ang nakakaraan."Stay here with the security, Cel. Bantayan mo si Kaleb," utos ni Lex sa akin, ang boses ay kasing lamig ng hanging madaling-araw."No! Lex, kukunin nila si Papa!""I said stay!" sigaw niya, sabay tulak sa akin pabalik sa loob ng hallway at mabilis na ni-lock ang pinto mula sa labas."Lex! Lex, buksan mo ito!" sigaw ko habang hinahampas ang bakal n
CELESTIA'S POV Ang mundong binuo ko sa loob ng tatlong taon ay gumuho sa isang iglap. Hindi dahil sa putok ng baril sa labas, kundi dahil sa pitong salitang binitawan ni Lex. “Kaleb is not my son, Celestia.” Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. My mind raced, searching for any logical explanation. Impossible. Si Lex lang ang lalaking minahal ko. Siya lang ang lalaking ginalaw ko. Siya lang ang tanging arkitekto ng gabing iyon sa penthouse na nagbunga kay Kaleb. “Lex, hindi totoo 'yan...” nauutal kong sabi, pero hindi na niya ako pinakinggan. Isang malakas na pagbasag ng salamin ang umalingawngaw mula sa sala. CRAAASH! Kasunod nito ang pagtili ni Jace mula sa kabilang kwarto at ang malakas na pag-iyak ni Kaleb na nagising dahil sa ingay. “Get down! Dapa, Celestia!” sigaw ni Lex. Mabilis niya akong hinila pababa sa carpet at sinalo ang umiiyak na si Kaleb mula sa kama. Naramdaman ko ang bigat ng katawan ni Lex na pilit kaming pinoprotektahan. Sa gitna ng dilim, tanging ang
CELESTIA’S POV Nanatiling nakapako ang tingin ko sa monitor ng intercom. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay tila tumigil. Ang babaeng nasa screen ay walang iba kundi si Attorney Jace Valez, ang babaeng laging nakabuntot kay Lex at kilala bilang "Ice Queen" ng legal department. At ang mas malala, karga-karga niya ang isang batang mahimbing na natutulog. Si Kaleb. "Lex, please... let me go down," nauutal kong sabi. Susubukan ko pa sanang bawiin ang phone ko pero mas lalong humigpit ang hawak ni Lex sa balikat ko. "No," madiin niyang sagot. Ang boses niya ay gumaralgal, puno ng halo-halong galit, gulat, at isang emosyong hindi ko maipaliwanag. Tumingin siya sa intercom. "Let them up." "Lex, no! Huwag!" pagmamakaawa ko, pero huli na. Pindot na niya ang button para payagan ang elevator. Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay tila nagniningas sa dilim ng banyo. "Three years, Cel. Tatlong taon mo akong pinagmukhang tanga? Habang nagpapakasasa ka sa London, may itinata
CELESTIA’S POV Hindi ako makahinga nang maayos habang nakatitig sa itim na folder na nasa harap ko. Ang bawat salitang nakasulat sa kontrata ay parang mga kadenang dahan-dahang pumupulupot sa leeg ko. Executive Assistant. Twenty four seven. Staying at his penthouse. “Lex, hindi maaari ito,” mahina pero madiin kong sabi. Ginagamit ko ang palayaw niya na dati ay nagpapalambot sa puso niya, sa pangarap na baka may matira pang kahit katiting na awa sa loob ng dibdib niya. Pero nagkamali ako. Sa pagbanggit ko ng pangalan niya, mas lalong tumalim ang titig ni Lex Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Don’t call me Lex Celestia. You lost that right the moment you ran away without a word,” malamig niyang sagot. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay parang tunog ng martilyo sa kabaong ko. “It’s Mr. Riverra to you. At tungkol sa kontrata… wala kang choice. You’re desperate, and I’m the only one who can sign the check that will keep your f
CELESTIA’S POV Sabi nila, mistakes are meant to be lessons. Pero sa mundo ng mga bilyonaryo, ang isang pagkakamali ay hatol ng kamatayan. Para itong mantsa sa isang mamahaling white silk dress, kahit anong kuskos, kahit anong laba, laging may naiiwan na bakas. Isang paalala na minsan kang naging marupok. Minsan kang naging tanga. Three years ago, ako ang Diamond ng pamilya Marquez. I had the grace, the name, and the future everyone envied. Pero sa loob lang ng isang gabi, lahat ’yon natunaw na parang kandila sa ilalim ng matinding init. — “Lex, please... explain this to me.” Ramdam ko ang bawat patak ng ulan sa labas habang nakatayo ako sa gitna ng kanyang penthouse. Ang hangin ay amoy mamahaling Macallan at ang kanyang signature citrus-and-wood perfume. Pero mas nangingibabaw ang amoy ng pagtataksil. Hawak ko ang isang dokumento, ang lihim na kasunduan ng pamilya niya para tuluyang ilubog ang kumpanya ng tatay ko. Ang masakit? ay ang makitang pirma nya ang naka sulat doon







