共有

CHAPTER TWO

作者: Msskygirl
last update 公開日: 2026-03-13 15:21:11

CELESTIA’S POV

Hindi ako makahinga nang maayos habang nakatitig sa itim na folder na nasa harap ko. Ang bawat salitang nakasulat sa kontrata ay parang mga kadenang dahan-dahang pumupulupot sa leeg ko. Executive Assistant. Twenty four seven. Staying at his penthouse.

“Lex, hindi maaari ito,” mahina pero madiin kong sabi. Ginagamit ko ang palayaw niya na dati ay nagpapalambot sa puso niya, sa pangarap na baka may matira pang kahit katiting na awa sa loob ng dibdib niya.

Pero nagkamali ako. Sa pagbanggit ko ng pangalan niya, mas lalong tumalim ang titig ni Lex

Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi.

“Don’t call me Lex Celestia. You lost that right the moment you ran away without a word,” malamig niyang sagot.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay parang tunog ng martilyo sa kabaong ko.

“It’s Mr. Riverra to you. At tungkol sa kontrata… wala kang choice. You’re desperate, and I’m the only one who can sign the check that will keep your father in that hospital and your company out of the dirt.”

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pen. Naiisip ko si Kaleb. Paano ko siya itatago kung kailangan kong manatili sa tabi ni Lex bente-kwatro oras? Paano kung makita niya ang mga mata ng anak ko na tila pinagbiyak na bunga ng sa kanya?

Para kay Kaleb ito, Cel. Kayang-kaya mo ito, pagpapatatag ko sa sarili ko.

Mabilis kong nilagdaan ang papel bago pa magbago ang isip ko. Sa bawat kaskas ng bolpen, pakiramdam ko ay ibinibenta ko ang kaluluwa ko sa demonyong nasa harap ko.

“Good,” sabi niya sabay hablot ng folder. “My driver will pick you up at exactly five PM. Don’t be late. Ayaw ko ng pinaghihintay, lalo na ng isang katulad mo.”

Eksaktong alas-singko, isang itim na Rolls Royce ang huminto sa tapat ng tinutuluyan kong lumang apartment.

Mabilis kong hinalikan si Kaleb sa noo habang mahimbing siyang natutulog.

“Yaya, please… huwag niyo siyang pababayaan. Huwag niyo rin siyang hahayaang lumabas ng unit. Tatawag ako gabi-gabi,” bulong ko sa yaya ni Kaleb na si Nanay Ising.

“Huwag kang mag-alala, Cel. Mag-iingat kami rito. Mag-ingat ka rin sa lalaking iyon,” sagot ni Nanay Ising na bakas ang pag-aalala.

Paglabas ko, sinalubong ako ng driver ni Lex. Pagdating sa penthouse, tila bumalik lahat ng sakit. Ito ang lugar kung saan kami madalas magkasama noon. Ito rin ang lugar kung saan gumuho ang mundo ko. Ang bawat gamit, ang amoy ng hangin, lahat ay nagpapaalala sa akin ng nakaraan.

“Take your things to the guest room beside my master suite,” utos ni Lex habang nakasandal sa pinto ng kanyang bar, may hawak na baso ng whiskey.

“And from now on, you don’t go anywhere without my permission. Is that clear?”

“Opo, Mr. Riverra,” sagot ko habang nakayuko.

“Good. Now, go change. May dinner meeting tayo sa labas. Wear something… presentable. I want everyone to see what the great Celestia Marquez has become, my personal servant.”

Masakit. Bawat salita niya ay parang latigo. Pero tiniis ko. Nagbihis ako ng isang simpleng black cocktail dress at sumama sa kanya. Buong gabi, tila ako isang anino sa likod niya.

Pinapanood ko siyang makipag-usap sa mga business partners niya nang may awtoridad at talino. Si Lex ay isang mahusay na engineer, at kitang-kita sa bawat kilos niya kung paano niya binuo ang imperyo niya mula sa galit.

Malalim na ang gabi nang makabalik kami sa penthouse. Pagod na pagod ang katawan at isip ko. Gusto ko lang marinig ang boses ng anak ko.

Nang masiguro kong pumasok na si Lex sa kwarto niya, mabilis akong pumasok sa banyo at ni-lock ang pinto.

Nanginginig ang mga daliri ko habang dinadial ang number ni Nanay Ising.

“Hello, Nay? Gising pa ba si Kaleb?” pabulong kong tanong sa kabilang linya.

“Cel! Mabuti tumawag ka. Hinahanap ka ng bata, ayaw matulog. Gusto raw marinig ang boses mo,” sagot ni Nanay Ising.

Maya-maya pa, narinig ko na ang maliit na boses na nagpapaluha sa akin gabi-gabi. “Mommy? Where are you? Uwi ka na po…”

“Baby, behave ka muna kay Nanay Ising, ha? May work lang si Mommy. I love you so much, Kaleb. You are Mommy’s brave little boy…” pinipigilan kong humikbi para hindi niya mahalata na umiiyak ako.

“I love you too, Mommy. Miss you po…”

Ipinikit ko ang mga mata ko, ini-imagine na kayakap ko ang anak ko. Sa gitna ng dilim at takot, si Kaleb lang ang tanging liwanag ko. Pero sa gitna ng pag-uusap namin, biglang nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto ng banyo.

TOK! TOK! TOK!

“Celestia! What are you doing in there? Sino ang kausap?!”

Napatalon ako sa gulat. Si Lex. Mabilis kong pinatay ang tawag at itinago ang phone sa likod ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at binuksan ang pinto.

Nakatayo si Lex sa harap ko, magulo ang buhok at bukas ang unang dalawang butones ng polo niya. Amoy whiskey siya, at ang mga mata niya ay mapanuri.

“Sino ang kausap mo?” madiin niyang tanong. “I told you, no secrets.”

“Wala… wala akong kausap, Mr. Riverra. Nag-aayos lang ako ng gamit,” pagsisinungaling ko, umiiwas ng tingin.

Hindi siya naniwala. Humakbang siya palapit, dahilan para mapaatras ako hanggang sa sumandal ang likod ko sa sink ng banyo. Kinuha niya ang phone sa kamay ko bago ko pa ito maitago nang maayos.

“Give it back!” sigaw ko, pero huli na.

Tiningnan niya ang call log. Nakita niya ang pangalang “Nanay Ising.” Pero hindi iyon ang kumuha ng atensyon niya. May isang message na kapapasok lang mula sa number na iyon.

“Cel, nakatulog na si Kaleb. Sabi niya, dream daw niya si Daddy Lex niya.”

Nanlaki ang mga mata ko. Ang puso ko ay tila gustong lumabas sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok. Tumingin si Lex sa akin, ang kanyang mga mata na dati ay puno ng galit ay napalitan ng isang matinding pagkalito at gulat.

“Who is Kaleb, Celestia?” tanong niya, ang boses niya ay gumaralgal. “At bakit… bakit tinatawag niya akong Daddy?”

Napalunok ako. Wala na akong matatakbuhan. Ang sikretong iningatan ko sa loob ng tatlong taon ay tila guguho na sa harap ko.

“Lex, let me explain…”

“Sino si Kaleb?!” sigaw niya, sabay hawak nang mahigpit sa magkabilang balikat ko. “Is he mine, Cel? Sabihin mo sa akin ang totoo!”

Tinitigan ko siya sa mga mata. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, isa lang ang naging sagot ko na alam kong magpapabago sa buhay naming dalawa habambuhay.

“He has your eyes, Lex. Exactly like yours.”

Bago pa makapagsalita si Lex, biglang tumunog ang intercom ng penthouse. Isang boses ng security guard ang narinig sa buong suite.

"Mr. Riverra, pasensya na po sa istorbo, pero may isang babae po rito sa baba... dala po ang isang bata. Sabi po niya, kailangan niya raw po kayong makausap dahil emergency tungkol sa anak niyo."

Sabay kaming napatingin ni Lex sa monitor. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko kung sino ang nasa screen. Hindi iyon si Nanay Ising.

Sino ang babaeng may bitbit sa anak ko sa gitna ng hatinggabi? At paano niya nalaman ang lugar na ito?

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Mistakes and Beyond   CHAPTER FIVE

    CELESTIA'S POV:Ang rooftop ng St. Jude Memorial Hospital ay nababalot ng ingay mula sa malakas na hangin at ang papalapit na ugong ng helicopter. Pero para sa akin, tila tumigil ang mundo. Ang boses na narinig ko sa intercom ay sapat na para mangatog ang aking mga tuhod."Lex, huwag..." pigil ko sa kanya. "Ang boses na 'yon... hindi maaari."Hindi sumagot si Lex. Ang kanyang panga ay mariing nakatirik, ang kanyang mga mata ay puno ng purong galit. Alam niya. Alam niya kung kanino ang boses na iyon. Ang boses ni Prince Valez, ang pinsan ni Jace at ang lalaking akala namin ay namatay sa isang trahedya sa dagat tatlong taon na ang nakakaraan."Stay here with the security, Cel. Bantayan mo si Kaleb," utos ni Lex sa akin, ang boses ay kasing lamig ng hanging madaling-araw."No! Lex, kukunin nila si Papa!""I said stay!" sigaw niya, sabay tulak sa akin pabalik sa loob ng hallway at mabilis na ni-lock ang pinto mula sa labas."Lex! Lex, buksan mo ito!" sigaw ko habang hinahampas ang bakal n

  • Mistakes and Beyond   CHAPTER FOUR

    CELESTIA'S POV Ang mundong binuo ko sa loob ng tatlong taon ay gumuho sa isang iglap. Hindi dahil sa putok ng baril sa labas, kundi dahil sa pitong salitang binitawan ni Lex. “Kaleb is not my son, Celestia.” Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. My mind raced, searching for any logical explanation. Impossible. Si Lex lang ang lalaking minahal ko. Siya lang ang lalaking ginalaw ko. Siya lang ang tanging arkitekto ng gabing iyon sa penthouse na nagbunga kay Kaleb. “Lex, hindi totoo 'yan...” nauutal kong sabi, pero hindi na niya ako pinakinggan. Isang malakas na pagbasag ng salamin ang umalingawngaw mula sa sala. CRAAASH! Kasunod nito ang pagtili ni Jace mula sa kabilang kwarto at ang malakas na pag-iyak ni Kaleb na nagising dahil sa ingay. “Get down! Dapa, Celestia!” sigaw ni Lex. Mabilis niya akong hinila pababa sa carpet at sinalo ang umiiyak na si Kaleb mula sa kama. Naramdaman ko ang bigat ng katawan ni Lex na pilit kaming pinoprotektahan. Sa gitna ng dilim, tanging ang

  • Mistakes and Beyond   CHAPTER THREE

    CELESTIA’S POV Nanatiling nakapako ang tingin ko sa monitor ng intercom. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay tila tumigil. Ang babaeng nasa screen ay walang iba kundi si Attorney Jace Valez, ang babaeng laging nakabuntot kay Lex at kilala bilang "Ice Queen" ng legal department. At ang mas malala, karga-karga niya ang isang batang mahimbing na natutulog. Si Kaleb. "Lex, please... let me go down," nauutal kong sabi. Susubukan ko pa sanang bawiin ang phone ko pero mas lalong humigpit ang hawak ni Lex sa balikat ko. "No," madiin niyang sagot. Ang boses niya ay gumaralgal, puno ng halo-halong galit, gulat, at isang emosyong hindi ko maipaliwanag. Tumingin siya sa intercom. "Let them up." "Lex, no! Huwag!" pagmamakaawa ko, pero huli na. Pindot na niya ang button para payagan ang elevator. Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay tila nagniningas sa dilim ng banyo. "Three years, Cel. Tatlong taon mo akong pinagmukhang tanga? Habang nagpapakasasa ka sa London, may itinata

  • Mistakes and Beyond   CHAPTER TWO

    CELESTIA’S POV Hindi ako makahinga nang maayos habang nakatitig sa itim na folder na nasa harap ko. Ang bawat salitang nakasulat sa kontrata ay parang mga kadenang dahan-dahang pumupulupot sa leeg ko. Executive Assistant. Twenty four seven. Staying at his penthouse. “Lex, hindi maaari ito,” mahina pero madiin kong sabi. Ginagamit ko ang palayaw niya na dati ay nagpapalambot sa puso niya, sa pangarap na baka may matira pang kahit katiting na awa sa loob ng dibdib niya. Pero nagkamali ako. Sa pagbanggit ko ng pangalan niya, mas lalong tumalim ang titig ni Lex Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Don’t call me Lex Celestia. You lost that right the moment you ran away without a word,” malamig niyang sagot. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay parang tunog ng martilyo sa kabaong ko. “It’s Mr. Riverra to you. At tungkol sa kontrata… wala kang choice. You’re desperate, and I’m the only one who can sign the check that will keep your f

  • Mistakes and Beyond   CHAPTER ONE

    CELESTIA’S POV Sabi nila, mistakes are meant to be lessons. Pero sa mundo ng mga bilyonaryo, ang isang pagkakamali ay hatol ng kamatayan. Para itong mantsa sa isang mamahaling white silk dress, kahit anong kuskos, kahit anong laba, laging may naiiwan na bakas. Isang paalala na minsan kang naging marupok. Minsan kang naging tanga. Three years ago, ako ang Diamond ng pamilya Marquez. I had the grace, the name, and the future everyone envied. Pero sa loob lang ng isang gabi, lahat ’yon natunaw na parang kandila sa ilalim ng matinding init. — “Lex, please... explain this to me.” Ramdam ko ang bawat patak ng ulan sa labas habang nakatayo ako sa gitna ng kanyang penthouse. Ang hangin ay amoy mamahaling Macallan at ang kanyang signature citrus-and-wood perfume. Pero mas nangingibabaw ang amoy ng pagtataksil. Hawak ko ang isang dokumento, ang lihim na kasunduan ng pamilya niya para tuluyang ilubog ang kumpanya ng tatay ko. Ang masakit? ay ang makitang pirma nya ang naka sulat doon

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status