Share

Chapter 12 Ang Pagsasama nina Storm at Judith

"PASENSIYA na po kayo kung nagpakasal kami ng biglaan ni Judith. Ayaw ko na ho kasing magkaroon pa ng hadlang sa aming pagmamahalan."

Agad lumipad ang tingin ni Judith kay Storm. Hindi niya kasi akalain na napakagaling pala nitong artista. Sila, nagmamahalan?

"Ang importante sa akin kasal na kayo at kahit mawala ako sa muñdong ito, alam kong may titingin at mag-aalaga na kay Judith. Huwag na huwag mo siyang sasaktan kung ayaw mong hilahin ko ang paa mo at isama ka sa ilalim ng hukay."

"Huwag nga kayong magsalita ng ganyan," mariin niyang sabi rito. May kilabot kasi siyang naramdaman dahil sa sinabi ng kanyang stepfather. Pagkaraan ng ilang sandali, si Storm naman ang kanyang binalingan. "Okay na ang Tatay Samuel ko, hindi ba?"

Wari'y naramdaman ni Storm ang kanyang takot kaya hinagilap muna nito ang kanyang palad bago nagsalita. "Kailangan lang niya ng sapat na pahinga."

"Kaya, maaari n'yo muna akong iwanan para makapagpahinga ako ng husto," anitong pilit ngumiti sa kanila ni Storm.

S
บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อเรื่องนี้บน Application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status