Share

Chapter 6

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-10-01 00:36:44

Hawak-hawak ni Amara ang listahan ng mga kailangan ni Aaron. Wala siya sa mood para mamili, pero pinilit niya ang sarili. Kailangan niyang makahanap ng mga pagkaing pwede sa diet ng kapatid, pati ilang gamit para mas maging komportable ito sa ospital.

Naglakad siya sa loob ng isang malaking store. Hindi siya sanay sa mga ganitong lugar; simple lang ang kanyang pamumuhay bago siya napilitan sa kontratang iyon. Habang nag-iikot, pilit niyang inaalis sa isip ang mabigat na mga salita ni Dominic kagabi.

Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.

Habang pumipili ng mga prutas, biglang may lumapit na isang babae sa tabi niya. Elegante ang tindig nito, pino ang kilos at halatang sanay sa tingin ng mga tao sa kanya. Naka-fitted na dress ito na kulay beige, naka-mamahaling bag at may pearl ang suot sa tenga.

“Excuse me,” magiliw ang ngiti ng babae habang kumuha ng apple. “Ang ganda ng choices mo sa apple ah. Alam mo, ito rin ang favorite ng asawa ko.”

Napatingin si Amara at napangiti nang tipid. “Ah, ganun ba?”

“Yeah,” tumawa ng mahina ang babae, malumanay ang boses. “Actually, medyo health-conscious siya. Laging prutas ang hilig noon, e. Lalo na kapag galing sa trabaho. Lagi siyang kumakain ng prutas.”

Napakagat-labi si Amara. May kakaibang kurot sa dibdib niya nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi niya alam kung bakit, pero parang pamilyar ang babaeng iyon sa kanya.

“By the way,” inilahad ng babae ang kamay. “Claudia. Claudia Severino.”

Parang tumigil ang oras. Nanigas si Amara, nanginginig ang kamay na pilit na iniabot kay Claudia. “A-Amara Alcaraz.”

Ngumiti si Claudia, walang kamalay-malay sa dagok na dulot ng apelyido nito. “Nice to meet you, Amara. Ang bait ng aura mo, para kang mabuting tao. Madalang akong makatagpo ng ganun sa mga ganitong lugar. I mean, I have to be public because of my husband but I actually hate it.”

Hindi makasagot si Amara. Tila ba bumulusok ang buong mundo niya. Severino. Parehong apelyido ni Dominic. Ibig bang sabihin noon ay asawa ito ni Dominic?

“Bakit parang namutla ka? May nasabi ba kong masama?” tanong ni Claudia, bahagyang nag-aalala. “Okay ka lang ba?”

Napakurap siya at pinilit ngumiti. “Oo, pasensya na. Medyo pagod lang siguro. Sobrang alaga ko kasi ‘yong kapatid ko these past few days. I'm sorry.”

Nagpatuloy sila sa pagpili ng mga prutas, ngunit hindi na makuha ni Amara ang concentration. Ang bawat salita ni Claudia ay parang patalim na dahan-dahang tumutusok sa kanya.

“Alam mo, minsan gusto ko na lang sumama sa asawa ko kahit saan,” sabi nito habang pinipisil-pisil ang isang orange. “Pero sobra siyang busy. Lalo na ngayong may malaking project sila sa kompanya. Ang hirap minsan… pero ganun yata talaga kapag successful ang asawa mo, no?”

Napahigpit si Amara ng hawak sa basket. Successful CEO. Severino. Lahat ng impormasyon tungkol kay Dominic ay nagdudugtong.

Paglabas niya ng store, halos hindi na niya maalala kung paano siya nakalakad papunta roon. Parang tinutulak siya ng bigat ng katotohanan. Nakasakay na siya ng taxi bago tuluyang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.

“Miss, okay ka lang ba?” tanong ng driver.

Tumango siya, mabilis na pinunasan ang luha. “Oo, okay lang po.”

Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi siya okay.

Paano siya nahulog sa ganitong sitwasyon? Mistress lang siya at iyon ay malinaw mula sa umpisa pa lang. Pero bakit tila ba mas masakit pa ngayon, matapos niyang makilala ang asawa ni Dominic?

Pag-uwi niya sa penthouse, nadatnan niya si Dominic na abala sa cellphone nito. Naka-relax ito sa sofa, suot ang puting polo na medyo nakabukas ang unang butones. Nang makita siya, agad itong tumayo at nilapitan siya.

“Amara, saan ka galing? Bakit ang tagal mo?” malamig ngunit may halong pag-aalala ang tono nito.

Hindi siya agad sumagot. Tinitigan lang niya ito, ang lalaking nakahawak ngayon sa kanyang buhay, sa kapatid niya. Ay ang lalaking sinasabi ni Claudia.

“Namili lang ako,” tipid niyang sagot, pilit na kalmado.

Hinawakan ni Dominic ang baba niya, pinisil ng bahagya. “You’ve been crying.” Hindi tanong iyon, isa itong pahayag. “May nangyari ba?”

Umiling siya. “Pagod lang ako dahil kagagaling ko lang din sa ospital para i-check si Aaron.”

Matagal siyang tinitigan nito, bago bumuntong-hininga. “Don’t lie to me, Amara. Hindi naman kita pinapabayaan. Ano bang iniiyakan mo?”

Halos mabitawan niya ang mga dalang supot. Gusto niyang isigaw, ‘Ikaw! Ikaw at ‘yong asawa mo! Nagkita kami!’

Ngunit natakot siyang malaman ang buong katotohanan mula mismo sa bibig nito kung totoo nga ba ang hinala niya.

Sa halip, pinili niyang manahimik. “Wala, Dominic. Gusto ko lang magpahinga. Okay lang siguro iyon, ‘no?”

Hinawakan nito ang baywang niya, hinapit siya palapit. “Amara, tandaan mo. Kahit anong mangyari, akin ka. At walang makakaagaw sa’yo.”

Nang marinig niya iyon, halos mamatay siya sa loob. Dahil alam niyang hindi iyon totoo. Dahil may isang tao na may mas malaking karapatan kaysa sa kanya, ang asawa nitong si Claudia.

At doon niya napagtanto, ang kontrata ay hindi lang isang kasunduan. Isa itong pambihirang bitag. Isa itong apoy na maaari siyang lamunin hanggang sa abo na lang ang matira sa kanya.

Ngunit isang bagay ang malinaw,

Kailangan niyang malaman ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ni Claudia Severino.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistress By Contract    Chapter 6

    Hawak-hawak ni Amara ang listahan ng mga kailangan ni Aaron. Wala siya sa mood para mamili, pero pinilit niya ang sarili. Kailangan niyang makahanap ng mga pagkaing pwede sa diet ng kapatid, pati ilang gamit para mas maging komportable ito sa ospital.Naglakad siya sa loob ng isang malaking store. Hindi siya sanay sa mga ganitong lugar; simple lang ang kanyang pamumuhay bago siya napilitan sa kontratang iyon. Habang nag-iikot, pilit niyang inaalis sa isip ang mabigat na mga salita ni Dominic kagabi.Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.Habang pumipili ng mga prutas, biglang may lumapit na isang babae sa tabi niya. Elegante ang tindig nito, pino ang kilos at halatang sanay sa tingin ng mga tao sa kanya. Naka-fitted na dress ito na kulay beige, naka-mamahaling bag at may pearl ang suot sa tenga.“Excuse me,” magiliw ang ngiti ng babae habang kumuha ng apple. “Ang ganda ng choices mo sa apple ah. Alam mo, ito rin ang favorite ng asawa ko.”Napatingin si Amara

  • Mistress By Contract    Chapter 5

    Nakatitig lang si Amara sa folder na hawak ni Dominic. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang sinabi niya, bawat pahina ng folder na naroon, bawat katotohanang isinampal sa kanya. Ang lihim na buong buhay niyang iningatan, ngayo’y nasa harapan na ng lalaking kinatatakutan niya.“Dominic…” Mahina ang boses niya, halos basag. “Hindi ko sinasadya na itago—”“Hindi mo sinasadya?” malamig na putol nito, ngunit ang pagkakahigpit ng hawak sa kanyang braso ay sumasalungat sa pagkakalma ng tinig. “O sinadya mong gamitin ako? Ang pera ko. Impluwensya ko. Ang pangalan ko. Amara, sagutin mo nga ako. Ginamit mo nga lang ba ako?”Napayuko siya, pilit na pinipigilan ang luha. “Ginawa ko lang lahat para kay Aaron. Kung hindi ko tinanggap ang kontrata… kung hindi ko tinago ang nakaraan ko, baka wala na siya ngayon. Syempre, ayaw kong mamatay ang kapatid ko.”Tahimik si Dominic, ngunit mas nararamdaman niya ang bigat ng presensya nito kaysa sa kahit anong salita. Tila ba naglalaban ang galit at pag-

  • Mistress By Contract    Chapter 4

    Mabigat ang katahimikan sa penthouse nang umuwi si Amara mula sa ospital. Nakaupo si Dominic sa maluwang na sala, nakatukod ang siko sa tuhod at nakatitig sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Malamlam ang ilaw, ngunit mas malinaw kaysa kailanman ang malamig na titig nito.“Ang tagal mo naman,” mahinahon ngunit mariing sabi ng lalaki.Nagpalinga-linga si Amara, hawak pa rin ang bag na dala mula sa ospital. “Pasensya na. Medyo natagalan lang sa pag-asikaso kay Aaron. Nakalabas na kasi siya mula sa ICU papunta sa regular room kaya—”“Hindi mo sinabi ang tungkol dyan.” Putol ni Dominic, malamig ang boses ngunit may halong pwersa. “Hindi mo sinabi na may ganoong pagbabago sa kondisyon ng kapatid mo. Hindi mo sinabi sa akin na magtatagal ka roon.”Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bag. “Wala naman sa kontrata na kailangan kong i-report ang bawat kilos ko sa’yo, ah. Bakit pati iyon ay kailangan mo pang malaman sa akin?”Tumayo si Dominic, mabagal ngunit may bigat ang bawat h

  • Mistress By Contract    Chapter 3

    Matahimik ang buong silid nang magmulat ng mga mata si Amara. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malambot na puting kisame, kasunod ang malamig na simoy ng aircon na tila ba pilit binubura ang init ng gabing nagdaan.Napakapit siya sa kumot na mahigpit na nakabalot sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata, umaasang baka panaginip lang ang lahat. Ngunit ramdam pa rin niya ang haplos, ang bigat ng mga bisig na yumakap sa kanya kagabi at ang boses ni Dominic na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tenga.“Akin ka lang at sa’yo lang din ako ngayong gabi.”Napasinghap siya. Para bang isa na namang chain ang bumabalot ngayon sa kanyang puso, hindi lang kontrata ang iniisip niya, kundi ang kanyang damdamin.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka bahagyang tumagilid. Doon niya napansin ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.Si Dominic.Nakahiga ito, nakatalikod sa kanya, ngunit kahit sa katahimikan, dama pa rin niya ang presensyang kayang magdikta ng bawa

  • Mistress By Contract    Chapter 2

    Tahimik ang buong kwarto nang humiga si Amara sa kama ng maliit nilang apartment. Bagama’t pagod, hindi siya dalawin ng antok. Nakapikit man ang kanyang mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Dominic kanina.“Simula ngayon, akin ka na.”Parang sumpa ang bawat kataga, paulit-ulit na bumabalot sa kanya. Napahigpit siya ng yakap sa unan, pilit na inaalo ang sarili. Ginawa niya ito para kay Aaron. Para sa kapatid niyang wala nang ibang maaasahan kundi siya. Iyon lang ang kailangan niyang isipin.Ngunit sa kabila ng lahat ng rason, hindi niya mapigilang maramdaman ang kaba at takot sa mga susunod na araw. Ano bang ibig sabihin ng pagiging “akin ka na” para kay Dominic? Ano bang klase ng relasyon ang papasukin niya? Mapanganib kaya ito para sa kanya?Kinabukasan, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanyang apartment. Malaki, mamahalin, at halatang pag-aari ng isang taong may kapangyarihan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa unahan, isan

  • Mistress By Contract    Chapter 1

    Malakas ang tibok ng puso ni Amara habang nakaupo siya sa loob ng isang malawak na opisina sa pinakamataas na floor ng Severino Corporation. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, ang dingding ay puro salamin na tanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa bawat gilid ay may art piece na hindi niya kayang bilhin kahit buong buhay siyang mag-ipon. Lahat ng ito’y sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.Ngunit higit na nangingibabaw sa lahat ay ang presensya ng lalaking kaharap niya, si Dominic Severino, ang malamig at makapangyarihang CEO.Mataas ang panga nito, matalim ang tingin at bawat kumpas ng kanyang kamay ay parang may bigat na kayang magdikta ng kapalaran ng sinumang haharap sa kanya. Marami ang nagsasabing wala itong puso, na ang tanging alam niya ay pera, negosyo at kapangyarihan. At ngayong kaharap niya ito, ramdam ni Amara ang katotohanan ng lahat ng bulung-bulungan.“Alam mo na ang mga kondisyon, Miss Alcaraz.” Malamig ang boses ni Dominic habang pinipihit ang makapal na folder sa mesa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status