Matahimik ang buong silid nang magmulat ng mga mata si Amara. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malambot na puting kisame, kasunod ang malamig na simoy ng aircon na tila ba pilit binubura ang init ng gabing nagdaan.
Napakapit siya sa kumot na mahigpit na nakabalot sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata, umaasang baka panaginip lang ang lahat. Ngunit ramdam pa rin niya ang haplos, ang bigat ng mga bisig na yumakap sa kanya kagabi at ang boses ni Dominic na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tenga. “Akin ka lang at sa’yo lang din ako ngayong gabi.” Napasinghap siya. Para bang isa na namang chain ang bumabalot ngayon sa kanyang puso, hindi lang kontrata ang iniisip niya, kundi ang kanyang damdamin. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka bahagyang tumagilid. Doon niya napansin ang lalaking natutulog sa kanyang tabi. Si Dominic. Nakahiga ito, nakatalikod sa kanya, ngunit kahit sa katahimikan, dama pa rin niya ang presensyang kayang magdikta ng bawat pintig ng kanyang puso. Hindi niya akalaing makikita niya itong ganito. Payapa, malayo sa malamig na ekspresyong lagi nitong pinapakita. Sa kabila ng lahat, tao rin pala ito. Agad niyang itinaboy ang iniisip. Hindi siya dapat madala. Nasa kontrata na malinaw ang kondisyon. Walang emosyon. Walang pag-iibigan na magaganap sa pagitan nila. At iyon ang pinanghahawakan niya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, pilit na hindi gumagawa ng ingay. Suot ang manipis na silk robe na iniwan ng isang maid kagabi, lumabas siya ng silid at dumiretso sa balcony. Pagbukas ng pinto, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa lungsod. Mula roon, tanaw niya ang mga building at ilaw na kumikislap, parang mga bituin na bumaba sa lupa. Dito niya naalala kung gaano kalayo ang mundong kinalakhan niya sa mundong ginagalawan ni Dominic. ‘Hanggang saan ko kaya kakayanin?’ bulong niya sa sarili. *** “Bakit gising ka na?” Napatigil siya at agad na napalingon. Naroon si Dominic, nakatayo sa may pinto ng balcony. Naka-pajama ito, nakataas ang isang kilay, at may hawak na baso ng tubig. “A-ah…” Napakagat-labi siya. “Hindi ako makatulog. Naisip ko lang na magpahangin. Okay lang naman siguro iyon, hindi ba? Wala naman sa kontrata na bawal akong magpahangin sa labas?” Lumapit si Dominic, mabagal ngunit tiyak. At gaya ng dati, parang may bigat ang bawat hakbang nito. Nang tumigil ito sa harapan niya, marahan siyang hinawakan sa baba at pinilit tumingin sa mga mata nito. “Ayoko na nakikita kang nag-iisa sa labas,” malamig ngunit mariing sabi nito. “Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang sa akin. Hindi mo kailangang kumilos dito.” Napasinghap si Amara. Hindi niya alam kung paano tutugon. Sa bawat salita ni Dominic, ramdam niya ang halong pag-aari at proteksyon na sobra-sobra. Hindi iyon nakasulat sa kontrata, ngunit ginagawa ni Dominic sa kanya. “Hindi ko naman sinasadya,” mahina niyang sagot. “Gusto ko lang ng konting… katahimikan kahit saglit. Gusto ko lang mag-isip-isip.” Umiling si Dominic at mas hinigpitan ang hawak sa kanyang baba. “Tandaan mo, Amara. Simula nang pumirma ka sa kontrata, wala ka nang katahimikan dahil sa akin. Kung ako ang magdedecide, ako ang magbibigay ng lahat ng kailangan mo. Naiintindihan mo ba?” Parang may mainit na agos na dumaloy sa kanyang dibdib. May halong takot at may halong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tumango siya, pilit na nagpakumbaba. “Naiintindihan ko na. Kailangan ko nga siguro talagang sumunod sa’yo.” “Good,” bulong ni Dominic, at saka siya nito hinalikan sa noo bago muling tumalikod papasok ng kwarto. Naiwan si Amara sa balcony, hawak ang sariling dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom. Ano itong nararamdaman ko sa kanya? *** Lumipas ang ilang araw na parang panaginip. Isinama siya ni Dominic sa ilang business dinners, ipinakilala bilang isang “kaibigan” ngunit halata sa bawat kilos ng lalaki na higit pa siya doon. Wala mang nagsasalita, ramdam niyang may mga matang nakamasid sa kanya, mga bulong na dumadaan sa paligid nila. At sa bawat gabing umuuwi sila sa penthouse, paulit-ulit na ipinaparamdam sa kanya ni Dominic na siya ay pag-aari nito. Hindi man ito nagiging marahas, malinaw ang kapangyarihan sa bawat haplos, bawat halik, bawat bulong. Ngunit sa bawat oras na kasama niya ito, lalong gumugulo ang isip niya. Hindi ba’t malinaw ang usapan? Walang emosyon. Walang pag-ibig. Pero bakit sa tuwing tititigan siya ni Dominic, parang gusto na niyang maniwala na may higit pa roon ang kontrata na pinirmahan niya? *** Isang hapon, habang nasa ospital siya upang bisitahin si Aaron, biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Si Dominic. Kinabahan siya, mabilis na sinagot ang tawag. “H-hello?” “Nasaan ka?” malamig na tanong nito. “Ah, nandito ako sa ospital. Binisita ko lang si Aaron.” May ilang segundong katahimikan bago ito muling nagsalita, mas mabigat ang boses. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala sa kanya?” Napasinghap siya. “Hindi ko naman akalaing kailangan ko pang ipaalam. Wala naman sa kontrata—” “Hindi ko kailangan ng kontrata para ipaalam sa’yong gusto kong malaman ang bawat kilos mo,” putol nito, mariin at puno ng pag-angkin. “Amara, hindi ka pwedeng mawala sa mga mata ko. Naiintindihan mo ba?” Nanlamig siya. “D-dominic…” bulong niya, halos hindi makapaniwala sa narinig. “Uuwi ka agad pagkatapos mong bisitahin ang kapatid mo,” mariin na utos nito. “At huwag mong kalimutang sa akin ka uuwi, hindi kahit saan, hindi kanino man. Sa akin ka lang uuwi.” Pagkababa ng tawag, halos mabitawan ni Amara ang kanyang cellphone. Nanginginig ang kanyang kamay at sa kanyang dibdib, hindi niya alam kung alin ang nangingibabaw, takot o ang kakaibang kilig na dulot ng pagiging center ng atensyon ng isang lalaking tulad ni Dominic. Habang binabantayan si Aaron na payapang natutulog, napaluhod si Amara sa gilid ng kama. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at tahimik na nagdasal. ‘Diyos ko, huwag po sana akong madala. Ginawa ko ito para kay Aaron, hindi para sa sarili ko. Pero bakit ganito? Bakit parang unti-unti niya akong binibihag?’Hawak-hawak ni Amara ang listahan ng mga kailangan ni Aaron. Wala siya sa mood para mamili, pero pinilit niya ang sarili. Kailangan niyang makahanap ng mga pagkaing pwede sa diet ng kapatid, pati ilang gamit para mas maging komportable ito sa ospital.Naglakad siya sa loob ng isang malaking store. Hindi siya sanay sa mga ganitong lugar; simple lang ang kanyang pamumuhay bago siya napilitan sa kontratang iyon. Habang nag-iikot, pilit niyang inaalis sa isip ang mabigat na mga salita ni Dominic kagabi.Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.Habang pumipili ng mga prutas, biglang may lumapit na isang babae sa tabi niya. Elegante ang tindig nito, pino ang kilos at halatang sanay sa tingin ng mga tao sa kanya. Naka-fitted na dress ito na kulay beige, naka-mamahaling bag at may pearl ang suot sa tenga.“Excuse me,” magiliw ang ngiti ng babae habang kumuha ng apple. “Ang ganda ng choices mo sa apple ah. Alam mo, ito rin ang favorite ng asawa ko.”Napatingin si Amara
Nakatitig lang si Amara sa folder na hawak ni Dominic. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang sinabi niya, bawat pahina ng folder na naroon, bawat katotohanang isinampal sa kanya. Ang lihim na buong buhay niyang iningatan, ngayo’y nasa harapan na ng lalaking kinatatakutan niya.“Dominic…” Mahina ang boses niya, halos basag. “Hindi ko sinasadya na itago—”“Hindi mo sinasadya?” malamig na putol nito, ngunit ang pagkakahigpit ng hawak sa kanyang braso ay sumasalungat sa pagkakalma ng tinig. “O sinadya mong gamitin ako? Ang pera ko. Impluwensya ko. Ang pangalan ko. Amara, sagutin mo nga ako. Ginamit mo nga lang ba ako?”Napayuko siya, pilit na pinipigilan ang luha. “Ginawa ko lang lahat para kay Aaron. Kung hindi ko tinanggap ang kontrata… kung hindi ko tinago ang nakaraan ko, baka wala na siya ngayon. Syempre, ayaw kong mamatay ang kapatid ko.”Tahimik si Dominic, ngunit mas nararamdaman niya ang bigat ng presensya nito kaysa sa kahit anong salita. Tila ba naglalaban ang galit at pag-
Mabigat ang katahimikan sa penthouse nang umuwi si Amara mula sa ospital. Nakaupo si Dominic sa maluwang na sala, nakatukod ang siko sa tuhod at nakatitig sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Malamlam ang ilaw, ngunit mas malinaw kaysa kailanman ang malamig na titig nito.“Ang tagal mo naman,” mahinahon ngunit mariing sabi ng lalaki.Nagpalinga-linga si Amara, hawak pa rin ang bag na dala mula sa ospital. “Pasensya na. Medyo natagalan lang sa pag-asikaso kay Aaron. Nakalabas na kasi siya mula sa ICU papunta sa regular room kaya—”“Hindi mo sinabi ang tungkol dyan.” Putol ni Dominic, malamig ang boses ngunit may halong pwersa. “Hindi mo sinabi na may ganoong pagbabago sa kondisyon ng kapatid mo. Hindi mo sinabi sa akin na magtatagal ka roon.”Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bag. “Wala naman sa kontrata na kailangan kong i-report ang bawat kilos ko sa’yo, ah. Bakit pati iyon ay kailangan mo pang malaman sa akin?”Tumayo si Dominic, mabagal ngunit may bigat ang bawat h
Matahimik ang buong silid nang magmulat ng mga mata si Amara. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malambot na puting kisame, kasunod ang malamig na simoy ng aircon na tila ba pilit binubura ang init ng gabing nagdaan.Napakapit siya sa kumot na mahigpit na nakabalot sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata, umaasang baka panaginip lang ang lahat. Ngunit ramdam pa rin niya ang haplos, ang bigat ng mga bisig na yumakap sa kanya kagabi at ang boses ni Dominic na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tenga.“Akin ka lang at sa’yo lang din ako ngayong gabi.”Napasinghap siya. Para bang isa na namang chain ang bumabalot ngayon sa kanyang puso, hindi lang kontrata ang iniisip niya, kundi ang kanyang damdamin.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka bahagyang tumagilid. Doon niya napansin ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.Si Dominic.Nakahiga ito, nakatalikod sa kanya, ngunit kahit sa katahimikan, dama pa rin niya ang presensyang kayang magdikta ng bawa
Tahimik ang buong kwarto nang humiga si Amara sa kama ng maliit nilang apartment. Bagama’t pagod, hindi siya dalawin ng antok. Nakapikit man ang kanyang mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Dominic kanina.“Simula ngayon, akin ka na.”Parang sumpa ang bawat kataga, paulit-ulit na bumabalot sa kanya. Napahigpit siya ng yakap sa unan, pilit na inaalo ang sarili. Ginawa niya ito para kay Aaron. Para sa kapatid niyang wala nang ibang maaasahan kundi siya. Iyon lang ang kailangan niyang isipin.Ngunit sa kabila ng lahat ng rason, hindi niya mapigilang maramdaman ang kaba at takot sa mga susunod na araw. Ano bang ibig sabihin ng pagiging “akin ka na” para kay Dominic? Ano bang klase ng relasyon ang papasukin niya? Mapanganib kaya ito para sa kanya?Kinabukasan, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanyang apartment. Malaki, mamahalin, at halatang pag-aari ng isang taong may kapangyarihan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa unahan, isan
Malakas ang tibok ng puso ni Amara habang nakaupo siya sa loob ng isang malawak na opisina sa pinakamataas na floor ng Severino Corporation. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, ang dingding ay puro salamin na tanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa bawat gilid ay may art piece na hindi niya kayang bilhin kahit buong buhay siyang mag-ipon. Lahat ng ito’y sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.Ngunit higit na nangingibabaw sa lahat ay ang presensya ng lalaking kaharap niya, si Dominic Severino, ang malamig at makapangyarihang CEO.Mataas ang panga nito, matalim ang tingin at bawat kumpas ng kanyang kamay ay parang may bigat na kayang magdikta ng kapalaran ng sinumang haharap sa kanya. Marami ang nagsasabing wala itong puso, na ang tanging alam niya ay pera, negosyo at kapangyarihan. At ngayong kaharap niya ito, ramdam ni Amara ang katotohanan ng lahat ng bulung-bulungan.“Alam mo na ang mga kondisyon, Miss Alcaraz.” Malamig ang boses ni Dominic habang pinipihit ang makapal na folder sa mesa