Share

Chapter 5

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-30 18:54:15

Nakatitig lang si Amara sa folder na hawak ni Dominic. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang sinabi niya, bawat pahina ng folder na naroon, bawat katotohanang isinampal sa kanya. 

Ang lihim na buong buhay niyang iningatan, ngayo’y nasa harapan na ng lalaking kinatatakutan niya.

“Dominic…” Mahina ang boses niya, halos basag. “Hindi ko sinasadya na itago—”

“Hindi mo sinasadya?” malamig na putol nito, ngunit ang pagkakahigpit ng hawak sa kanyang braso ay sumasalungat sa pagkakalma ng tinig. 

“O sinadya mong gamitin ako? Ang pera ko. Impluwensya ko. Ang pangalan ko. Amara, sagutin mo nga ako. Ginamit mo nga lang ba ako?”

Napayuko siya, pilit na pinipigilan ang luha. “Ginawa ko lang lahat para kay Aaron. Kung hindi ko tinanggap ang kontrata… kung hindi ko tinago ang nakaraan ko, baka wala na siya ngayon. Syempre, ayaw kong mamatay ang kapatid ko.”

Tahimik si Dominic, ngunit mas nararamdaman niya ang bigat ng presensya nito kaysa sa kahit anong salita. Tila ba naglalaban ang galit at pag-aangkin sa loob ng mga mata nito.

“Amara.” Umangat ang baba niya nang pilit nitong iniangat ang kanyang mukha gamit ang dalawang daliri. “Hindi ako galit dahil ginamit mo ako. Galit ako dahil hindi mo sinabi ang totoo. Ako ang may hawak ng buhay mo ngayon, ng buhay din ng kapatid mo. Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan tungkol doon?”

“Dahil…” Napapikit siya, nanginginig ang labi. “…Dahil natatakot akong baka bawiin mo ang lahat sa akin. Baka hindi na tuluyan na gumaling ang kapatid ko.”

Nagbago ang ekspresyon ni Dominic. Ang malamig na titig ay naglagablab sa ibang paraan, isang apoy na hindi niya kayang salubungin. Bigla itong humakbang palapit, halos idikit ang katawan sa kanya.

“Hindi ka ba nakakaintindi, Amara?” dumadagundong ang boses nito, puno ng pwersa. “Sa simula pa lang, akin ka na. At kahit anong gawin mo, hindi ka makakatakas sa akin.”

Kinabukasan, hindi niya na rin naiwasan ang pangangalaga ni Dominic sa kanya. Nagpadala ito ng dalawang bodyguard na tahimik na nakasunod sa kanya hanggang sa ospital. Kahit anong pagtutol, hindi ito nakikinig.

“Hindi ko kailangan ng mga ‘yan,” pabulong niyang reklamo habang nakaupo sa tabi ng kama ni Aaron.

“Hindi ikaw ang magdedesisyon tungkol sa bagay na ito,” malamig na tugon ni Dominic mula sa kabilang upuan. “Wala na akong tiwala sa kung ano mang nasa paligid mo. Ang kapatid mo ay ang tanging kahinaan mo at kung may makakaalam ng sikreto mo, gagamitin ka ng kung sino man laban sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.”

Napatingin si Amara, gulat sa mga sinabi nito. “Kahinaan? Hindi ko siya kahinaan, Dominic. Siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban.”

“Pareho lang iyon,” sagot niya, mariin. “At dahil pareho tayong nakatali sa isa't isa ngayon, ibig sabihin, pareho tayong nasa panganib.

Nang bumaling si Aaron sa kanya, nagkunwaring nakangiti si Amara, pilit na ikinukubli ang tensyon na meron sila.

Ngunit ramdam niya sa dibdib ang pwersa ng mga salita ni Dominic. Hindi na lang ito tungkol sa kontrata na pinirmahan niya. Ito ay tungkol sa pag-aangkin niya kay Amara sa pag-control niya sa kanya at sa panganib na dala ng isang relasyon na hindi naman dapat talaga.

Kinagabihan, habang nasa penthouse sila, tahimik si Amara. Ayaw niyang magsalita, ayaw niyang muling mag-away sila ni Dominic. Ngunit si Dominic ay hindi natahimik.

“Hindi ka pwedeng magpatuloy na parang walang nangyari,” anito habang nakasandal sa sofa, hawak ang isang baso ng alak. “Kailangan mong maintindihan na mula ngayon, lahat ng kilos mo ay talagang dadaan na sa akin.”

Hindi na niya napigilan ang sarili. “Dominic, hindi ba parang sobra na? Kontrata lang ito sa pagitan natin! Hindi ako ang asawa mo. Hindi mo ako pag-aari.”

Biglang bumagsak ang baso sa mesa, kumalat ang alak sa ibabaw nito.

Tumayo si Dominic, mabigat ang hakbang patungo sa kanya. 

“Kontrata lang? Hindi mo ba nararamdaman, Amara?” Dinakma nito ang baywang niya, hinapit palapit. “Hindi na lang kontrata ito. At hindi ko hahayaang matapos lang na parang walang nangyari.”

Nanginginig siya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagkalito. Ang init ng hininga nito, ang lalim ng mga mata, puno ng emosyon na hindi niya maipaliwanag.

“Dominic…” mahina niyang tawag, halos pakiusap. “Kung masyado kang mahigpit, mas lalo lang akong matatakot. Hindi ba’t bawal na may maramdaman ako na kahit ano sa’yo?”

“Bawal para sa’yo,” bulong nito, halos idampi ang labi sa kanyang tenga. “Pero para sa akin… simula pa lang ng makilala kita, wala nang bawal.”

Nang makapasok siya sa kwarto niya, halos gumuho ang mundo ni Amara. Hindi niya alam kung paano lalaban sa emosyon na unti-unting kumakain sa kanya. Oo, takot siya. Ngunit kasabay ng takot, may kung anong init na hindi niya kayang pigilam.

‘Hindi ‘to pwede… hindi dapat.’

Ngunit alam niyang mas lalo siyang nadadala. Mas lalong pinapahirapan ng presensya ni Dominic ang bawat hakbang ng kanyang puso.

Sa kabilang banda, nakaupo si Dominic sa veranda, malamig na hangin ng gabi ang humahampas sa kanyang mukha. Hawak niya ang folder na naglalaman ng buong pagkatao ni Amara.

Kung ibang babae lang si Amara, matagal na niya itong pinakawalan. Ngunit bakit sa babaeng ito, bakit hindi niya magawang bitawan?

‘She’s mine.’

Paulit-ulit na umuukit iyon sa isip niya.

At kahit lumaban si Amara sa kanya, kahit umiyak siya, kahit itulak niya si Dominic palayo… hinding-hindi niya ito bibitawan.

At doon, sa dilim ng gabi, ginuhit niya ang sariling desisyon. Isang desisyong babago sa lahat.

Hindi na lang siya mistress by contract.

Si Amara Alcaraz ay magiging kanya.

Sa lahat ng paraan. Sa lahat ng oras.

Hanggang sa wala nang matira sa buhay niya kundi siya lang.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mistress By Contract    Chapter 6

    Hawak-hawak ni Amara ang listahan ng mga kailangan ni Aaron. Wala siya sa mood para mamili, pero pinilit niya ang sarili. Kailangan niyang makahanap ng mga pagkaing pwede sa diet ng kapatid, pati ilang gamit para mas maging komportable ito sa ospital.Naglakad siya sa loob ng isang malaking store. Hindi siya sanay sa mga ganitong lugar; simple lang ang kanyang pamumuhay bago siya napilitan sa kontratang iyon. Habang nag-iikot, pilit niyang inaalis sa isip ang mabigat na mga salita ni Dominic kagabi.Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.Habang pumipili ng mga prutas, biglang may lumapit na isang babae sa tabi niya. Elegante ang tindig nito, pino ang kilos at halatang sanay sa tingin ng mga tao sa kanya. Naka-fitted na dress ito na kulay beige, naka-mamahaling bag at may pearl ang suot sa tenga.“Excuse me,” magiliw ang ngiti ng babae habang kumuha ng apple. “Ang ganda ng choices mo sa apple ah. Alam mo, ito rin ang favorite ng asawa ko.”Napatingin si Amara

  • Mistress By Contract    Chapter 5

    Nakatitig lang si Amara sa folder na hawak ni Dominic. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang sinabi niya, bawat pahina ng folder na naroon, bawat katotohanang isinampal sa kanya. Ang lihim na buong buhay niyang iningatan, ngayo’y nasa harapan na ng lalaking kinatatakutan niya.“Dominic…” Mahina ang boses niya, halos basag. “Hindi ko sinasadya na itago—”“Hindi mo sinasadya?” malamig na putol nito, ngunit ang pagkakahigpit ng hawak sa kanyang braso ay sumasalungat sa pagkakalma ng tinig. “O sinadya mong gamitin ako? Ang pera ko. Impluwensya ko. Ang pangalan ko. Amara, sagutin mo nga ako. Ginamit mo nga lang ba ako?”Napayuko siya, pilit na pinipigilan ang luha. “Ginawa ko lang lahat para kay Aaron. Kung hindi ko tinanggap ang kontrata… kung hindi ko tinago ang nakaraan ko, baka wala na siya ngayon. Syempre, ayaw kong mamatay ang kapatid ko.”Tahimik si Dominic, ngunit mas nararamdaman niya ang bigat ng presensya nito kaysa sa kahit anong salita. Tila ba naglalaban ang galit at pag-

  • Mistress By Contract    Chapter 4

    Mabigat ang katahimikan sa penthouse nang umuwi si Amara mula sa ospital. Nakaupo si Dominic sa maluwang na sala, nakatukod ang siko sa tuhod at nakatitig sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Malamlam ang ilaw, ngunit mas malinaw kaysa kailanman ang malamig na titig nito.“Ang tagal mo naman,” mahinahon ngunit mariing sabi ng lalaki.Nagpalinga-linga si Amara, hawak pa rin ang bag na dala mula sa ospital. “Pasensya na. Medyo natagalan lang sa pag-asikaso kay Aaron. Nakalabas na kasi siya mula sa ICU papunta sa regular room kaya—”“Hindi mo sinabi ang tungkol dyan.” Putol ni Dominic, malamig ang boses ngunit may halong pwersa. “Hindi mo sinabi na may ganoong pagbabago sa kondisyon ng kapatid mo. Hindi mo sinabi sa akin na magtatagal ka roon.”Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bag. “Wala naman sa kontrata na kailangan kong i-report ang bawat kilos ko sa’yo, ah. Bakit pati iyon ay kailangan mo pang malaman sa akin?”Tumayo si Dominic, mabagal ngunit may bigat ang bawat h

  • Mistress By Contract    Chapter 3

    Matahimik ang buong silid nang magmulat ng mga mata si Amara. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malambot na puting kisame, kasunod ang malamig na simoy ng aircon na tila ba pilit binubura ang init ng gabing nagdaan.Napakapit siya sa kumot na mahigpit na nakabalot sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata, umaasang baka panaginip lang ang lahat. Ngunit ramdam pa rin niya ang haplos, ang bigat ng mga bisig na yumakap sa kanya kagabi at ang boses ni Dominic na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tenga.“Akin ka lang at sa’yo lang din ako ngayong gabi.”Napasinghap siya. Para bang isa na namang chain ang bumabalot ngayon sa kanyang puso, hindi lang kontrata ang iniisip niya, kundi ang kanyang damdamin.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka bahagyang tumagilid. Doon niya napansin ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.Si Dominic.Nakahiga ito, nakatalikod sa kanya, ngunit kahit sa katahimikan, dama pa rin niya ang presensyang kayang magdikta ng bawa

  • Mistress By Contract    Chapter 2

    Tahimik ang buong kwarto nang humiga si Amara sa kama ng maliit nilang apartment. Bagama’t pagod, hindi siya dalawin ng antok. Nakapikit man ang kanyang mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Dominic kanina.“Simula ngayon, akin ka na.”Parang sumpa ang bawat kataga, paulit-ulit na bumabalot sa kanya. Napahigpit siya ng yakap sa unan, pilit na inaalo ang sarili. Ginawa niya ito para kay Aaron. Para sa kapatid niyang wala nang ibang maaasahan kundi siya. Iyon lang ang kailangan niyang isipin.Ngunit sa kabila ng lahat ng rason, hindi niya mapigilang maramdaman ang kaba at takot sa mga susunod na araw. Ano bang ibig sabihin ng pagiging “akin ka na” para kay Dominic? Ano bang klase ng relasyon ang papasukin niya? Mapanganib kaya ito para sa kanya?Kinabukasan, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanyang apartment. Malaki, mamahalin, at halatang pag-aari ng isang taong may kapangyarihan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa unahan, isan

  • Mistress By Contract    Chapter 1

    Malakas ang tibok ng puso ni Amara habang nakaupo siya sa loob ng isang malawak na opisina sa pinakamataas na floor ng Severino Corporation. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, ang dingding ay puro salamin na tanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa bawat gilid ay may art piece na hindi niya kayang bilhin kahit buong buhay siyang mag-ipon. Lahat ng ito’y sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.Ngunit higit na nangingibabaw sa lahat ay ang presensya ng lalaking kaharap niya, si Dominic Severino, ang malamig at makapangyarihang CEO.Mataas ang panga nito, matalim ang tingin at bawat kumpas ng kanyang kamay ay parang may bigat na kayang magdikta ng kapalaran ng sinumang haharap sa kanya. Marami ang nagsasabing wala itong puso, na ang tanging alam niya ay pera, negosyo at kapangyarihan. At ngayong kaharap niya ito, ramdam ni Amara ang katotohanan ng lahat ng bulung-bulungan.“Alam mo na ang mga kondisyon, Miss Alcaraz.” Malamig ang boses ni Dominic habang pinipihit ang makapal na folder sa mesa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status