Share

Chapter 4

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-09-30 18:33:37

Mabigat ang katahimikan sa penthouse nang umuwi si Amara mula sa ospital. Nakaupo si Dominic sa maluwang na sala, nakatukod ang siko sa tuhod at nakatitig sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Malamlam ang ilaw, ngunit mas malinaw kaysa kailanman ang malamig na titig nito.

“Ang tagal mo naman,” mahinahon ngunit mariing sabi ng lalaki.

Nagpalinga-linga si Amara, hawak pa rin ang bag na dala mula sa ospital. “Pasensya na. Medyo natagalan lang sa pag-asikaso kay Aaron. Nakalabas na kasi siya mula sa ICU papunta sa regular room kaya—”

“Hindi mo sinabi ang tungkol dyan.” Putol ni Dominic, malamig ang boses ngunit may halong pwersa. “Hindi mo sinabi na may ganoong pagbabago sa kondisyon ng kapatid mo. Hindi mo sinabi sa akin na magtatagal ka roon.”

Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bag. “Wala naman sa kontrata na kailangan kong i-report ang bawat kilos ko sa’yo, ah. Bakit pati iyon ay kailangan mo pang malaman sa akin?”

Tumayo si Dominic, mabagal ngunit may bigat ang bawat hakbang papalapit sa kanya. Nang tuluyan itong nasa harapan niya, marahan siyang hinawakan nito sa braso. Hindi masakit ang pagkakahawak, ngunit ramdam ang control na ginagawa niya.

“Amara, hindi mo pa ba naiintindihan?” Bumaba ang boses nito, halos bulong na lang iyon.

“Hindi ko kailangan ng kontrata para asahan na sa akin ka lang magpapaalam. Sa akin ka, kaya wala kang lihim na dapat itinatago. Naiintindihan mo ba iyon?”

Nanlamig siya, hindi dahil sa haplos kundi dahil sa bigat ng mga salita nito. Tila ba hindi lang kontrata ang umiiral sa pagitan nila, kundi isang pader na pilit nitong itinatayo para tuluyan siyang ikulong.

“Dominic, huwag naman ganyan…” mahina niyang tugon, halos nagmamakaawa na. “Ginawa ko lang ang tama bilang panganay. Nandoon ang kapatid ko, kailangan niya ako. Palagpasin mo na ito.”

Tahimik itong tumitig sa kanya, matagal, bago muling nagsalita.

“Hindi! Kailangan kong malaman ang totoo. Lahat ng desisyon, ang kilos mo. Lahat. Malinaw naman siguro iyon sa’yo, ano?”

***

Kinagabihan, habang nakahiga si Amara sa kama, hindi siya mapakali. Paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Dominic.

Hindi niya alam kung hanggang saan ang kakayahan nitong mag-imbestiga sa kanya. Ngunit alam niyang kapag nalaman nito ang totoo, ang buong nakaraan niya, maaaring magbago ang lahat.

Dati siyang anak ng isang kilalang negosyante sa probinsya, ngunit dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang at pagbagsak ng negosyo, napilitan silang magkapatid na mamuhay nang simple at magtago sa Maynila. Ayaw niyang malaman ni Dominic ang bahaging iyon ng kanyang buhay, dahil alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi niya nauungkat ang lahat tungkol sa kanya.

At higit sa lahat, may isang bagay pa siyang pilit na iniiwasang mabunyag. Ang pagkakautang ng kanilang pamilya sa isa sa mga kompanyang konektado sa Severino Group. Isang lihim na mag-uugnay sa kanya nang direkta kay Dominic.

‘Kapag nalaman niya… baka tuluyan akong masira. Hindi pwede iyon. Hindi ako papayag.’

Kinabukasan, nagulat siya nang makita si Dominic sa dining area. Naka-formal na ito, handa na para sa trabaho, ngunit hindi pa umaalis.

“Hindi ka pa ba late sa kumpanya mo?” tanong niya, pilit na binabasag ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Umangat ang tingin ni Dominic mula sa tasa ng kape. “May oras pa ako. At isa pa…” Bumuntong-hininga ito, tumitig nang diretso sa kanya. “May ipinahanap ako tungkol sa’yo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?”

“Wala akong tiwala sa mga taong hindi ko lubos na kilala kaya pina-imbestigahan kita.” Bumaba ang boses nito, puno ng determinasyon. 

“At kahit pa pumirma ka ng kontrata, gusto kong malaman kung sino ka bago kita hayaan na tuluyang manatili sa buhay ko.”

Parang sumabog ang dibdib ni Amara. “Dominic, hindi na iyon kailangan. Alam mo na ang dapat mong malaman, na pumayag ako sa kontrata, na gagawin ko ang lahat ayon sa kondisyon na naroon. Ano pa ba ang gusto mong malaman?”

Tumayo ito mula sa upuan, marahang naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit, hinaplos nito ang kanyang pisngi gamit ang malamig na daliri. “Lahat. Gusto kong malaman lahat tungkol sa’yo. Sino ka noon. Ano ang buhay mo? Bakit ka nandito sa Manila?”

Napakagat-labi si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang katawan. Hindi siya dapat matinag. Hindi siya dapat bumigay. Ngunit paano kung totoo na ang sinasabi ni Dominic sa kanya? Paano kung nalaman na ni Dominic ang bahaging pinakatatago niya?

“Dominic…” mahina niyang bulong, halos pakiusap na. “Huwag na. Ayokong bumalik pa sa nakaraan ko.”

Ngumiti si Dominic, ngunit hindi iyon ngiti ng awa. Ngiti iyon ng isang lalaking sanay makuha ang lahat ng gusto niya. “Walang nakakaligtas sa akin, Amara. Tandaan mo iyan.”

Nang araw na iyon, hindi mapakali si Amara kahit nasa ospital siya kasama si Aaron. Paulit-ulit niyang iniisip kung hanggang saan na ba ang nalalaman ni Dominic tungkol sa kanya.

“Ate, may problema ba? Parang kanina ka pa may iniisip dyan, ah?” tanong ng kapatid nang mapansin ang pagkabalisa niya.

Napilit siyang ngumiti. “Wala, Aaron. Huwag ka nang mag-alala. Ang importante, gumagaling ka na. Okay?”

“Pero parang ang bigat ng loob mo. Bakit ba? Anong nangyari?” giit ni Aaron. “Kung may problema ka, sabihin mo sa’kin. Kahit naman nandito ako sa ospital, pwede mo pa rin akong sabihan ng kahit na anong problema mo.”

Umiling siya, pinisil ang kamay ng kapatid. “Hindi mo na kailangang alalahanin pa ang tungkol sa problema ko. Ako na ang bahala roon.”

Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi na niya kayang itago pa nang matagal iyon. Si Dominic ay lalaking hindi tumitigil hangga’t hindi pa siya satisfied sa mga gusto niya. At oras na matuklasan nito ang lahat, baka hindi lang kontrata nila ang masira kung hindi pati na rin ang buhay ni Amara.

Pag-uwi niya kinagabihan, sinalubong siya ng tahimik ngunit mabigat na presensya ni Dominic. Nakatayo ito sa may sala, hawak ang isang folder.

“Amara.” Malamig ang boses nito. “May natuklasan ako.”

Halos mabitawan niya ang bag na hawak. Nanginginig ang kanyang tuhod at bago pa man siya makasagot, iniabot ni Dominic ang folder.

“Hindi ka pala basta ordinaryong babae. Ikaw ang anak ng pamilya Alcaraz… ang dating may-ari ng isang kompanyang nabankrupt dahil sa utang nila sa Severino Group.”

Parang nahulog sa bangin ang pakiramdam ni Amara. Ang lihim na matagal niyang itinago, ngayon ay nasa kamay na ni Dominic.

“Sabihin mo sa akin, Amara…” Lumapit ito, mariing hinawakan ang kanyang braso. “Ano pa ang tinatago mo sa akin?”

At sa gabing iyon, alam niyang wala na siyang ligtas. Alam na ni Dominic kung sino siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistress By Contract    Chapter 6

    Hawak-hawak ni Amara ang listahan ng mga kailangan ni Aaron. Wala siya sa mood para mamili, pero pinilit niya ang sarili. Kailangan niyang makahanap ng mga pagkaing pwede sa diet ng kapatid, pati ilang gamit para mas maging komportable ito sa ospital.Naglakad siya sa loob ng isang malaking store. Hindi siya sanay sa mga ganitong lugar; simple lang ang kanyang pamumuhay bago siya napilitan sa kontratang iyon. Habang nag-iikot, pilit niyang inaalis sa isip ang mabigat na mga salita ni Dominic kagabi.Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.Habang pumipili ng mga prutas, biglang may lumapit na isang babae sa tabi niya. Elegante ang tindig nito, pino ang kilos at halatang sanay sa tingin ng mga tao sa kanya. Naka-fitted na dress ito na kulay beige, naka-mamahaling bag at may pearl ang suot sa tenga.“Excuse me,” magiliw ang ngiti ng babae habang kumuha ng apple. “Ang ganda ng choices mo sa apple ah. Alam mo, ito rin ang favorite ng asawa ko.”Napatingin si Amara

  • Mistress By Contract    Chapter 5

    Nakatitig lang si Amara sa folder na hawak ni Dominic. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang sinabi niya, bawat pahina ng folder na naroon, bawat katotohanang isinampal sa kanya. Ang lihim na buong buhay niyang iningatan, ngayo’y nasa harapan na ng lalaking kinatatakutan niya.“Dominic…” Mahina ang boses niya, halos basag. “Hindi ko sinasadya na itago—”“Hindi mo sinasadya?” malamig na putol nito, ngunit ang pagkakahigpit ng hawak sa kanyang braso ay sumasalungat sa pagkakalma ng tinig. “O sinadya mong gamitin ako? Ang pera ko. Impluwensya ko. Ang pangalan ko. Amara, sagutin mo nga ako. Ginamit mo nga lang ba ako?”Napayuko siya, pilit na pinipigilan ang luha. “Ginawa ko lang lahat para kay Aaron. Kung hindi ko tinanggap ang kontrata… kung hindi ko tinago ang nakaraan ko, baka wala na siya ngayon. Syempre, ayaw kong mamatay ang kapatid ko.”Tahimik si Dominic, ngunit mas nararamdaman niya ang bigat ng presensya nito kaysa sa kahit anong salita. Tila ba naglalaban ang galit at pag-

  • Mistress By Contract    Chapter 4

    Mabigat ang katahimikan sa penthouse nang umuwi si Amara mula sa ospital. Nakaupo si Dominic sa maluwang na sala, nakatukod ang siko sa tuhod at nakatitig sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Malamlam ang ilaw, ngunit mas malinaw kaysa kailanman ang malamig na titig nito.“Ang tagal mo naman,” mahinahon ngunit mariing sabi ng lalaki.Nagpalinga-linga si Amara, hawak pa rin ang bag na dala mula sa ospital. “Pasensya na. Medyo natagalan lang sa pag-asikaso kay Aaron. Nakalabas na kasi siya mula sa ICU papunta sa regular room kaya—”“Hindi mo sinabi ang tungkol dyan.” Putol ni Dominic, malamig ang boses ngunit may halong pwersa. “Hindi mo sinabi na may ganoong pagbabago sa kondisyon ng kapatid mo. Hindi mo sinabi sa akin na magtatagal ka roon.”Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bag. “Wala naman sa kontrata na kailangan kong i-report ang bawat kilos ko sa’yo, ah. Bakit pati iyon ay kailangan mo pang malaman sa akin?”Tumayo si Dominic, mabagal ngunit may bigat ang bawat h

  • Mistress By Contract    Chapter 3

    Matahimik ang buong silid nang magmulat ng mga mata si Amara. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malambot na puting kisame, kasunod ang malamig na simoy ng aircon na tila ba pilit binubura ang init ng gabing nagdaan.Napakapit siya sa kumot na mahigpit na nakabalot sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata, umaasang baka panaginip lang ang lahat. Ngunit ramdam pa rin niya ang haplos, ang bigat ng mga bisig na yumakap sa kanya kagabi at ang boses ni Dominic na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tenga.“Akin ka lang at sa’yo lang din ako ngayong gabi.”Napasinghap siya. Para bang isa na namang chain ang bumabalot ngayon sa kanyang puso, hindi lang kontrata ang iniisip niya, kundi ang kanyang damdamin.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka bahagyang tumagilid. Doon niya napansin ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.Si Dominic.Nakahiga ito, nakatalikod sa kanya, ngunit kahit sa katahimikan, dama pa rin niya ang presensyang kayang magdikta ng bawa

  • Mistress By Contract    Chapter 2

    Tahimik ang buong kwarto nang humiga si Amara sa kama ng maliit nilang apartment. Bagama’t pagod, hindi siya dalawin ng antok. Nakapikit man ang kanyang mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Dominic kanina.“Simula ngayon, akin ka na.”Parang sumpa ang bawat kataga, paulit-ulit na bumabalot sa kanya. Napahigpit siya ng yakap sa unan, pilit na inaalo ang sarili. Ginawa niya ito para kay Aaron. Para sa kapatid niyang wala nang ibang maaasahan kundi siya. Iyon lang ang kailangan niyang isipin.Ngunit sa kabila ng lahat ng rason, hindi niya mapigilang maramdaman ang kaba at takot sa mga susunod na araw. Ano bang ibig sabihin ng pagiging “akin ka na” para kay Dominic? Ano bang klase ng relasyon ang papasukin niya? Mapanganib kaya ito para sa kanya?Kinabukasan, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanyang apartment. Malaki, mamahalin, at halatang pag-aari ng isang taong may kapangyarihan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa unahan, isan

  • Mistress By Contract    Chapter 1

    Malakas ang tibok ng puso ni Amara habang nakaupo siya sa loob ng isang malawak na opisina sa pinakamataas na floor ng Severino Corporation. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, ang dingding ay puro salamin na tanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa bawat gilid ay may art piece na hindi niya kayang bilhin kahit buong buhay siyang mag-ipon. Lahat ng ito’y sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.Ngunit higit na nangingibabaw sa lahat ay ang presensya ng lalaking kaharap niya, si Dominic Severino, ang malamig at makapangyarihang CEO.Mataas ang panga nito, matalim ang tingin at bawat kumpas ng kanyang kamay ay parang may bigat na kayang magdikta ng kapalaran ng sinumang haharap sa kanya. Marami ang nagsasabing wala itong puso, na ang tanging alam niya ay pera, negosyo at kapangyarihan. At ngayong kaharap niya ito, ramdam ni Amara ang katotohanan ng lahat ng bulung-bulungan.“Alam mo na ang mga kondisyon, Miss Alcaraz.” Malamig ang boses ni Dominic habang pinipihit ang makapal na folder sa mesa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status