Share

Chapter 2

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-09-30 18:31:50

Tahimik ang buong kwarto nang humiga si Amara sa kama ng maliit nilang apartment. Bagama’t pagod, hindi siya dalawin ng antok. Nakapikit man ang kanyang mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Dominic kanina.

“Simula ngayon, akin ka na.”

Parang sumpa ang bawat kataga, paulit-ulit na bumabalot sa kanya. Napahigpit siya ng yakap sa unan, pilit na inaalo ang sarili. Ginawa niya ito para kay Aaron. Para sa kapatid niyang wala nang ibang maaasahan kundi siya. Iyon lang ang kailangan niyang isipin.

Ngunit sa kabila ng lahat ng rason, hindi niya mapigilang maramdaman ang kaba at takot sa mga susunod na araw. Ano bang ibig sabihin ng pagiging “akin ka na” para kay Dominic? Ano bang klase ng relasyon ang papasukin niya? Mapanganib kaya ito para sa kanya?

Kinabukasan, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanyang apartment. Malaki, mamahalin, at halatang pag-aari ng isang taong may kapangyarihan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa unahan, isang driver na naka-itim na suit.

“Miss Alcaraz?” magalang na tanong nito.

Tumango siya, mahigpit na yakap ang maliit na bag na naglalaman ng ilang personal na gamit. “Ako nga.”

“Pinapapunta po kayo ni Mr. Severino sa condo niya.” Binuksan nito ang pinto sa likuran.

Mabigat ang dibdib ni Amara habang sumasakay. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, para bang hinahatid siya papunta sa isang lugar na hindi na niya alam kung makakabalik pa siya nang buo.

Pagdating nila sa isang private condominium sa pinaka center ng siyudad, halos mahulog ang panga niya. Ang lugar ay parang palasyo, may matataas na pader, mahigpit na security at napakaluwang ng lobby na punung-puno ng chandelier.

Dito ako titira? bulong niya sa isip. Parang hindi totoo ang nakikita niya.

Pag-akyat niya sa penthouse, agad siyang sinalubong ng malamig na presensya ni Dominic. Nakatayo ito sa may malawak na sala, suot ang itim na polo na bahagyang nakabukas ang ilang butones. Para itong diyos ng gabi, nakatingin sa kanya nang mariin, para bang tinitimbang ang bawat hakbang na ginagawa niya.

“Dumating ka rin sa wakas,” malamig nitong wika.

Tumango siya, hindi makatingin nang diretso. “Nandito na po ako tulad ng pinag-usapan po natin.”

Lumapit si Dominic, mabagal ang bawat hakbang. Ang bawat paglapit nito’y nagdudulot ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan. Nang makarating ito sa kanyang harapan, bahagya siyang napa-atras, ngunit agad siyang nahawakan sa baywang ng lalaki.

“Hindi mo kailangang matakot sa akin,” bulong nito. “Alam kong bago pa lang ito para sa’yo. Pero simula ngayon, sa akin ka lang. At sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ang pinasok mong kasunduan.”

Ramdam ni Amara ang init ng kamay ni Dominic sa kanyang baywang. Parang apoy na unti-unting kumakain sa depensa niyang matagal niyang pinilit buuin. Pinilit niyang huminga nang malalim.

“A-ang sabi sa kontrata…” mahina niyang tugon, “…Wala dapat emosyon. Walang… pagmamahal.”

Ngumiti si Dominic, ngunit hindi iyon ngiti ng kasiyahan, kundi ngiti ng isang lalaking sanay sa pag-angkin. “Walang emosyon, oo. Pero hindi ibig sabihin ay wala kang mararamdaman na kahit ano para sa akin.” Dumukwang ito, halos dumikit ang labi sa kanyang tenga. “At sisiguraduhin kong mararamdaman mo… na akin ka. Pangako ko sa’yo ‘yan.”

Nanginginig ang tuhod ni Amara. Gusto niyang umatras, gusto niyang tumakbo. Ngunit alam niyang wala siyang takas. Nasa kanya na ang perang kailangan para kay Aaron. Nakatali na siya sa kontrata. Nakatali na siya kay Dominic Severino.

Kinagabihan, nasa loob na siya ng kwarto na parang kwarto ng isang prinsesa, malambot na kama, mamahaling kurtina, at isang tanawin ng lungsod mula sa mataas na bintana. Ngunit sa halip na saya, kaba ang nararamdaman niya.

Isang katok ang umalingawngaw sa pintuan. Bago pa man siya makasagot, bumukas na ito at pumasok si Dominic. Nakatanggal na ang suot nitong polo, tanging puting undershirt na lamang ang naiwan. Napatigil ang kanyang hininga.

“Handa ka na ba?” tanong ng lalaki, malamig ang boses ngunit may halong init na nakakapaso.

Hindi siya nakasagot agad. Kumakabog ang dibdib niya, nanunuyo ang kanyang lalamunan. Sa halip, bahagya siyang tumango.

Lumapit si Dominic, mabagal at tiyak. Hinaplos nito ang pisngi niya, at sa unang pagkakataon, nakita niyang hindi lang lamig ang nasa mga mata nito. May kung anong emosyon doon na hindi niya maipaliwanag, isang uri ng pag-aari, isang uri ng pangangailangan.

“Wala ka nang dapat ikatakot. Iyon naman ang sinabi ko sa’yo, hindi ba?” muling bulong nito. “Basta’t tandaan mo lang ang kasunduan natin. At tandaan din na sa bawat sandali na magkasama tayo… akin ka lang.”

At sa gabing iyon, nagsimula ang unang yugto ng kanilang bawal na kasunduan.

Ngunit sa kabila ng lahat, habang nakapikit si Amara at hinahayaan ang sarili na dalhin ng agos ng gabing iyon, isang tanong ang paulit-ulit na kumakatok sa kanyang isip.

‘Hanggang kailan ko kakayanin ito bago tuluyang bumigay ang puso ko sa lalaking ito?’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistress By Contract    Chapter 6

    Hawak-hawak ni Amara ang listahan ng mga kailangan ni Aaron. Wala siya sa mood para mamili, pero pinilit niya ang sarili. Kailangan niyang makahanap ng mga pagkaing pwede sa diet ng kapatid, pati ilang gamit para mas maging komportable ito sa ospital.Naglakad siya sa loob ng isang malaking store. Hindi siya sanay sa mga ganitong lugar; simple lang ang kanyang pamumuhay bago siya napilitan sa kontratang iyon. Habang nag-iikot, pilit niyang inaalis sa isip ang mabigat na mga salita ni Dominic kagabi.Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang kaba sa kanyang dibdib.Habang pumipili ng mga prutas, biglang may lumapit na isang babae sa tabi niya. Elegante ang tindig nito, pino ang kilos at halatang sanay sa tingin ng mga tao sa kanya. Naka-fitted na dress ito na kulay beige, naka-mamahaling bag at may pearl ang suot sa tenga.“Excuse me,” magiliw ang ngiti ng babae habang kumuha ng apple. “Ang ganda ng choices mo sa apple ah. Alam mo, ito rin ang favorite ng asawa ko.”Napatingin si Amara

  • Mistress By Contract    Chapter 5

    Nakatitig lang si Amara sa folder na hawak ni Dominic. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang sinabi niya, bawat pahina ng folder na naroon, bawat katotohanang isinampal sa kanya. Ang lihim na buong buhay niyang iningatan, ngayo’y nasa harapan na ng lalaking kinatatakutan niya.“Dominic…” Mahina ang boses niya, halos basag. “Hindi ko sinasadya na itago—”“Hindi mo sinasadya?” malamig na putol nito, ngunit ang pagkakahigpit ng hawak sa kanyang braso ay sumasalungat sa pagkakalma ng tinig. “O sinadya mong gamitin ako? Ang pera ko. Impluwensya ko. Ang pangalan ko. Amara, sagutin mo nga ako. Ginamit mo nga lang ba ako?”Napayuko siya, pilit na pinipigilan ang luha. “Ginawa ko lang lahat para kay Aaron. Kung hindi ko tinanggap ang kontrata… kung hindi ko tinago ang nakaraan ko, baka wala na siya ngayon. Syempre, ayaw kong mamatay ang kapatid ko.”Tahimik si Dominic, ngunit mas nararamdaman niya ang bigat ng presensya nito kaysa sa kahit anong salita. Tila ba naglalaban ang galit at pag-

  • Mistress By Contract    Chapter 4

    Mabigat ang katahimikan sa penthouse nang umuwi si Amara mula sa ospital. Nakaupo si Dominic sa maluwang na sala, nakatukod ang siko sa tuhod at nakatitig sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Malamlam ang ilaw, ngunit mas malinaw kaysa kailanman ang malamig na titig nito.“Ang tagal mo naman,” mahinahon ngunit mariing sabi ng lalaki.Nagpalinga-linga si Amara, hawak pa rin ang bag na dala mula sa ospital. “Pasensya na. Medyo natagalan lang sa pag-asikaso kay Aaron. Nakalabas na kasi siya mula sa ICU papunta sa regular room kaya—”“Hindi mo sinabi ang tungkol dyan.” Putol ni Dominic, malamig ang boses ngunit may halong pwersa. “Hindi mo sinabi na may ganoong pagbabago sa kondisyon ng kapatid mo. Hindi mo sinabi sa akin na magtatagal ka roon.”Napahigpit siya ng hawak sa strap ng bag. “Wala naman sa kontrata na kailangan kong i-report ang bawat kilos ko sa’yo, ah. Bakit pati iyon ay kailangan mo pang malaman sa akin?”Tumayo si Dominic, mabagal ngunit may bigat ang bawat h

  • Mistress By Contract    Chapter 3

    Matahimik ang buong silid nang magmulat ng mga mata si Amara. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malambot na puting kisame, kasunod ang malamig na simoy ng aircon na tila ba pilit binubura ang init ng gabing nagdaan.Napakapit siya sa kumot na mahigpit na nakabalot sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata, umaasang baka panaginip lang ang lahat. Ngunit ramdam pa rin niya ang haplos, ang bigat ng mga bisig na yumakap sa kanya kagabi at ang boses ni Dominic na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tenga.“Akin ka lang at sa’yo lang din ako ngayong gabi.”Napasinghap siya. Para bang isa na namang chain ang bumabalot ngayon sa kanyang puso, hindi lang kontrata ang iniisip niya, kundi ang kanyang damdamin.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka bahagyang tumagilid. Doon niya napansin ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.Si Dominic.Nakahiga ito, nakatalikod sa kanya, ngunit kahit sa katahimikan, dama pa rin niya ang presensyang kayang magdikta ng bawa

  • Mistress By Contract    Chapter 2

    Tahimik ang buong kwarto nang humiga si Amara sa kama ng maliit nilang apartment. Bagama’t pagod, hindi siya dalawin ng antok. Nakapikit man ang kanyang mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Dominic kanina.“Simula ngayon, akin ka na.”Parang sumpa ang bawat kataga, paulit-ulit na bumabalot sa kanya. Napahigpit siya ng yakap sa unan, pilit na inaalo ang sarili. Ginawa niya ito para kay Aaron. Para sa kapatid niyang wala nang ibang maaasahan kundi siya. Iyon lang ang kailangan niyang isipin.Ngunit sa kabila ng lahat ng rason, hindi niya mapigilang maramdaman ang kaba at takot sa mga susunod na araw. Ano bang ibig sabihin ng pagiging “akin ka na” para kay Dominic? Ano bang klase ng relasyon ang papasukin niya? Mapanganib kaya ito para sa kanya?Kinabukasan, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng kanyang apartment. Malaki, mamahalin, at halatang pag-aari ng isang taong may kapangyarihan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa unahan, isan

  • Mistress By Contract    Chapter 1

    Malakas ang tibok ng puso ni Amara habang nakaupo siya sa loob ng isang malawak na opisina sa pinakamataas na floor ng Severino Corporation. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, ang dingding ay puro salamin na tanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa bawat gilid ay may art piece na hindi niya kayang bilhin kahit buong buhay siyang mag-ipon. Lahat ng ito’y sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.Ngunit higit na nangingibabaw sa lahat ay ang presensya ng lalaking kaharap niya, si Dominic Severino, ang malamig at makapangyarihang CEO.Mataas ang panga nito, matalim ang tingin at bawat kumpas ng kanyang kamay ay parang may bigat na kayang magdikta ng kapalaran ng sinumang haharap sa kanya. Marami ang nagsasabing wala itong puso, na ang tanging alam niya ay pera, negosyo at kapangyarihan. At ngayong kaharap niya ito, ramdam ni Amara ang katotohanan ng lahat ng bulung-bulungan.“Alam mo na ang mga kondisyon, Miss Alcaraz.” Malamig ang boses ni Dominic habang pinipihit ang makapal na folder sa mesa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status