LOGINKinagabihan ay muling sinubukan ni Charlene na lapitan ang mga bata—kahit pa sariwa pa sa isip niya ang lahat ng pahirap na naranasan niya mula sa mga ito. Gabi na rin, kaya naisipan niyang dalhan sila ng meryenda habang naglalaro ang mga ito sa kuwarto ni Erica.May dala siyang tatlong basong gatas at isang basong apple juice—paborito raw ni Erica, ayon kay Manang Dores. Mayroon din siyang hiniwang mansanas at kahel na nakalagay sa isang malaking tray.Pagdating niya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok.“Come in,” narinig niyang sabi ni Erica.Dahan-dahan siyang pumasok at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga mukha ng mga bata nang makita siyang siya ang nasa pintuan.“I thought you already ran away?” sarkastikong tanong ni Erica habang nakaupo sa sofa, kaharap ang mga kapatid.Hindi ito pinansin ni Charlene. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain.“Alam kong gutom na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Kaya dinalhan ko kayo ng makakain.”Wal
Isang araw pa ang lumipas at Sabado na ng umaga kaya walang pasok ang mga bata. Ginawa itong pagkakataon ni Charlene para mas makilala pa sila. Hinanap niya ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto ngunit wala roon, kaya naisipan niyang bumaba sa sala.Ngunit halos mabalian siya ng buto nang hindi niya mapansin ang mga jolens na nakakalat sa hagdan. Sa isang maling hakbang ay nadulas siya.Wala siyang mahawakan, kaya dire-diretso siyang gumulong pababa hanggang sa dulo ng hagdanan. Isang malakas na impact ang sumalubong sa katawan niya nang tumama siya sa matigas na tiles ng sahig. Nanlambot ang buong katawan niya sa sakit.“Good morning, Charlene.”Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at bumungad sa kanya ang kambal at si Lily, nakatayo sa harapan niya. Nakangisi silang tatlo habang pinagmamasdan siyang halos hindi makatayo.Hindi na niya kailangang alamin—alam na niyang sila ang may pakana ng nangyari.“You said makikipaglaro ka sa amin,” sabi ni Wency. “Do you want to play hide an
Kinabukasan ay nagising si Charlene dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Hindi niya pala naisara ang bintana kagabi bago matulog. Napabuntong-hininga na lamang siya bago bumangon at pumasok sa banyo. Mabuti na lang at may toothbrush siyang nakita roon, at kumpleto rin ang mga gamit sa loob.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba na siya. Doon niya naabutan si Kerill na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. May nakahain na ring masasarap na putahe na agad nagpatakam kay Charlene. Napatingin siya kay Kerill na abalang nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape.“Good morning,” mahina niyang bati.Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.Sa halip, binati na lamang niya si Manang Dores na agad namang ngumiti sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga anak ni Kerill—si Erica, ang panganay na nasa Grade 12; ang kambal na sina Wency at Wyl na nasa Grade 10; at ang bunsong si Lily na nasa Grade 6 pa lamang.Nang makita ni Charlene ang mga bata, agad siyan
Pagkatapos maipaliwanag ni Black kay Charlene ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit kailangan siya ni Kerill, napagpasyahan niyang pumayag. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na gagawin niya ito hindi para kay Kerill, kundi para sa mga bata.Alam niya kung gaano kasakit ang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan rin sila ng kanyang ama noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang bigat ng kawalan na iyon. Kaya nang malaman niya ang ginawa ng tunay na ina ng mga anak ni Kerill, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga bata.May kapalit ang lahat. Tatanggapin niya ang pera kapalit ng pagpapanggap bilang asawa ni Kerill at pansamantalang ina ng mga bata. Para sa kanya, napakalaking halaga ng isang milyon, lalo na sa kalagayan niya ngayon na wala siyang matitirhan, walang trabaho, at halos wala nang pera.Maingat niyang binasa ang kontratang inabot ni Kerill. Hindi niya minadali. Inisa isa niya ang bawat detalye, tiniyak na walang kondisyon na
Nadatnan ni Charlene ang sarili na nakaupo sa halata namang mamahaling restaurant. Ang kisame ay may chandelier, at sa gitna ng silid ay may mahinang tunog ng piano na pumupuno sa katahimikan. Hindi niya maitago ang pagkamangha, at hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niyang suot sa elegante at mamahaling damit ng ibang tao."Breath, girl," biro ni Black, na nakangiti sa kanya.Nahihiyang tiningnan ni Charlene si Black. "First time ko kasi sa ganitong kagarbong lugar. Pasensya na," mahina niyang sabi."No need to say sorry. Order ka lang, akong bahala sa'yo," sagot ni Black, sabay kindatan pa ang dalaga. Napangiti si Charlene, at tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain na makakasama niya ang iniidolo niya sa ganitong lugar. Sa tingin niya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo."Ano pong order nyo, ma’am?" tanong ng waitress habang iniabot ang menu. Ngunit nag-alangan si Charlene; hindi niya mabigkas ang mahahabang pangalan ng mga pagkain. Napagpasy
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, diretso si Charlene sa police station para magsampa ng kaso laban kay Kerill. Ngunit nang marinig ng mga pulis kung sino ang lalakeng sinasabi ni Charlene, kaagad silang nag-alangan. Kilala sa buong lugar ang kapangyarihan ng Wang family at alam nilang delikado silang kalabanin ang pamilyang iyon."Hindi naman ganoon kalakas ang ebidensya mo, miss. Hindi namin pwedeng paniwalaan ang lahat ng sinabi mo, lalo pa at kulang ka sa ebidensya," ani ng isang pulis habang nakatingin sa kanya. Ramdam ni Charlene ang inis na bumabalot sa dibdib niya. "Pero sir…" panimulang protesta niya, ngunit putol siya ng isa pang pulis."Umuwing muna ka na, miss. Kami na ang bahala rito," dagdag nito habang binigyan siya ng makahulugang tingin bago lumingon sa katrabaho.Walang nagawa si Charlene kundi lumabas ng police station. Kahit hindi nila sinabi, ramdam niya na wala silang balak tutukan ang kaso niya. Napailing siya sa isipin na kayang gawin ng mayayaman ang lahat, ka







