Share

Chapter 12

“Where are we?” tanong niya kay Timothy ng lumapag ang sinasakyan nila sa isang dalampasigan.

Hindi niya maaninag kung ano ang nasa paligid nila dahil medyo may kadiliman doon, pero natitiyak niyang nasa isang isla sila.

“We’re in Isla Catalina. An island in Northern Palawan na pag-aari ng pamilya namin,” anito at inalalayan s’ya sa may siko. “Careful,” sabi pa nito nang bigla s’yang matisod.

“T-Thanks…” usal niya habang pilit pinakakalma ang sarili.

Kakaiba kasi ang hatid na init na nagmumula sa palad nito. Nanunulay iyon sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso and made it beats unevenly.

Nang marating nila ang may katamtamang villa na yari sa pawid at matibay na kahoy ay iginala niya ang paningin sa madilim na paligid. Bahagya na ring nasasanay ang mga mata niya sa kadilimang iyon.

“Wala bang ibang naninirahan dito?” curious na tanong niya at napakayap sa sarili ng umihip ang malamig na hangin.

Umiling si Timothy na may kung anong hinugot sa bag nito at inilagay sa balikat niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status