Se connecter“Magandang umaga, ’nak.”
Narinig ko agad ang boses ni Tatay bago ko pa man makita siya. Nasa tabi ako ng kalachuchi at bahagyang nakasandal sa puno, may sketchpad sa kandungan. Ang isang kamay ko nakahawak sa lapis, at ang isa naman nakadantay sa magaspang na balat ng kahoy. Kahit naman mainit at malagkit ang simoy ng hangin ay natatabunan ito ng amoy ng bulaklak. ’Yung simpleng bango na parang tahimik na yakap. “Magandang umaga rin po,” balik batiko saka bahagyang ngumiti. Pawis na pawis si tatay habang inaayos ang mga paso sa gilid ng greenhouse, pero kalmado pa rin ang kilos. Parang walang kapaguran sa pagtatanim. “Hoy, Aya!” sigaw ni Jun habang bitbit ang mahabang hose. “Huwag ka riyan, baka mabasa ka.” “Alam ko na, Jun. Dahan-dahan ka lang diyan.” Nakapamaywang ako at kunwari seryoso. Napangisi siya. “Ikaw pa ang nagsabi? Eh ikaw ’yung laging bungisngis dito.” Umirap ako, pero napatawa na rin. Kahit halos kaedad ko siya, lagi siyang parang kuya sa kilos niya. Lalo na kapag nakikitulong kay Tatay. Matapos kong iguhit ang ilang bulaklak ng kalachuchi bago lumapit sa rosal. Diniligan ko siya nang dahan-dahan. Ang patak ng tubig, parang maliliit na kumpas ng musika. “Ang ganda mo na naman,” bulong ko na para bang may kausap talaga. “Sana umabot ka pa hanggang sa mga susunod na bakasyon ko.” “Kinakausap mo na naman ’yang halaman?” biglang lumitaw si Jun sa tabi ko. Napataas ang kilay ko. “Oo. Bakit, may reklamo ka?” Umiling siya habang nagpipigil ng ngisi. “Wala. Sabi lang ni Nanay, mas weird ka raw kasi kinakausap mo ’yan. Pero tingnan mo, mas malago pa ’yung tanim mo kaysa sa iba.” Hindi ko napigilang ngumiti, kahit gusto ko sanang magpaka-deadma. “Eh kasi naiintindihan nila ako.” Umiling siya na kunwari sumuko. “Ikaw talaga, Aya.” Bago pa ako makasagot ay may tumawag. “Aya!” si Nanay nakasilip mula sa quarters. “Ipinasusundo ka ni Ma’am Sofia. Gusto ka raw makita.” Natigilan ako. Si Ma’am Sofia? “Ngayon na po?” tanong ko na may pigil na kaba sa dibdib. “Oo. Sa sunroom daw.” Mabilis kong isinara ang sketchpad at saka marahang inayos ang buhok ko, bago naglakad papunta sa mansyon. Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng lamig ng aircon at ng kinis ng marmol na sahig. Ang chandelier, parang mga bituin na nakabitin sa kisame—nakakasindak at nakakaakit sa parehong paraan. Pagdating ko sa kwarto nakita ko agad si Ma’am Sofia, nakaupo sa malaking sofa habang may hawak na makapal na libro. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. “Aya! You came,” masaya ang tono niya, parang musika. “I feel so bored to death here, kaya pinatawag kita.” Umupo ako sa dulo at pirming dumiretso ang likod. “Ano po bang gusto n’yong gawin, Ma’am Sofia?” “Just stay here. You can draw while I read. Or else, I’ll be dead out of boredom.” Tumango ako na bahagyang napangiti. Binuksan ko ang sketchpad at sinimulang iguhit ang bintana ng sunroom. Doon nakapuwesto ang mga orchids. Ang mga petals nito na tila kristal sa liwanag ng umaga, bawat kurba ay parang lihim na ibinubulong sa katahimikan. Parang ngayon ko lang sila nakita nang ganito kagaganda. Tahimik lang kami hanggang sa bumukas ang pinto. At doon siya pumasok. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Si Sir Zed. Kung tutuusin Wala namang espesyal sa kilos niya. Diretso lang naman siyang naglalakad at humahakbang pero para sa akin, parang nag-iba ang paligid. Lahat ng tunog biglang nilamon ng presensya niya. Ang espasyo, parang lumiit. “Kuya!” tawag agad ni Sofia, tuwang-tuwa. “Look, Aya’s here with me.” Tumigil siya saka tumingin saglit. Nagtagpo ang mga mata namin. Sandali lang iyon, pero sapat na para magyelo ang kamay ko at mag-init ang pisngi. Pakiramdam ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad din akong yumuko. “Mm.” Maikli lang ang sagot niya bago dumiretso sa shelf. “Kuya, can you keep Aya company for a while? Kukuha lang ako ng juice,” dagdag pa ni Ma’am bago agad na tumayo. Tumayo rin ako. “Ako na lang po, Ma’am Sofia—” Umiling siya, nakangisi. “No need, Aya. Sit down there. Kuya won't bite,” biro niya at tuluyan nang lumabas. Naiwan nga kaming dalawa. Tanging tik-tak ng orasan ang naririnig. Sobrang tahimik kaya pinilit kong magpanggap na abala sa pagguhit, pero mula sa gilid ng paningin ko ay nakita kong napahinto siya malapit sa mesa. “You draw?” mababa ang boses niya na halos pabulong. Nagulat ako at agad tinakpan ang sketchpad. “O-opo. Minsan lang po.” “Don’t cover it. What are you drawing now?” Nagdalawang-isip ako bago dahan-dahang inilapit sa kanya. Guhit ng bintana at orchids. “Ito po… kasi maganda ’yung ilaw dito. Parang binibigyan ng kulay kahit tahimik lang.” Napahinto ako saka ko lang napagtanto na napasobra ako ng kwento. Bahagyang lumambot ang tono niya. “That’s good. You notice the details.” Simple lang naman ang sinabi niya, pero para bang tumigil ang paligid. Sa isang iglap, sa kanya lang nabuhos lahat ng atensyon ko. Ako, siya, at ang lambot sa boses niyang pilit nagsusumiksik sa dibdib ko. Hindi pala siya mahirap kausapin gaya ng iniisip ko. Nang makabalik ako sa sarili ay halos nagkibit-balikat ako. “Eh… practice lang po.” Tumango siya nang bahagya. “That’s how you learn. Details matter.” Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. Para bang hindi lang tungkol sa pagguhit ang tinutukoy niya. Pagbalik ni Ma’am Sofia ay halos pasalamatan ko siya sa pagdating niya. Dala niya ang dalawang baso ng juice. “Kuya, did you talk to Aya?” Nag-angat lang siya ng tingin mula sa notebook na hawak niya. “Yes.” “Good!” ngumiti si Sofia bago inabot sa akin ang isang baso. “You should hang out with us more, Aya.” “Baka po makasagabal lang ako,” sagot ko agad. “Hindi, no!” natatawa niyang tugon. “Mas gusto kong may kausap kaysa mag-isa dito.” Hindi na ako nakaimik pa at bahagyang ngumiti lang. Habang umaalis si Ma’am Sofia para kumuha ng isa pang libro, naisip ko kung gaano sila magkaiba. Habang naglalakad ako pabalik ng quarters ay ramdam ko pa rin ang init sa pisngi ko. Ang simple lang ng pinag-usapan namin, pero bakit hindi ko makalimutan? Sa daan, narinig ko ang bulungan ng mga kasambahay. “Si Sir Zed daw, siya na raw ang susunod sa negosyo,” bulong ni Aling Berta. “Oo, kawawa nga. Ang bigat ng pasan niya, puro proyekto at responsibilidad. Hindi pa man siya nakakapili ng buhay para sa sarili,” dagdag pa ni Manang Belen. Napakagat ako sa labi. Ang tingin ko sa kanya kanina, parang walang kapaguran. Pero ngayong narinig ko ang mga bulungan, naisip kong baka may mga bigat na hindi nakikita ng mata. At doon ako lalo pang humanga. Pagpasok sa kwarto ay agad akong humiga. Tuminhaya ako at pilit ipinikit ang mga mata, pero paulit-ulit bumabalik ang sinabi niya kanina. Details matter. Ang simpleng linyang iyon, parang parang pilit na umuukit sa isip ko. Wala naman dapat. Hindi ko dapat maramdaman ito. Pero eto ako, nakatalukbong ng kumot habang hawak ang sketchpad sa aking dibdib, at iniisip ang parehong tanong. Bakit parang iba kapag siya ang nagsasalita? At bago tuluyang makatulog, malinaw sa akin ang isang bagay—hindi ko pa kayang pangalanan, at hindi ko dapat maramdaman, pero nandiyan siya. At lalong hindi ko na siya kayang balewalain.Monday noon kaya busy ang lahat sa panibagong week. I was typing on my computer when an email from Iris came in.Agad kong binasa 'yon. It was from her personal email, which immediately made me nervous. Iris rarely used that unless it was something off the record.From: Iris V.To: Aya R.Subject: Just a heads-upHi, Aya. I wanted to let you know that PR and Corporate Affairs have been discreetly monitoring social media chatter about you and Mr. Madriaga. Some board members and external partners have already noticed the photos from last week’s site visit and the dinner rumors. They’re not making formal statements yet, but the Board is becoming cautious. A few investors have started asking questions, too.I’m telling you this privately because I know how things can spiral fast. Please be careful with public appearances or shared events for now. You know how the higher-ups value “image consistency.”I trust your professionalism, but I also know how easily people can twist a story.Napati
Matapos ang mahabang araw ay kita ko kung gaano kapagod ang lahat. Ang iba ay pinilit pa ring umuwi sa Manila. Pero ako, balak kong bisitahin si Nanay at Tatay.Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng chile nang lumapit si Zedrick sa’kin pagkatapos, not minding the eyes following his movements.Tumingala ako at bahagya pang nasilaw sa huling sinag ng panghapong araw.“Any plans?” tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko.“Balak kong umuwi sa’min,” sabi ko.He opened the bottled water in his hand, then offered it to me. Tinanggap ko ’yon saka mabilis na uminom.“Salamat,” bulong ko saka ngumiti.“Then let me join you,” sabi niya pagkatapos.Pagdating namin sa bahay ay si Tatay agad ang nabungaran namin. Nasa labas siya at nagdidilig ng mga tanim niya. Nagtataka pa ang mukha nang tumigil ang kotse sa harap ng bahay.Sa pagkasabik ko ay hindi ko na nahintay na pagbuksan pa ’ko ni Zed. I noticed how he smiled before he went out of the car too.“Tay!” tawag ko.Nanliliit ang mata na tinanaw ako ni Ta
Lumipas ang ilang linggo matapos ang pagkikita namin ni Mrs. Madriaga. Pero kahit kailan, hindi ko nabanggit kay Zed ang tungkol doon.“Packed up na ba ‘yung gamit mo for the site visit?” tanong niya habang nasa biyahe kami pauwi galing opisina.Nilingon ko siya saka ngumiti. “Yeah,” mahinang sagot ko.“I’ll pick you up at 5 a.m. then,” sabi niya.Tumango ako, at bago ko pa maibalik ang tingin sa labas, inabot niya ang kamay ko saka marahang hinalikan iyon. The gesture was simple, but it was enough to quiet every noise in my chest.Pagdating namin sa tapat ng apartment, agad niyang inihinto ang sasakyan. Kinalas ko ang seatbelt, pero mabilis siyang bumaba para umikot at pagbuksan ako ng pinto.And there it was again—that consistent kindness. He never failed to make me feel seen.“Coffee ka muna?” alok ko, kahit alam kong baka tanggihan niya.Ngunit sa halip na sumagot, marahan niyang hinawakan ang pisngi ko.“I want to, but I need to wake up early for tomorrow,” malambing na sagot niy
By the time I got to the office, maaga pa rin ako. Tahimik pa ang paligid, at tanging tunog ng printer at pagbukas-sara ng mga drawers sa kabilang cubicle ang maririnig.Pag-upo ko sa desk, napansin ko agad ang reflection ko sa black screen ng monitor—still smiling. Napailing ako. “Get it together, Aya,” bulong ko sa sarili.Maya-maya pa ay dumating na sina Mira at Janus.“Uy, early bird,” bati ni Janus habang inaabot ang kape niya. “Ang aga mo ah. Nagbago na ang ihip ng hangin?”“Hindi naman,” sabi ko, pero ramdam ko ang init ng pisngi ko.“Hindi naman daw,” sabat ni Mira, halatang nakangisi. “Kahapon din ’to eh, nag-o-office overtime daw. Pero ‘yung ngiti, overtime din.”Natawa si Janus. “In love ‘yan, obvious na obvious. Spill na, Aya. Sino ang nagpapakilig sa’yo?”“Wala,” mabilis kong sagot, sabay inom ng kape. “Kape lang ‘to. Nagkataon lang na masarap ‘yung timpla.”“Sure,” sabay sabi nilang dalawa, sabay tawa.Napatakip ako ng mukha, at natawa rin pero pilit pinapakalma ang sar
Pero hindi natapos doon ang insidenteng ’yon.“Aya!” sigaw ni Sofia, isang gabi na nagdi-dinner kami ni Zed.Nagpaalam lang akong magbanyo, pero paglabas ko ay siya agad ang nasalubong ko.Paglingon ko sa mesa namin, nakita kong abala si Zed sa pag-check ng menu.“Nandito pala… kayo?” bati ko, agad kong binago ang tono ng boses ko.Sinadya kong ibaling ang tingin kay Zed. Sinundan niya ng tingin 'yon.“Oh, I was alone but I didn’t know Kuya’s here. Let’s join him,” mabilis niyang yaya, sabay hila sa akin. “Kuya! What a coincidence for us three,” dagdag niya sabay upo sa tabi ng kapatid.Shock was an understatement to describe his reaction. Nakita ko kung paano siya dahan-dahang bumaling sa akin, ang mga mata niya tahimik na nagtatanong.Agad akong umiwas ng tingin at hindi na nakaimik.Narinig ko ang mabigat niyang paghinga bago niya marahang pinakawalan ’yon.At imbes na tingnan pa ako, inabala niya ang sarili sa menu, habang si Sofia naman ay walang tigil sa pagkukuwento tungkol sa
"Huy!" halos pasigaw na bati ni Mira nang makita ako sa hallway. “Ano ’yan? Afterglow ng unang pag-ibig?” biro niya, sabay kindat.Napailing ako, pigil-tawa, saka ngumiti lang. “Kape gusto mo?” alok ko, pilit na binabaling ang usapan.Napanganga siya sa mabilis kong pag-iwas bago napahalakhak. “Aya! Wow, ikaw na talaga ang may love life!”Sumunod pa siya sa akin papasok sa pantry, bitbit ang tasa. “So, kailan mo naman ipapakilala sa amin ’yung jowa mo?” tanong niya, halos may kasamang tili.Natigilan ako saglit habang pinupuno ang mug ng kape. Hindi ko pa talaga naisip ’yon—kung paano ko ipapakilala si Zed. Paano ko sasabihin na kami, o na mahal ko siya pero kailangan pa ring magtago sa pagitan ng trabaho, ng pangalan, at ng lahat ng kumplikado?Tahimik akong napangiti. “Hindi pa siguro ngayon,” sagot ko. “Busy pa siya.”“Busy, ha? Ayan na naman ang classic excuse ng in love!” pang-aasar pa ni Mira habang sumimsim ng kape. “Pero sige na nga, baka naman surprise mo kami next time.”Ngu







