Share

Kabanata 4

Author: inksigned
last update Last Updated: 2025-08-11 19:31:55

Tahimik ang mansyon kapag gabi. Hindi katulad sa baryo kung saan kuliglig, aso, at tawanan ng mga kapitbahay ang maririnig. Dito, kakaiba ang katahimikan—mas organisado, halos may sariling ritmo. Ang mga yabag ng kasambahay sa pasilyo, mahihinang kaluskos ng kurtina, at tunog ng pinggan mula sa kusina.

Nasa likod ako at tinutulungan si Nanay at Manang Belen mag-ayos para sa hapunan. Ang bango ng amoy ng nilagang baka na niluto kanina pa, hinaluan ng bango ng bagong saing na kanin at alak na inilabas para sa mesa.

“Aya, dalhin mo itong pitsel ng tubig sa dining,” utos ni Nanay.

Hindi siya tumitingin dahil abala sa paghanda ng dessert.

“Po? Ako?” napatigil ako, hawak pa ang basang kamay galing sa paghuhugas.

“Oo. Diretso lang, ilapag mo sa dulo ng mesa. Pagkatapos ay bumalik ka agad.”

Huminga ako nang malalim sak pinunasan ang mga kamay bago kinuha ang pitsel. Medyo mabigat 'yon, pero kaya. Bago lumabas ay sinilip ko pa ang sarili ko sa repleksyon ng kabinet, inayos ang buhok na may mga tumatakas na hibla.

Pagbukas ko ng malalaking double doors at sinalubong agad ako ng lamig sa dining hall. Mahaba ang mesa, nakaupo roon ang pamilya.

Sa gitna ay si Don Alfredo Madriaga. Tuwid ang likod sa pagkakaupo, parang isang guro sa unibersidad na hindi kailangang magsalita para maramdaman ang presensya. Sa kanan niya, si Ma’am Celeste—mahinhin na humakain at may titig na parang nakikita lahat ng ayaw mong ipakita.

Nasa kabilang dulo si Ma'am Sofia na agad kumaway nang makita ako. “Aya!” bulong niya, pasimple pero masigla.

At sa tabi niya—si Sir Zed. Tahimik, ang focus nasa plato saka inabot ang baso ng tubig. Bahagya siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin. Walang sinabi, pero sapat para maramdaman ko ang init na gumapang sa tenga ko.

Pinilit kong huwag manigas sa kinatatayuan ko.

Lumapit ako nang dahan-dahan at inilapag ang pitsel. “Magandang gabi po.”

Sandali akong tiningnan ng lahat.

“Who is this?” tanong ni Ma’am Celeste. Kalmado ang tono pero matalim ang pagkakasabi. “Do we have new help?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung sasagot ako, pero nauna na si Sofia.

“No, Mama. This is Aya,” mabilis niyang sagot. “Anak nina Mang Ben at Aling Myrna. She helps them this summer. And she’s my friend.”

Friend. Ang gaan ng salitang iyon sa bibig niya. Parang binigyan ako ng upuan sa mesa na hindi ko naman hinihingi.

Nakangiti pa siya. “She’s really good with plants. And she draws so well. Sometimes she keeps me company in the sunroom.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Ma'am Celeste at parang sinusukat ang sagot. Hindi siya nagsalita agad, pero ramdam ko ang bigat ng pagsusuri niya.

“She’s pretty. And young.” Walang ngiti pero hindi mo rin mahihimigan ang pagkaaliw. Mas parang obserbasyon na kailangang timbangin.

Sa gilid ay napansin kong bahagyang gumalaw si Sir Zed. Pinahid niya ang labi gamit ang table napkin, saka sumulyap nang mabilis sa banda kung nasaan ako. Isang tingin na halos hindi ko mahuli kung hindi ko lang siya binabantayan mula sa gilid ng mata.

“Ben’s daughter?” dagdag ni Don Alfredo, mababa ang boses pero malinaw. “How old are you, hija?”

“Sixteen po,” mabilis kong sagot, halos hindi humihinga.

Tumango siya at parang may kinokompyut. “So you’ll be in college soon. Do you know what course you want?”

Lalo akong kinabahan. Pero alam kong hindi pwedeng wala akong isagot. Pinilit kong tumingin kay Don.

“Agriculture po.”

Napa-“wow” si Ma’am Sofia. At si Mrs. Madriaga, lalo lang tumiim ang tingin. At ramdam ko rin na nakikinig si Sir Zed sa mabagal niyang pag-inom sa baso.

Ngumiti nang bahagya ang Don. “Agriculture? That’s rare for girls your age. Most would say business, medicine, or law.”

Huminga ako habang pilit na binubuo ang boses. “Gusto ko po kasi sanang ipakita na mahalaga ang ginagawa ng tatay ko. Na hindi lang basta trabaho ang pagiging hardinero.”

Wala agad nagsalit kaya damang dama ko ang sariling tibok ng puso ko, mabilis at malakas.

Tumango si Don Alfredo. “That’s admirable. We need more people who see value in what others overlook. Study well, and you’ll go far.”

Gumaan ang loob ko sa maliit na ngiti ni Mr. Madriaga. Pero habang gumagaan iyon, lalo namang bumibigat ang titig ni Ma’am Celeste.

“Ambitious words for someone your age,” aniya sa diretsong tono. “I hope you understand that it’s not easy.” paalala niya bago diretsong tumingin sa'kin.

Para akong natigilan. Hindi malakas ang boses niya, pero ramdam ng balat ko ang lamig ng titig. Sapat na iyon para mag-init ang pisngi ko at mapayuko.

Nagpatuloy ang hapunan. Habang nag-uusap sila tungkol sa negosyo. Tungkol sa land development sa kabilang bayan, at bagong greenhouse. I kept doing what I was told. Tahimik akong nagbuhos ng tubig sa bawat baso.

Pagdating ko kay Sir Zed, nakababa ang tingin niya. Inangat niya lang nang kaunti nang maabot ko ang baso niya.

“Thank you,” mahina niyang sabi na halos hindi narinig ng iba.

Muntik na kong mapahinto kung hindi lang muntik nang umapaw ang sinasalin ko. Tumango lang ako at nagmamadaling umatras, pero hindi ko mapigilan ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang siya lang ang narinig ko kahit puno ng usapan ang mesa.

“Zed will handle most of the groundwork,” dagdag ng Don, diretso sa anak niya.

Tumango si Sir Zed, steady, walang sinayang na salita. Para bang natural na lang sa kanya ang responsibilidad.

“Aya,” biglang tawag ni Sofia. “You should show Mama your sketchpad sometime. She draws the garden so well.” May himig ng pagmamalaki

Halos mabitawan ko ang pitsel. “Naku, Ma’am Sofia…”

Tinapunan ko ng mabilis na tingin si Mrs. Madriaga na mukhang hindi na gustong pakinggan ang sinasabi ng anak.

Pero ngumiti lang siya. “She’s shy. But she’s really good.”

Mula sa gilid, tumingin si Sir Zed. Diretso, saglit, pero sapat para mapako ako sa kinatatayuan ko.

“If you’re serious about it,” singit niya sa mababang tono, “keep drawing. Small things become big when you do them consistently.”

Bahagyang lumambot ang boses niya, halos hindi ko inaasahan. Simple lang ang sinabi niya, pero para sa akin, ibang klase ang tama ng bawat salita.

“Th-thank you,” bulong ko, halos hindi marinig.

Napansin ko si Mrs. Madriaga na bumaling kay Sir Zed bago muling tinapunan ako ng tingin na waring gustong iparating na makakaalis na ko.

Kaya pagbalik ko sa kusina, agad kong ibinaba ang pitsel. Sila Nanay at Manang Belen parehong nakatingin na parang hinihintay ang balita.

“Buhay ka pa,” biro ni Manang at bahagyang natawa pa.

“Anong nangyari?” simpleng tanong ni Nanay.

“Wala po. Nilagyan ko lang ng tubig,” kunwaring sagot ko.

Pero sa loob-loob ko, malinaw pa rin ang lahat. Yung paraan ng tingin ni Ma’am Celeste—parang kutsilyong dumudulas sa balat. At yung tahimik pero malamlam na titig ni Sir Zed, na parang hindi ko alam kung iniintindi niya ako o sinusukat.

Habang nakahiga ako at hawak ang sketchpad na hindi ko nagamit buong araw. Binuksan ko 'yon at tiningnan ang guhit ko ng kalachuchi. Naalala ko ang sinabi ni Don Alfredo. At ang mas simpleng linya ni Zed.

You'll go far.

Keep drawing.

Napangiti ako nang bahagya pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa kakaibang pakiramdam na marinig na may halaga ang isang bagay na mahalaga para sa akin.

Pero agad ding sumagi ang imahe ni Ma’am Celeste. Yung mga mata niyang mapagmasid kung tumingin. Kita ang pagiging kalmado, pero kayang pumutol ng kahit anong pangarap sa isang salita.

At doon ko lang naisip na baka mali na napansin ako ng pamilya nila. Ang liit ng mundo ko, at ang laki ng sa kanila. Baka mas ligtas kung invisible na lang ako.

Pero paano ako magtatago kung mismong pangalan ko ay narinig ko mula sa labi ni Sir Zed?

Pinikit ko ang mga mata saka niyakap ang sketchpad. Hindi ko pa alam kung saan hahantong ang lahat, pero isa lang ang malinaw—hindi ko makakalimutan ang unang gabi na nakaharap ko sila, lahat, sa iisang mesa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • More Than The Marriage   Kabanata 29

    Pagkasara ng pinto ng kotse niya at pag-andar nito palayo, naiwan akong nakatayo sa labas ng apartment, hawak ang dibdib na parang gusto pang habulin ang tibok ng puso ko.It was just a kiss on the forehead. A simple, fleeting gesture. Pero bakit pakiramdam ko, buong mundo ko ang gumalaw?Pumasok ako sa loob at mabilis na isinara ang pinto, saka ako napasandal. Tahimik ang paligid, maliban sa ugong ng lumang electric fan sa sala. Pero sa loob ko, parang may sariling ingay—ang paulit-ulit na boses niya.Thank you for staying this time.Napangiti ako nang hindi sinasadya, sabay takip ng kamay sa mukha ko. God. Ano ba ’to?Bago pa ako tuluyang lamunin ng kilig, nag-vibrate ang phone ko. Video call request.Nanay calling…Agad kong inayos ang buhok ko, pinilit ayusin ang mga pisngi kong kanina pa mainit, at sinagot ang tawag.“Aya! Anak, buti naman at sinagot mo. Kumain ka na ba?” bungad agad ni Nanay, habang si Tatay nakasilip mula sa gilid, at halatang nakikinig din.“Yes, Nay. Kakatapo

  • More Than The Marriage   Kabanata 28.5

    I tied my hair into a loose bun and reached for the apron— “Let me do it for you,” halos pabulong na sabi ni Zed. Maingat niyang hinawakan ang bewang ko at marahan akong ipinaharap sa kanya. Totoo pala ’yung sinasabi nilang slow-mo moment. Akala ko dati sa pelikula lang ’yon, exaggerated at scripted. Pero hindi. The second his hands settled on my waist, guiding me to face him, and when he carefully looped the strings of the apron around me—tying a neat knot in front—parang nasa pelikula nga kami. Isang pelikula na hindi ko naman inisip na ako mismo ang susulat. Pagkatapos niya, hindi siya agad umatras. Mariin siyang tumitig sa’kin—at ganoon din ako sa kanya, as if neither of us wanted to break the moment. Napakurap ako nang bahagya at napaubo. “A-ah, salamat.” “Yeah,” sagot niya, halos pabulong din, sabay bahagyang un-at ng kamay na parang hindi niya rin alam kung saan ito ilalagay. Sa huli, bumalik siya sa kinauupuan niya kanina, kunwari relaxed. I exhaled slowly, pinipilit ib

  • More Than The Marriage   Kabanata 28

    Nang makasakay na kami, marahang humarap siya sa’kin, habang ang isang kamay ay nakapatong sa steering wheel.“Let’s have dinner,” basag niya sa katahimikan, banayad ang boses.Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt at wala sa sariling tumango na lang. Nahuli ko ang bahagyang ngiti niya, at marahan siyang natawa bago yumuko para paandarin ang kotse.“So… where do you want to eat?” tanong niya, diretso pa rin ang tingin sa kalsada.Agad akong lumingon sa kanya. “Kahit saan.” God, Aya. Nakagat ko ang dila ko sa sobrang walang kwenta ng sagot ko. “Diyan na lang,” sabay turo ko kung saan.Bahala na.He glanced at where I was pointing, and a grin spread across his face. “At the Jollibee?”Napatingin akong muli. Jollibee nga.Baka hindi siya mahilig sa fast food. Nakakahiya ka, Aya! sigaw ng utak ko.“Eh… ikaw na lang ang bahala,” nahihiyang sabi ko saka mabilis na ibinaba ang kamay sa tuhod.He only shook his head, amusement flickering in his eyes. “It’s fine. I used to eat in fast food chain

  • More Than The Marriage   Kabanata 27

    Walang may gustong umimik pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nakaalis na sina Mr. at Mrs. Madriaga, at sa huli ay naiwan kaming dalawa ni Zed sa loob ng opisina. “I meant everything I said earlier,” he began in a low voice as he walked toward me. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko, the weight of his words pressing harder than I expected. Pinilit kong salubungin ang mga mata niya, searching for something—an anchor, a truth, maybe even a lie. Pero ang nakita ko lang ay kung gaano katotoo ang emosyon na nandoon. My eyes began to sting, warmth gathering before I could stop it. “I-I don’t know what to say,” garalgal kong sagot, halos pabulong. Zed stopped just a breath away, close enough na ramdam ko ang init ng presensya niya. His hand hovered for a moment near my arm—halos parang gustong humawak pero pinigilan. His voice softened, almost a whisper but deliberate enough for me to hear. “I like you, Rai. I hope… you’ll stay this time.” Napatigil ako, the words sinking deep int

  • More Than The Marriage   Kabanata 26

    “Let’s do this, Aya. Kaya mo ’to. Just like any other clients,” litanya ko sa harap ng salamin sa loob ng banyo.Pagbalik ko sa desk, umupo muna ako at muling sinilip ang reports bago ko pinatay ang laptop. Sa pag-aayos ko ng gamit, may biglang nalaglag—ang maliit na sketchpad na kamakailan ko lang binili. Napangiti ako habang pinulot iyon, bago ko maingat na isinilid sa loob ng bag.From: Mr. ZedrickGood morning. See you at the meeting.Bahagya akong napangiti at mabilis na nag-type ng sagot bago tuluyang tumayo.To: Mr. ZedrickGood morning. On our way now.Huminga ako nang malalim, parang kahit sa simpleng palitan ng mensahe ay may dagdag na lakas akong nahugot.“Aya, let’s go?” tanong ni Ezra mula sa mesa niya.Sinukbit ko ang shoulder bag sa balikat, sabay dampot ng laptop bag. “Tara.”Pagdating namin sa building ng Madriaga, agad kaming sinalubong ni Iris. Napatingin ako saglit sa paligid, pinapak

  • More Than The Marriage   Kabanata 25.5

    I woke up with my alarm. It was Sunday, and I planned to go to church in Greenbelt, maybe stroll around after. Isa ’to sa mga sinabi ni Mira na puntahan ko noong bago lang ako rito sa Maynila.Tumihaya ako saka mahigpit na niyakap ang unan.Gising na kaya siya?I opened my messages and started typing.To: Mr. ZedrickHave a blessed—Binura ko agad, saka marahang inilapag ang phone sa mesa. Sakto namang tumunog ito—notification. Agad ko itong sinilip.Bahagyang bumagsak ang balikat ko nang makitang galing kay Sir Leo.Good morning. Report to the office early tomorrow, and coordinate with Mr. Cruz. You’ll have a 9 a.m. meeting with the Madriagas. Prepare your progress reports to be presented to them. We’ll have a quick prior meeting at the office by 8 a.m.Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Madriagas.I shook my head, trying to shake off the nagging weight pressing against my chest.The chur

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status