MABILIS na tinungga ni Gianna ang wine glass na may lamang alak. Napangiwi siya nang gumuhit ang pait niyon sa kaniyang lalamunan.
"Gianna, stop kanina ka pang umiinom," saway ni Stella sa kaniya, ang nag-iisang matalik niyang kaibigan. "I need it, Stella. Kailangan kong magpakalasing dahil pakiramdam ko ang dami kong maling desisyon na nagresulta sa pagkapahamak ni daddy." Halos ipikit na niya ang kaniyang mata dahil sa pait ng alak na naiwan sa kaniyang dila. "Pero pagkatapos ba niyan wala na ang problema? Gianna, hindi mali ang desisyon mo, mali ang taong binigyan mo ng ganoong desisyon. Ok naman si Oliver noong kayo pa, nagbago lang siya ng makilala niya si Madison." Natawa siya. "Pakiramdam ko nga sa tatlong taong relasyon namin, naglaro lang siya kasama ako at wala siyang balak mag-settle down na kasama ako and now ginugulo pa rin niya ako. He's a devil, Stella." Pinahid niya ang gilid ng kaniyang labi. Bumuntonghininga ang kaibigan niya. "Paano na ngayon 'yan? Ayaw kang tulungan ni Gabriel dahil alam nating pinsan niya si Madison and it's understandable." "Should I beg to him, Stella para i-consider niyang tulungan ako? Or should I kiss him again para magbago ang isip niya?" Napangisi siya nang maalala ang gabing iyon na hinalikan niya ito. Naalala pa rin niya ang malambot nitong labi ang ang kakayahan nitong panghinain ang tuhod niya sa bawat haplos nito sa braso niya. Natawa si Stella. "Talaga bang muntik mo nang isuko ang bataan mo kay Gabriel nang gabing iyon?" "Well, hindi mo ako masisisi dahil he's definitely a good kisser. His warm breathe will make you weak." Kapagkuwa'y natigilan si Stella. "Wait! OMG, Gianna is he Gabriel?" Natigilan din siya at nilingon ang tinitingnan ni Stella at si Gabriel nga iyon kasama ang dalawang mga lalaki. Napangiti siya dahil tila pinaglalapit sila ng tadhana at magkakaroon siya ng pagkakataon para baguhin ang isip nito. "Gabriel is here and you can convince him to help you," udyok ni Stella. Tila hindi siya kilala ni Gabriel nang umupo ito kasama ang dalawang lalaki malapit sa kaniya sa counter table. Hindi ba nito siya nakita o nagpapanggap lang itong hindi siya nakita? Muli niyang kinuha ang glass wine at ininom iyon. Kailangan niya ng lakas ng loob para makausap si Gabriel. Inayos muna niya ang kaniyang sarili at pilyang tumingin kay Stella. Tumango lang ito para bigyan siya ng permiso. Bumuntonghininga siya saka tumayo at lumapit kay Gabriel na hindi man lang nagulat. "C-can we dance, Gabriel?" aniya na hindi niya alam kung dahil ba sa alak o dahil desperate na siya kaya nagawa niya iyon. Hindi agad nakaimik si Gabriel habang nakatingin lang sa kaniya na tila ba binabasa siya. Hindi na niya hinintay na magsalita ito, hinawakan niya ang braso nito at marahang hinila sa dance floor habang may masayang awiting nagpapa-indayog sa mga naroon. "W-what are you doing, Gianna?" usal nito. "Dancing," direktang sagot niya habang hawak niya ito sa braso. "I don't want to dance alone kaya inaya kita para samahan ako." Ngumiti siya. Wala pa ring kahit ano'ng reaction sa mukha ni Gabriel na tila hindi gusto ang ginagawa niya. "I can't dance, Gianna." "Then, I'll teach you. Kailangan mo lang isabay ang katawan mo sa tugtog. Like this." Sinimulan niyang igiling ang baywang niya habang ginugulo niya ang kaniyang buhok. "Are you trying to seduce me, Gianna? I'm warning you, you'll regret it," putol nito sa malakas na boses para marinig niya. Natigilan siya. "H-huh? It's not my thing, Gabriel sumasayaw lang tayo," aniya at muling pinagpatuloy ang pagsayaw. "If you're doing this because you want help from me, stop it dahil hindi na magbabago ang isip ko." Sumeryoso ang mukha niya at napahinto sa pagsayaw. Hindi na ba talaga niya mababago ang isip ni Gabriel? Namalayan na lang niyang umalis na sa harap niya ang binata at naiwan siyang tulala at tila walang musikang naririnig. Nang matauhan siya, pumikit siya ng saglit saka naglakad patungo sa banyo pero nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kaniya patungo sa madilim na gilid ng bar pero kahit hindi niya malinaw na nakikita ang lalaki, sa amoy pa lang nito mukhang kilala na niya ito. "Is this how you play, Gianna?" inis na sabi ni Oliver habang ramdam niya ang mahigpit nitong hawak sa braso niya. "Oliver ano ba? Bitawan mo ako." Nagpupumiglas siya pero mas hinigpitan nito ang hawak sa braso niya habang nakasandal siya sa wall. "Ano'ng binabalak mo? I saw what you did? Bakit nakikipaglapit ka kay Gabriel habang alam mong pinsan siya ni Madison?" "It's none of your business, Oliver. Matagal na tayong wala and it's me who decide kung kaninong lalaki ako lalapit," balik niya. "Talaga lang huh? O baka naman ginagawa mo 'to para magselos ako? Well, sa totoo lang wala naman akong pakialam." Binitawan nito ang braso niya. "Why you're acting like this, Oliver kung wala ka namang pakialam? Tama lang na dapat wala ka nang pakialam kung kaninong lalaki ako lumapit at makipagsayaw," balik niya na puno ng galit ang mga mata. Ngumisi si Oliver. "I want you to beg for me, Gianna at hihintayin ko ang oras na iyon." "You wish, Oliver. I will never ever beg with the devil like you. I will win the case," puno ng determinasyong sabi niya. "Pero kung gusto mong makalaya ang daddy mo ngayon din, accept my offer." Ngumisi ito na nakakatakot. He's really a devil from hell. Tumalikod na ito at iniwan siya. Nasapo niya ang kaniyang braso na bahagyang masakit dahil sa kapit ni Oliver. Naramdaman na lang niya ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Natawa na lang siya sa sarili. Sa mahabang relasyon nila ni Oliver, na-realize niya kung sino lang siya rito at gusto nitong pag-arian siya. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at dumeretso na sa comfort room para ayusin ang sarili. Tinext na rin niya si Stella na mauna na siyang umalis dahil ayaw niyang makita siya nito. Paglabas niya ng comfort room nagulat siya nang makita si Gabriel na nakasandal sa gilid ng wall habang nakapamulsa. "Ihahatid na kita," sabi nito na walang emosyon. Magsasalita pa sana siya pero mas pinili niyang huwag na lang. Sumunod na lang siya kay Gabriel hanggang sasasakyan nito. Tahimik lang sila habang lulan ng sasakyan. Hindi niya magawang tumingin sa binata dahil baka makita nito kung gaano siya kawasak. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Lumabas siya matapos pagbuksan ni Gabriel. "T-thank you," sabi niya habang bahagyang nakayuko. "Here." Tiningnan niya ang inabot nito. Isang calling card iyon. Nagagtanong na tiningnan niya ito. "Try to convince him to help you." Dahan-dahang niyang kinuha ang card at nakita niya ang pangalang nandoon. Atty. Charles Benitez."AYOS KA lang ba talaga, Gianna? Kanina ka pang tahimik," pukaw sa kaniya ni Stella habang nakahalukipkip siya at nakatingin sa kawalan habang nasa opisina siya ni Gabriel. Pumupunta lang ito roon pero hindi siya pinapansin.Bumuntong-hininga siya. "May karapatan bang akong mag-demand, Stella?""Huh?""Sa isang iglap nagbago si Gabriel sa akin. Pakiramdam ko, hindi na siya ang lalaking nakilala ko. Alam kong wala akong karapatang magsalita sa kung paano niya dapat ako itrato dahil utang na loob ko sa kaniya ang lahat. Binili niya ako at lahat ng gusto niya, walang reklamong dapat kong gawin.""Ano bang nangyari?" Kinuwento niya ang lahat. "Masyado naman siyang mababaw. Dahil lang binaggit mo ang pangalan ng kung sino mang babaeng iyon, nagalit na siya? Eh, gag* pala siya, eh. Pagkatapos ka niyang itrato ng maayos tapos ngayon, parang laruan ka niya kung tratuhin.""Pero hindi ba't may karapatan naman siya kung paano niya ako tatratuhin depende sa gusto niya? Pag-aari niya ako at hindi
"let's go for a coffee?"Lumingon si Gianna at nakita niya si Amy na masayang nakangiti sa kaniya. Nawala ang lungkot sa mukha niya at pabalik na ngumiti rito."Ma'am—""Just call me tita, hija," anito saka lumapit sa kaniya at bumeso. "How are you? You look so gorgeous," puri pa nito."Ok lang po. I'm trying to learn everything about business.""Just learn one step at a time, hija."Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa ginang kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala. Gumagaan ang loob niya."Bakit po pala kayo nandito? Hinahanap niyo po ba si Gabriel?" Umiling ito. "No, I'm here for you. Ikaw talaga ang gusto kong makausap.""Ako po?"Tumango ito. "So, let's have coffee?"Sabay na silang lumabas ng opisina ni Amy. Pinasakay na rin siya nito sa kotse nito patungo sa coffee shop na pupuntahan nila."So, kumusta kayo ni Gabriel?" tanong nito habang lulan sila ng sasakyan.May lungkot na lumitaw sa mukha niya. Simula pa kasi nang nagdaang gabi ay hindi pa rin siya ni
HINDI mapakali si Gianna habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ni Gabriel. Simula kasi nang umalis ito, hindi na ito bumalik. Nagi-guilty siya dahil alam niyang nagalit ito sa naging tanong niya. Tinawagan at tinext na rin niya ito pero wala siyang reply na na-receive. Matatapos na ang maghapon pero wala pa rin ito."Ma'am, Gianna." Kinabahan siya dahil akala niya'y si Gabriel iyon pero si Dom ang bumungad sa kaniya. "Pinapasabi po ni Sir Gabriel na ako na ang maghahatid sa inyo pauwi.""B-bakit nasaan si Gabriel? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," nag-aalalang sabi niya."He's on the meeting, Ma'am Gianna at pinasasabi rin niya na baka ma-late na rin siya ng uwi."Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ganoon ba talaga katindi ang galit ni Gabriel sa kaniya dahil sa pagtanong niya tungkol kay Claudia?"Sige. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," malungkot na saad niya. Inayos niya ang mga gamit niya at kinuha ang bag, saka sila lumabas ng opisina ni Gabri
NAGTINGINAN lahat ng mga tao sa kompanya nang pumasok si Gianna roon. Nagsimula na rin ang mga bulungan tungkol sa kaniya."Hindi ba't siya ang ex-girlfriend ni Sir Oliver?""Oo nga, bakit siya nandito?""Ang balita ko, siya raw ang bagong shareholder ng kompanya."Hindi siya nagpatinag sa mga narinig, taas noo siyang naglakad sa hallway bitbit ang mamahaling bag na binili ni Gabriel sa kaniya."Good morning, ma'm Gianna," bati sa kaniya ng secretary ni Gabriel. Hindi sila sabay pumunta ng opisina dahil may dadaanan pa ito. Nauna na siya dahil marami pa siyang bagay na dapat gawin at aralin tungkol sa pagiging shareholder ng kompanya.Kakapasok pa lang niya sa opisina, nasundan agad siya ng mag-ina si Madison at Yena. Matatalim ang mga mata na parang lalamunin siya ng buhay."Kapal talaga ng mukha mo para ibalandra sa lahat ang pagiging shareholder mo," inis na sabi ni Madison."Alam mo, Gianna hindi ka naman nababagay sa lugar na ito. You do not belong here dahil wala ka namang yaman
"WHAT are you planning to do, Gabriel? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?" nababahalang sabi ni Irene kay Gabriel nang makapasok siya sa opisina ng ina. "You're risking your position in the company because of that girl, alam mo ba 'yon?"Bumuntong-hininga siya at umupo sa sofa habang kaharap ang ina. "Mom, I know what I'm doing, ok? I just need you to trust me.""Paano ako magtitiwala sa iyo kung nilagay mo sa panganib ang posisyon mo, ang kinabukasan mo.""Mom, sa tingin mo just because I'm going to marry, Gianna makukuha nila ang gusto nila? Hindi ako papayag na kunin ulit nila ang para sa atin. Tapos na tayo sa pagiging tahimik, it's payback time, sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa pamilya natin." Kita ang galit sa kaniyang gwapong mukha."P-pero paano ka? Alam natin ang kaya nilang gawin para makuha ang posisyon mo at mapatalsik tayo sa kompanya. They have the connection and power.""I know, mom that's why I'm creating my own connection and power na ilalaban ko
"KAYA ko ba?" mahinang bulong ni Gianna habang nakatingin siya sa malaking salamin sa loob ng rest room ng company. Nararamdaman niya ang pangangatal niya dahil sa nakakatakot na tingin sa kaniya nga mga taong hindi natutuwa sa pagpasok niya sa kompanya."Do you think naka-jackpot ka na kay Kuya Gabriel?"Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Madison na galit na galit."Madison.""What do you think you're doing, Gianna? Talaga bang ganiyan ka na kadesperada para magpagamit kay Kuya Gabriel, for what? Para sa pera?" Ngumisi ito. "Mali ka nang taong kinapitan, Gianna dahil hindi mo kilala kung sino siya. He's evil. Heartless. Ruthless. Kaya kung iniisip mong naka-jackpot ka na, nagkakamali ka dahil sa huli, itatapon ka lang din niya na parang basura."Hindi agad siya nakasagot. Mali nga ba ang taong hiningan niya ng tulong? Umiling siya. Agad niyang tinago ang doubt at takot sa mukha niya. Kailangan niyang maging matapang sa harap ng mga taong nagpahirap sa kaniyang pamilya."I