Nang matapos basahin ni Marco ang sulat na iniwan sa kaniya ni Elara at tila hindi siya agad nakakilos. Nanatili lang siya roon, nakatayo sa harapan ng maliit na mesa kung saan niya natagpuan ang sulat. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakatulalang napatingin sa papel. Unti-unting nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Mas masakit, mas mabigat at punong-puno ng pagsisisi. Nanginginig ang buong pagkatao niya. 'Sobrang gago mo, Marco...' Iyon ang paulit-ulit na bulong niya sa kaniyang sarili. Unti-unting kumalma si Marco, at nang maramdaman niyang kaya na niya ang kaniyang sarili ay agad itong lumabas at bumalik sa ospital. Ipapaalam niya sa kaniyang mga magulang ang nangyari para narin humingi ng kanilang tulong na hanapin ang asawa niya. Pagdating ni Marco sa ospital, mabilis siyang punasok saka dumiretso sa private room kung nasaan si Lia at ang kaniyang mga magulang. Pasan parin niya ang hindi magandang pakiramdam. Mabigat na kalooban sa nangyaring pang-iwan sa kaniya ng asa
Habang nasa byahe naman si Marco pauwi sa bahay nila ni Elara, ay may bigla siyang naalala. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ng kaniyang asawa habang nagtatalo sila kanina sa ospital. Bumalik sa isipan nito ang mga mata ni Elara na puno ng takot, sakit, at panghihina. Ang kagustuhang maipagtanggol ang kaniyang sarili ngunit hindi man lang nabigyan ni Marco ng pagkakataon, at hindi man lang niya ito pinakinggan. Sa halip ay mas binigyan niya ito ng mga masasakit na salita. Mas sinaktan niya ang damdamin ng babaeng mahal niya. Nang makarating na siya sa bahay nila, agad siyang pumasok upang hanapin si Elara. "Love!" pagtawag nito. Lahat ng halos posibleng sulok na pinupuntahan ni Elara ay nilibot niya. Maging sa garden ay nilabas niya, nagbabakasakali na makikita ang asawa nito. "Elara, where are you?" pasigaw na tawag niya. Agad niyang tinahak ang daan papunta sa secondfloor. Alam ni Marco na kapag wala si Elara sa ibaba ay naroon siya nagkukulong sa kwarto nila. Bigl
Napapikit si Marco at mariing napasabunot sa buhok nito. Unti-unting pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ni Elara habang umiiyak kanina dahil sa singhal, sigaw at masasakitan na salitang binitiwan niya. Napailing ito dahil sa naisip. 'Ang tanga ko!' 'So stupid, Marco!' Paulit-ulit niyang minumura ang kaniyang sarili sa isipan nito. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon sa asawa niya. "Lia, how are you?" kaagae na tanong ni Marco sa kakagising lang na si Lia. "Kamusta ang bata sa tyan mo?" "Maayos na kami, Marco," mahinang sambit naman nito. "You know what, its all—" Hindi pinatapos ni Marco si Lia na magsalita. Sumenyas ito na pinapahiwatig kay Lia na huwag nang ituloy ang sasabihin. "Mom, Dad, please be with Lia for today, I need to find my wife," matigas na saad ni Marco saka dali-daling lumabas. Alam niya sa kaniyang sarili na kailangan niyang makita at humingi ng tawad sa kaniyang asawa. Hindi madali ngayon ang sakit na nadarama niya dahil sa mga matatalim na salita
Natahimik ang buong paligid tanging ang hikbi lamang ni Elara ang maririnig at ang ingay ng mga taong nag-uusap sa paligid nila. Sa kabila ng katahimikan ni Marco at Elara ay ang napakalakas na parang bagyong may humahagupit sa kalooban niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ang mga luhang kanina ay tumigil na, muli na namang nagsibagsakan. Ang matahimik nilang paligid na sa dibdib niya ay oarang may isang libong bubog na humuguhit, parang may bagyo, kulog at kidlat na bumabalot. Hindi mapigilan, at kahit na punasan lamang iyon ay hindi niya magawa sapagkat wala na siyang lakas. Hindi na niya magawang magsalita, pilit niyang kinikilos ang sarili niya upang makaalis na sa kinatatayuan niya ngunit hindi niya magawa. Parang biglang nawala ang boses niya upang maipangtanggol ang kaniyang sarili dahil sa halos pagsasalita niya ay siya namang pangbabara ni Marco sa kaniya. 'Wala tayong anak...'Isa, dalawa, tatlo, hindi maibilang kung ilang beses na nag-iingay ang salitang iyon sa
"A...ang, ang tubig," mahinang bulong ni Elara. Namumutla ito habang parang may kung anong malamig na hangin na dumaan sa kaniyang likuran. Unti-unting nanlalaki ang mga mata niya, naalala nito na siya ang nagbigay ng tubig kay Lia. Ngunit wala siyang kaalam-alam kung ano ang laman ng basong nakita lamang niya sa lamesa at iniabot kay Lia. Dahan-dahang napatingin si Marco sa kaniya. Kitang-kita nito ang kaba sa reaksyon ng mukha ni Elara. "Elara," tanong nito nang marinig ang bulong ng kaniyang asawa. Unti-unting nag-iiba ang timbre ng boses nito. "A...anong tubig? Ano ang meron sa tubig na sinasabi mo?" "Ka...kasi, Marco, kanina nang sinabi ni Lia na gusto niya ng tubig nataranta na ako at hindi ko na siya nakuhanan ng malinis na tubig," utal-utal niyang pagkukwento sa mga nangyari. Ang takot sa boses ni Elara ay damang dama. "Pe...pero wala akong nilagay. Tanging ang isang baso ng tubig lang na nasa lamesa ang kinuha ko at agad na ibinigay sa kaniya." Nanginginig ang mga kamay
Tahimik lang si Elara habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. Nanginginig ang mga daliri niya sa sobrang kaba. Parang buong mundo niya ay nakabitin sa isang papel. “Congratulations, Mrs,” ngumiti ang doktor. “You’re around six weeks pregnant.” Parang huminto ang oras. Hindi siya agad nakapagsalita. Nangingilid ang luha sa mata niya hindi niya alam kung ito ba'y luha ng tuwa, ng takot, o ng matinding kalituhan. Ang dibdib niya ay parang pinipiga. Isang saglit, parang may liwanag. Sa kasunod, parang may aninong gumagapang sa puso niya. Basta ang alam niya lang, may buhay sa loob niya. Buhay na bunga ng pagmamahal… o siguro, ng isang damdaming sinubok, sinaktan, at pinilit isalba. 'Bu...buntis din ako...' bulong niya sa sarili. Nanginginig ang boses niya. Pumikit siya ng mariin, pilit pinipigilan ang pagsabog ng emosyon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa, maiyak, o matakot. Pero isang bagay ang sigurado hindi ito ang tamang panahon. Hindi ito ang perpektong