Share

Chapter 7

Penulis: Sapphire Dyace
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-05 21:44:19

POV: Bernard

Namumuro na sa kanya ang babaeng ito. Kailangan maturuan ng leksiyon. Siya si Bernard Guevarra, isa sa pinakagwapong negosyante sa Pilipinas. Tapos ng dahil sa malditang si Marie nasisira ang image niya. Para itong malaking kulangot na hindi mawala sa kanyang ilong. Magpasalamat na lang ito at hindi niya ito tipo.

Sakay siya ng kotse at binabagtas ang kahabaan ng kalsada ng biglang bumuhos ang ulan. Isa sa nakakainis na oras ang pag ulan. Dahil pahat tinatamad lumabas. Lalo na si Monte. Hindi na naman niya ito maaaya sa bar hopping.

May tubig sa lubak na iyon, at may nakita siyang isang pamilyar na pigura.

Aba, pag sinuswerte ka talaga oh. Si Malditang Marie Yari ka ngayon..

Pinaharurot niya ang sasakyan saka dumaan sa lubak na maraming tubig. Pagdaan niya, halos maligo si Marie sa tubig na tumalsik dito.

Ibinaba niya ang bintana at sinigawan ito.

"All two" saka pinaibis na ulit ang kotse.

Sayang saya siya sa nakita. Nakabawi na naman siya. Akala siguro nito basta basta na lang siya sumusuko. Tiningnan niya ito sa rear view. Naroon lang ito at nakatayo, hindi natinag. Walang reaksiyon.

Baka mamaya gantihan ako nito eh. Bakit ganoon ang hitsura niya, mukha siyang may sakit?

Ipinark niya ang sasakyan sa harap ng convenient store. Bumaba siya at tiningnan si Marie. Naroon pa rin ito. Nakatayo lang at walang suot na sapatos.

Nilapitan niya ito. Nakatayo lang ito at parang nanginginig.

"Marie?" tawag niya sa babae.

Nilingon siya nito na namumutla.

"Sir.."

"Nasaan ang sapatos mo?"

"Nasa bag sir. Baka mabasa"

"Bakit namumutla ka?"

Nilapitan niya ito at hinipo "nilalagnat ka ah."

"Okay lang ako sir. Kailangan ko lang umuwi para.." nahilo ito at bahagyang gumewang.

Nakunsensiya siya bigla sa pambabasa dito. Hinubad niya ang coat at ibinalabal dito. Malapit lang ito sa opisina nina Monte. Kaya tinawagan niya si Ericka.

"Ericka?"

'Oh bakit?'

"Nakita ko si Marie. Nilalagnat dito sa baba. Andyan pa ba kayo?"

'Oo, may tinatapos lang ako. Balak kong dito matulog sa office. May sofa at couch dito. Iakyat mo siya'

Inalalayan niya si Marie maglakad.

"Ano? kaya mo ba?" tanong niya.

Tumango lang ang babae. May nadaanan silang bilihan ng damit. Ibinili muna niya ito ng pamalit. Saka isang kumot.

"Magkano po?" tanong niya sa magtitinda.

"620 lang po" sagot nito.

"400 na lang" kahit nahihilo nagsalita pa si Marie

Nagulat siya dito.

"Tapat na yun. 600 pwede." napakamot ang matanda.

"Okay po" magbabayad na siya, nagsalita ulit si Marie.

"450" talagang may lagnat na nakikipagtawaran pa.

"550 mam. tapat na po yun" sagot ulit ng matanda.

"500" nagsasalita pa rin ang babae kahit nakahawak na lang sa kanya para makatayo.

"Ano ka ba? ako naman ang magbabayad eh"

"Kahit na.. niloloko ka nyan. Papayag yan.. ano ho 500? ang bili ko dun sa dulo nyan 450. naiplastic nyo na lang" mahinang sabi ni Marie.

"Sige na nga.. kung hindi ka lang mukhang bibigay na eh" pumayag ang matanda.

Iniabot niya ang bayad. At lumayo na silang dalawa.

"Paano mo nagawa yun?" mangha niyang tanong.

"Siiiir" bumigay na ang tuhod ng babae.

Itinatayo niya ito pero hindi na kaya. Pinasan niya ito sa likod dala dala ang mga gamit nito. Nakapaa pa rin ito.

"Magandang gabi sir" bati ng guard.

"Magandang gabi kuya. Patulong naman sa floor nina Ericka. Nilalagnat kasi to."

Sinilip ng guard ang pasan nya "si Miss Marie. Andyan pa po si Mam at may O.T daw po" pinindot nito ang elevator.

"Salamat kuya"pumasok sila at pinindot ang floor nina Ericka.

Pagbukas nito, nakaabang na si Ericka sa pintuan ng opisina nito. Waring hinihintay sila.

"Kumusta na siya? "tanong nito.

"Mainit pa rin siya. Nakapaa nga to eh. Ayaw mabasa ang sapatos." Dali dali niya itong dinala sa loob ng opisina.

Nandoon si Monte at inalalayan siyang maibaba si Marie sa sofa.

"Ang init niya" nag aalala ang tinig ni Ericka "alalayan nyo sa banyo para makapaligo agad"

Inakay nila ni Monte si Marie kasunod si Ericka. Pinaupo nila sa bowl.

"Grabe naman ang nangyari dyan. Buti nakita mo" sabi ni Monte.

Hindi na lang niya nasabi na siya ang nagpaligo dito sa labas ng tubig kalsada.

"Kaya nga eh. Blessings in disguise" sagot niya. Pero ang totoo, nagiguilty siya.

"Ano pang ginagawa nyo dyang dalawa? umalis kayo at tutulungan ko siya" utos ni Ericka. "mga manyak na to."

Napahiya naman sila ni Monte kaya pumunta na lang sila sa upuan. Ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na si Marie suot ang damit na binili niya.

"Buti may baon sya" wika ni Monte.

"Binili ko lang sa pabas yan" sagot niya.

Pinaupo ni Ericka si Marie saka inabutan ng gamot at tubig.

"Kailangan nya lang matulog. Bernard pakikuha ng cold compress sa freezer pakilagay sa ulo niya. May tatapusin lang kami ni sir na mga paper works."

"Sige ako ng bahala dito." sagot niya.

Nagpunta na sa lamesa ang dalawa at nag asikaso na ng mga dapat tapusin.

Napatingin siya sa mukha ng babaeng pulang pula sa init.

Maputi ito at makinis. Ang mata nitong chinita ay bagay sa labing manipis. Ang ilong nito ay hindi katangusan pero hindi pango. Hinawakan niya ang palad nito. Nagulat siya. Tiningnan niya kung bakit ganun ang palad ng babae. Puro kalyo pala ito. Hindi ito payat pero ang nipis ng beywang. Hindi kalakihan ang dibdib. Para sa kanyang 6'2" ang height, ang hanap niya ay parang si Ericka na 5'10" o higit pa ang height, eh ito, 5'4" lang ata. Ang buhok nito ay parang mais ang kulay. May hitsura ito. or mas lamang tawagin na cute.

Bigla na naman niyang naisip ang pagbasa sa babae. Napakasama ng tingin niya sa sarili.

"I'm sorry Marie hindi ko alam.." hinahaplos niya ang buhok nito.

Sa buong pagbabantay niya dito ay wala siyang ginawa kundi ikumpara ito kay Ericka. Sa lahat ng bagay. Alas dose na ng tawagin siya ni Monte, midnight snack daw. Nagugutom na rin naman siya kaya lumapit na siya sa dalawa.

Nililigpit na ni Ericka ang kalat ng ayain siya ni Monte.

"Sa taas ka na matulog. May mga damit ka dun" sabi nito.

"Hindi ba ako pwede dito? baka kailangan nila ng bantay." biro niya.

"Mas mukhang mapapahamak sila kapag kasama ka sagot ni Monte "kaya tara na.. wag kang makulit. Alis na kami Miss Ericka."

"Bye sir.. bye Bernard" kinindatan siya ni Ericka at nagflying kiss pa bago isinara ang pinto.

Lord.. parang masarap ang tulog ko ngayong gabi.. salamat sayo. Sana matupad din ang pangarap kong maging tatay ng isang dosena naming anak ni Ericka.

Para siyang baliw na kinikilig.

"Hoy para kang tanga.." sita ni Monte sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Lailanie Pascual M
madedevelope ka rin kY Marie sir Bernard..
goodnovel comment avatar
Nica Maher Usi Macalino
baliw LNG Bernard
goodnovel comment avatar
Margie Baguiwong De Guzman
very exciting
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mr. Playboy Playmate (SPG)   LAST CHAPTER

    "You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi

  • Mr. Playboy Playmate (SPG)   Ep 2 Chapter 69 SPG

    Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma

  • Mr. Playboy Playmate (SPG)   Ep2 Chapter 68

    POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.

  • Mr. Playboy Playmate (SPG)   Ep2 Chapter 67

    POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda

  • Mr. Playboy Playmate (SPG)   Ep2 Chapter 66

    POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag

  • Mr. Playboy Playmate (SPG)   Ep2 Chapter 65

    POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status