Share

CHAPTER 80

last update publish date: 2026-04-23 08:31:39

Sebastian Chase Salvatore’s POV

Huling klase na ng hapon.

Grade 7.

Mas maingay kumpara sa Grade 9, mas magulo, pero manageable. Nasa harap ako, nagsusulat sa board habang ipinapaliwanag ang lesson. Sa gilid ng paningin ko, kita ko si Clyde na nakapwesto sa likod, tahimik na nakikinig.

At si Scarlett—

nandoon din.

Tahimik lang sa may gilid, nakatayo malapit sa mesa na nasa likuran, hawak ang notebook niya habang inoobserbahan ang klase.

Dapat wala siya dito. Buti na lang, buong maghapon hindi si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 83

    Third Person’s POVMahina lamang ang tunog ng aircon at ang paminsan-minsang paggalaw ng IV line na nakakabit kay Scarlett. Nakaupo si Sebastian sa gilid ng kama, bahagyang nakasandal ang siko sa tuhod habang nakatingin sa kanya.Kanina pa siya ganyan.Hindi umaalis, magdidilim na rin at hindi pa rin siya nagigising.Paminsan-minsan, inaayos niya ang kumot ni Scarlett o kaya ay sinusulyapan ang monitor, pero bukod doon—nakatitig lang siya.Ilang sandali pa ang lumipas bago bahagyang gumalaw si Scarlett.Napansin agad ito ni Sebastian kaya agad siyang lumapit dito. “Scarlett…” mahina niyang tawag.Dahan-dahang nagmulat ng mata si Scarlett. Ilang segundo rin bago siya tuluyang naka-focus, tila inaayos pa ang paningin.“Sir…” med'yo paos na sabi nito. Bahagyang napahinga si Sebastian.“You’re awake,” sagot niya, mas mababa ang boses kaysa dati.Sinubukan ni Scarlett na bumangon, pero agad siyang napahinto nang maramdaman ang bigat ng katawan niya.“Hey,” agad na sabi ni Sebastian, saba

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 82

    Third Person’s POVPatapos na ang meeting.Isa-isa nang nagsisimulang magligpit ang mga guro at pre-service teachers. May mga tumatayo, may nag-uusap habang naglalakad palabas ng conference room. Unti-unti nang numinipis ang tao sa loob.Sa gitna ng ingay at galaw—nakaupo pa rin si Scarlett.Tahimik.Halos hindi gumagalaw.Dumating si Clyde sa pintuan, bahagyang hinahabol ang hininga na tila nagmamadali.“Scar—”Hindi niya natuloy ang sasabihin.Sa mismong sandaling iyon—bahagyang napayuko si Scarlett.Nanlabo ang paningin niya.At bago pa siya makapagsalita—bumigay ang katawan niya.“Scarlett!”Mabilis na lumapit si Clyde at sinalo siya bago pa tuluyang bumagsak sa sahig. Napakapit siya sa balikat nito habang pilit siyang pinapaupo.“Hey—hey! Anong nangyari?” gulat na tanong niya.Nagkagulo ang paligid.“Anong nangyari?”“Ma’am—okay lang ba siya?”“Water! Kumuha kayo ng tubig!”Sa kabilang banda—natigilan si Sebastian.Isang segundo.Dalawa.Parang hindi agad nag-register sa kany

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 81

    Quinn Scarlett Laurent’s POV Nakarating kami sa principal’s office, at pagpasok pa lang ay napansin ko na agad ang ilang guro na naroon na. May ilan ding pre-service teachers na kagaya ko, tahimik na nakaupo at naghihintay magsimula ang meeting.Isa-isang nagsidatingan ang iba pang teachers, karamihan ay may dalang papel o laptop. May mga nag-uusap sa gilid, may mga diretsong nauupo. Sa unahan, naka-set na ang projector—handa na para sa discussion tungkol sa Science Fair.Umupo ako sa isa sa mga upuan—hindi masyadong likod, pero hindi rin sa harap.Pinilit kong mag-focus, pero ramdam ko pa rin yung bigat ng katawan ko. Yung bahagyang hilo na kanina ko pa binabalewala, parang unti-unting lumalakas.Maya-maya, may umupo sa tabi ko, nakita ko si Sir Sebastian na seryoso ang muka.Diretso lang ang tingin niya sa unahan, parang wala lang. Inilapag niya ang mga hawak niyang papel sa mesa, maayos at walang emosyon.Napakunot-noo ako.Coordinator siya ng Science… dapat nasa unahan siya.Napa

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 80

    Sebastian Chase Salvatore’s POVHuling klase na ng hapon.Grade 7.Mas maingay kumpara sa Grade 9, mas magulo, pero manageable. Nasa harap ako, nagsusulat sa board habang ipinapaliwanag ang lesson. Sa gilid ng paningin ko, kita ko si Clyde na nakapwesto sa likod, tahimik na nakikinig.At si Scarlett—nandoon din.Tahimik lang sa may gilid, nakatayo malapit sa mesa na nasa likuran, hawak ang notebook niya habang inoobserbahan ang klase.Dapat wala siya dito. Buti na lang, buong maghapon hindi siya nakikipag-usap gaano kay Clyde. Hindi ako na-didistract sa pagtuturo. Napabuntong-hininga ako bago ibinalik ang atensyon ko sa board.“Class, copy this,” sabi ko, sabay sulat.Habang nagsusulat, kusang bumalik sa isip ko yung nangyari kanina.“Sir, p’wede po bang hiramin si Miss Laurent?” tanong ng isang teacher sa faculty, nakatayo sa harap ng mesa ko.Napatingin ako sa kanya.“For Grade 12 sana. Magbabantay lang.”Bago pa makasagot si Scarlett—“Hindi pwede.”Diretso kong sagot.Tahimik an

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 79

    Sebastian Chase Salvatore’s POV Pagkalabas ni Clyde ng office, napasandal ako sa upuan ko at napabuntong-hininga nang mahina. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala hinihintay na umalis siya. Tahimik na ulit ang paligid, at kahit wala namang nagbago, pakiramdam ko mas gumaan kahit papaano.“Ang aga-aga…” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang mga papel sa mesa, pilit binabalik ang atensyon sa trabaho. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.Nandoon lang si Scarlett, abala sa logbook. Mukhang busy, pero halata rin na hindi siya ganun ka-focus. Paminsan-minsan, sumisilip ang tingin niya sa akin, tapos agad ding binabawi.Napansin ko ’yon.Kaya bago pa siya makaiwas ulit, nauna na akong magsalita.“Ano?” tanong ko nang diretso.Bahagya siyang natigilan, saka umiwas ng tingin. “Wala.”Hindi ako agad sumagot. Tinitigan ko lang siya sandali bago ibinalik ang tingin ko sa hawak kong papel.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya ulit nagsalita.“Sir,” tawag niya.

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 78

    Quinn Scarlett Laurent’s POVKinabukasan.Maaga akong dumating sa school, mas maaga kaysa usual. Hindi ko rin alam kung bakit—siguro gusto ko lang mauna, o baka gusto kong maayos muna ang sarili ko bago ko siya makita ulit.“Kalma ka lang, Scarlett,” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa library. “Normal day lang ’to. Wala namang nangyari.”Napahinto ako sandali.“Wala? Talaga ba?”Napailing ako at napabuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob.Tahimik pa ang library. Ilang estudyante pa lang ang nandoon, kaya dumiretso agad ako sa office ni Sir. Inilapag ko ang bag ko at nagsimulang ayusin ang mga gamit—logbook, papers, laptop—kahit wala pa naman talagang gagawin.Busy-busyhan.Para lang may ginagawa.Para hindi ako mag-isip.“Good morning, Scar!”Napalingon ako sa pinto nang marinig ko si Clyde. Nakangiti siya habang papasok, dala ang bag niya.“Good morning,” sagot ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko.“Ang aga mo ah,” sabi niya habang lumalapit. “Hindi ka naman gan

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 23

    Quinn Scarlett Laurent’s POVTahimik lang akong nakaupo sa may front desk ng library habang kunwaring abala sa pag-aayos ng ilang borrower’s slips, kahit sa totoo lang ay ang iniisip ko pa rin ay ang nakakahiya kong eksena kanina sa electric fan.Jusko.Kung puwede lang talagang burahin ang ilang m

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 22

    Quinn Scarlett Laurent’s POVTahimik lang ang umaga sa library maliban sa mahihinang tunog ng pag-click ng mouse ni Sir Sebastian at sa boses ng mga gurong naririnig ko mula sa laptop niya. Nasa may front desk ako, kunwari’y abalang nag-aayos ng ilang borrower’s slips, pero sa totoo lang ay kalahat

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 9

    Quinn Scarlett Laurent's POVMalakas kong tinapik ang aking mga pisngi.“Gising, Scar, it’s just a one-night stand with a random stranger,” sabi ko sa aking sarili.Ngunit tila power point presentation na nag-uulit-ulit sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Kung hindi ako nagkakamali, siguro ay

  • Mr. Sebastian's Sexual Obsession (SSPG)   CHAPTER 33

    Quinn Scarlett Laurent’s POVTahimik lang siyang nakatingin sa akin matapos kong ilapit ang lugaw sa kanya.“Sir... kain muna po kayo,” mahina kong sabi habang binubuksan ang takip ng styro container.Bahagya siyang umayos ng upo, ngunit pagkahawak pa lang niya sa kutsara ay agad ko nang napansin a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status