LOGINSelos yarn?
Jenelyn“Saan ko ba sisimulan ang kwento?” tanong niya.“Sa kung paano nyong nalaman na kapatid mo si Christine sa ina.”Walang gatol kong tugon dahil hindi na ako makapaghintay.“At pakibilisan ang pagkwento,” dagdag ko pa.Pinisil niya ang iong ko na sinabayan pa niya ng pagtawa. Symepre, sinubukan kong kumawala. Hindi naman masakit pero nakakainis pa rin sa pakiramdam ang ganon dahil alam ko na pinagtatawanan niya ang pagiging maikli ng pasensya ko.“Okay,” tugon niya at tsaka niya hinagod ulit ang buhok ko.Ang kamay niyang nasa bewang ko kanina ay napunta na sa baba ko habang ang hinlalaki ay nararamdaman kong humahagod sa pisngi at labi ko.Hindi ko alam kung paano ako makaka-concentrate sa pakikinig sa kanya dahil sa ginagawa niya pero sisikapin kong magfocus.“Nag-away sina Mommy at Daddy dahil gusto ni Dad na magtravel sila abroad pero ang gusto ni Mommy ay isama si Christine.”Sa simula ng kwento niya ay parang wala naman akong nakikitang masama sa gustong mangyari ni Tita M
Jenelyn“A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang nakatitig kay Bradley. Pakiramdam ko ay hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang sinabi niya.Kung hindi dahil sa seryoso niyang mukha at sa katotohanang hindi siya marunong magbiro tungkol sa mahahalagang bagay, malamang ay iisipin kong niloloko lamang niya ako.Ngunit alam kong hindi iyon biro. Hindi ito isang bagay na basta na lamang sasabihin para mang-asar. Pangalan ng pamilya nila ang nakasalalay rito.“K-Kapatid mo si Christine sa ina?” muli kong tanong, umaasang baka mali lamang ang pagkakarinig ko.Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago marahang tumango. Hindi ko alam kung gaano na katagal niyang dala-dala ang impormasyong iyon, ngunit malinaw sa ekspresyon niya na hindi iyon isang bagay na madali niyang tinanggap.Lalo lamang akong natigilan.Ang rebelasyong ito ay hindi basta-bastang lihim ng pamilya. Isa itong bagay na kayang magpabago sa maraming bagay sa loob ng pamilya Salazar. Kung totoo ang sinasabi niy
JenelynAng bilis ng panahon. Pakiramdam ko ay kailan lamang nang dumating ako sa mansyon ng mga Salazar dala ang pagkainis at pagtutol sa plano ni Lolo, ngunit ngayon ay malapit nang matapos ang unang semester.Marami nang nangyari sa loob ng ilang buwan. Kung minsan ay napapaisip ako kung paano nagawang baguhin ng iilang tao ang direksyon ng buhay ko nang hindi ko namamalayan.Naging maayos na rin ang sitwasyon nina Marie. Totoo sa sinabi niya, hindi siya pumayag na hayaan na lamang ang lahat ng naitulong ko sa pamilya nila. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi naman kailangang bayaran ang mga iyon, patuloy pa rin siyang naghuhulog ng pera sa account ko.Hindi man kalakihan ang halaga, alam kong mahalaga iyon para sa kanya at sa kanilang pamilya. Nakausap ko na rin ang ama niya matapos itong makauwi mula sa ospital. Halos hindi nito maitago ang pasasalamat habang kausap ko siya. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang gusto nilang gawin dahil alam kong hindi iyon tungkol sa pera kun
JenelynNaglalakad ako papunta sa classroom para sa first subject ko nang bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa gilid. Dahil sa gulat ay napahinto ako sa paglalakad at muntik pang mawalan ng balanse. Nang makilala ko kung sino iyon ay agad na napalitan ng pagtataka ang gulat ko.“Jen!” umiiyak na tawag ni Marie sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.Napakurap ako at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” tanong ko habang sinusubukang tingnan ang mukha niya.Gayunpaman, lalo lamang siyang kumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang mahinang paghikbi na pilit niyang pinipigilan. Ilang estudyante na rin ang napapalingon sa amin habang naglalakad sa hallway. May ilan pang halatang nagtataka kung bakit umiiyak si Marie sa umagang iyon.“Thank you,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Sobrang thank you talaga, Jen.”Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at marahang hinagod ang k
BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim
BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n
JenelynAng naging biyahe namin papunta sa boutique ay masasabi kong isa sa pinaka-awkward na biyahe sa buong buhay ko.At hindi dahil sa traffic, kundi dahil kay Bradley.Pakiramdam ko kasi ay biglang nagkabaliktad ang sitwasyon naming dalawa.Dati, ako ang laging nang-aasar sa kanya. Ako iyong hin
Jenelyn“A-Anong ginagawa mo?”Halos pumiyok pa ang boses ko habang pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kanya.Kaya lang, habang umiiwas ako ay lalo naman siyang lumalapit.Pakiramdam ko tuloy ay ilang segundo na lang ay mapapahiga na ako sa ibabaw ng table niya kakaatras.Nasa loob kami ng opisina
BradleyDammit.Hindi ko akalain na masasabi ko talaga ang bagay na iyon.Pagkatapos kong banggitin na siya ang “future wife” ko ay agad kong ibinalik ang tingin sa harapan kung saan nagpapatuloy ang bidding para sa jewelry exhibit.Pinilit kong panatilihing normal ang ekspresyon ko kahit pakiramdam
JenelynPara akong biglang tinulos sa kinauupuan ko matapos akong tignan ni Bradley. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero parang may kung anong humila sa akin para salubungin ang kanyang mga mata.Nasa loob parin kami ng exhibit hall ng Montefalco University kung saan ginaganap ang jewelry design







