ログインAba, natulala nga ba si Jenelyn?
Bradley“Hindi ka pa ba aalis?” tanong ko kay Matthew habang nakasandal sa aking swivel chair at pilit pinapakalma ang sarili ko. Simula nang dumating si Jenelyn ay parang nawalan na ng katahimikan ang opisina ko. “At anong kailangan mo at pumasok ka dito?” dagdag ko pa habang bumabaling ng tingin kay Jenelyn.Kanina lang ay future husband pa ang tawag niya sa akin. Kanina lang ay ako ang pinagtitripan niya. Pero nang makita niya si Matthew, parang biglang naputol ang atensyon niya sa akin.Napailing ako sa sarili kong iniisip.Impossible.Sa ugali ng babaeng ito, malabong ma-love at first sight siya. Mukha ngang mas malaki pa ang posibilidad na mauna siyang makipagbardagulan bago ma-in love.Ngunit sa paraan ng pagtitig niya kay Matthew ngayon, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang iritasyon sa loob ng dibdib ko.“Matthew,” tawag ni Jenelyn habang komportableng nakaupo sa harapan ng mesa ko. “Alam mo ba na para kang bituin sa langit? Nalaglag sa lupa, naging alikabok bago napunt
Bradley“Jenelyn!”Mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa pangalan niya matapos kong mapansin na tila tuluyan na siyang nawalan ng atensyon sa paligid. Kanina pa siya nakatayo, ngunit ngayon ay para bang iisa na lang ang nakikita niya sa buong silid—si Matthew.Doon lang siya tila natauhan.Bahagya siyang napakurap bago dahan-dahang napalingon sa akin, ngunit mabilis din iyong bumalik kay Matthew. Para bang sandali lang akong sumingit sa isip niya bago tuluyang mawala ulit.“Hi,” bati niya habang diretso pa rin ang tingin sa kapatid ko.“Hello,” sagot naman ni Matthew, at ang mas lalong ikinainis ko ay ang ngiti sa labi nito. Hindi iyon iyong normal niyang polite smile na ginagamit niya sa business partners o investors. It was softer. Interested. Amused.“Matthew, right?” tanong ni Jenelyn habang patuloy sa paglapit. Wala man lang siyang pag-aalinlangan na umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Matthew—eksaktong nasa harapan ng mesa ko.Tahimik akong nakatingin sa kanilang dalawa habang
BradleyHanggang sa makaalis si Charles ay nanatili pa rin akong tahimik sa loob ng opisina. Nakaupo lang ako sa swivel chair habang nakasandal at nakatitig sa malawak na bintanang tanaw ang ilang gusali sa labas. Maging ang hawak kong ballpen ay hindi ko namalayang matagal ko nang iniikot sa pagitan ng aking mga daliri.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Charles.‘Kapag nag-overtime ka, nakakahiya umuwi nang maaga.’‘Kapag wala kang pahinga, pakiramdam namin bawal din kami mapagod.’Huminga ako nang malalim at marahang ipinikit ang mga mata.Have I devoted too much time and effort sa company?Masyado na ba akong naging tutok sa trabaho kaya hindi ko na napapansin ang epekto no’n sa mga taong nasa paligid ko?Ngunit kasabay no’n ay agad ding sumagi sa isip ko ang isang bagay na matagal ko nang pinaniniwalaan.Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na dapat gawin, sino ang gagawa para sa akin?Ako ang CEO ng Salazar Group. Nasa akin ang huling desisyon. Kapag may pumalpa
BradleyNapakaraming gamit ang dumating para kay Jenelyn at hindi ko alam kung ano-ano pa ang laman ng mga iyon.Tinulungan ko siyang buuin ang ilan sa mga furniture at gamit na kailangan niyang i-assemble. Nang matapos kami, sinabi niyang kaya na raw niya ang natitira dahil maglilinis pa siya at aayusin ang iba niyang gamit. Hindi ko na pinilit ang sarili ko na manatili roon. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay masyado nang maraming nangyayari sa isip ko sa tuwing kasama ko siya.Kaya pagkatapos noon ay bumalik na ako sa aking silid.At ngayon nga ay nakaupo ako sa loob ng sarili kong office habang nakasandal sa swivel chair at nakatingin sa floor to ceiling glass wall. Tahimik ang buong silid maliban sa mahinang tunog ng air conditioner at paminsan-minsang busina mula sa mga sasakyan sa ibaba. Nakatambak ang ilang dokumento sa ibabaw ng mesa ko, pero ni isa ay wala akong gana na basahin.Si Jenelyn na naman ang laman ng isip ko.Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang sinabi niya habang
Bradley“These are not healthy,” saad ko habang inaayos ko ang pagkakaupo ko sa dining chair at pinagmamasdan ang nakahain sa harap namin. Halos mapangiwi ako sa dami ng mantika at tamis na bumungad sa akin—fried chicken na mukhang bagong hango sa kumukulong mantika, golden fries na may kasamang ketchup, spaghetti na halatang overloaded sa sauce at cheese, mango pie, at dalawang malaking cup ng soft drinks.Hindi ko maiwasang mapailing. Sanay ako sa mas kontroladong diet, sa mga pagkain na sinusukat ang calories at nutrients, hindi sa ganitong klase ng “comfort food” na parang sinadyang kalimutan ang konsepto ng health.Tumingin sa akin si Jenelyn, sakto habang kinakagat niya ang fried chicken. Walang kaarte-arte, walang pag-aalinlangan. Halatang gutom siya at masyadong abala sa pagkain para pansinin ang ekspresyon ko.“Minsan naman ay lagyan mo ng pagkain ng mahirap ang sikmura mo,” tugon niya nang hindi man lang iniintindi na may laman pa ang bibig niya. Diretso niyang sinabi iyon, p
BradleyHinayaan ko na muna siya sa mga kahon niya. Sa totoo lang, mukhang mas may direksyon pa siya sa ginagawa niya kaysa sa akin sa sarili kong condo, at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa realization na iyon.Napailing ako habang bumabalik sa aking silid, pilit inaalis sa isip ang presensya niya na parang hindi basta-basta nawawala kahit hindi ko siya kaharap.Mas mabuti pang ituon ko na lang ang atensyon ko sa trabaho. At least iyon, kaya kong kontrolin.Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang mga dokumentong dala ko mula sa opisina kagabi. Umupo ako sa gilid ng kama at isa-isang binuklat ang mga kontrata. Puro mahahalagang papeles iyon—mga kasunduan na kailangang suriin nang mabuti, mga detalye na hindi pwedeng palampasin. Ito ang mundong sanay ako. Structured. Predictable. Walang halong panggugulo.Hindi tulad ni Jenelyn.Huminga ako nang malalim bago tuluyang mag-focus. Sinimulan kong basahin ang bawat pahina, inaaral ang bawat clause, bawat salita. Paminsan-
BradleyPagpasok namin sa venue, agad akong sinalubong ng pamilyar na ingay ng isang pagtitipon na puno ng impluwensya at kapangyarihan. Hindi iyon basta simpleng usapan lamang. May lalim, may timbang, at may mga kahulugang hindi kailangang sabihin nang direkta para maintindihan.Ang malawak na bal
Bradley“Hindi pa rin ba malaman kung saan nag-i-stay si EmNagui?” inis kong tanong habang hindi inaalis ang tingin sa mga dokumentong nakalatag sa mesa ko. Ilang araw na kaming naghahanap, pero parang hangin lang ang designer na iyon—walang bakas, walang direksyon.“I’m really sorry, Sir,” sagot ni
JenelynHalos sabay kaming huminga nang malalim nila Denise at Marie nang pumwesto kami sa side namin ng court. Ramdam ko ang bahagyang paninigas ng balikat ko, pero hindi dahil kinakabahan ako. Mas sanay ako sa ganitong sitwasyon kaysa sa iniisip ng karamihan. Ang hindi lang ako sanay ay ang maram
JenelynLumabas na ako ng silid ngunit hindi pa ako nakakalayo ay biglang may nagpatigil sa akin.“Wait!” Paglingon ko ay nakita ko ang babaeng kanina lang ay pinagtatanggol ako. “I’m Denise,” sabi niya sabay umang ng kamay. Nagtataka naman akong tumingin don pero kinuha ko pa rin.“Jenelyn,” sabi







