FAZER LOGINGold mine ka pala ni Jenelyn, Bradley... wahaha
Bradley“Ito ang mga nakalap na impormasyon ni Matt,” sabi ko habang itinutulak ang folder na nasa ibabaw ng mesa papunta kay Charles. “I want to know kung sino ang kaibigan ni Mommy na dating karelasyon ni Dexter Magsino.”Agad namang dinampot ni Charles ang folder at sinimulang busisiin ang laman nito. Tahimik akong nakasandal sa aking upuan habang pinagmamasdan siyang magbasa.Ang mga dokumentong iyon ay hindi simpleng resulta ng ordinaryong imbestigasyon. Naglalaman iyon ng mga impormasyong matagal nang pinaghirapan ni Matt na makalap mula sa iba't ibang koneksyon at sources.Ang totoo, ang buong file na iyon ay nanggaling kay Jenelyn.Matapos niyang sabihin sa akin ang lahat ng natuklasan niya tungkol kay Dexter Magsino ay ibinigay niya rin ang lahat ng records na hawak niya. Sinabihan ko siya na hindi niya kailangang mag-imbestiga dahil pakiramdam ko ay hindi na niya dapat inuubos ang oras at resources niya para sa isang bagay na wala namang direktang kinalaman sa kanya.Naalala
BradleyHindi ko maiwasang pagmasdan nang mabuti si Jenelyn matapos kong sabihin ang tungkol kay Christine. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pag-uusap naming ito, may bahagi sa akin na nakaramdam ng pag-aalinlangan.Hindi kaya magbago ang tingin niya sa akin? Hindi kaya magdalawang-isip siya tungkol sa relasyon namin matapos niyang malaman ang pinakamalalaking sikreto ng pamilya Salazar?Tahimik kong pinag-aralan ang bawat reaksyon niya. Kilala ko na siya nang sapat para malaman kung kailan siya kalmado at kung kailan may malalim na iniisip.Sa pagkakataong iyon, malinaw na may gusto siyang sabihin. Nakakunot nang bahagya ang noo niya habang tila may binubuong koneksyon sa isip. Ilang beses pa siyang nagbukas ng bibig ngunit agad ding nagsasara na para bang hindi siya sigurado kung dapat ba niyang ilabas ang iniisip niya.Napangiti ako nang bahagya.“Just say it, future wife,” sabi ko.Napatingin siya sa akin at bahagyang naningkit ang mga mata. “Ganoon ako ka-obvious?”Hi
Jenelyn“Saan ko ba sisimulan ang kwento?” tanong niya.“Sa kung paano nyong nalaman na kapatid mo si Christine sa ina.”Walang gatol kong tugon dahil hindi na ako makapaghintay.“At pakibilisan ang pagkwento,” dagdag ko pa.Pinisil niya ang iong ko na sinabayan pa niya ng pagtawa. Symepre, sinubukan kong kumawala. Hindi naman masakit pero nakakainis pa rin sa pakiramdam ang ganon dahil alam ko na pinagtatawanan niya ang pagiging maikli ng pasensya ko.“Okay,” tugon niya at tsaka niya hinagod ulit ang buhok ko.Ang kamay niyang nasa bewang ko kanina ay napunta na sa baba ko habang ang hinlalaki ay nararamdaman kong humahagod sa pisngi at labi ko.Hindi ko alam kung paano ako makaka-concentrate sa pakikinig sa kanya dahil sa ginagawa niya pero sisikapin kong magfocus.“Nag-away sina Mommy at Daddy dahil gusto ni Dad na magtravel sila abroad pero ang gusto ni Mommy ay isama si Christine.”Sa simula ng kwento niya ay parang wala naman akong nakikitang masama sa gustong mangyari ni Tita Mi
Jenelyn“A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang nakatitig kay Bradley. Pakiramdam ko ay hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang sinabi niya.Kung hindi dahil sa seryoso niyang mukha at sa katotohanang hindi siya marunong magbiro tungkol sa mahahalagang bagay, malamang ay iisipin kong niloloko lamang niya ako.Ngunit alam kong hindi iyon biro. Hindi ito isang bagay na basta na lamang sasabihin para mang-asar. Pangalan ng pamilya nila ang nakasalalay rito.“K-Kapatid mo si Christine sa ina?” muli kong tanong, umaasang baka mali lamang ang pagkakarinig ko.Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago marahang tumango. Hindi ko alam kung gaano na katagal niyang dala-dala ang impormasyong iyon, ngunit malinaw sa ekspresyon niya na hindi iyon isang bagay na madali niyang tinanggap.Lalo lamang akong natigilan.Ang rebelasyong ito ay hindi basta-bastang lihim ng pamilya. Isa itong bagay na kayang magpabago sa maraming bagay sa loob ng pamilya Salazar. Kung totoo ang sinasabi niya
JenelynAng bilis ng panahon. Pakiramdam ko ay kailan lamang nang dumating ako sa mansyon ng mga Salazar dala ang pagkainis at pagtutol sa plano ni Lolo, ngunit ngayon ay malapit nang matapos ang unang semester.Marami nang nangyari sa loob ng ilang buwan. Kung minsan ay napapaisip ako kung paano nagawang baguhin ng iilang tao ang direksyon ng buhay ko nang hindi ko namamalayan.Naging maayos na rin ang sitwasyon nina Marie. Totoo sa sinabi niya, hindi siya pumayag na hayaan na lamang ang lahat ng naitulong ko sa pamilya nila. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi naman kailangang bayaran ang mga iyon, patuloy pa rin siyang naghuhulog ng pera sa account ko.Hindi man kalakihan ang halaga, alam kong mahalaga iyon para sa kanya at sa kanilang pamilya. Nakausap ko na rin ang ama niya matapos itong makauwi mula sa ospital. Halos hindi nito maitago ang pasasalamat habang kausap ko siya. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang gusto nilang gawin dahil alam kong hindi iyon tungkol sa pera kun
JenelynNaglalakad ako papunta sa classroom para sa first subject ko nang bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa gilid. Dahil sa gulat ay napahinto ako sa paglalakad at muntik pang mawalan ng balanse. Nang makilala ko kung sino iyon ay agad na napalitan ng pagtataka ang gulat ko.“Jen!” umiiyak na tawag ni Marie sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.Napakurap ako at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” tanong ko habang sinusubukang tingnan ang mukha niya.Gayunpaman, lalo lamang siyang kumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang mahinang paghikbi na pilit niyang pinipigilan. Ilang estudyante na rin ang napapalingon sa amin habang naglalakad sa hallway. May ilan pang halatang nagtataka kung bakit umiiyak si Marie sa umagang iyon.“Thank you,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Sobrang thank you talaga, Jen.”Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at marahang hinagod ang k
BradleyAn hour and a half past lunch time at kumakain ako nang tumunog ang cellphone ko, bahagyang napahinto ang kamay ko sa ere habang hawak ang kubyertos. Napatingin ako sa screen at nang makita ang pangalan ni David, agad ko iyong kinuha—hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.“Hey,” bungad niya sa
Bradley“Where is she staying?” tanong ko kay Charles pagkapasok pa lang namin sa hotel na pansamantala naming tutuluyan habang nandito kami sa South Korea.Hindi ko inaasahan na makita si Jenelyn.Sa totoo lang, ilang segundo rin akong napatigil kanina sa loob ng sasakyan habang pinapanood siyang l
Jenelyn“Nandito ka din?” takang tanong ni Charles, at malinaw sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya inaasahan ang pagkikita namin dito. Bahagyang nakaangat ang kilay niya habang nakatingin sa akin, tila ba sinusubukang ikonekta ang lahat kung paano ako napunta rito.Hindi ko agad sinagot ang ta
JenelynKinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa sa inaasahan ko.Hindi dahil sa ingay o sa jet lag, kundi dahil sa pakiramdam na may kailangan akong harapin, isang bagay na hindi pwedeng ipagpaliban. Tahimik ang kwarto ng hotel, pero ang isip ko ay gising na gising, paulit-ulit na iniisip ang







