Share

Chapter 199

Author: MysterRyght
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-01 16:28:56

Jenelyn

"I think you're crazy," hindi ko napigilang sabihin habang nakatitig nang diretso sa kanya. Halos hindi ako makapaniwalang seryoso siyang binabanggit ang mga bagay na iyon.

Nanatili siyang kalmado, parang wala lang sa kanya ang mabigat na usapan.

"Iniisip mo bang hindi ka tunay na anak ni Tita Mildred?" dagdag ko, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit katiting na senyales na biro lang ang lahat.

Ngunit sa halip na sumagot agad, bahagya lamang siyang ngumiti.

"Ano sa tingin mo?" balik
MysterRyght

Mas lumalalim pa ang lihim ni Mildred.

| 7
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jaycel Castillo Serrano
tama may kakambal c mildred,at ang tanung,nasaan ang totoong mildred?
goodnovel comment avatar
Jaycel Castillo Serrano
tama may kakambal c mildred,at ang tanung,nasaan ang totoong mildred?
goodnovel comment avatar
Nurissa Ubahin
my conclusion is nd xa Ang tunay na Mildred,impostor Ang binalik ng tatay nyo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 200

    JenelynNasa BGC na kami ngayon para sa grand opening ng pinakaunang flagship store ng Salazar Jewelry.Pagpasok pa lamang namin sa boutique ay agad nang bumungad ang elegante at marangyang interior nito. Malinis ang disenyo ng buong store, habang ang mga warm lights na nakapuwesto sa kisame ay nagbibigay ng mas matingkad na kinang sa bawat alahas na nasa loob ng mga glass display cases.Diamond necklaces, emerald rings, sapphire earrings, at iba't ibang luxury jewelry pieces ang maayos na nakaayos sa bawat seksyon. Kitang-kita ang pagiging metikuloso sa bawat detalye, na para bang hindi lamang basta mga alahas ang mga iyon kundi maliliit na obra maestrang ginawa ng mahuhusay na alagad ng sining.Hindi ko maiwasang humanga. Alam kong malaking bahagi ng tagumpay ng store na ito ay dahil kay Bradley. Mula sa konsepto ng brand hanggang sa pagpili ng mga designers na gagawa ng collections, alam kong personal niya iyong tinutukan.Hindi siya iyong tipong umaasa lang sa mga empleyado. Kapag

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 199

    Jenelyn"I think you're crazy," hindi ko napigilang sabihin habang nakatitig nang diretso sa kanya. Halos hindi ako makapaniwalang seryoso siyang binabanggit ang mga bagay na iyon.Nanatili siyang kalmado, parang wala lang sa kanya ang mabigat na usapan."Iniisip mo bang hindi ka tunay na anak ni Tita Mildred?" dagdag ko, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit katiting na senyales na biro lang ang lahat.Ngunit sa halip na sumagot agad, bahagya lamang siyang ngumiti."Ano sa tingin mo?" balik niyang tanong.Napairap ako sa inis."Seriously? Ako pa talaga ang tatanungin mo?" Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Magkakamukha kayong magkakapatid. Halos pare-pareho pa nga kayo ng mga mata at facial features. Kitang-kita ring marami kayong namana kay Tito Alfonso. May mga pagkakataon na nakikita ko rin ang ilagn feature ni Tita Mildred sayo. So, anong dahilan para isipin mong hindi ka nila tunay na anak?"Tahimik lang siyang nakatingin sa akin sa loob ng ilang segundo, na para

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 198

    JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 197

    JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng masa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 196

    BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 195

    Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 125

    Jenelyn“A-Anong ginagawa mo?”Halos pumiyok pa ang boses ko habang pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kanya.Kaya lang, habang umiiwas ako ay lalo naman siyang lumalapit.Pakiramdam ko tuloy ay ilang segundo na lang ay mapapahiga na ako sa ibabaw ng table niya kakaatras.Nasa loob kami ng opisina

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 120

    Jenelyn Ilang araw ang lumipas at sinikap ko na maiwasan ang magkapatid. Nagtagumpay ako kay Nathan ngunit hindi kay Bradley dahil bukod sa nagtatrabaho ako sa kanya ng part-time ay magkasama pa kami sa iisang bubong. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang kakaibang kinikilos niya. Napapansin ko na

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 119

    JenelynKinabukasan ay mas maaga pa akong nagising kaysa sa nakasanayan ko.Actually, hindi lang “mas maaga.”Halos madaling-araw yata akong bumangon dahil gusto ko nang makaalis agad sa mansyon.Ayaw kong makasabay si Nathan.At mas lalong ayaw kong makita ulit ang mukha niya pagkatapos ng pinag-us

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 117

    BradleyNagpalit lang ako ng damit sa kwarto bago bumaba ulit. Pagdating ko sa sala ay nadatnan ko roon si Jenelyn na mukhang kararating lang din mula sa guest room. Ngayon ay simpleng pambahay na damit na lang ang suot niya habang nakapusod nang maayos ang buhok. Naalala ko tuloy ang sinabi niya ka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status