Mag-log inHmm... ano kaya ang iniisip ni Bradley?
JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's
JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng mas
BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila
Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya
BradleyHindi nagtagal ay bumukas ang kurtinang nagsisilbing harang sa pagitan ng mga pasyente sa emergency room.Sabay-sabay kaming napalingon nang makita kong pumasok sina Lolo, Daddy, Mommy, at Christine. Halata sa mga mukha nila ang pagmamadali, marahil ay agad silang nagtungo rito matapos nilang mabalitaan ang nangyari kay Nathan.Napaangat agad ng bahagya ang katawan ng kapatid ko nang makita sila.“Lo, bakit nagpunta ka pa rito?” gulat niyang tanong. “Okay lang naman ako.”Hindi napigilan ni Lolo ang mapairap bago siya tuluyang lumapit sa hospital bed.“Ano bang sinasabi mo?” sagot niya na may halong paninisi ngunit halatang puno ng pag-aalala. “Natural lang na pumunta ako. Apo kita. Sa tingin mo ba, kapag nalaman kong naaksidente ka ay uupo lang ako sa bahay?”Napangiti nang bahagya si Nathan. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon.“Pasensya na, Lo. Hindi naman kasi seryoso.”“Hindi seryoso?” taas-noong ulit ni Lolo. “May sugat ka sa ulo tapos sasabihin mong hindi
Bradley“Anong ginagawa mo dito?”Nanlalaki ang mga matang tanong ni Jenelyn nang makalapit ako sa kanya, halata ang pagkagulat niya.At honestly? Mas nagulat ako sa sarili ko. Dahil matapos kong matanggap ang tawag ni Mr. Suarez, hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital.Ang tanging natatandaan ko lang ay ang biglang paglamig ng katawan ko nang marinig kong may aksidenteng nangyari sa campus.At nang mabanggit ang pangalan ni Jenelyn ay parang tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo.Kaya heto ako ngayon.Humahangos.Hindi man lang nakapagpalit ng schedule.Hindi man lang naisip ang mga trabaho na naiwan sa opisina.Diretso akong tumungo rito.Hindi ko siya sinagot agad at sa halip ay tinitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa.Mabagal.Maingat.Parang may hinahanap akong sugat na baka hindi niya sinasabi.“Bradley?”Napakunot ang noo niya pero hindi pa rin ako tumigil.Tiningnan ko ang mga braso niya, ang mga kamay, leeg, maging ang mukha niya. Pagkatapos ay bahagya k
BradleySa totoo lang, para sa aming dalawa ang pagkain na in-order ko.Pagdating ko pa lang kanina, napansin ko na agad ang estado niya—kakagising lang, halatang pagod, at tila wala pang malinaw na plano kung ano ang kakainin. Hindi naman ako ignorante sa gano’ng klaseng sitwasyon.Alam ko kung gaa
JenelynMatapos kong iluto ang instant noodles, maingat ko itong sinalin sa isang may kalakihang bowl. Umaangat pa ang usok mula rito, dala ang pamilyar na amoy na lalo lamang nagpaalala kung gaano ako kagutom.Saglit ko pa itong pinagmasdan bago ko dinala papunta sa mesa, kung saan tahimik na nakau
JenelynMabilis kong inayos ang mga gamit ko, kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko mula sa training na halos dumurog sa lahat ng energy ko. Isa-isa kong hinawakan ang mga damit, pinaghiwalay ang marurumi sa malilinis, at saka ko maingat na sinalansan ang mga iyon sa loob ng cabinet.Hindi
JenelynPagdating ko sa condo ni Bradley, agad akong sinalubong ng katahimikan. Walang ilaw sa sala, walang tunog ng TV, at wala ring kahit anong senyales na kakauwi lang ng may-ari. Saglit akong napatigil sa may pintuan habang hinuhubad ang sapatos ko, saka napailing nang bahagya.Mukhang wala na n







