Jasmine Binalingan ko si Ma'am Athena na salubong ang kilay sa akin ngayon. Pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas lamang ang inis ko dito kaysa ang matakot. Ikaw kaya ang magutom diyan tapos wala pang pakialam ang sanhi ng pagkagutom mo. "Saan ka pupunta? Di ka pa tapos maglinis ay aalis kana agad? Tatakasan mo pa talaga ako ha!??" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Di ko siya pinansin at sinimulan ko ng paandarin ang aking kotse. Na aasar pa rin ako sa kanya. Bahala siya dyan. Magalit na siya kung magalit basta aalis na ako. Pinag bigyan ko na nga siya na maglinis ako ng bahay niya tapos ganito lang ang aabutin ko sa kanya. Mahal ko pa rin ang aking sarili at hindi ako magpapaka gutom lang dito sa kanya. Kaya uuwi na talaga ako. Bahala na siya kung magalit man sa akin o hindi. "Uuwi na po ako." Matigas kong sagot dito na di tumitingin sa kanya. Asar na asar na talaga ako sa kanya. Nakakapuno na siya. Kahit na crush na crush ko siya ay di na makatarungan ang mga p
Athena Bigla akong napatigil sa pagkain pagkarinig ko sa sinabi ni Cordova tungkol sa akin. Agad namang namula ang aking mukha at pareho na kaming tahimik dito at walang gustong bumasag ng katahimikan. Mukhang ngayon pa lang yata nag sink in dito kay Cordova ang kanyang mga sinabi kanina. Di ko naman maiwasan na lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko dahil sa mga sinabi nito. So she finds me attractive pala ha kaya siya palaging tulala pag kaharap ako. I didn't see it coming na ganyan na pala ang effect ko sa kanya. Parang biglang gumaan ang aking pakiramdam na knowing si Cordova ay may gusto sa akin. "So, you find me attractive pala ha?" Tanong ko dito with a seductive voice sabay ihip ko sa kanyang tenga na mas lalo yata nitong ikinapula ng mukha nya. Para na nga itong kamatis sa sobrang pula niya. "Ikaw ha Cordova crush mo pala ako, pero inaaway mo naman ako." Simangot ko naman na sabi dito at mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya. Ang sarap kasi nitong e
Jasmine Nagsimula ko ng hugasan ang aming mga pinagkainan namin ni baby loves. Di ko maiwasang mapangiti habang nag huhugas ng plato. Ang cute lang kasi ng reaction nito kanina habang nag co confess ako dito ng nararamdaman ko about sa kanya. Alam kong naisahan ko siya doon kanina. Akala niya ay palalampasin ko na lang ang mga pangaakit na ginagawa nito sa akin kanina. Hahaha kung alam lang niya na humahanap lang ako ng tyempo para makapag sabi dito na liligawan ko siya. Ano siya ngayon eh di tulala lang na pinapanood ako nito habang nag uurong ng plato. Di pa rin kasi ito tumatayo hanggang ngayon sa kanyang kinauupuan. After ko makapag hugas ay lumapit na ako dito sabay nakaw ko ng halik sa kanyang pisngi at biglang layo bago mabilis ang lakad paakyat sa kanyang kwarto. Mahirap na at baka makaganti ito agad at masapak na ako nito ng di oras. "Arghhh!!! Bwisit ka talaga Cordova!!!! Manyak!!!" Dinig kong malakas na sigaw nito ng makabawi na siguro sa pagkabigla. Napapan
JasmineNaiiling na umalis nalang ako sa bahay nito. Parang bata talaga ito kumilos ngayon nakakapanibago. Ano kayang nakain nito at papakainin ko ulit non para palagi na lang siyang ganyan na hindi masyadong nakakatakot. Pag kasi nagsasalubong na ang dalawa nitong kilay ay nanginginig na ako sa takot. Alam ko kasi na galit na galit na ito pag ganun. Pero kung yung mga paisa isang taas lang ng kilay ay tingin ko kasi doon ay mild pa lang ang galit niya. Kung baga di pa naka full charge. Napapangiti na lang ako habang nag da drive pauwe. Sulit na sulit ngayon ang pagod ko ah. Imagine di lang ako naka halik at nakayakap sa kanya. Ang higit sa lahat ay pwede na ako magsimulang manligaw dito. May permission na akong ipakita dito ang nararamdaman ko para sa kanya. Akalain mo iyon. Bilib din ako kanina sa sarili ko na nasabi ko ng ganun lang kadali ang mga iyon kay baby loves kanina. Ni hindi man lang ako na bulol nung mag confess ako dito ng feelings ko. I'm so proud of myself. Haha
Jasmine Bigla naman ako nahiya sa aking ginawa. Di ko maiwasang pinamulahan ng mukha dahil sa nangyari. My gulay nakakahiya talaga na mahuli ka sa minamanyak mo siya. Dahan dahan na akong nag taas ng tingin at nagawi naman sa kanyang dibdib ang aking paningin medyo may lumilitaw kasing cleavage akong nakita. Di ko maiwasang mapa lunok ng mapansin ko iyon. Kahit gustuhin ko pa sana na tagalan ang pag tingin doon ay pinilit ko talaga ang aking sarili na ilayo sa magandang tanawin na iyon ang aking mga makasalanang mata. Sayang naman kasi. Kailan ko kaya ulit makikita ang ganitong mga tanawin sa kanya? Kinakabahan na tuluyan ko ng tinaas ang aking paningin at sinalubong ako ng nagliliyab na niyang mga mata. Katapusan ko na ba? Huwag naman sana di pa ako sinasagot ng dragonang ito. Magkakaanak pa kami ng isang dosena. "Manyak ka talaga Cordova.!" Gigil na sigaw nitong sabi sa akin saka ako sinamaan na naman ng tingin. Sayang ganda sana ng mga mata nito kung di lang laging m
Athena Kumakain na kami ngayon ng lunch ni Cordova. Di ko maiwasang mapailing pag iniisip ko ang mga pinag gagawa nitong si Cordova mula kahapon pa. Mukhang napa sama yata ang pang aakit ko dito kahapon. Tuloy na triggered ito at nagka lakas ng loob na magtapat ng kanyang nararamdaman. Lakas nang loob nito. Parang di man lang kinakabahan habang nag coconfess siya sa akin kahapon. Ako tuloy ang kinabahan sa kanyang mga pinag tapat. Oo aaminin ko na, na attractive ako kay Cordova di ko na itatangi pa. Hindi ko nga alam kong ano ang nagustuhan ko dito eh. Basta natutuwa lang ako pag nandyan lang siya at nakikita ko. Kaya nga kung ano ano na lang pinapagawa ko sa kanya para lang lagi ko siyang nakakasama. Yun lang kasi ang alam kong paraan. Alangan naman na sabihin ko dito na gusto ko siyang kasama kaya dapat nasa tabi ko lang siya. Di mas lalong lumaki ang ulo nun pag nalaman nya na attracted ako sa kanya. Pero kahit ganun pa man ay di pa rin ako pabor na manligaw ito sa ak
Jasmine Di ko naman maiwasang mapatingin dito. Bakit bigla na lang itong nainis?. Bakit bigla naman yatang nag iba ang mood nito mula ng mabanggit ko si Miss Mandy sa kanya. "Close po kasi kami nyan Ma'am, siya kasi ang nagtuturo sa akin sa office pag minsan sinasama ako noon doon ni Dad. Tapos hanggang sa matuto na ako. Kaya siya na rin ang nagiging secretary ko pag pupunta naman ako doon sa office." Mahinahon kong paliwanag dito. "Bakit kailangan ka pa niyang e text kung secretary mo lang naman siya? At may picture pa talaga kayong magkasama ha." May paghihinala na tiningnan niya akong maige. "Naging ka close ko nga po siya Ma'am." Mahinahon ko pa ring paliwanag dito. "Tika nag seselos ka ba? Hmmm?" Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya ng nanunuri. Kita ko ang biglang pamumula ng mukha nito. Di ko alam kung dahil ba sa nahuli ko na nagseselos siya o dahil sa galit. Sana naman dahil sa nahuli ko na lang na nagseselos ito. Bigla naman parang sumaya ang pakiramdam ko dahil
Jasmine Nag aayos na ako ng aking mga gamit na dadalhin ko pa Mindoro. Medyo madami dami din ito at isang buwan kasi akong mag lalagi doon. Buti na nga lang at may signal kila lola eh. Kaya kahit paano ay matatawagan at ma te text ko pa rin si baby loves. Hay miss ko na sya agad. Dumaan kaya muna ako sa kanya bago ako dumiretso ng Batangas pier. Hmmm sounds good. Para naman maka silay muna ako kay baby loves. Bago mag pa Mindoro. Nang matapos na akong mag ayos ng mga gamit ko ay agad na akong bumaba upang kumain na ng dinner. Mauuna na akong kumain. Maya pa daw kasi darating sila Mommy at may mga inaasikaso pa sila sa office ni Dad. Magana na akong kumakain ngayon. Ganito talaga ako pag masaya. Ikaw ba naman maka halik sa nililigawan mo di ka matuwa. Baka nga mag party ka pa eh. After ko makakain ay nagpahinga lang ako ng kaunti at umakyat na rin sa aking kwarto. Maaga ako ngayong matutulog at medyo maaga rin kasi akong aalis bukas. Mukhang hindi na nga ako makakadaan pa