Share

Kabanata 6

Penulis: Chihuahua
“Magkano ang ibinayad ni Liana sa inyo? Dodoblihin ko!” sigaw ni Gwyneth.

“Hoy babae! Hindi ako naghahanap ng extrang pera ngayon. Gusto ko lang na magpakasarap!” galit na sinabi ng lalake na dilaw ang buhok.

Hinatak niya ang damit niya, bumukas ang kanyang kuwelyo at inabot ito ng lalake.

Makikita ang takot sa mukha ni Gwyneth, at naging desperado siya. Halos mabuksan na ang pants niya ng mabilis siyang nakakuha ng bote ng wine at binasag ito sa ulo ng lalake.

Tinamaan siya sa ulo, at nanigas ang lima pang mga lalake bago siya pinagsususuntok. “Patay ka ngayon!”

Bumaluktot si Gwyneth sa sahig, puro pasa siya.

Nagising ang kagustuhan niyang mabuhay at pinilit ang sarili na tumayo. Hinawakan niya ang bote ng wine sa paa niya at iwinasiwas ito sa anim na lalake, na umiwas at umatras.

Ginamit ni Gwyneth ang pagkakataon at tumakbo. Hindi naglakas loob ang mga lalake na sundan siya. Bumalik siya sa private room ni Asher, sinusuri ang paligid hanggang sa makita si Liana sa sulok bago siya pinuntahan.

Nakita ni Liana ang puro pasang mukha ni Gwyneth at mga patak ng luha sa damit. Nanlaki ang mga mata niya sa taranta ng may tumama sa kanya. Sumigaw siya, “Asher!”

Inatake na siya ni Gwyneth. Masamang tumingin si Gwyneth kay Liana at sinipa siya ng malakas sa tiyan.

Bumaluktot si Liana sa sahig, desperadong tinatawag si Asher para iligtas siya.

Tinamaan na naman ng isa pang brutal na sipa si Liana sa tiyn. “Sinabi ko sa iyo na kapag ginalaw mo ako, sisipain kita hanggang sa mawala ang baby, hindi ba?”

“H-Hindi ko alam ang ibig mo sabihin,” nautal si Liana. Nakaramdam siya ng takot at napabilog na parang bola. Nalukot ang mukha niya sa sakit habang hawak ang kanyang tiyan.

Nawala ang ingay ng malipat ang atensyon sa kanila.

Nagmadaling lumapit si Asher, itinayo niya si Liana at tumayo sa harap niya. Dahil sa galit, sinipa niya ng malakas si Gwyneth sa sikmura. “Anong problema mo? Buntis siya, at sinipa mo siya? Gwyneth, ang sama mo!”

Bumagsak sa sahig si Gwyneth. Kakapaabort lang niya, at namutla siya ng maramdaman ang sakit sa buong katawan niya. Tumingala siya sa kanya. “Sa tingin mo masama ako? Bakit hindi mo muna itanong kung anong ginawa niya sa akin?”

Dahil guilty siya, yumuko si Liana at naghanap ng palusot.

Bigla, maririnig ang istriktong boses ni Asher, “Tama na! Hindi ko na kailangan magtanong! Gagawin mo ang kahit na ano, kahit pati ang pagbenta sa sarili mo para makuha ang deal! May bagay ka ba na hindi gagawin?”

Tinamaan si Gwyneth sa mga salita niya na parang suntok sa sikmura. Seryoso ba siya sa sinabi niya na gagawin niya ang lahat pati ibenta ang sarili para sa deal?

Alam niya mismo kung anong mga pinagdaanan niya—kung paano siya halos gamitan ng droga para pagsamantalahan ng isang bigating tao habang ikinukuha siya ng mga kliyente.

Sakto ang dating ni Asher. Dahil napahiya, nagwala ang bigating tao. Inakusahan siya na ibinebenta ang sarili para lang makakuha ng deal, pero nakielam si Asher at ipinagtanggol si Gwyneth.

Pero ngayon, binaliktad niya ang mga akusasyon sa kanya.

Bago pa makapagsalita si Gwyneth, binuhat ni Asher si Liana at dinala sa ospital. Nagalisan ang mga tao, kung saan naiwan mag-isa si Gwyneth sa private room.

Tinignan niya ang sarili niya sa salamin—punit ang damit niya, sira ang makeup, may mga pasa sa mukha at kamay, at magulo din ang buhok.

Kung nag-abala si Asher na tignan siya ng mabuti, mapapansin sana niya na muntik na siyang pagsamantalahan. Pero ang bawat parte niya ay nakafocus kay Liana.

Natagalan, pero nagawa sawakas ni Gwyneth na tumayo, handa na siyang umuwi. Hindi pa siya nakakalakad ng ilang hakbang ng tumulo ang dugo mula sa pagitan ng mga hita niya.

Dalawang magkasunod na araw wala si Asher. Umuwi lang siya sawakas sa araw na pupunta sila abroad Mukhang maputla si Liana at matindi ang lagay, pero batid na makeup lang ito kung titignan siya ng mabuti.

Nakaupo si Gwyneth sa couch ng galit na magsalita si Asher, “Dapat magpasalamat ka na ligtas ang baby ni Lia! Kung hindi, hihiwalayan na kita. Mabait si Lia. Sinabi niya na napatawad ka na niya.

“Nangako ako na sa oras na lumipat tayo abroad, sa maliit na villa ka titira at doon kami sa malaki.”

Nanonood si Gwyneth sa TV ng humarap sandali kay Asher. “Paano kung nalaman mo na sinungaling ang taong mahal mo? Mamahalin mo pa din ba siya?”

Sumimangot si Asher, naguluhan sa tanong niya. “Hindi na. Pero bakit ako iibig sa sinungaling? Ginintuan ang puso ni Lia. Mga babaeng tulad lang niya ang gusto ko.”

Yumuko si Gwyneth, itinago ang disappointment na nararamdaman niya. “Asher, mahal natin ang isa’t isa, pero tapos na iyon. Sana tuparin mo ang huling hiling ko bukas.”

Ang hiling lang niya ay pirmahan niya ang divorce agreement.

Nagsalubong ang mga kilay ni Asher, pakiramdam niya namamaalam na si Gwyneth sa kanya. Pero dapat lilipad sila ngayong tanghali abroad.

“Sige na. Tama na. Kunin mo na ang mga gamit mo. Pupunta na tayong airport,” sambit niya.

Nasa airport na sila makalipas ang dalawang oras. Si Asher at Liana ay naglalakad ng magkatabi na parang magkasintahan habang nasa likod nila ni Gwyneth.

Bago pumunta sa security, sinulyapan ni Gwyneth si Asher. “First class ang ticket ninyo, nasa economy ako. Mauna na kayo sa first class security at maghintay sa lounge. Maghihintay ako sa gate.”

Naguluhan si Asher. “Bakit ka pa nagtipid? Hindi naman tayo kulang sa pera.”

Kumaway si Gwyneth sa kanya, iniisip niya. “Paalam, Asher. Hinding hindi na kita makikita ulit.”

Iuupgrade sana ni Asher ang ticket niya ng hatakin siya ni Liana. “Bilisan mo na. Nagugutom ang baby. Dumaan na tayo sa security at kumuha ng makakain sa lounge.”

Sa oras na nakadaan sila sa security, tumalikod si Gwyneth at tumungo sa domestic lane. Hindi nagtagal, nasa eroplano na siya pauwi sa tahanan ng pamilya Payne.

Noong umaga, ang flight overseas ay nakababa na.

Bumaba ng eroplano si Asher pero hindi niya makita si Gwyneth. Tinawagan niya ito, pero automatic voice ang narinig niya na sinasabing nakapatay ang phone.

“Anong ginagawa niya? Nagtatampo ngayon? Baka masyado ko siyang naspoil!” walang nagawa si Asher kung hindi umalis.

Isang lalake na naghihintay sa arrival area ang agad na nakakita kay Asher. Matapos tignan ang phone niya at makumpirma na siya si Asher sa litrato, nilapitan niya ang lalake at binigyan siya ng folder.

“Mr. Crowe, kailangan ni Ms. Payne na pirmahan mo ito.”

Umasim ang ekspresyon ni Asher ng makita ang dokumento sa loob ng folder.

Divorce agreement?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Gina Fiebre
nku d nmn mabuksan
goodnovel comment avatar
Jannuell Arceos Agudo
kakaloka kwento sayang pera
goodnovel comment avatar
Lisa Cajandab
madaya nag bayad ako tas d naman ma open yung kasunod na Chapter
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mundong Pagitan   Kabanata 21

    “Marami ng pagkakataon ang ibinigay ko sa iyo, pero hindi ka nag-abalang bilangin ang mga iyon!” sagot ni Gwyneth.Pumayag siya noong unang binanggit ni Asher na isama si Liana abroad kasama nila. Pinalampas niya ito ulit ng banggitin niya sa pangalawang beses. Iyon ang mga pagkakataong ibinigay niya.Umiling-iling si Kieran, mukhang malagim ang itsura. “Hindi mo ito maiintindihan. Tinapaktapakan mo ang taong may pakielam.”Sa huli, nakulong si Asher. Pero isang buwan lang ito dahil walang naapektuhan ng matindi.Nalaman ni Kieran noong maaga pa lang na plano ni Asher na gamitin ang kasal nila para mabawi si Gwyneth. Kaya, nakaisip siya ng plano na ikalat ang tungkol sa pekeng kasal at gawan ng patibong si Asher. Tinrato niya itong practice para sa tunay na kasal.Kumagat si Asher sa paen pero matalino siya. Laxative lang ang ginamit niya sa pagkain ng pamilya Lauder at pamilya Payne para hindi siya kasuhan.Sa sumunod na araw, nag-tsaa sina Gwyneth at Yvette noong tanghali. Noon

  • Mundong Pagitan   Kabanata 20

    Makalipas ang dalawang linggo, nasa entrance ng Heatherwood Hotel si Gwyneth, binabati ang lahat ng duamdating para sa kasal niya.Nakausot siya ng snow white wedding dress, nakatayo sa tabi ni Kieran. Agaw pansin silang magkasintahan, napupukaw ang atensyon ng lahat sa paligid nila.“Magaganap ang kasal sa loob ng kalahating oras,” sambit ni Kieran, napatingin siya pababa sa high heels ni Gwyneth. “Hindi ba sumasakit ang mga paa mo sa suot mo?”Umiling si Gwyneth, ngumiti siya ng matamis. “Hindi! Okay ang mga paa ko. Masaya lang talaga ako.”Tinignan siya nina Roderick at Felicia, nakangiti sila ng may pride. Pinanood nila siyang lumaki at alam na may ginintuan siyang puso.Hindi naman naging issue ang pera sa pamilya Lauder, at matagal na silang umaasa na ikakasal si Gwyneth sa pamilya. Ngayon, mangyayari na ito sawakas.Samantala, nakasuot ng mask at cap si Asher. Maingat siyang pumasok sa basement ng hotel parking lot. Pumasok siya sa elevator ng may dalang bag ng powder.Ma

  • Mundong Pagitan   Kabanata 19

    Umiling-iling si Gwyneth. “Hindi. Magkakaganito pa din ang sitwasyon antin. Magkakaroon ka ng ibang kabit kahit na wala si Liana. Asher, wala kang alam tungkol sa pag-ibig.”Nanigas si Asher ng makita ang malaking diamante sa daliri ni Gwyneth. Habang paos, nagtanong siya, “Iimbitahan mo ba ako sa kasal ninyo?”Umiling-iling si Gwyneth, malamig ang boses niya. “Hindi. Hindi na ako makikipagkita sa iyo ulit.”Lumapit si Kieran at kinuha ang kamay niya. “Mr. Crowe, tigilan mo na ang fiance ko. Hindi ako taong gusto mo kalabanin.”Malinaw ang mensahe—pagbabayarin niya si Asher kung patuloy niyang haharassin si Gwyneth.Yumuko si Asher, wala siyang magawa ng umakbay si Kieran kay Gwyneth at isinama siya palayo. Mag-isa siyang nakaupo sa court house, bumubulong. “Wala na. Nawala na ang lahat sa akin—pera, ari-arian, business at asawa ko.”…Sa sumunod na araw, magkasamang pumunta si Kieran at Gwyneth sa tahanan ng pamilya Payne, matapos bumili ng mga regalo. Marami siyang binili kung

  • Mundong Pagitan   Kabanata 18

    Ramdam ang emosyon sa boses ni Asher habang nahihirapan siyang magsalita.Dahil wala siyang masabi, tinignan siya ng malamig ni Gwyneth at umiling-iling. “Wala ka talagang kuwenta. Kung lalake ka pa din, pirmahan mo na ang divorce agreement. Puwede tayo magkahiwalay ng maayos, at makita pa din kita bilang lalake.“Wala kang ginawa na para sa akin sa nakalipas na dalawang buwan. Lahat iyon para sa iyo.”Lalo akong naging sigurado na tama lang na iwan ko siya dahil sa ginawa niya.“Ano ba ang kailangan ko gawin para mapatawad mo ako?” tanong ni Asher, nagmamakaawa ang mga mata niya. “Kailangan ko ba mamatay para mapatawad mo ako?”Bigla, naglabas siya ng patalim at hiniwa ang braso niya. Malalim ang hiwa at lumabas ang dugo.Nanigas si Gwyneth. Pagkatapos, napaatras siya habang umiiling-iling. “Baliw ka na. Hindi mo lang binisita ang lahat ng mga lugar na pinuntahan natin. Nagmakaawa ka din para humingi ng pera sa mga taong puwede mag-ahon sa iyo mula sa bankruptcy.“Ang malungkot

  • Mundong Pagitan   Kabanata 17

    “Wala akong sasabihin na kahit na ano.” Umiling-iling si Gwyneth. Malapit na niyang matanggal ang tali.Matalas siyang tinignan ni Liana, napakasama ng mga sinambit niyang mga salita. “Sige. Sisirain kita kung ganyan. Sisirain ko ang itsura mo para wala ng mahuhulog sa iyo kahit na kailan! Gagawin ko ang tama!”Nabaliw na siya ng tuluyan. Kinuha niya ang patalim at tinutukan ang mukha ni Gwyneth.Nagawa ni Gwyneth na makawala sa tali at umiwas sa eksaktong oras.Dahil napansin niya na may mali, sinunggaban ni Liana si Gwyneth.Sinubukan kumawala ni Gwyneth, pero puro dugo ang katawan niya. Nakakailang hakbang pa lang siya ng maabutan siya agad ni Liana.Sa oras na iyon, may taong tumakbo.Humarang sa harap ni Gwyneth si Kieran at sinipa ng malakas si Liana bago niyakap si Gwyneth.“Wyn, dadalhin kita sa ospital.,” sambit niya, nag-aalala ang boses niya at nagsisisi.Tinignan ni Gwyneth si Kieran, lumuluha na siya. Umiyak siya. “Ang sakit, Kieran. Sobrang sakit.”Nagalit ang e

  • Mundong Pagitan   Kabanata 16

    Ngumiti si Liana, malinaw na ineenjoy kung gaano katense at walang magawa si Gwyneth. “Mag-lilive ako ongayon. Kailangan mo humingi ng tawad sa akin sa harap ng lahat. Kailangan mo aminin na ikaw ang kabit at pinressure mo si Asher na pakasalan ka at iwan ako.“Kung okay sa iyo, palalampasin kita pagkatapos ng live.”Humigpit ang ekspresyon ni Gwyneth. Tinitigan niya si Liana, na mababaliw na at nagtanong, “Nababaliw ka na ba? Paano mo nagagawa maging ganito kasama?”Ang pilitin si Gwyneth na siya ang kabit ay sisira ng buo sa pangalan niya. Iki-clip ng mga live viewers ang live at ishashare. Kung magkakaanak siya, marahil aapihin sila dahil sa mga video na ito.“Hindi iyon mangyayari,” sagot ni Gwyneth.Kinuha ni Liana ang pocket knife at hiniwa ang mukha ni Gwyneth, kung saan nagkaroon ng bakas ng dugo. Sumugat ang patalim sa makinis niyang balat, dahilan para mapapikit siya, pero hindi siya nag-ingay.“Sumangayon ka, at titigilan na kita. Kung tatanggi ka, patuloy ko na hihiwa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status