Share

Kabanata 2

Author: Chihuahua
Natahimik si Gwyneth sa mga sinabi ni Asher. Hindi siya nagtrabaho sa nakalipas na mga taon dahil nasagad niya ang kanyang sarili sa pagtulong kay Asher sa kanyang startup, at naapektuhan nito ang kanyang kalusugan.

Noong unang nakikipagdiskusyon si Asher sa mga kliyente, arogante siya at hindi magaling. Wala siyang masigurong deal.

Si Gwyneth ay nakipag-inuman sa mga kliyente ng sunod-sunod, hanggang sa dumugo ang sikmura niya. Iyon ang dahilan kung paano siyang nakakuha ng sunod-sunod na mga deal.

Sa oras na nagtagumpay si Asher sawakas, kawawa na ang katawan niya. Nawala ang buwanang dalaw niya at naospital ng mahigit sa kalahating taon. At ngayon, siya ang sinisisi niya dahil nasa bahay lang siya kaysa magtrabaho.

Tahimik na tumungo si Gwyneth sa kuwarto, pinunit ang pregnancy test report ngayong araw at itinapon ito sa basurahan. Hindi na naman siya makatulog ngayong gabi, dalawang oras lang ang naitulog niya sa tulong ng pills.

Pagkatapos ng araw na ito, araw-araw na sila halos nag-aaway.

Dalawang linggo ang nakararaan, binanggit ni Asher ang tungkol sa pag-expand ng business niya overseas at pagtira abroad.

Naisip ni Gwyneth na perpektong ideya ito para mailayo siya kay Liana. Hindi inaasahan, naging ideya niya na isama siya kapag lumipat na sila abroad.

Ngayon ang ikatlong beses na binanggit ito ni Asher, at nawalan na ng pag-asa si Gwyneth. Kumain siya ng kaunti, at napunta na naman ang tingin sa balkonahe.

Nasa phone pa din si Asher, nakangiti ng malapad.

Tumayo si Gwyneth mula sa kinauupuan niya at pumunta sa whiteboard sa living room, isinulat ang numerong “pito” doon.

Nagising ng maaga si Gwyneth sa sumunod na araw. Hindi siya nag-aksaya ng oras at tumawag sa abogado para pag-usapan ang divorce.

“Ms. Payne, ang best-case scenario ay kung papayag si Mr. Crowe na pumirma sa divorce agreement. Kung hindi siya willing, ang mabuhay kayo ng isang taon ng magkahiwalay ay makakatulong sa divorce case. Pero sigurado ka ba na gusto mo makipaghiwalay?”

Si Norbert Lyle ay ang abogadong nakuha ni Gwyneth ng last minute. Nagulat siya dahil narinig niyang gusto ni Gwyneth hiwalayan si Asher.

Sa mga tagalabas, mukhang mapag-aruga siya sa kanya. Umiiwas siya sa ibang mga babae, at walang senyales na may kinalaman siya sa iba.

Yumuko si Gwyneth, kita ang lungkot sa mga mata niya. “May iba siyang babae.”

May kaunting katahimikan bago humingi ng tawad si Norbert.

Nagpatuloy si Gwyneth, “Ipadala mo sa akin ang divorce agreement. Pipirmahan ko ito at ime-mail abroad. Pagkatapos bumaba ang flight niya sa susunod na linggo, may uutusan ako para ipadala sa kanya at makuha agad ang kanyang pirma.”

Sa oras na ibaba niya ang tawag, nakita niya si Asher na nakatayo sa pinto ng kuwarto.

Nakasimangot siya. “Anong pinag-uusapan ninyo? Divorce agreement?”

Hindi inaasahan ni Gwyneth na maririnig ni Asher. Humigpit ang kapit niya sa phone at nagpalusot, “Kausap ko ang kaibigan ko. Gusto na niyang makipaghiwalay.”

Hindi na ito inisip masyado ni Asher. Hindi niya naisip na iiwan siya ni Gwyneth, at hindi ikinunsidera na ang tinutukoy niyang kaibigan ay ang kanyang sarili.

Sa halip, inilabas niya ang kanyang phone at ipinakita ang mga picture ng mga villa. “May dalawa akong villa abroad—ang mas malaki ay para sa atin at ang maliit para kay Liana. Inilagay ko ang pangalan niya sa parehong deed ng villa.

“Huwag mo ako subukan pigilan. Matagal ko na siyang kasama. Kailangan may gawin ako para sa kanya.”

Hindi makapaniwala si Gwyneth sa naririnig niya. Wala kahit isang villa ang nakapangalan sa kany. “sinabi mo na wala siyang habol na kahit na ano, pero ngayon ang mga villa nakapangalan sa kany. Malaki ang naitulong ko sa iyo sa nakalipas na mga taon noong nagsisimula ka pa lang sa business mo. Paano ka nakakatulog sa gabi ng ganito ang ginagawa mo?”

Naiirita siyang tinignan ni Asher, madiin ang tono niya. “Marami na ang naibigay ko sa iyo. Dapat kuntento ka na. Noong nagtransfer ako ng pera para sa mga villa na ito, sinabi niya sa akin na wala siyang ari-ariang nakapangalan sa kanya. Iyon lang ang sinabi niya. Inilagay ko ang pangalan niya dito dahil naaawa ako sa kanya, hindi dahil sa hiniling niya.”

Nanlumo si Gwyneth, kalokohan ito para sa kanya. Marami pa siyang gusto sabihin, pero ang ingay mula sa pinto ang pumigil sa kanya.

Nagkataon na nakita nila si Liana na nakasilip mula sa likod ng pinto.

Nagpakita siya suot ang puti na dress, may dalawang malaking grocery bags na dala. Kutis porselana, at may kaunting elegante na makeup. Malinaw na maganda ang buhay niya.

Isang buwan lang ang nakararaan ng tignan ni Gwyneth ang chat history ni Asher at Liana. Dito lang niya nalaman na lihim na nagpapadala si Asher sa kanya ng 50 libong dolyar kada buwan matapos siyang magtagumpay sa business.

Sa bawat pagkakataon, sasabihin ni Asher, “Heto. Ito ang utang ko sa iyo. Hindi puwedeng makasama kita at wala kang mapala mula sa akin. Sayang lang at hindi ka dumating ng maaga sa buhay ko. Si Gwyneth ang sinuwerte.”

Noong nakipagtitigan si Gwyneth kay Liana, pagka arogante at pride ang nakita niya. Mukhang mahinhin si Liana at maselan sa damit niya, pero ang ekspresyon niya ay isinisigaw na naparito siya para ipakita ang kanyang awtoridad.

Sumimangot si Gwyneth kay Asher, hindi natutuwa nag ekspresyon niya. “Bakit siya nandito? Hindi ba’t sinabi ko na hindi siya welcome sa tahanan natin?”

Umiwas si Asher ng tingin, guilty siya. “Kaarawan ni Liana ngayon, at dahil pumayag ka na sumama siya abroad, pumunta siya ngayon para magluto bilang pasasalamat.”

Pagkatapos, hindi natutuwa ang ekspresyon ni Gwyneth. “Sinusubukan niya maigng mabait, kaya huwag kang bastos. Marami siyang pinagdaanan sa nakalipas na mga taon at walang sinabi na kahit na ano.”

Tinginan ni Gwyneth ang “pito” na nakasulat sa whiteboard. Huminga siya ng malalim, pinilit lunukin ang pandidiring nararamdaman niya. “Sabihin mo kay Ms. Quayle na hindi ako kumakain ng pickles at hindi ko gusto ng mayroon nito ang pagkain.”

Nanghina ang ngiti ni Liana, pakiramdam niya katulong ang trato ni Gwyneth sa kanya. Pumunta siya sa kusina para magluto.

Kaysa dalhin ang mga plato, sumilip siya at kumaway kay Gwyneth, “Wyn, tulungan mo ako buhatin ang mga ito palabas.”

Pumasok si Gwyneth sa kusina at sinuri ang mga putahe sa lamesa, agad na napansin ang mga pickles sa lahat.

Naglalagay ng kaunting lipstick si Liana, at mukhang walang kulay ang rosy lips niya. Mapanglait niyang tinignan si Gwyneth. “Maaawa si Asher sa akin pagkatapos niya makita ang dami ng ginagawa ko para sa kanya. Ayaw niyang napapagod ako.”

Tinignan ni Gwyneth si Liana, napansin niya na pinagmukha siyang pagod ng makeup.

Talagang naawa si Asher kay Liana. Kailan lang, madalas niyang sabihin, “Ang daming ginagawa ni Liana para sa akin. Sinuportahan mo lang ako noong startup ko.”

Noong unang beses narinig ni Gwyneth si Asher na magsalita ng ganito, sinusubukan niyang ipaliwanag ang sarili niya. Sa mga nakalipas na araw, hindi na siya nag-aabala.

“Pagod ka na siguro magkunwari na maselan at needy lagi,” panlalait ni Gwyneth.

Suminghal si Liana, kinuha ang soup at mapanglait na tinignan si Gwyneth. “Okay naman ako. Pero hindi ganoon ang masasabi ko sa iyo—isinakripisyo mo sa ang sarili mo para sa kanya at basura pa din ang trato niya sa iyo. Kung ako sa iyo, hihiwalayan ko siya ng walang alinlangan.”

Naging madiin ang titig ni Gwyneth at nagkrus ang kanyang mga braso. “Matagal ka na bang nasa kanal at naisip mo na may karapatan ka ng umalis ngayon?”

Ibinaba ni Liana ang soup at nagkrus ang mga bisig niya. Makalipas ang mga taong iniispoil siya ni Asher, normal na ang kumpiyansa niya at pagiging kalmado. “Sa totoo lang, hindi man ako ang legal wife niya, pero mas nababagay ako kaysa sa iyo.

“Siyam na taon ko ng kilala si Asher, at hindi lumipas ang isang araw ng hindi kami nag-uusap. Hindi siya nagpipigil sa kahit na ano at sinasabi sa akin agad. Alam ko ang nararamdaman niya loob at labas, at alam ko din ang PIN niya para sa kanyang mga transactions—198111. Kung sa tingin mo nagsisinungaling ako, subukan mo mismo.”

Nanigas si Gwyneth. Sa 12 taon nilang magkasama, hindi ibinigay ni Asher ang PIN niya sa kanya. Siya ang legal na asawa, pero si Liana ang tinatrato na tunay.

“Tapos ka na?” tanong ni Gwyneth.

Ngumiti ng mayabang si Liana ng makita si Gwyneth na sumimangot. “Gaano katagal mo balak tumayo lang dyan habang nangangaliwa ang asawa mo?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mundong Pagitan   Kabanata 21

    “Marami ng pagkakataon ang ibinigay ko sa iyo, pero hindi ka nag-abalang bilangin ang mga iyon!” sagot ni Gwyneth.Pumayag siya noong unang binanggit ni Asher na isama si Liana abroad kasama nila. Pinalampas niya ito ulit ng banggitin niya sa pangalawang beses. Iyon ang mga pagkakataong ibinigay niya.Umiling-iling si Kieran, mukhang malagim ang itsura. “Hindi mo ito maiintindihan. Tinapaktapakan mo ang taong may pakielam.”Sa huli, nakulong si Asher. Pero isang buwan lang ito dahil walang naapektuhan ng matindi.Nalaman ni Kieran noong maaga pa lang na plano ni Asher na gamitin ang kasal nila para mabawi si Gwyneth. Kaya, nakaisip siya ng plano na ikalat ang tungkol sa pekeng kasal at gawan ng patibong si Asher. Tinrato niya itong practice para sa tunay na kasal.Kumagat si Asher sa paen pero matalino siya. Laxative lang ang ginamit niya sa pagkain ng pamilya Lauder at pamilya Payne para hindi siya kasuhan.Sa sumunod na araw, nag-tsaa sina Gwyneth at Yvette noong tanghali. Noon

  • Mundong Pagitan   Kabanata 20

    Makalipas ang dalawang linggo, nasa entrance ng Heatherwood Hotel si Gwyneth, binabati ang lahat ng duamdating para sa kasal niya.Nakausot siya ng snow white wedding dress, nakatayo sa tabi ni Kieran. Agaw pansin silang magkasintahan, napupukaw ang atensyon ng lahat sa paligid nila.“Magaganap ang kasal sa loob ng kalahating oras,” sambit ni Kieran, napatingin siya pababa sa high heels ni Gwyneth. “Hindi ba sumasakit ang mga paa mo sa suot mo?”Umiling si Gwyneth, ngumiti siya ng matamis. “Hindi! Okay ang mga paa ko. Masaya lang talaga ako.”Tinignan siya nina Roderick at Felicia, nakangiti sila ng may pride. Pinanood nila siyang lumaki at alam na may ginintuan siyang puso.Hindi naman naging issue ang pera sa pamilya Lauder, at matagal na silang umaasa na ikakasal si Gwyneth sa pamilya. Ngayon, mangyayari na ito sawakas.Samantala, nakasuot ng mask at cap si Asher. Maingat siyang pumasok sa basement ng hotel parking lot. Pumasok siya sa elevator ng may dalang bag ng powder.Ma

  • Mundong Pagitan   Kabanata 19

    Umiling-iling si Gwyneth. “Hindi. Magkakaganito pa din ang sitwasyon antin. Magkakaroon ka ng ibang kabit kahit na wala si Liana. Asher, wala kang alam tungkol sa pag-ibig.”Nanigas si Asher ng makita ang malaking diamante sa daliri ni Gwyneth. Habang paos, nagtanong siya, “Iimbitahan mo ba ako sa kasal ninyo?”Umiling-iling si Gwyneth, malamig ang boses niya. “Hindi. Hindi na ako makikipagkita sa iyo ulit.”Lumapit si Kieran at kinuha ang kamay niya. “Mr. Crowe, tigilan mo na ang fiance ko. Hindi ako taong gusto mo kalabanin.”Malinaw ang mensahe—pagbabayarin niya si Asher kung patuloy niyang haharassin si Gwyneth.Yumuko si Asher, wala siyang magawa ng umakbay si Kieran kay Gwyneth at isinama siya palayo. Mag-isa siyang nakaupo sa court house, bumubulong. “Wala na. Nawala na ang lahat sa akin—pera, ari-arian, business at asawa ko.”…Sa sumunod na araw, magkasamang pumunta si Kieran at Gwyneth sa tahanan ng pamilya Payne, matapos bumili ng mga regalo. Marami siyang binili kung

  • Mundong Pagitan   Kabanata 18

    Ramdam ang emosyon sa boses ni Asher habang nahihirapan siyang magsalita.Dahil wala siyang masabi, tinignan siya ng malamig ni Gwyneth at umiling-iling. “Wala ka talagang kuwenta. Kung lalake ka pa din, pirmahan mo na ang divorce agreement. Puwede tayo magkahiwalay ng maayos, at makita pa din kita bilang lalake.“Wala kang ginawa na para sa akin sa nakalipas na dalawang buwan. Lahat iyon para sa iyo.”Lalo akong naging sigurado na tama lang na iwan ko siya dahil sa ginawa niya.“Ano ba ang kailangan ko gawin para mapatawad mo ako?” tanong ni Asher, nagmamakaawa ang mga mata niya. “Kailangan ko ba mamatay para mapatawad mo ako?”Bigla, naglabas siya ng patalim at hiniwa ang braso niya. Malalim ang hiwa at lumabas ang dugo.Nanigas si Gwyneth. Pagkatapos, napaatras siya habang umiiling-iling. “Baliw ka na. Hindi mo lang binisita ang lahat ng mga lugar na pinuntahan natin. Nagmakaawa ka din para humingi ng pera sa mga taong puwede mag-ahon sa iyo mula sa bankruptcy.“Ang malungkot

  • Mundong Pagitan   Kabanata 17

    “Wala akong sasabihin na kahit na ano.” Umiling-iling si Gwyneth. Malapit na niyang matanggal ang tali.Matalas siyang tinignan ni Liana, napakasama ng mga sinambit niyang mga salita. “Sige. Sisirain kita kung ganyan. Sisirain ko ang itsura mo para wala ng mahuhulog sa iyo kahit na kailan! Gagawin ko ang tama!”Nabaliw na siya ng tuluyan. Kinuha niya ang patalim at tinutukan ang mukha ni Gwyneth.Nagawa ni Gwyneth na makawala sa tali at umiwas sa eksaktong oras.Dahil napansin niya na may mali, sinunggaban ni Liana si Gwyneth.Sinubukan kumawala ni Gwyneth, pero puro dugo ang katawan niya. Nakakailang hakbang pa lang siya ng maabutan siya agad ni Liana.Sa oras na iyon, may taong tumakbo.Humarang sa harap ni Gwyneth si Kieran at sinipa ng malakas si Liana bago niyakap si Gwyneth.“Wyn, dadalhin kita sa ospital.,” sambit niya, nag-aalala ang boses niya at nagsisisi.Tinignan ni Gwyneth si Kieran, lumuluha na siya. Umiyak siya. “Ang sakit, Kieran. Sobrang sakit.”Nagalit ang e

  • Mundong Pagitan   Kabanata 16

    Ngumiti si Liana, malinaw na ineenjoy kung gaano katense at walang magawa si Gwyneth. “Mag-lilive ako ongayon. Kailangan mo humingi ng tawad sa akin sa harap ng lahat. Kailangan mo aminin na ikaw ang kabit at pinressure mo si Asher na pakasalan ka at iwan ako.“Kung okay sa iyo, palalampasin kita pagkatapos ng live.”Humigpit ang ekspresyon ni Gwyneth. Tinitigan niya si Liana, na mababaliw na at nagtanong, “Nababaliw ka na ba? Paano mo nagagawa maging ganito kasama?”Ang pilitin si Gwyneth na siya ang kabit ay sisira ng buo sa pangalan niya. Iki-clip ng mga live viewers ang live at ishashare. Kung magkakaanak siya, marahil aapihin sila dahil sa mga video na ito.“Hindi iyon mangyayari,” sagot ni Gwyneth.Kinuha ni Liana ang pocket knife at hiniwa ang mukha ni Gwyneth, kung saan nagkaroon ng bakas ng dugo. Sumugat ang patalim sa makinis niyang balat, dahilan para mapapikit siya, pero hindi siya nag-ingay.“Sumangayon ka, at titigilan na kita. Kung tatanggi ka, patuloy ko na hihiwa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status