Share

Kabanata 3

Penulis: Chihuahua
“Tapos ka na ba?” tanong muli ni Gwyneth.

Tumigil si Liana, hindi siya sigurado sa binabalak niya, pero nangangati pa din siyang galitin si Gwyneth. “Hindi ko siya iiwan. Kahit na mag-abroad kayo, sasama ako. Sa tabi lang ako ni Asher—mahal niya ako. Hindi magiging masaya ang pagsasama ninyo habang nandito ako!”

Ibinaba ni Gwyneth ang mga plato at sumingkit ang mga mata niya. “Tapos ka na? Ngayon, ako naman. Ito ang munting payo ko. Kung magiging kabit ka, galingan mo umarte at huwag ng magsalita.”

Sinampal niya ng malakas si Liana, napalingon siya sa ibang direksyon sa lakas.

Natapilok si Liana at natabig niya ang mangkok ng sabaw sa lamesa. Natalsikan siya ng sobrang init na sabaw, at sumigaw siya, “Aray! Ang init!”

Napukaw ang atensyon ni Asher, at nagmadali siya sa kusina. “Anong nangyari, Lia?”

Tumingala si Liana, ang kanang pisngi niya ay namumula sa sampal at ang kaliwang kamay naman namamaga at napaso. Galit niyang itinuro si Gwyneth na nananatiling malamig at malayo. “Honey, sinampal niya ako at tinapunan ako ng sabaw!”

Honey? Pinilit ni Gwyneth lunukin ang pandidiring nararamdaman niya. Umarte si Liana na parang si Asher ang asawa niya, kahit na si Gwyneth ang asawa at hindi siya.

Binuhat ni Asher si Liana mula sa sahig, nasasaktan siya para sa kanya. Hinarap niya si Gwyneth. “Humingi ka ng tawad kay Lia.”

Sumimangot si Gwyneth. Natapunan din siya ng sabaw.

“Hindi mo man lang itatanong kung anong nangyari?” tanong niya, nawalan na siya ng pag-asa.

Kita ang simpatya sa mukha ni Asher para kay Liana na kawawa ang lagay. “Mabuti siyang babae na taon na akong kasama at hindi humingi ng kahit na anong titulo namin. Anong kasamaan ang magagawa niya? Paano ka niya gagalitin?”

Tinignan siya ni Gwyneth, nanikip ang dibdib niya sa lungkot.

Sa school, isang selosang kaklase ang pinagbintangan siya sa pagnanakaw ng pera. Kinuwestiyon siya ng homeroom teacher tungkol dito.

Pero nagmadali si Asher sa opisina para depensahan siya. “Ms. Johnson, mabuting tao si Gwyneth. Tahimik siya kahit na ginawan siya ng mali. Anong kasamaan angm maaari niyang gawin? Bakit siya magnanakaw ng pera?”

At ngayon, inuulit ni Asher ang mga sinabi niya noon, pero kaysa ipagtanggol si Gwyneth, sinusuportahan niya si Liana.

“Hihingi ako ng tawad, pero hindi siya sasama sa atin,” sambit ni Gwyneth.

Tinitigan siya ng masama ni Liana ng galit siyang magsalita. “Sino ka para magdesisyon? Hindi ikaw ang magdedesisyon dito.”

Nagdilim ang ekspresyon ni Asher. “Huwag mo akong galitin.”

Namula ang mga mata ni Gwyneth ng tumingala siya, sinusubukan pigilan ang mga luha. “Huwag mo ako pilitin na magdala ng abogado at gawing publiko ang namamagitan sa inyo ni Liana.”

Naging galit ang ekspresyon ni Asher. Natagalan bago niya ibinuka ang kanyang bibig. “Sige. Palalampasin ko ito ngayon, pero hindi na ito dapat maulit.”

Binuhat niya si Liana patungo sa sofa sa living room at ikinuha siya ng cream para sa paso.

Noong nilisan ni Gwyneth ang kusina, nakita niya na magkasama sila, naglalambingan. Umakyat siya papunta sa master bedroom.

Dahil wala si Asher, kinuha niya ang pagkakataon para kunin ang phone niya. Inilabas niya ang transaction app, naglagay siya ng halaga, at tinype ang PIN.

Makikita sa screen ang message, “Transfer Successful.”

Napatigil si Gwyneth. Matapos linawin ang lahat, ibinalik ni Gwyneth ang phone sa puwesto nito. Nakakatawa isipin na si Liana pa talaga ang nagsabi sa kanya ng transaction PIN ni Asher.

Nasa ibaba si Asher, nagdidikit ng mainit na bimpo sa kanang pisngi ni Liana bago lagyan ng cream para sa paso ang kamay niya.

Maluha-luha din si Liana, nauutal siyang magsalita habang ramdam ang emosyon. “Sinampal niya ako at umarte na parang walang mali. Paano niya nagagawa maging masama? Honey, hindi mo man lang ako ipinagtanggol. Dapat sinampal mo siya pabalik.”

Mukhang naiinis si Asher pero mahaba ang pasensiya niya ng pakalmahin siya. “Paano kung magalit siya at mapagdesisyunan na hindi ka payagan mag-abroad? Anong gagawin natin? Ginagawa ko ito para sa iyo, hindi ba?”

Yumuko si Liana at sinabi, “Sige. Pero kaarawan ko ngayong gabi. Dapat ako ang makasama mo.”

“Kahit ano para sa iyo, prinsesa ko.” Yumuko si Asher at humalik sa mga labi niya.

Hindi nila alam na nasa itaas si Gwyneth, mapanglait silang pinapanood habang naglalandian sila.

Makalipas ang ilang sandali, umakyat si Asher sa master bedroom. Mukhang nababagabag at sinabi kay Gwyneth na malala ang paso ni Liana at kailangan dalhin agad sa ospital.

Hindi siya pinuna ni Gwyneth.

Sa oras na wala na si Asher, tinignan niya ang chat history nila. Lagi niyang sinasabi na may nangyayari sa trabaho niya sa araw na ito.

Bago natulog sa kama, binura niya ang nakasulat na “pito” sa whiteboard at isinulat ang “anim”.

“Anim na araw,” bulong niya.

Noong magising si Gwyneth sa sumunod na araw, nakauwi na si Asher. Kita ang mga eyebags niyang malaki, malinaw na nasobrahan sa pagsasaya kagabi.

Kinain ni Gwyneth ang almusal niya.

Tumingin si Asher sa whiteboard at sumimangot. “Anong mayroon sa anim?”

Walang ekspresyon ang mukha ni Gwyneth. “Anim na araw na lang bago tayo lumipad abroad.”

Anim na araw na lang at matatapos na din niya sawakas ang 12 taong relasyon at iiwan siya.

Hindi maalis ni Asher ang pakiramdam na may mali, pero tumunog ang phone niya bago pa niya ito isipin masyado.

Pagkatapos umalis, nagsimula si Gwyneth na magimpake. Hindi plano ni Asher na ibenta ang bahay sa oras na lumipat sila abroad.

Inayos na ni Gwyneth ang mga gamit niya, nag-impake at ipinadala sa tahanan ng pamilya Payne. Para naman sa mga regalo ni Asher na ibinigay sa kanya, iniwan niya itong lahat. Tanghali na ng matapos siya.

May biglaang ingay mula sa pinto. Tumalikod siya at nakita si Liana na mayabang ang ekspresyon habang may dalang maleta.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mundong Pagitan   Kabanata 21

    “Marami ng pagkakataon ang ibinigay ko sa iyo, pero hindi ka nag-abalang bilangin ang mga iyon!” sagot ni Gwyneth.Pumayag siya noong unang binanggit ni Asher na isama si Liana abroad kasama nila. Pinalampas niya ito ulit ng banggitin niya sa pangalawang beses. Iyon ang mga pagkakataong ibinigay niya.Umiling-iling si Kieran, mukhang malagim ang itsura. “Hindi mo ito maiintindihan. Tinapaktapakan mo ang taong may pakielam.”Sa huli, nakulong si Asher. Pero isang buwan lang ito dahil walang naapektuhan ng matindi.Nalaman ni Kieran noong maaga pa lang na plano ni Asher na gamitin ang kasal nila para mabawi si Gwyneth. Kaya, nakaisip siya ng plano na ikalat ang tungkol sa pekeng kasal at gawan ng patibong si Asher. Tinrato niya itong practice para sa tunay na kasal.Kumagat si Asher sa paen pero matalino siya. Laxative lang ang ginamit niya sa pagkain ng pamilya Lauder at pamilya Payne para hindi siya kasuhan.Sa sumunod na araw, nag-tsaa sina Gwyneth at Yvette noong tanghali. Noon

  • Mundong Pagitan   Kabanata 20

    Makalipas ang dalawang linggo, nasa entrance ng Heatherwood Hotel si Gwyneth, binabati ang lahat ng duamdating para sa kasal niya.Nakausot siya ng snow white wedding dress, nakatayo sa tabi ni Kieran. Agaw pansin silang magkasintahan, napupukaw ang atensyon ng lahat sa paligid nila.“Magaganap ang kasal sa loob ng kalahating oras,” sambit ni Kieran, napatingin siya pababa sa high heels ni Gwyneth. “Hindi ba sumasakit ang mga paa mo sa suot mo?”Umiling si Gwyneth, ngumiti siya ng matamis. “Hindi! Okay ang mga paa ko. Masaya lang talaga ako.”Tinignan siya nina Roderick at Felicia, nakangiti sila ng may pride. Pinanood nila siyang lumaki at alam na may ginintuan siyang puso.Hindi naman naging issue ang pera sa pamilya Lauder, at matagal na silang umaasa na ikakasal si Gwyneth sa pamilya. Ngayon, mangyayari na ito sawakas.Samantala, nakasuot ng mask at cap si Asher. Maingat siyang pumasok sa basement ng hotel parking lot. Pumasok siya sa elevator ng may dalang bag ng powder.Ma

  • Mundong Pagitan   Kabanata 19

    Umiling-iling si Gwyneth. “Hindi. Magkakaganito pa din ang sitwasyon antin. Magkakaroon ka ng ibang kabit kahit na wala si Liana. Asher, wala kang alam tungkol sa pag-ibig.”Nanigas si Asher ng makita ang malaking diamante sa daliri ni Gwyneth. Habang paos, nagtanong siya, “Iimbitahan mo ba ako sa kasal ninyo?”Umiling-iling si Gwyneth, malamig ang boses niya. “Hindi. Hindi na ako makikipagkita sa iyo ulit.”Lumapit si Kieran at kinuha ang kamay niya. “Mr. Crowe, tigilan mo na ang fiance ko. Hindi ako taong gusto mo kalabanin.”Malinaw ang mensahe—pagbabayarin niya si Asher kung patuloy niyang haharassin si Gwyneth.Yumuko si Asher, wala siyang magawa ng umakbay si Kieran kay Gwyneth at isinama siya palayo. Mag-isa siyang nakaupo sa court house, bumubulong. “Wala na. Nawala na ang lahat sa akin—pera, ari-arian, business at asawa ko.”…Sa sumunod na araw, magkasamang pumunta si Kieran at Gwyneth sa tahanan ng pamilya Payne, matapos bumili ng mga regalo. Marami siyang binili kung

  • Mundong Pagitan   Kabanata 18

    Ramdam ang emosyon sa boses ni Asher habang nahihirapan siyang magsalita.Dahil wala siyang masabi, tinignan siya ng malamig ni Gwyneth at umiling-iling. “Wala ka talagang kuwenta. Kung lalake ka pa din, pirmahan mo na ang divorce agreement. Puwede tayo magkahiwalay ng maayos, at makita pa din kita bilang lalake.“Wala kang ginawa na para sa akin sa nakalipas na dalawang buwan. Lahat iyon para sa iyo.”Lalo akong naging sigurado na tama lang na iwan ko siya dahil sa ginawa niya.“Ano ba ang kailangan ko gawin para mapatawad mo ako?” tanong ni Asher, nagmamakaawa ang mga mata niya. “Kailangan ko ba mamatay para mapatawad mo ako?”Bigla, naglabas siya ng patalim at hiniwa ang braso niya. Malalim ang hiwa at lumabas ang dugo.Nanigas si Gwyneth. Pagkatapos, napaatras siya habang umiiling-iling. “Baliw ka na. Hindi mo lang binisita ang lahat ng mga lugar na pinuntahan natin. Nagmakaawa ka din para humingi ng pera sa mga taong puwede mag-ahon sa iyo mula sa bankruptcy.“Ang malungkot

  • Mundong Pagitan   Kabanata 17

    “Wala akong sasabihin na kahit na ano.” Umiling-iling si Gwyneth. Malapit na niyang matanggal ang tali.Matalas siyang tinignan ni Liana, napakasama ng mga sinambit niyang mga salita. “Sige. Sisirain kita kung ganyan. Sisirain ko ang itsura mo para wala ng mahuhulog sa iyo kahit na kailan! Gagawin ko ang tama!”Nabaliw na siya ng tuluyan. Kinuha niya ang patalim at tinutukan ang mukha ni Gwyneth.Nagawa ni Gwyneth na makawala sa tali at umiwas sa eksaktong oras.Dahil napansin niya na may mali, sinunggaban ni Liana si Gwyneth.Sinubukan kumawala ni Gwyneth, pero puro dugo ang katawan niya. Nakakailang hakbang pa lang siya ng maabutan siya agad ni Liana.Sa oras na iyon, may taong tumakbo.Humarang sa harap ni Gwyneth si Kieran at sinipa ng malakas si Liana bago niyakap si Gwyneth.“Wyn, dadalhin kita sa ospital.,” sambit niya, nag-aalala ang boses niya at nagsisisi.Tinignan ni Gwyneth si Kieran, lumuluha na siya. Umiyak siya. “Ang sakit, Kieran. Sobrang sakit.”Nagalit ang e

  • Mundong Pagitan   Kabanata 16

    Ngumiti si Liana, malinaw na ineenjoy kung gaano katense at walang magawa si Gwyneth. “Mag-lilive ako ongayon. Kailangan mo humingi ng tawad sa akin sa harap ng lahat. Kailangan mo aminin na ikaw ang kabit at pinressure mo si Asher na pakasalan ka at iwan ako.“Kung okay sa iyo, palalampasin kita pagkatapos ng live.”Humigpit ang ekspresyon ni Gwyneth. Tinitigan niya si Liana, na mababaliw na at nagtanong, “Nababaliw ka na ba? Paano mo nagagawa maging ganito kasama?”Ang pilitin si Gwyneth na siya ang kabit ay sisira ng buo sa pangalan niya. Iki-clip ng mga live viewers ang live at ishashare. Kung magkakaanak siya, marahil aapihin sila dahil sa mga video na ito.“Hindi iyon mangyayari,” sagot ni Gwyneth.Kinuha ni Liana ang pocket knife at hiniwa ang mukha ni Gwyneth, kung saan nagkaroon ng bakas ng dugo. Sumugat ang patalim sa makinis niyang balat, dahilan para mapapikit siya, pero hindi siya nag-ingay.“Sumangayon ka, at titigilan na kita. Kung tatanggi ka, patuloy ko na hihiwa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status