Share

Kabanata 5

Author: Chihuahua
Mukhang naguluhan si Asher, napapaisip kung bakit ito itinatanong ni Gwyneth. Sigurado siya na hindi siya mabuntis, kaya naisip niya na oras na para tumigil siya sa pagsisinungaling sa kanya.

“Sa totoo lang, kay Lia lang ako may pakielam dahil buntis siya. Kung pareho kayong mabubuntis, siguradong papaburan ko ang kanya.”

Namutla si Gwyneth sa mga salita niya. Yumuko siya at hinawakan ang kanyang tiyan. Nawala ang lahat ng guilt niya.

“Oh, at kaarawan ko sa loob ng dalawang araw. Gusto ko magdiwanag kasama ang mga kaibigan ko at ipaalam sa kanila na buntis na si Lia bago ko lisanin ang bansa. Sumama ka din,” sumandal si Asher sa hamba ng pinto, pinapanood si Gwyneth habang malamig ang ekspresyon.

Alam ni Gwyneth na mangyayari tio, pero masakit pa din marinig na sabihin niya. “Kung ganoon, bakit pa ako dapat dumalo?”

Sumimangot si Asher. “Kung hindi ka magpapakita, iisipin ng mga tao na mapagkalkula si Lia. Hindi ko gusto na mali ang pagkakaintindi sa kanya.”

Paiba-ibang mga ekspresyon ang naramdaman ni Gwyneth—pait, lungkot, disappointment, at kawalan ng pakiramdam. “Hindi ako sasama. Walang asawa na nasa tamang pag-iisip ang babackupan ang kabit.”

Nanigas ang ekspresyon ni Asher. Makalipas ang isang sandali, mabagal niyang sinabi, “Kung sasama ka, tutuparin ko ang isang hiling mo, walang kundisyon.”

Yumuko si Gwyneth. “Sige. Pirmahan mo lang ang isang bagay para sa akin kapag dumating na ang panahon.”

Hindi niya sinabi na para iyon sa divorce agreement.

Ginunita ni Asher ang kaarawan niya makalipas ang dalawang araw kasama ang kanyang mga kaibigan at business partners. Kinuha niya ang kamay ni Liana at isinama siya sa sentro ng mga tao.

Nilinaw niya ang lalamunan niya at tumahimik ang lahat sa paligid. “May maganda akong balita na gusto kong sabihin sa inyo—buntis si Lia. Magiging ama na ako. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil tinupad niya ang pangarap ko.”

Ang mga nakakakilala kay Gwyneth ay agad na lumingon sa direksyon kung saan siya nakaupo. Nanatili siyang nakayuko at tahimik, pero ipinapakita ng mgaluha niya ang tunay niyang nararamdaman.

Matapos magtagumpay ang business niya tatlong taon na ang nakararaan, gusto niyang magpa-belated wedding celebration. Mas pipiliin ni Gwyneth na maging low-key, pero gusto ito ni Asher.

“Babe, hindi gusto na mainggit ka sa ibang mga babae. Marami kang pinagdaanan kasama ko sa nakalipas na mga taon. Ngayon at gumaganda na ang lahat, gusto ko ibigay sa iyo ang nararapat,” sambit ni Asher.

Sa wedding day nila, hindi niya mapigilan ngumiti kay Gwyneth habang nakatayo sila sa entablado. “Babe, tayong dalawa na lang ngayon. Hindi ako makapaghintay sa araw na magkakaroon tayo ng baby at magiging masayang pamilya tayong tatlo.”

Kaya, nanatili si Gwyneth sa bahay para alagaan ang sarili niya at pagbutihin para mabuntis siya. At ngayon, masayang inanunsiyo ni Asher na may anak na siya, pero hindi sa kanya.

Alam ng lahat doon na asawa ni Asher si Gwyneth. Pero, marami ang matalas sa kanila at hindi na nag-alinlangan na bumati.

“Congrats sa baby!”

“Masuwerte si Ms. Quayle dahil nakilala niya si Mr. Crowe. Magaling talaga ang nakita niyang lalake para makasama.”

Ang ilang sa mga lalake ay ngumisi, malinaw na hindi natutuwa sa ginawa ni Asher.

“Nagmakaawa si Gwyneth noon sa akin para makuha ni Asher ang partnership. Sumama pa siya sa maraming mga drinking sessions.”

“Oo, lalo na noong pitong rounds ang dinaanan ni Gwyneth sa loob ng isang araw. Binabanggit pa din ng asawa ko kung gaano iyon kahanga-hanga.”

Gumaan ulit ang pakiramdam sa paligid. Ang ilan ay kumakanta, habang ang iba naman ay naglalaro ng baraha.

Tahimik na nakaupo sa sulok si Gwyneth, nakayuko siya habang nagtytype sa phone niya.

Tumingin sa paligid si Liana at nakita sawakas sa sulok si Gwyneth. Hinawakan niya ang tiyan niya at mabagal na lumapit sa kanya. “Gwyneth, ikuha mo ako ng baso ng tubig. Kailangan uminom ng tubig ng anak ko.”

Tumingala si Gwyneth sa kany, nakita na mayabang ang ekspresyon ni Liana. Wala siyang pakielam. “Busy ako.”

Nakita ni Liana na naglalaro siya sa phone. Lumapit siya, nakaisip siya ng masamang plano. “Paano kung hindi ka mabuntis ni Asher pero nabuntis ka sa iba? Sa tingin mo ba hihiwalayan ka niya at pakakasalan ako?”

Nasa gitna ng paglalaro si Gwyneth ng i-pause niya ito at sumingkit ang mga mata niya. “Sige at subukan mo. Sisipain kita sa tiyan hanggang sa mawala ang baby.”

Inilabas ni Liana ang dila niya at ngumisi. “Nagbibiro lang ako. Bakit ka nagagalit?”

Tinitigan siya ng masama ni Gwyneth habang hindi interesado makipagaway. Ginawa niya ang ipinangako niya kay Asher. Tumayo siya at nilisan ang private room.

Wala siyang ideya na nagtetext na si Liana sa phone niya sa oras na tumalikod siya. “Aalis na siya. Kumilos ka na.”

Luambas ng private room si Gwyneth, plano na pumunta sa banyo bago kumuha ng taxi. Hindi pa siya nakakalakad ng ilang hakbang ng bumukas bigla ang pinto ng private room.

Isang lalake ang humaktak sa kanya papasok sa kuwarto, bumagsak siya sa sahig.

“Sino kayo?” sigaw ni Gwyneth.

Ang ikalawang lalake at nilakasan ang musika para hindi marinig ang paghingi niya ng tulong.

Tumingala si Gwyneth, bumilis ang tibok ng puso niya sa takot. Sa loob ng kuwarto ay anim na mga lalake na tinitignan siya sa nakakadiring paraan, hindi maganda ang dating nila.

“Magandang bata pa na asawa. Bihira ito.”

“Narinig ko na ikinasal siya sa isang bigatin na tao. Siguradong jackpot tayo ngayon.”

“Gawin na natin!”

Ilan sa mga lalake ang humawak kay Gwyneth. Napaatras siya sa takot, pero hinahawakan na siya.

Bigla niya naalala ang mga salita ni Liana.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mundong Pagitan   Kabanata 21

    “Marami ng pagkakataon ang ibinigay ko sa iyo, pero hindi ka nag-abalang bilangin ang mga iyon!” sagot ni Gwyneth.Pumayag siya noong unang binanggit ni Asher na isama si Liana abroad kasama nila. Pinalampas niya ito ulit ng banggitin niya sa pangalawang beses. Iyon ang mga pagkakataong ibinigay niya.Umiling-iling si Kieran, mukhang malagim ang itsura. “Hindi mo ito maiintindihan. Tinapaktapakan mo ang taong may pakielam.”Sa huli, nakulong si Asher. Pero isang buwan lang ito dahil walang naapektuhan ng matindi.Nalaman ni Kieran noong maaga pa lang na plano ni Asher na gamitin ang kasal nila para mabawi si Gwyneth. Kaya, nakaisip siya ng plano na ikalat ang tungkol sa pekeng kasal at gawan ng patibong si Asher. Tinrato niya itong practice para sa tunay na kasal.Kumagat si Asher sa paen pero matalino siya. Laxative lang ang ginamit niya sa pagkain ng pamilya Lauder at pamilya Payne para hindi siya kasuhan.Sa sumunod na araw, nag-tsaa sina Gwyneth at Yvette noong tanghali. Noon

  • Mundong Pagitan   Kabanata 20

    Makalipas ang dalawang linggo, nasa entrance ng Heatherwood Hotel si Gwyneth, binabati ang lahat ng duamdating para sa kasal niya.Nakausot siya ng snow white wedding dress, nakatayo sa tabi ni Kieran. Agaw pansin silang magkasintahan, napupukaw ang atensyon ng lahat sa paligid nila.“Magaganap ang kasal sa loob ng kalahating oras,” sambit ni Kieran, napatingin siya pababa sa high heels ni Gwyneth. “Hindi ba sumasakit ang mga paa mo sa suot mo?”Umiling si Gwyneth, ngumiti siya ng matamis. “Hindi! Okay ang mga paa ko. Masaya lang talaga ako.”Tinignan siya nina Roderick at Felicia, nakangiti sila ng may pride. Pinanood nila siyang lumaki at alam na may ginintuan siyang puso.Hindi naman naging issue ang pera sa pamilya Lauder, at matagal na silang umaasa na ikakasal si Gwyneth sa pamilya. Ngayon, mangyayari na ito sawakas.Samantala, nakasuot ng mask at cap si Asher. Maingat siyang pumasok sa basement ng hotel parking lot. Pumasok siya sa elevator ng may dalang bag ng powder.Ma

  • Mundong Pagitan   Kabanata 19

    Umiling-iling si Gwyneth. “Hindi. Magkakaganito pa din ang sitwasyon antin. Magkakaroon ka ng ibang kabit kahit na wala si Liana. Asher, wala kang alam tungkol sa pag-ibig.”Nanigas si Asher ng makita ang malaking diamante sa daliri ni Gwyneth. Habang paos, nagtanong siya, “Iimbitahan mo ba ako sa kasal ninyo?”Umiling-iling si Gwyneth, malamig ang boses niya. “Hindi. Hindi na ako makikipagkita sa iyo ulit.”Lumapit si Kieran at kinuha ang kamay niya. “Mr. Crowe, tigilan mo na ang fiance ko. Hindi ako taong gusto mo kalabanin.”Malinaw ang mensahe—pagbabayarin niya si Asher kung patuloy niyang haharassin si Gwyneth.Yumuko si Asher, wala siyang magawa ng umakbay si Kieran kay Gwyneth at isinama siya palayo. Mag-isa siyang nakaupo sa court house, bumubulong. “Wala na. Nawala na ang lahat sa akin—pera, ari-arian, business at asawa ko.”…Sa sumunod na araw, magkasamang pumunta si Kieran at Gwyneth sa tahanan ng pamilya Payne, matapos bumili ng mga regalo. Marami siyang binili kung

  • Mundong Pagitan   Kabanata 18

    Ramdam ang emosyon sa boses ni Asher habang nahihirapan siyang magsalita.Dahil wala siyang masabi, tinignan siya ng malamig ni Gwyneth at umiling-iling. “Wala ka talagang kuwenta. Kung lalake ka pa din, pirmahan mo na ang divorce agreement. Puwede tayo magkahiwalay ng maayos, at makita pa din kita bilang lalake.“Wala kang ginawa na para sa akin sa nakalipas na dalawang buwan. Lahat iyon para sa iyo.”Lalo akong naging sigurado na tama lang na iwan ko siya dahil sa ginawa niya.“Ano ba ang kailangan ko gawin para mapatawad mo ako?” tanong ni Asher, nagmamakaawa ang mga mata niya. “Kailangan ko ba mamatay para mapatawad mo ako?”Bigla, naglabas siya ng patalim at hiniwa ang braso niya. Malalim ang hiwa at lumabas ang dugo.Nanigas si Gwyneth. Pagkatapos, napaatras siya habang umiiling-iling. “Baliw ka na. Hindi mo lang binisita ang lahat ng mga lugar na pinuntahan natin. Nagmakaawa ka din para humingi ng pera sa mga taong puwede mag-ahon sa iyo mula sa bankruptcy.“Ang malungkot

  • Mundong Pagitan   Kabanata 17

    “Wala akong sasabihin na kahit na ano.” Umiling-iling si Gwyneth. Malapit na niyang matanggal ang tali.Matalas siyang tinignan ni Liana, napakasama ng mga sinambit niyang mga salita. “Sige. Sisirain kita kung ganyan. Sisirain ko ang itsura mo para wala ng mahuhulog sa iyo kahit na kailan! Gagawin ko ang tama!”Nabaliw na siya ng tuluyan. Kinuha niya ang patalim at tinutukan ang mukha ni Gwyneth.Nagawa ni Gwyneth na makawala sa tali at umiwas sa eksaktong oras.Dahil napansin niya na may mali, sinunggaban ni Liana si Gwyneth.Sinubukan kumawala ni Gwyneth, pero puro dugo ang katawan niya. Nakakailang hakbang pa lang siya ng maabutan siya agad ni Liana.Sa oras na iyon, may taong tumakbo.Humarang sa harap ni Gwyneth si Kieran at sinipa ng malakas si Liana bago niyakap si Gwyneth.“Wyn, dadalhin kita sa ospital.,” sambit niya, nag-aalala ang boses niya at nagsisisi.Tinignan ni Gwyneth si Kieran, lumuluha na siya. Umiyak siya. “Ang sakit, Kieran. Sobrang sakit.”Nagalit ang e

  • Mundong Pagitan   Kabanata 16

    Ngumiti si Liana, malinaw na ineenjoy kung gaano katense at walang magawa si Gwyneth. “Mag-lilive ako ongayon. Kailangan mo humingi ng tawad sa akin sa harap ng lahat. Kailangan mo aminin na ikaw ang kabit at pinressure mo si Asher na pakasalan ka at iwan ako.“Kung okay sa iyo, palalampasin kita pagkatapos ng live.”Humigpit ang ekspresyon ni Gwyneth. Tinitigan niya si Liana, na mababaliw na at nagtanong, “Nababaliw ka na ba? Paano mo nagagawa maging ganito kasama?”Ang pilitin si Gwyneth na siya ang kabit ay sisira ng buo sa pangalan niya. Iki-clip ng mga live viewers ang live at ishashare. Kung magkakaanak siya, marahil aapihin sila dahil sa mga video na ito.“Hindi iyon mangyayari,” sagot ni Gwyneth.Kinuha ni Liana ang pocket knife at hiniwa ang mukha ni Gwyneth, kung saan nagkaroon ng bakas ng dugo. Sumugat ang patalim sa makinis niyang balat, dahilan para mapapikit siya, pero hindi siya nag-ingay.“Sumangayon ka, at titigilan na kita. Kung tatanggi ka, patuloy ko na hihiwa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status