Kinakabahang bumaba ng sasakyan si Charline, inis na tinabig niya ang kamay ni Xander nang tangkain nitong hawakan siya para alalayang bumaba. Kung pwede niya lang itong patayin sa pamamagitan ng masamang tingin ay ginawa niya na. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kundi malalamig na tingin at paminsan-minsang galit sa mukha nito dahil sa pagtataray niya. "Anong lugar ito?" Mabilis na umikot ang paningin niya sa paligid. Tila nag-iisa lang ang semi-bungalow na 'yun sa lugar at tila bibilang pa ng ilang kilometro ang mga kapitbahay. Lampas-tao ang bakod at napaliligiran ng iba't ibang halaman. Mataas ang bahaging kinatatayuan ng bahay na tila nasa tuktok ng isang burol. Napasinghap siya nang matanaw sa ibaba ang nagtataasang mga puno, may fear of heights siya kaya mabilis niyang inalis ang tingin sa ibabang bahagi. "Pumasok ka na!" mariing utos ni Xander nang hindi pa rin siya kumikilos mula sa kinatatayuan. Naiinis na inirapan niya ito. "Papasok ka ba o kakaladkarin pa ki
"Kumain ka na." inilapag ni Xander ang tray ng pagkain sa mesang nasa harap ni Charline. Bagamat kumakalam na ang sikmura ay mas pinili niyang magsawalang-kibo at huwag itong tingnan. "Huwag matigas ang ulo, Charline. Ayoko ng matigas ang ulo." Napilitan siyang sulyapan ang mukha nito ngunit nanaig ang inis niya rito kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Hinahanap na ako ng anak ko. Hanggang kelan mo ba ako ikukulong dito?!" "Hindi ka nakakulong. Malaya kang nakakalabas ng bahay." "Nakakalabas nga ako pero nandito naman ako sa kung saang lupalop ng kabundukan!" mataray niyang sagot. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito pagkatapos ay humakbang na patalikod. "Xander!" ngunit tila bingi ito na basta na lang siya iniwan. Inis siyang tumayo at sinundan ito. "Nakuha mo na ang gusto mo! Palayain mo na ako!" Nakatayo na ito sa veranda kung saan tanaw ang naglalakihang puno sa gawing ibaba. Nagsindi ito ng sigarilyo. "Xander!" Tinapunan siya nito ng malamig na tingin. Pil
"Tawagan mo si Alyssa..." umangat ang kaliwang-kilay ni Charline. Tama ba ang narinig niya? Nilingon niya ang binatang lalong gumuwapo sa simpleng T-shirt at shorts na suot nito. "Tawagan mo na ang kaibigan mo." iniabot nito ang celphone niya. Nagulat ang dalaga. Mabilis niyang hinablot sa kamay ni Xander at idinayal ang numero ng kaibigan. Tinaasan niya itong muli ng kilay nang makitang tila wala itong balak na iwan siya. "Five minutes." ani Xander na umupo na sa upuang nasa tapat niya. "Hindi mo alam ang salitang privacy ano?!" naiiritang tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Gusto mo ba talagang makausap ang kaibigan mo?" pagbabanta nito. Inis na napahalukipkip ang dalaga at hinayaan na lang itong nakatingin sa kaniya. "TUMAWAG ka ng pulis Alyssa, gusto ko ng umuwi! Kinidnap ako ni Xander." bungad niya sa kausap. "Kinidnap? Hindi 'yun ang alam ng lahat dito Charline." "Ano?!" "Wag ka ngang OA! Alam na naming pinili mo si Xander. At 'wag kang mag-alala ako ng bahala sa ina
"Good morning!" napabilis ang pagdilat ng mga mata ni Charline. Sumilay ang pilyong ngiti sa mukha ni Xander nang mapatingin sa katawan niyang natatakpan lang ng manipis na pantulog. Bahagya pang nakalilis ang laylayan na nagpalitaw ng mapuputi niyang hita. "Kanina ka pa ba?!" mabilis niyang nahila ang kumot sa gawing paanan at naitakip sa katawan. Mahina itong tumawa. "Bakit palagi kang ganyan?" Kumunot ang noo ng dalaga. "Ayaw mong nakikita ko 'yan pero paulit-ulit mo namang ibinibigay?" ngumisi ito ng nakakaloko. Inirapan niya ito at inis na bumangon. "Xander please..." Nagtaas ito ng kamay nang makitang nanggigigil na naman siya sa inis. Iniwan na siya nito nang pumasok siya ng banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang matiyak na nakalabas na ito ng silid. Isinandal niya ang likod sa pinto ng banyo saka huminga ng malalim. Bakit ba kahit pilit niyang iwasan ang kakaibang damdamin para sa daddy ni Aj ay tila nahihirapan siyang pigilan? Bakit tila nagugustuhan niya na ang person
"Ano 'to?" bahagyang kumunot ang noo ng magandang mukha ni Charline. Pilit ikinukubli ang kilig na nararamdaman. Nagkalat ang pulang petals sa silid na kasalukuyang inuokupa mula ng dalhin siya ni Xander sa resthouse nito. Sumilay ang matamis na ngiti ng kaharap na palihim niyang naging kahinaan. "Ayaw mo ba?" Inirapan ito ni Charline. Konti na lang bibigay na talaga siya. "Hindi mo ako makukuha sa paganito Xander. Ibalik mo na ako sa boyfriend ko." kunwa'y naiirita niyang tinaasan ito ng kilay. Humakbang ito palapit at iniabot ang bouquet ng rosas. Bumilis ang pagpintig ng puso niya ng mapatingin sa kumpol ng paborito nyang bulaklak. "Wag ka ngang corny!" tinalikuran niya ito. "Ayaw mo?" matamlay nitong tanong. Pinigil niya ang sariling lumingon. "Cha?" Napilitan siyang lingunin ito. Napasinghap siya nang mapagtantong ilang dangkal na lang pala ang pagitan nila. "X-xander..." "Give me a chance Charline...sayo lang ako nagkaganito." anas nito. Napatitig siya sa mukha nito.
Inalalayan pa siya ni Xander nang bumaba ng sasakyan. Ipinarada nito ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Umikot ang tingin niya sa paligid. Nagugulat talaga siya sa kasimplehan nito sa kabila ng pagiging bilyonaryo. Hindi class ngunit hindi naman pipitsuging kainan ang pinagdalhan sa kaniya ngunit hindi niya akalaing pumupunta ito sa ganung kainan. "Anong gusto mong kainin?" "Bahala ka..." tinapunan niya lang ito ng malamig na tingin. "Masarap ang coffe nila dito." nag-order ito ng dalawang Cappuccino at Carbonara pasta. "Hindi ako mahilig sa kape." pero ang totoo, paborito niya ang kapeng inorder nito. Gusto niya lang makita ang reaksyon nito. Pero nabigo siyang inisin ito. "Ngayon magugustuhan mo na. Lalo pa't lagi na tayong magkasama." "Pinaplano mo na ba ang buhay ko?!" asik ni Charline. Humugot ito ng hangin saka mataman siyang tinitigan. "Bibigyan ko kayo ng magandang buhay ni Aj." Natigilan si Charline. "Hindi mo kailangang gawin 'yan.""Gusto kong gawin." "Pwede
"Magbihis ka, aalis tayo." nakadama ng excitement si Charline dahil sa narinig. "Babalik na ba tayo ng Maynila?" Hindi na ito sumagot na ikina-dismaya niya. Mabilis niya na lamang tinungo ang silid at nagpalit ng damit. Pinasadahan siya ni Xander ng tingin mula ulo hanggang paa saka nagkibit-balikat. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang binata. Pero tumalikod na ito at nauna ng sumakay ng kotse. "Saan ba kasi tayo pupunta? naiinis na siya sa ugali nitong napaka-hirap basahin. Tila wala na naman itong emosyon. "Xander, hindi ako manghuhula." nayayamot na inirapan niya ito. Nakatuon ang atensyon nito sa pagmamaneho. "Sa Bayan." maikli nitong sagot. "Pwede naman palang sagutin." irap niya rito. MUNISIPYO ng San Jose? tanong ng isip ni Charline. Ano naman ang gagawin nila rito? Pinigil niya ang sariling magtanong dahil tinatamad na siyang kausapin ito. Masyadong misteryoso at pabago-bago ng mood.Hinayaan niya na lang itong hawakan siya sa kamay at igiya papasok sa gusali
DAMA ni Charline ang pagpapawis ng mga kamay maging ang pamumuo ng pawis sa noo at leeg. Ganun siya kapag inaatake ng tensyon at matinding kaba. Bahagya niyang nilingon ang sasakyang naghatid sa kaniya at ang driver nito. Humugot siya ng malalim na hangin saka pinindot ang doorbell. Nang magbukas ito, nanatili lang siyang nakatayo at napatitig sa mukha ng kaibigang tuwang-tuwa ng makita siya. "Tatayo lang? Hindi papasok?" untag nito. Saka lang tila natauhan si Charline. Muli niyang nilingon ang sakay ng kotse pero mabilis na nitong pinaandar ang kotse at umalis ng walang paalam. Talaga ba? aniya ng isip niya. "Mommy!" ang luwang ng ngiti ni Aj na mabilis na yumakap sa ina. "Kumusta ang baby ko?" kinarga niya ito kahit hirap dahil may kabigatan ang anak. "Okey lang po, Mom. Namasyal kami ni ninang kahapon." sinulyapan nito ang ninang nito na bumalik na sa ginagawa. Ibinaba ni Charline ang anak at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Sige, magplay ka na muna." hinalikan niya ito sa no