Share

CHAPTER 13

4 pm ng napagdesisyonan naming magpaalam na. Naglakad kami palabas ng may lumapit na isang batang babae sakin at humawak sa aking hita. Marumi ang kanyang itsura ngunit makikita parin kung gaano ito ka ganda. Siguro mga walong taon na ang batang ito.

"Hi baby! Bakit ka nandito? Nasaan ang mama mo?" Nakangiti kong tanong. Umupo ako upang mapantayan siya.

"Wala na po si mama." Sagot nito. Sandali akong natigilan.

"Eh nasaan ang papa mo?” Tanong ko ulit.

"Wala na rin po." Sagot ulit niya na nakapagpawala ng ngiti ko. Hinawakan ko siya sa kanyang braso.

“Ah nagtatrabaho ba si mama at papa sa malayo?” Tanong ko gayong may ideya na ako kung ano ang sinasabi niya. Umiling siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

“Patay na po sila pareho.” Mahina niyang sabi. Tila nagsisi ako kung bakit nagtanong pa ako. Am I being insensitive again? Pareho kami, ang pinagkaiba lang namin ay mas bata siya ng ewan siya ng mga magulang niya. Walang muwang sa mundo, matatakot at mag-aalinlangan.

"Eh,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status