Share

My Beautiful Mistake
My Beautiful Mistake
Author: iampammyimnida

Kabanata 1

Humahangos na pumunta si Keanna sa St. Luke Medical Hospital para puntahan ang kan’yang nobyo. Nakatanggap siya ng tawag na ang kan’yang kasintahan ay nasa kritikal na kondisyon at kailangan itong maoperahan sa lalong madaling panahon.

Ang nobyo niya na si Russo Marquez ay naaksidente on the way papunta sa kaniyang tahanan para sana mag-celebrate ng kanilang 5th year anniversary bilang magkasintahan. Naghintay siya ng ilang oras sa lalaki ngunit masamang balita ang dumating sa kan’ya.

“A-Anong nangyari? Kumusta si-siya, T-Tita?” tanong niya sa ina ni Russo, umiiyak ang matanda habang yakap-yakap siya ng asawa.

“He’s in a state of coma, malaki ang pinsalang natamo niya sa aksidente, kailangan niyang maoperahan agad ngunit hindi sapat ang kan’yang dugo upang ma-operahan siya. Kailangan din niyang magpa-blood marrow, kung hindi ay tuluyan na siyang mawawala. Wala kaming maisip na paraan, Keanna. Paano na ang anak namin? Diyos ko po!”  Niyakap niya ang mag-asawang Marquez upang i-comfort ang dalawa.

Sobrang sikip ng kan’yang dibdib dahil sa nabalitaan, hindi niya akalaing sa isang iglap ay magiging ganito ang lahat. Para siyang sinasakal dahil sa sobrang sakit, hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat gawin.

“Gustuhin man naming mag-donate ngunit hindi puwede dahil hindi namin tunay na anak si Russo.” Napasinghap siya nang marinig ang sinabi ni Mr. Marquez, hindi niya alam kung ano ang i-re-react sa nalaman niya. Kaya pala hindi hawig ni Russo ang mga magulang nito, na bagay na ikinataka niya ngunit ipinasawalang bahala na lamang.

“A-Alam ba ito ni R-Russo?” tanong niya sa mag-asawa na ikinatango nila.

“Matagal na, mayroon siyang nakakatandang kapatid, s-siya lang ang makakatulong sa atin.”

“Sino?”

“Si Thaddeus Pacheco, ang bilyonaryong negosyante sa buong Asya ngunit ayaw na nitong makita si Russo. Hindi niya tanggap ang anak namin, kaya paano na? Paano na ang anak namin? Tulungan mo kami, Keanna, ikaw na lang ang pag-asa naming maligtas siya,” pagmamakaawa ni Mrs. Marquez sa kan’ya. Pinikit niya ang kan’yang mga mata at unti-unting napatango. Malaki ang naitulong ng mga Marquez sa kaniya kaya gagawin niya ang lahat para mailigtas lang si Russo. Si Russo na mahal na mahal niya at lalaking iniingat-ingatan niya.

“Tu-Tulungan ko po kayo, hahanapin ko po ang kapatid ni Russo at magmamakaawa na tulongan niya siya,” pursigidong sagot niya kina Mr. and Mrs. Marquez kaya naging masigla ang mga mukha nito’t nabigyan ng pag-asa.

***

“Sure ka na ba sa desisyon mo, Sis? Ako lamang ay nagbigay sa’yo ng alternatibong solusyon pero ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung susundin mo ba ang aking naiisip o hindi,” wika ni Sunshine, kapatid niya. Sila na lamang ang magkasama simula noong namatay ang kanilang mga  magulang dahil sa isang trahedya.

“Oo, sigurado na ako. I am desperate, Sunshine. Gusto kong makabawi sa pamilya Marquez at mailigtas ang lalaking mahal na mahal ko. Alam mo kung gaano ko kamahal si Russo, niligtas niya rin tayo sa masalimuot nating buhay noon kaya sobra akong nahumaling sa kan’ya. Sobrang bait, marespeto at matulungin ang lalaking iyon,” naluluha niyang wika sa kan’yang kapatid. Naninikip pa rin ang kan’yang dibdib dahil sa sobrang sakit, kahit ano gagawin niya mailigtas lang si Russo.

“Narito na tayo, Sis. Goodluck sa’yo. Hayaan mong ako na muna ang mag-alaga kay Kuya Russo habang wala ka, ako na rin ang magpapaliwanag sa mga magulang niya kung nasaan ka,” nakangiting sambit ni Sunshine kaya napatango siya. Hinawakan niya ang braso ng kapatid kaya napalingon ito sa kan’ya na may pagtataka.

“Huwag na huwag mong sasabihin ang naging plano natin kina Tito at Tita.” Nahihiya kasi siya na malaman nila ang plano niya’t baka hindi na nito tanggapin siya bilang kasintahan ni Russo. Kahit hindi man aminin ng mag-asawang Marquez--- alam niyang hindi siya nito gusto simula pa lang.

“Oo naman, kakampi mo ako rito, kapatid. Mag-iingat ka, napapabalitang tuso at masama ang ugali ng Thaddeus na iyan. Matinik din ito sa mga babae,” paalala ni Sunshine kaya napangiwi siya.

“Alam ko at nakahanda akong maging babae niya ngayong gabi lang,” saad niya kay Sunshine. Kumaway na ang kapatid niya’t sumakay na ng tricycle ulit para pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Russo. Nagpahabol pa ito ng ‘Goodluck’ kaya bigla siyang kinabahan.

Pumasok siya sa isang prestihiyosong club, bumungad sa kan’ya ang nagsisigawang mga tao at usok ng sigarilyo. Pilit niyang binababa ang kan’yang maiksing dress na pinahiram pa sa kan’ya ni Sunshine.

“Ikaw ba ang bagong salta rito? Nasaan ang card mo?” tanong ng isang bouncer kaya napaigtad siya. Nakailang buntong hininga siya saka unti-unting tumango. Kinuha niya ang isang card na nasa kamay niya at nanginginig na ibinigay sa lalaki ito.

“Naroon ang costumer mo sa pinakadulo, huwag kang maging pasaway at maging masunurin, malaki ang makukuha natin dito. Bagong salta ka ngunit alam mo na ang patakaran dahil may seminar naman kayo, tama ba ako?” tanong ng bouncer at mabilis siyang sumagot.

Sa totoo lang tinulungan lamang siya ni Sunshine na makapunta rito, mayroon kasi itong kaibigan na palaging costumer ang kaibigan ni Thaddeus Pacheco. Ang kaibigan ni Sunshine rin ang nagsabi na pupunta raw sa club ang lalaki kaya mabilis silang Nakagawa ng plano upang makita ang lalaki.

Nang makapunta siya sa pinakadulo ng kwarto ay mabilis niyang binuksan ito. Huminga siya ng malalim, bumungad sa kan’ya ang madilim na silid ngunit nakikita niya pa rin ang tao sa loob.

Siya na ba si Thaddeus? Sa isip-isip niya.

Nilakasan niya ang kan’yang loob at lumapit sa lalaki. Nakakapaso ang titig nito na para bang inoobserbahan ang buong pagkatao niya. Nanatili lang siyang nakatayo at yuko.

“Sit down…”

 Boses pa lang nito ay nakakahindik na. Ang isang Thaddeus Pacheco ay walang kinakatakutan. Sikat ito bilang isang mabagsik at nakakatakot na negosyante sa buong Pilipinas. Lahat ng nakakabangga nito ay pinapatumba niya kahit na buhay ang kapalit noon. Hindi na siya nagtaka kung bakit ayaw nitong tanggapin si Russo na kapatid niya. Sa ugali pa lang nito ay sobrang Malabong tanggapin niya si Russo na siya ring tagapagmana ng Pacheco Inc.

Sinunod niya ang sinabi ng lalaki, ngayon ay nakita niya ang mukha nito ng malapitan. Mabilis siyang napaiwas, bigla siyang kinabahan at pinakalma ang kan’yang puso. Kung iisipin mas malaki si Thaddeus kaysa kay Russo. Ang mga mata nito ay kagaya ng kulay sa kan’yang kasintahan, kulay berde. Iyon ang isa sa kinahuhumalingan niya sa physical appearance ng kan’yang kasintahan. Bigla siyang nalungkot at maluha-luha nang maalala si Russo.

Kinuha niya ang tubig na nasa mesa at mabilis na nilagok iyon para maibsan sana ang nararamdaman niya ngunit napapikit siya at napaubo. Gumuhit ang isang mapait na likido sa kan’yang lalamunan. Alak pala iyong nainom niya, mabuti na lang at marunog siyang uminom baka malasing siya roon at hindi na matuloy ang kan’yang plano.

Planong lasingin ang lalaking katabi niya at kuhanan ng isa o dalawang bag ng dugo para masagip ang kan’yang kasintahan. Oo, gano’n siya kadesperada na kahit makulong man siya kung mahuli man siya nito ay okay lang. Kailangan na kailangan niyang bumawi at iligtas ang mahal niya dahil nasa kritikal itong kalagayan.

“Ano ang pangalan mo? Ngayon lang kita nakita rito,” tanong nito sa kan’ya kaya napaigtad siya. Nanatili siyang nakayuko at hindi alam kung anong sasabihin. Magsasalita na sana siya ngunit bumukas ang pinto. Pumasok ang isang waitress na may dala-dalang inumin. Kumindat ito sa kan’ya kaya alam niyang kasabwat niya ito.

Ang sabi ni Sunshine sa kan’ya, nasa kaliwang baso ang may lamang pampatulog at ang nasa kanan naman ay wala, sa kan’ya iyon.

Mabilis na ipinatong ng waitress ang tray at nginisian lang siya nito.

“Hmm. Let’s drink, first. Alam mo na ang trabaho mo, papaligayahin mo ako pagkatapos nito. You know the drill; I only accept BJ. I don’t want sex lalo na sa mga p****k na kagaya niyo,” saad nito kaya bigla siyang kinabahan. Alam niya ang BJ dahil minsan na rin itong naikwento ng kapatid niya sa kan’ya. Kinuyom niya ang kamao at matigas niyang tinitigan ang lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng pagka-di-gusto sa lalaki. Hindi siya p****k at wala siyang karapatang tawagin siyang p****k nino man.

Biglang natigilan ang lalaki at nanlalaki ang mga nito. Kumunot ang noo ni Thaddeus at napakuyom ng kamao.

“You look familiar, b-but what am I feeling right now? Nang iinit ang katawan ko!”

Agad na umepekto siguro ang gamot na inilagay ni Sunshine sa baso nito. Agad na nagdiwang ang kaniyang kalooban nang mapatingin sa lalaki. Hihintayin niya lang na makatulog ang lalaki at doon na siya kikilos. Nilagok niya ang basong naglalaman ng juice na sinerve ng waitress at napangisi kay Thaddeus na kasalukuyang hindi mapakali.

Napalunok siya nang makitang naghuhubad ito ng Tuxedo kaya nakita niyang pumuputok tuloy ang muscle nito sa polo-ng suot-suot ng lalaki.

Agad na nakaramdam siya ng init na ikinataka niya. Sobrang init din ng pakiramdam niya’t hindi niya alam ang dahilan. Napatingin siya sa aircon subalit naka-on naman ito.

Agad niyang hinubad ang dress na suot niya kaya napalunok si Thaddeus. Ang makikinis niyang balat ang nagpalaway sa lalaki. Gusto niyang ilabas ang init ng kan’yang katawan ngunit hindi niya alam kung paano. Agad na dumampi ang kamay ni Thaddeus sa leeg niya kaya napasinghap siya.

Ano itong nararamdaman niya? Hindi dapat ganito at wala ito sa plano nila. Pinikit niya ng mariin ang mata niya ngunit napaungol siya nang maramdamang may humahalik at s********p sa kan’yang dibdib.

It was Thaddeus, napasabunot siya sa ulo ng lalaki.

“Th-Thaddeus…” bulong niya sa lalaki ngunit patuloy lang ang paghalik nito sa dibdib niya. Gusto niyang pigilan ang lalaki dahil hindi ito ang nasa plano niya’t wala itong karapatang hawakan at angkinin siya ngunit wala siyang lakas na gawin iyon.

As if she was betrayed by her body dahil gustong-gusto rin ito ng kan’yang katawan. Hanggang sa pareho na silang hubo’t hubad at tanging init lamang ng kanilang katawan ang nanaig ng gabing iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status