Share

Kabanata 6

Agad na pinirmahan ni Keanna ang kontrata sa harap niya. Sa totoo lang labis siyang kinakabahan baka makasalubong niya si Thaddeus, mabuti na lang at ni anino nito ay hindi niya nakita simula no'ng pumunta siya sa kompanya.

"Kakausapin ka ni Mr. Nunez, siya ang supervisor natin at under niya tayo. Lahat ng sasabihin niya ay dapat nating sundin, naiintindihan mo ba, Ms. Gomez?" mataray na tanong ng isa sa empleyado roon, nagngangalang Gina.

"Naiintindihan ko..." Umirap ito sa kan'ya saka may binulong subalit hindi niya narinig.

"Ano iyon?" tanong niya.

"Ang sabi ko, naroon ang office ni Mr. Nunez, dalian mo't ayaw nitong pinaghihintay siya! Bingi!" malakas na sabi ni Gina. Sa pagkakaalam niya ito ay ang assistant ni Mr. Nunez kaya siguro kung makaasta roon sa office ay parang boss na. Napangiwi na lamang siya dahil sa ugali ng babae, mukhang magiging disaster ang trabaho niya dahil kay Gina, mas maiging iwasan na lamang ito, iyon na lang ang gagawin niya.

"S-Sige, salamat..." Iyan ang sinabi niya saka tinalikuran ang babae.

Pumasok agad siya sa office, nakita niya ang isang di-katandaang lalaki na seryosong nagtitipa sa laptop. Tumikhim siya kaya naagaw niya ang pansin nito.

"Magandang umaga, Mr. Nunez. Ako po ang bagong admin assistant sa office niyo, ikinagagalak ko pong makilala ka. Ako po si Keanna Gomez." Napayuko siya tanda ng paggalang. Tiningnan lang siya ng lalaki mula ulo hanggang paa saka ngumisi.

"Keanna... Sobrang ganda ng pangalan, bagay na bagay sa'yo." Kinilabutan siya sa uri ng tingin nito. Unang tingin niya palang sa matanda ay manyakis na, hindi na siya nagtaka. Kumuyom ang kamao niya dahil sa sinabi nito.

"S-Salamat ho." Kung hindi lamang niya superbisor ang lalaki ay nag-walk out na siya kanina pa. Nakakapaso ang mga titig na binibigay nito sa kan'ya bagay na ikina-ilang niya.

"Hmmm. Sobrang ganda mo, noong una kitang nakita ay nagandahan na ako sa'yo. Nagpapasalamat ako kay Sir Pacheco dahil binigyan ka ng chance para maka-trabaho rito. Iba rin kasi ang alindog mo, pati si Sir Pacheco ay nabihag mo." Tumawa ito at umiling-iling pa. Hindi niya alam ang sasabihin sa lalaki. Kanina pa siya nawe-weirdo-han dito.

"Hindi ka naman, katalinuhan, mali-mali pa nga ang nasagot mo sa interview. Hmmm. Nakakapagtataka nga naman ang lalaking iyon. Di bale na! Mayroon akong dinner mamaya, gusto mo bang sumama? Libre ko na, pa-welcome ko sa'yo," nakangising wika nito kaya nagulantang siya.

"A-Ano po? Hindi ho ako puwede, Mr. Nunez, w-wala po akong pera," palusot niya. Ayaw niyang makasama ang lalaki dahil sobrang naiilang siya. Kakakilala pa nga lang niya rito ay nag-aaya ng mag-dinner. Hindi kaya'y naka-drugs ang lalaki? Kung ano-ano na ang binibigkas kasi ng bibig nito't wala namang kinalaman sa trabaho nila.

"Libre ko naman, Ms. Gomez, kaya huwag ka ng magpakipot." Biglang uminit ang ulo niya dahil sa pangungulit ng lalaki. Sumeryoso ang mukha niya kaya napangisi ang lalaki sa kan'ya.

"Mr. Nunez, mawalang galang na po, kung hindi po related ito sa trabaho, puwede ho bang bumalik na ako sa office ko? Marami pa po akong dapat na asikasuhin kaysa rito."

"Sige, aasahan ko ang iyong presensya. Kung ayaw mong sumama sa akin para mag-dinner ay samahan mo na lang ako, may i-me-meet tayong kliyente mamaya---"

Agad na pinutol niya ang sasabihin ng matanda. "Hindi po ba dapat sa assistant mo iyan sabihin? Hindi sa akin?" Napatikhim ang lalaki at seryoso siyang tinitigan.

"Hindi makakasama si Gina dahil mayroon siyang lakad. Ako ang superbisor dito kaya ako ang sundin mo, hindi ba, Keanna?? Wala akong gagawing masama sa'yo kung iyan ang iniisip mo." Matalim ang mga titig nito sa kan'ya kaya napahinga siya ng malalim. Ayaw niyang mawalan ng trabaho sa first day ng work niya. Hindi pa nga siya nagsisimula ay masama na ang impresyon ng superbisor sa kan'ya.

Unti unti syang napatango bilang sagot.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Sige na, makakaalis ka na. Hihintayin kita mamaya sa parking lot. Sumabay ka na sa akin-" Aangal pa sana siya ngunit agad na inunahan siya ng lalaki. "NO BUTS!"

Nang makalabas siya ay agad na humarang si Gina sa harap niya.

"Oh, ano raw ang sabi ni Mr. Nunez? Pinapapasok niya ba ako sa loob?" excited na tanong ni Gina sa kan'ya kaya napailing siya. Hindi niya alam kung sasabihin niya bang may lakad sila ng matanda. Napagpasyahan niyang sabihin na lang ito. Ayaw niyang maglihim baka iba pa ang isipin ng taong makakita sa kanila.

"Mamaya ay may i-me-meet kaming kliyente. Sabi ni Mr. Nunez ay busy ka raw kaya ako muna ang sasama sa kan'ya," walang ganang sabi niya sa babae.

Kumunot ang noo ni Gina saka napapaisip. Umiling-iling ito at agad na tinalikuran siya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang ekspresyon ng babae. Padabog itong pumasok sa loob ng office ni Mr. Nunez. Hindi na lang niya ito pinansin saka pumasok sa office niya't nagtrabaho.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay agad na may pumasok sa loob ng office niya. Nagulat siya dahil sa padarang na pagsara ng pintuan. Kita niya ang galit na galit na mukha ni Gina.

"Alam mo, napakalandi mo! Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa iyo't tinanggap ka rito sa kompaniya. Eh bali-balita nga na bobo ka namang sumagot sa interview. Kaya ka siguro nakapasok dito dahil ibinigay mo ang sarili mo kay Mr. Pacheco. Hindi ba't tama ako? Ngayon naman si Mr. Nunez ang punterya mo? The fuck! Ang landi-landi mo!!" galit na sabi ni Gina sa kan'ya. Napanganga siya dahil sa sinabi ng babae. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito tila ba nawalan siya ng boses para ipagtanggol ang sarili niya.

"Ano? Hindi ka makaimik dahil tama ako?" natatawang tanong ni Gina sa kan'ya. Kita niya ang pandidiring tingin ng babae sa kan'ya. Kumuyom ang kan'yang kamao saka huminga ng malalim. Hangga't maaari ay ayaw niyang patulan ito. Ayaw niyang masira ang unang araw ng trabaho niya.

"Hindi ko kasalanan kung ako pinili ng nakakataas, Gina. Isa pa, hindi ko ginusto na sumama sa matandang iyon. Kung gusto mo ay ikaw na lang. Wala namang kaso iyon sa akin." Kalmado niyang tinitigan ang babae. Kita niya ang pag-iwas ng tingin ni Gina sa kan'ya.

"Hindi ako puwede, gustuhin ko mang sumama ay may iniutos siya sa akin. Hindi ko pa rin matanggap na mas gusto ka niyang kasama kaysa sa akin! Dati naman ay ako palagi ang kasama niya!" padabog na sabi ni Gina saka umalis na lang bigla sa office niya.

Kumunot ang kanyang noo at umiling. May something siguro itong si Mr. Nunez at Gina. Pero ano ulit ang sinabi nila?? Si Thaddeus ang mismong nag-hire sa kan'ya? Pero bakit??

Bigla siyang kinabahan dahil doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status