Share

Kabanata 2

Nagising si Keanna na sobrang sakit ng ulo at katawan. Agad siyang napabalikwas nang maalala ang nangyari. Narinig niya ang pag-ungol ng kan’yang kasama kaya napalingon siya. Narito pa rin siya sa club at alam niyang mag-uumaga na. 

Nanlalaki ang kan’yang mga mata nang makitang hubo’t-hubad ang lalaki pati na rin siya, alam niyang may nangyari sa kanila’t ito ang nakauna sa kan’ya. 

Hindi siya nag-aksaya ng oras pa’t mabilis na nagbihis at umalis ng silid na iyon. Sa sobrang taranta ay hindi na niya nakuha pa ang plano niya. Nanginginig siyang nagpara ng jeep at kahit na paika-ika siyang maglakad at sobrang sakit ng kan’yang paanan ay tiniis niya. 

“Sis, anong nangyari?” bungad na tanong ni Sunshine sa kan’ya nang makapasok siya sa kanilang bahay. 

Bumuhos ang kan’yang luha dahil sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung paano ba ipapaliwanag ang nangyari kagabi sa kapatid niya ngunit isa lang ang bumabagabag sa kalooban niya. 

“M-May nilagay ka ba sa inumin ko? Bakit gano’n na lamang ang epekto ng alak sa akin? Bakit nagkaroon ako ng hindi kaaya-ayang nararamdaman sa lalaking iyon?” tanong niya sa kapatid niya, ayaw niya itong pagisipan ng masama ngunit bakit gano’n na lamang ang naramdaman niya nang matapos niyang inumin ang alak na para sa kan’ya. Hindi ba’t pampatulog lamang iyon? Bakit iba ang naramdaman ni Thaddeus Pacheco. Bakit nang iinit sila pareho? 

“What?? Wala akong kaalam-alam diyan Sis, alam mong ang ginawa ko lang ay bantayan ang kasintahan mo. Ano ba ang nngyari?” Kita ko ang pag-aalala sa kan’yang mukha. Inalo siya nito habang walang tigil naman ang pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi. 

“M-May nangyari sa amin ni T-Thaddeus, hindi ko alam kung paano nangyari iyon, maniwala ka sa akin, Sunshine. Hindi ko ginustong may mangyari sa aming dalawa!” hikbi niyang sagot sa kapatid kaya napayakap si Sunshine sa kan’ya. 

“A-Alam ko sis, naniniwala ako sa’yo pero paano na ang plano? Anong nangyari roon? Nakakuha ka ba ng blood sample sa lalaki” tanong ni Sunshine ngunit umiling siya ng marahas. 

“Dahil sa sobrang pagmamadali at taranta ko kanina ay hindi ko na nagawa pang kuhanan ng dugo si Thaddeus. P-Pero babalik ulit ako, baka… Baka naroon pa siya! Tangina, bakit ba nakalimutan ko iyon!” Naiiyak at natataranta na naman siya. Sobrang na-gui-guilty siya sa nangyari, ang tanging iniingat-ingatan niyang kabirhenan ay nakuha pa ng estrangehero’t hindi niya kilala. Hindi niya magawang ibigay ito kay Russo ngunit sa isang estranghero ay naibigay niya ng ganon kadali lang? Napakatanga niya sa part na iyon, pero hindi niya naman kasalanan iyon dahil alam niyang dahil sa gamut iyon. 

“Iyong waitress! Siya ang may pakana noon! Siya ang nagdala ng inumin sa amin, kaya siya ang nakakaalam ng nangyari, kailangan ko siyang makita at makausap!” 

Agad na pinigilan siya ng kan’yang kapatid kaya nagtataka siyang tiningnan ito. 

“Saka na natin asikasuhin iyon, kailangan mong magpahinga, Sis. Alam kong pagod ka, ako na ang bahala roon pati na ang pag-alaga kay Kuya Russo. You have to take a rest, first, you look tired…” 

Wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Sunshine sa loob ng kwarto niya. Roon lang siya nakaramdam ng pagod at sakit sa katawan. Agad na kumalma ang kan’yang sarili nang makaupo sa malambot na kama. 

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. 

*** 

Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang insendenteng iyon. Hindi siya maka-move on at panay iyak lamang ang ginawa niya sa kwarto. Hindi siya lumalabas at wala siyang mukhang maihaharap sa kan’yang kasintahan. 

Tanging si Sunshine lamang ang nag-aalaga kay Russo sa hospital, binabalitaan na lamang siya kung ano na ang lagay ng lalaki. Hindi niya alam kung paano nga ba mame-meet ulit si Thaddeus dahil hindi na rin alam ng kaibigan ni Sunshine kung nasaan ito. Matapos ang nangyari sa kanila ay hindi na ito nagpakita pa sa club. 

Ngayon ay hawak-hawak niya ang dalawang pregnancy test upang malaman kung may nabuo ba sa kasalanang ginawa niya. Ilang araw na rin kasi siyang nahihilo at nagsusuka. Walang kalam-alam dito ang kapatid niya dahil natatakot siyang husgahan nito. 

Kinakabahan siyang naghintay at nang makita niya ang resulta ay nanigas siya. Tulala lamang siya sa dalawang pregnancy test na parehong may dalawang linya. Napahikbi siya dahil sa resulta, positive ito, she’s pregnant. 

Buntis siya! 

Hindi siya mapakapaniwala. 

Nakarinig siya ng katok at alam niyang si Sunshine iyon. Rinig niya ang pag-aalala sa boses ng kapatid. Nanginginig niyang binuksan ang pintuan at napayakap sa kapatid ng mahigpit. 

“Buntis ako, Sunshine! Buntis ako! Paano na ito?” 

Iyan lang ang nasabi niya habang umiiyak sa bisig ng kapatid. 

Ilang oras din siyang umiyak matapos noon ay kumalma siya. Seryoso ang kapatid niyang nakatingin sa kan’ya habang nagtitipa ng cellphone. 

“Paano na ito, Sis? Hindi puwedeng malaman ito ng mga magulang ni Kuya Russo. Kailangan mong magtago, hindi puwedeng makita ka nilang malaki na ang tiyan. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Sabihin kung gumagawa ka ng paraan para maging magaling ang Kuya. Huwag kang mag-alala, Sis aalagaan ko ang kasintahan mo…” 

Hinawakan ni Sunshine ang kan’yang kamay at pinisil iyon. 

“Pagkatapos mong manganak, ibigay mo sa akin ang bata at mamuhay ulit kayo ni Kuya Russo, ako na ang bahala sa lahat, Sis…” 

Tumango siya at napakagat ng labi. Hindi niya kayang magsinungaling kay Russo. Mas pipiliin niyang mamuhay nang patago kasama ang anak niya. Wala itong kasalanan sa mga nangyari kaya hindi niya ito aalisan ng karapatang mabuhay sa mundo. 

  

Hindi nga siya lumabas ng bahay at nagpakita man lang sa mga magulang ni Russo. Lumalaki na rin ang kan’yang tiyan kaya nahihirapan na siyang maglakad o kahit gumalaw man lang. Paminsan-minsan ay umuuwi si Sunshine para bisitahin siya sa bahay ngunit nagtataka siya dahil mag-iisang buwan na itong walang paramdam sa kan’ya. 

Sa sobrang pag-aalala niya ay mas minabuti niyang pumunta sa St. Luke Hospital para makita na rin si Russo. Miss na miss na niya ang lalaking mahal niya. Hindi niya na kayang magtiis pa, kahit silip o sulyap lamang sa lalaki ay sapat na sa kan’ya basta’t makita niya lamang ito. 

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya ang kapatid ni Russo na si Thaddeus ngunit sobrang sama ng tadhana sa kan’ya dahil naroon daw ito sa ibang bansa at doon muna mamamalagi. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa, alam niyang magkikita ulit sila nito at hindi niya hahayaang pumalpak pa ang plano niya. 

Nang makapasok siya sa hospital ay panay tinginan ng mga tao sa kan’ya. Alam ng mga staff na kasintahan siya ni Russo, medyo kilala kasi si Russo at siya sa kanila. Isa silang perfect couple na kinaiinggitan ng lahat sa kanila. Malaki ang impluwensiya nila sa mga madla lalong lalo na sa mga magkasintahan. 

Si Russo na isang sikat din na modelo kaya kilalang-kilala siya roon at alam din ng mga tao na siya ang kasintahan nito. 

Rinig niya ang bulong-bulungan ng mga tao ngunit ipinagsawalang-bahala niya lang iyon. 

“May anak na sila ni Sir Russo? Oh my God! Nakakatuwa naman!” 

“Wait, ‘di ba ilang buwan ring na-comatose si Russo? Bakit nabuntis ang kan’yang kasintahan? Hindi kaya sa iba ito? Gosh! Talandi rin pala itong nabingwit ni Russo eh!” 

“Naku sayang naman ang ilang taon nilang pagsasama kung sa ibang lalaki iyang dinadala ng syota ni Russo Marquez. Nakakaawa siya…” 

Kinagat niya ang kan’yang labi para pigilan na patulan ang mga taong nagbubulongan. Wala silang alam sa nangyari, bakit ang dali lamang siyang i-judge nito? Kumuyom ang kan’yang kamao at sinamaan ng tingin ang mga tao kaya nahinto ito sa pagbubulongan. 

Nang makapasok siya sa kwarto ni Russo ay rinig mo ang halakhakan sa loob. Kumunot ang kan’yang noo dahil naririnig niya ang boses ng kapatid niya at ni Russo. Biglang nakaramdam siya ng kagalakan nang malamang nagising na ang lalaki pero paano? Hindi ba’t kailangan nito ng blood donor at si Thaddeus Pacheco lamang ang makakatulong sa kan’ya dahil magkapatid sila. Paanong naging okay na ang lalaki? Gayunpaman ay hindi na niya ito inisip pa, sa sobrang excited niya na makita ang kan’yang kasintahan ay hindi na siya kumatok pa at diretsong pumasok sa loob. 

Bigla siyang natigilan nang makita ang eksena. Kita niyang magkayakap ang kapatid niya saka ni Russo sa kama. Nakasiksik ang mukha ni Russo kay Sunshine at para bang may binubulong ang lalaki kaya nakikiliti naman ang kapatid niya. 

“A-Ano ang i-ibig sabihin nito? R-Russo? S-Sunshine!?” Pinilit niyang lakasan ang loob niya habang nakatingin sa pinakamasakit na imaheng nakita niya. Para bang tinatarak ng libo-libong kutsilyo ang kan’yang puso dahil sa nakikita. Hindi siya tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nitong nasa harapan niya. Alam niyang may relasyon ang dalawa base sa pagkakayakap nito sa isa’t-isa. 

Imbis na magulat ang kan’yang kasintahan ay sumeryoso lang ang mukha nito. Dahan-dahan itong tumayo at maingat na inalalayan ang kapatid niya. 

“S-Sis! B-Bakit ka narito?” kinakabahang tanong ng kapatid niya. Alam niyang guilty ito, halata sa mukha nito. Ilang taon din niyang nakasama ang kapatid kaya kilalang-kilala na niya ito. 

“Narito ako para bisitahin ang NOBYO ko. May masama ba roon?” 

Lalapitan na sana niya ang babae para hilahin at komprontahin ngunit humarang si Russo roon kaya uminit ang ulo niya. 

“Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t iniwan mo na ako at ipinagpalit sa iba? At nagpabuntis ka pa? Balak mo bang ipaako ang batang iyan sa akin? Alam nating hindi sa akin iyan dahil kailanman ay hindi mo binigay ang pagka-birhen mo sa akin! Si Sunshine, siya ang nag-alaga sa akin habang nakaratay ako rito, tangina naman, Keanna! May gana ka pang sugurin kami at magbalik pa? Ikaw na nga ang nagloko sa atin, ikaw pa ang may ganang magalit? Napaka kapal naman ng mukha mo at ang landi-landi mo!” 

Galit ang nakikita niyang ekspresyon kay Russo. Hindi niya alam na tra-traydurin siya ng kapatid niya. Kumuyom ang kan’yang kamao dahil sa sobrang galit. Alam niyang sinet-up lamang siya ni Sunshine at wala siyang maibigay na paliwanag dahil naunahan na nitong pikutin si Russo para kamuhian siya. 

“Hindi mo alam ang tunay na nangayri, Russo. Hindi mo alam ang sakripisyo ko para makahanap ng donor sa’yo!” inis niyang wika at naiiyak pa. 

“HINDI ALAM? Puwes kami alam naming ang tunay na nangyari! Walang hiya kang babae ka! Hindi ko akalaing may balak ka pang ipakita ang mukha mo sa amin matapos mong lokohin ang anak naming! Mabuti pa itong kapatid mong si Sunshine, labis ang ginawang pag-aalaga sa anak ko! Hindi ka karapat-dapat na pakasalan ni Russo, wala kang silbi!” sigaw ni Mrs. Marquez. Hindi niya alam na nakapasok na pala ang magulang ni Russo sa silid, narinig siguro nito ang komusyon na nagmumula sa loob. 

Gusto niyang magsabog ngunit pinipigilan niya lang. She felt betrayed lalo na sa ginawa ng kapatid niya. Is this her plan all along? Bakit n’ya nagawa ito sa kan’ya. 

“Hindi ba sinabi ni Sunshine sa inyo na mawawala ako dahil hahanapin ko si Thaddeus para magmakaawa sa kan’ya na maging donor ni Russo?” tanong niya. 

“At sa tingin mo papaniwalaan ka namin gayung may ebedensiya naman na sa kalandian mo?” Tiningnan siya ng ina ni Russo mula ulo hanggang sa kan’yang malaking tiyan tanda na iyon ang tinutukoy nitong ebidensiya. 

“Mabuti na lamang at napakiusapan ni Sunshine si Thaddeus na maging donor ni Russo, siya ang tumulong sa amin hindi ikaw na malandi ka! Napakasinungaling mo!” galit na dagdag pa ni Mrs. Marquez, akmang lalapitan pa sana siya ngunit napigilan ito ng asawa. Hindi ba’t nasa ibang bansa si Thaddeus? Paano napakiusapan ni Sunshine iyong lalaki? Kumuyom ang kan’yang kamao dahil sa sobrang galit sa kapatid. 

“Hindi man pumunta rito si Thaddeus ngunit nagulat na lang kami na may dala-dalang blood bag si Sunshine sa amin ilang buwan na ang nakalipas simula noong nawala ka. Malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo, kaya napagpasyahan naming siya na lang ang ipapakasal kay Russo na malugod namang tinanggap ng anak namin…” 

Kaya pala, kaya pala nilagyan din ng gamot ang inumin niya, para ang kapatid niya ang magsilbing hero sa sitwasyong ito. Ngayon, malinaw na sa kan’ya kung bakit ayaw ng kapatid niya na pumunta siya sa hospital para bumisita. Plano niyang agawin si Russo sa kan’ya. 

Napatingin siya sa nobyo niya na seryoso lamang ang ekspresyon. Hanggang sa bumaba ang kan’yang tingin, napangiwi siya dahil magkahawak ang kamay ng kapatid niya at kasintahan. Hindi na niya kayang ipagtanggol ang sarili, paano pa siya makakapaliwanag gayong lahat ng tao sa loob ay napaikot na ng kapatid niya. 

“A-Alam mo ang totoong nangyari Sunshine, huwag kang magsinungaling…” Lumamlam ang mga mata ng kan’yang kapatid at balak siyang lapitan ngunit pinigilan ito ni Russo. 

“Huwag kang lalapit sa kapatid mo baka may masama pang mangyari sa’yo,” malambing na wika ni Russo sa babae kaya kumirot ang kan’yang puso. Dati ay sa kan’ya lang ito naglalambing ngayon, ay sa kapatid na niya. Sobrang sakit na para bang hihimatayin siya. Ilang taon din niya minahal ang kan’yang nobyo, naiisip niya na nga ito bilang asawa niya ngunit nag-iba ang ihip ng hangin. 

Paano na siya ngayon? 

“S-Sis, h-hindi ko alam---” 

Mabilis na lumapit siya at dumapo ang palad niya sa pisngi ng kan’yang kapatid. Sa sobrang lakas noon ay rinig na rinig mo ang tunog sa silid. Agad na niyakap ni Russo si Sunshine kaya galit na galit na siya. 

“Lumayas ka rito! Hindi na kita mahal! Ang isang katulad mong basura ay hindi nababagay rito sa amin! Walang hiya ka’t sinungaling pa, magsama kayo ng lalaki mo! Roon, roon ka nabibilang!” sigaw ni Russo, galit na galit ito at nanlilisik pa ang mga mata. 

Napasinghap siya nang may humablot sa kan’yang buhok at kinaladkad siya palabas ng silid. Hindi siya makapalag dahil iniingatan niya ang bata sa tiyan niya. 

“UMALIS KA NA, MALANDI KA! Ito! Itong babaeng ito, nagpabuntis sa iba! Niloko niya ang anak ko, walang-hiya itong babaeng ito! Huwag na huwag niyo siyang tularan!” sigaw ng ina ni Russo, sobrang kahihiyan ang kan’yang nararamdaman dahil sa kan’yang sinapit. 

Wala siyang nagawa kung ‘di ang umiyak lang, nananakit din ang kan’yang puson dahil siguro sa sobrang stress at sa mga nangyayari. Humahapdi rin ang anit niya gawa ng pagkakasabunot ni Mrs. Marquez sa kan’ya. 

Napapikit siya ng mariin nang may mga ilaw ng camera-ng nakapalibot sa kaniya, alam niyang kinukuhanan siya ng mga tao at sigurado bukas ay sikat na siya sa social media. 

Muli siyang napatingin kung nasaan naroon ang nobyo at kapatid niya. Magyakap lang ito habang nakatingin sa kan’ya, ang nobyo niyang walang pakialam kung napapahiya na siya at ang kan’yang kapatid na awa ang ekspresyon sa kan’ya. 

Galit at pagkamuhi ang kan’yang naramdaman. 

Wala siyang ibang naiisip kung ‘di ang paghigantihan ang mga taong nasa harapan niya. 

Babalik siya, babalikan niya ang mga taong nanakit sa kan’ya. Sisiguraduhin niyang hinding-hindi na nila siya masasaktan katulad ng nangyari sa kan’ya ngayon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status