Share

KABANATA 12

Nahigit ni Yvonne ang hininga. Gusto niyang burahin ang ngisi sa mga labi ni Alaric. Pinapahamak siya nito sa harap ni Nina.

Tumikhim siya at pasimpleng tiningnan si Nina na nanliliit ang tingin sa kanya. Pero kumilos din ito at sinimulang gawin ang order ni Alaric.

"P-akihintay na lang sa mesa," aniya kay Alaric pero hindi ito umalis sa harapan niya.

Pinirmi niya ang mga labi at pinanlakihan ito ng mga mata. Gusto yata nitong magtaka si Nina sa kanilang dalawa.

"Sir, ihahatid na lang po sa mesa ang order ninyo," may diing bigkas niya upang matauhan ito.

Tumikwas ang kilay nito ngunit iningusan niya.

"Alright?" Alanganing sagot nito, kinamot pa nito ang batok na tila nahihiya.

Pilit siyang ngumiti sa lalaki. Hindi niya masigawan, ramdam niya kasing pasulyap-sulyap si Nina sa kanila.

"Shoo, shoo, doon ka," mahinang bulong niya kay Alaric.

Maliit itong nanguso bago tumalikod. Napairap siya ngunit nakahinga nang maluwag kaya lang ay nabitin sa ere ang paghinga niya noong pumihit ito muli
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status