Share

Normal

Penulis: Nelia
last update Tanggal publikasi: 2026-09-16 18:24:31

Alice’s POV

Maganda ang mood ni Wenner pagkagising niya. Iba sa mga nakaraang umaga kung saan hindi pa namin nahahanap ang solusyon sa problema niya. Binati niya ako nang nakangiti, humalik sa noo ko, mabilis na nagbihis, at nagpaalam na aalis na. "I have early meetings. Don’t wait for me," sabi niya nang magaan ang boses, parang walang pakialam sa nararamdaman ko. Hindi niya nahalat ang bigat na dinadala ko pagita At iniwan niya ako na mag-isa sa malawak, tahimik na mansyon, kung saan bawat sulok ay nagpapaalala kung gaano kalayo siya sa akin kahit magkasama kami Araw-araw.

Hindi ko na napigilan. Nakakaburyong na mag-isa dito sa manyon kaya kinuha ko agad ang cellphone ko sa ibabaw ng vanity mirror at tinawagan si Mariel. "Pwede ka bang pumunta dito? Please… kailangan kita."

Makalipas ang ilang oras, narinig ko na ang pamilyar na tunog ng sasakyan niya. Pagpasok pa lang niya sa p***o, nakita ko agad ang mukha ng tanging taong kilala ako mula high school. Ang best friend ko at siya ring nakakita sa akin noong simpleng estudyante lang ako, bago pa ako nakilala ni Wenner, bago pa naging Mrs. Sterling. Halos kalahati ng buhay ko alam niya. 30 years Old na ako at 15 years na kaming magkaibigan. Siya lang ang takbuhan ko sa lahat ng bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba.

Pagbaba niya ng bag sa sofa, tinaasan niya ako agad ng kilay, may halong pag-aalala pero pati na rin ang pamilyar na pagbibiro.

"Oh, kumusta naman ang kaibigan kong Disney Princess?" panimula niya, umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Ikwekwento mo ba ulit na binigo ka na naman ng asawa mo? Hay, sinabi ko naman sa ’yo noon pa eh — hindi lahat ibibigay sa ’yo ni Lord. He gave you a handsome billionaire husband — mayaman, guwapo, pinangarap mo siya noon pa — tapos ineexpect mo pa na pati sa kama jackpot ka? Walang ganun, sis!! Kung yung isa naman ang pinili mo — yung guwapo, matipuno, pero mahirap — siguro masarap sa kama, pero araw-araw kayong maghahabol sa pambayad ng bills, sa upa, sa lahat ng gastusin. Hindi rin madali ’yon."

Napayuko ako at pinisil ang mga daliri ko. "Ito naman, huwag mo na ngang isingit dito si Louie. Pinapunta kita dito kasi gusto kong may mailabasan ng problema, hindi para sisihin pa ako. Saka si Wenner talaga ang mahal ko. Alam mo ’yan. Kahit ano pa ang mangyari, siya pa rin."

Bumuntong-hininga siya at hinaplos ang likod ko nang malumanay. "Sige na nga, sige na. Pasensya ka na. Oh, ano nga ba ang totoo? May pagbabago ba? Nilabasan na ba siya? Tumatagal na ba siya sa kama?"

Umiling ako — mabagal, nahihiya. Pero sabi ko rin, "Oo."

Nakangiti siya nang bahagya. "Ano ’yun? Umiling ka pero ang sagot oo? Anong ibig sabihin niyan?"

"Eto na nga kasi…" kinagat ko ang ibabang labi ko, hindi alam kung paano ko sisimulan, kung paano ko ipapaliwanag ang sakit na hindi ko maipaliwanag sa iba. "Oo. Nilalabasan na siya ngayon. Pero… hindi lang basta ganun."

"Ha? Anong ibig mong sabihin? May problema ba?"

"Kailangan… kailangan may hawak siyang cellphone. Bawat gabi. Bawat beses na magkasama kami… may pinapanood siya."

Nanlaki ang mata ni Mariel. "Ha? P**n? Habang… habang kayong dalawa?"

Tumango ako, naramdaman kong nangingilid ang luha ko. "Oo. Manonood siya, tapos gagayahin ko yung babae sa video. Kailangan kong gayahin ang bawat galaw niya, bawat haplos, bawat paraan ng paghalik. Kailangan magaya ko siya para lang… para lang maramdaman ni Wenner ang gusto niya. Para lang labasan siya,"

Napaisip si Mariel sandali, tapos kumaway siya nang parang walang problema sa mga sinabi ko. "Ay, ganoon lang ba? Normal lang naman ’yon, sis! Maraming lalaki ang ganon. Lalo pa sa asawa mong may diperensya — hindi ba’t sinabi ng doktor na kailangan niyong mag-explore? Kailangan niyang mag-adjust? Ito lang ’yon, nagagamit niya ang mga videos bilang gabay. Wala namang masama doon."

Tumingin ako sa kaniya, mas lalong bumigat ang dibdib ko. "Anong normal doon, Mariel? Bakit naging normal na manood siya ng ibang babae habang nasa tabi niya ako? Bakit kailangang iba ang tinitingnan niya, imbes na ako? Ako ang asawa niya. Ako ang nasa harap niya. Pero parang… parang wala akong halaga. Parang hindi sapat ang sarili ko. Kailangan ko palitan ang sarili ko para magustuhan niya ako." Gusto kong maintindihan ni Mariel ang side ko. Sinasabi niyang normal yun pero sa akin kasi hindi, eh.

"Man is man, sis!" sabi niya, hinawakan ang balikat ko. "Lahat ng lalaki nanonood ng p**n para ganahan. Lalo na sa sitwasyon niya — hirap siya. Kailangan niya ng tulong. Hindi niya ito ginagawa para saktan ka. Ginagawa niya ito para magawa ninyo ang dapat gawin ng mag-asawa. Ano ka ba! Iyon lang ba ang problema mo?"

"Hindi lang ’yon!" tumaas nang kaunti ang boses ko, napahinto ako at huminga nang malalim. "Feeling ko… feeling ko, Kung hindi ako magiging katulad nung babae, wala akong kwenta sa kaniya. Araw-araw kong sinusubukan maging iba. Araw-araw kong pinapanood, ginagaya, pinipilit… pero sa loob-loob ko, alam ko — hindi ako ang gusto niya. Siya. Yung nasa screen."

Tumahimik sandali si Mariel, tapos hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. "Sige, naiintindihan ko kung bakit nasasaktan ka. Pero isipin mo ito — kung wala kang kwenta, edi sana hiniwalayan ka na niya at pinuntahan na lang niya yung babae. Sa yaman ni Wenner, sa kapangyarihan niya, hindi imposibleng hanapin niya kung sino man ’yon. Pero hindi niya ginawa. Ikaw ang pinili niya. Ikaw ang asawa niya. Kasal kayo. May sakit siya, kaya kailangan niya ng ganitong paraan para makayanan. Hindi ibig sabihin non ay hindi ka niya mahal. Ibig sabihin lang, naghahanap siya ng paraan para maging maayos kayo. Huwag kang masyadong mag-isip ng masama. Huwag kang OA."

Tumahimik ako. Pinag-isipan ko ang sinabi niya. Tama ba siya? Siguro nga masyado akong nagpapalaki ng bagay. Siguro nga tulad ng sabi niya — paraan lang ito ni Wenner, at hindi ibig sabihin ay hindi ako sapat.

Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, may nagsabi sa akin na hindi ako nawawala sa sarili ko, na may katwiran din ang ginagawa ng asawa ko.

"Ganun ba?" bulong ko, nakangiti nang bahagya. "Salamat, Mariel… buti na lang pumunta ka. Ito yung kailangan kong marinig. Minsan kasi… kailangan ko lang talaga ng makikinig at magpapaalala sa akin na hindi sa lahat ng oras tama ako."

Yumakap siya sa akin nang mahigpit. "Nandito lang ako palagi, ’di ba? Anuman ang mangyari, kaibigan mo ako. At huwag kang mag-alala — magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang."

Tumango ako, at sa sandaling iyon, naniwala ako. Siguro nga tama siya. Siguro nga magiging okay kami.

Pero sa kaibuturan ng puso ko… may maliit na tinig na nagsasabi — hanggang kailan ko ba kailangang maging iba para manatili sa kaniya?

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   A husbands wants

    Ang bigat ng lahat paggising ko. he left me questioning my worth while im just addressing my pain. Hindi naman kami ganito dati. oo busy siya palagi pero hindi naman siya nagsasalita ng mga nakakasakit sa akin.Mali ba talaga yung ginawa kong pagbura ng mga video na yon? Ganun ba ka big deal yun para saktan niya yung feelings ko at hindi niya ako tabihan sa pagtulog? Tumayo ako at naglakad ng dahan-dahan papunta sa harap ng malaking salamin. tinitigan ko ang sarili ko nang matagal. Hinahanap kung saan ba talaga ako kulang? masyado ba talaga akong plain at boring?Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko. Wala naman akong makitang pangit sa akin. Hindi naman ako pangit. Oo, kulang sa boobs at ke-sexyhan pero hindi ako pangit. Kaya naman ako ganitong simple lang pumorma kasi akala ko sa pagiging simple ko kaya niya ako nagustuhan. Ngayon ko lang narinig mula sa bibig niya na kulang na kulang pala ako sa paningin niya. Isang taon pa lang kaming kasal pero ganito na agad yung sitwasyon.

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   plain and boring.

    Akala ko aalis siya. Kinuha niya na ang susi at tatalikod na sana— pero hindi. Huminto siya, humarap siya sa akin, at yung mukha niya… parang ibang tao na ‘yung nakatingin. Hindi ‘yung Wenner na minahal ko at pinakasalan ko. Galit na galit siya, parang ako pa ang may mali dito ngayon. Lumapit siya sa akin nang mabilis. Bago pa ako makagalaw, itinulak niya ako nang malakas pabalik sa kama. Napahiga ako, syempre nabigla, nanginginig ang buong katawan sa gulat at takot. Para siyang leon sa bangis ng mga tingin niya sa akin. “Wenner? Anong ginagawa mo? Kaya mo na akong saktan ngayon dahil lang sa mga video na ‘yon?” mapait kong tanong. Tiningnan niya ako nang diretso, nanginginig ang panga. “Bakit hindi? Sumusobra ka na, Alice!! I told you those mattered to me! And what did you do? You deleted everything!” Parang siyang bata na nasira yung paboritong laruan kung makaasta sa harapan ko ngayon. “Video lang ‘yon!” Umupo ako, pinipigilan ang pagtulo ng luha pero hindi ko na kaya. “Vid

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   Delete All

    Pag-uwi ni Wenner, madilim na ang kwarto. Nandoon na si Alice sa kama, nakatalikod, tila mahimbing na ang tulog. Nang lumapit siya para halikan ito sa noo, naamoy niya ang amoy ito ng alak. Tulog na tulog kaya hindi na niya ito ginising Hindi naman nagalit si Wenner. Hindi siya mahigpit sa asawa. Kung ano ang makapagpapasaya kay Alice, lagi lang siyang nakasuporta. Hinayaan niya ito. kahit sa pera, hindi masungit si Wenner. Si Alice lang talaga yung hindi pala hingi ng pera sa kaniya kahit na alam niyong multi billionaire ang asawa. Samantala, Dahan-dahan siyang humiga sa tabi niya. Kinuha ang cellphone, at sa ilalim ng mahinang ilaw mula sa screen, nagsimula na naman siya. Dinala niya na naman sa isang video at nag-umpisa ulit siyang manood sa babaeng nagsasarili. Yung babaeng pinagseselosan na ngayon ng asawa niya. Ang hindi niya alam — gising na gising si Alice. Nakadilat ang mata, nakikinig, at kahit medyo hilo pa sa alak, malinaw na nakikita niya ang nangyayari. Na

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   Pain of a ignored wife

    Alice’s POVKinabukasan, pag-alis ni Wenner papuntang trabaho, tinawagan ko agad si Mariel. "Pumunta ka dito, please… kailangan kita."Pagdating niya, may inilabas na akong mamahaling alak mula sa cabinet — yung hindi pa namin nagagalaw. Naglagay ako ng dalawang baso sa mesa."Beh, ano ba 'to?" naguguluhang tanong niya. "Bakit may ganito?"Inilapag ko ang bote nang mariin. "Sis, hindi pwedeng hindi mo 'ko dadamayan. Sobrang bigat ng dinadala ko ngayon. Parang hindi ko na kaya mag-isa."Umupo siya sa tapat ko, nakakunot ang noo. "Oh, ano na naman 'yan? Wag mong sabihin… 'wag mo namang sabihin na 'yan na naman yung panonood ng porn ng asawa mo ang problema mo?"Napayuko ako, pinisil ang mga daliri ko. "Ang hirap kasing ipaliwanag. Tinatry ko naman intindihin siya, talaga. Pero syempre… nasasaktan pa rin ako. Paulit-ulit.""So ano nga ba talaga ang nangyari?"Tumingin ako sa kaniya, puno ng kirot. "Di ko alam kung saan ko sisimulan. Basta… sobrang worse ng araw ko kahapon. Ang daming dis

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   Not Enough

    Alice’s POV Buong biyahe namin pauwi, nilalamon ako ng hiya. Tahimik lang ako, nakatingin sa bintana, hindi siya magawang tingnan kahit katabi ko na siya ngayon. Nasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Yung bawat tawa niya kanina sa restaurant — parang tumutusok sa akin hanggang ngayon. Napansin naman iyon ni Wenner. Sinundan niya ako hanggang pagpanik sa hagdan. Pagpasok namin sa kwarto, hinarap niya ako nang malumanay. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinaplos ang mga ito. Hindi naman ako galit sa kaniya. Napahiya lang talaga ako sa sarili kong kagagahan. "I’m sorry, Babe…" bulong niya gamit ang malambing na boses. "Hindi ko namam sinadyang matawa. Hindi naman ikaw ang pinagtatawanan ko, eh. Yung foam lang. Nakakatawa lang isipin na kailangan mo pa ng ganun… hindi mo naman kasi kailangan 'yon." Tumingin ako sa kaniya, naguguluhan. "Maganda ka, Alice… kaakit-akit ka kahit wala ang mga 'yan," dugtong niya, hinaplos ang pisngi ko. "Don’t wear tha

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   hala nahulog

    Alice’s POV"Hay… ang sarap!" bulong ko sa sarili ko, parang nabunutan ng tinik nang sandali kong tanggalin ang makapal na foam sa loob ng bra ko. Kinamot ko talaga ang dibdib ko — dahan-dahan, malalim, hanggang mawala ang nakakainis na kati. Ang gaan sa pakiramdam. Ang lamig. Natatawa akong mag-isa sa kagagahan ko. Naiiling na lang talaga.Pero biglang may kumatok. "Babe? Why it took you so long there? I’m worried." Boses ni Wenner. Nasa labas siya.Nataranta ako. Mabilis kong ibinalik ang makapal na foam sa loob ng bra ko — nagmamadali, hindi sigurado kung tama ang pwesto. Kailangan magmukhang maayos. Kailangan walang makapansin. Syempre dapat sexy pa rin ulit.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok siya.Napahinto ako. Nagulat ako nang isara niya ito nang tuluyan sa likod niya at lumapit sa akin nang dahan-dahan, ang tingin niya ay iba. Malalim. Mainit.Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. "Babe?" tanong ko, nanginginig ang boses. "Anong… anong ginagawa mo dito?""I

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status