MasukTumingin siya sa akin na para bang may naisip siyang hindi niya inaasahan. “Actually, puwede.”“See? Problem solved.”“Hindi pa rin ako sigurado kung magandang ideya ang manatili nang mas matagal.”“Bakit?” tanong ni Magnus.“Dahil baka magsawa ako sa inyo.”Napahawak ako sa dibdib ko. “Drevin, ang sakit!”“I'm just being honest.”“Kung ganoon, baka magsawa rin kami sa iyo.”“Fine by me.”Tumawa si Magnus. “Hindi naman masamang subukan. Mas marami tayong oras para mamasyal, magpahinga, at mag-enjoy.”Napatingin ako sa bintana. Sa unang tingin, parang napakaikli pa rin ng panahong iyon, pero para sa akin, malaking bagay na ang makapagpahinga nang ilang araw nang walang kailangang alalahanin.“Gusto ko,” sabi ko sa wakas.Napalingon sa akin ang dalawa.“Sigurado ka?” tanong ni Magnus.Tumango ako. “Oo. Gusto kong manatili tayo hanggang Lunes.”Ngumiti siya. “Then it's settled.”Napatingin kami kay Drevin, at nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Fine.”“Yay!” bulalas ko.“Per
“Opo. May lettuce, pechay, carrots, at iba pa. Depende po sa anihin sa araw na iyon.”Napatingin ako kina Magnus at Drevin. “Guys!”Napangiti si Magnus. “Alam ko na ang iniisip mo.”“Strawberry picking!”“Alam ko.”“At gulay!”“Alam ko rin.”“At puwede tayong magluto!”Dahan-dahan na namang napalingon si Drevin sa akin. “Sandali.”“Ano?”“Bakit parang may plano ka nang magtayo ng restaurant?”“Hindi naman! Gusto ko lang mamitas ng strawberry.”“At pagkatapos?”“Gagawa tayo ng strawberry dessert.”“At pagkatapos?”“Magluluto tayo ng gulay.”“At pagkatapos?”“Drevin, bakit parang in-i-interrogate mo ako?”“Dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ang plano mo.”Napatawa si Magnus. “Hayaan mo na. Mukhang masaya siya.”“Masaya naman talaga ako!” sagot ko.Hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip ang mga puwede naming gawin. Hindi lamang dahil mura ang mga strawberry at gulay, kundi dahil may kakaibang kasiyahan sa ideyang kami mismo ang mamimitas ng pagkain na kakainin namin. Sa hali
Umiling siya bago pumasok sa bahay, habang sinundan naman namin siya ni Magnus.Pagkabukas ng pinto, agad kong naramdaman ang init sa loob. May kaunting amoy ng kahoy at malinis na tela, at sa sala ay may malambot na sofa na nakaharap sa malalaking bintana. May fireplace sa isang sulok—bagaman hindi ko alam kung gagamitin namin iyon—may mahabang hapag-kainan sa kabilang bahagi, at sa ibabaw ng mesa ay may maliit na basket na naglalaman ng ilang prutas.Ang buong lugar ay malinis at maayos. Hindi rin ito mukhang isang inuupahang bahay na madalas gamitin ng iba't ibang bisita: halos lahat ng gamit ay nasa tamang lugar, at maging ang mga kurtina ay maingat na nakatupi sa magkabilang gilid ng bintana.“Ang ganda,” bulong ko.Ngumiti si Aling Lorna. “Salamat, hija. Lagi naming sinisikap na maayos ang bahay para komportable ang mga bisita.”“Talagang maganda po.”“Halika, ipapakita ko sa inyo ang mga kuwarto.”Dinala niya kami sa pasilyo sa gilid ng sala.May tatlong magkakahiwalay na silid
Napalingon ako sa kaniya. “Nakita mo na ba?”“Oo, pinadalhan ako ng mga litrato ng caretaker.”“Bakit hindi mo sinabi sa amin?”“Gusto ko sanang sorpresa.”“Hindi mo ba naisip na puwede mong sabihin iyon nang mas maaga para mas lalo akong ma-excite?”“Mas lalo ka pang ma-excite? Belle, halos hindi ka na mapakali mula nang umalis tayo sa Maynila.”“Dahil masaya ako!”“Alam ko.”Ngumiti siya sa akin, at sa pagkakataong iyon, hindi ko naramdamang kailangan kong mag-isip ng anumang kahulugan sa likod ng kaniyang mga salita.Masaya ako, at alam niyang masaya ako—sapat na iyon.Nang huminto ang sasakyan, agad akong napatingin sa harap. “Dito na tayo?”“Oo,” sagot ni Magnus.Bumaba kami at kinuha ang aming mga bag.Pag-angat ko ng ulo, napahinto ako.Ang inuupahan naming transient house ay nakatayo sa bahaging bahagyang mataas sa paligid. May malawak itong balkonahe at malalaking bintanang tila ginawa upang masulit ang tanawin sa labas. Ang dingding ay may kombinasyon ng kahoy at bato, at an
Muling humigpit ang pagkakakrus ng mga braso ni Drevin.Nang makasakay kami sa sasakyang maghahatid sa amin sa aming tutuluyan, agad siyang umupo sa loob at isinara ang pinto.“Salamat naman,” bulong niya.Napatingin ako kay Magnus. Bahagya siyang nakayuko, tila may pinipigilang sabihin, kaya nang makaupo na ako ay hindi ko na napigilang magtanong.“Magnus, bakit parang may gusto kang sabihin?”Umangat ang mukha niya. “Wala.”“Talaga?”“Oo.”“Bakit ka nakangiti?”“Hindi ba puwedeng ngumiti?”“Puwede, pero may kakaiba sa ngiti mo.”Tumingin siya kay Drevin, na abala sa pag-aayos ng kaniyang scarf. Pagkatapos, lumapit siya nang bahagya sa akin at mahina akong kinausap.“Belle, may sasabihin ako sa iyo.”Napalapit din ako sa kaniya. “Ano?”“Sa tingin ko, naaamoy ko ang kabaklaan ni Drevin.”Napatigil ako. Sa loob ng ilang segundo, hindi ko alam kung paano tutugon. Pagkatapos ay dahan-dahan akong napatingin kay Magnus.“Ha?”Muli siyang sumulyap kay Drevin bago ibinalik ang tingin sa akin
Napatitig ako sa kaniya. “Ginagaya mo ako?”“Hindi. Sinusubukan kong bigyan ka ng kasiyahan.”“Napakasama ng ugali mo!”Tumawa si Magnus. “Hayaan mo na. Mukhang kailangan pa nating turuan si Drevin kung paano magbakasyon.”“Hindi ako ang kailangang turuan,” sagot ni Drevin. “Kayo ang kailangan kong turuan kung paano maging tahimik.”“Good luck,” sabi ko.At sabay kaming tumawa ni Magnus.Maya-maya, nagsimulang bumagal ang bus habang papalapit sa terminal. Inayos ko ang aking mga gamit at isinuot ang jacket na nasa bag ko—kahit nasa loob pa kami ng sasakyan, ramdam ko nang nagbabago ang temperatura.Pagkababa namin, agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Napasinghap ako. “Ang lamig!”Hindi iyon ang karaniwang lamig na nararamdaman ko kapag naka-aircon ako sa loob ng mall o opisina. Iba ang hangin dito: malamig, sariwa, at may kakaibang amoy ng mga puno at mamasa-masang lupa.Huminga ako nang malalim. “Ang sarap!”“Belle, huwag kang masyadong magpakasaya. Baka magkasakit ka,” paala
MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang m
"SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha
“Tumawag kayo ng ambulansya! Ngayon na!”Ang pasigaw na utos ni Nathaniel ay umalingawngaw sa buong bahay. Rinig ko ang taranta at takot sa kanyang boses, pero parang napakalayo na nito sa pandinig ko. Parang may makapal na pader na biglang humarang sa akin at sa mundo. Ang tanging nararamdaman ko
Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka







