LOGINNapailing ako habang pinagmamasdan silang dalawa, at doon ko napansin ang isang bagay: walang pag-aalinlangan si Drevin sa harap ni Magnus, walang pagtatago, at walang pag-iingat sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi niya kailangang magpaliwanag kung bakit siya ganoon o kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman; si Magnus naman ay hindi mukhang naguguluhan o natatakot, kundi tila mas payapa pa kaysa sa matagal ko nang nakikita.“Then one day,” patuloy ni Drevin, “I realized that I wanted to be the person he looked for when he had a bad day. I wanted to be the person he told his good news to. I wanted to know what made him laugh, what made him angry, and what made him happy.”Napayuko siya sandali. “And that scared me.”“Why?” mahinang tanong ko.“Dahil hindi ko inaasahan.” Tumingin siya sa akin. “At dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Alam kong may sarili siyang nakaraan, alam kong may mga bagay siyang kailangang unawain tungkol sa sarili niya, at ayokong pilitin siyan
Dumating ang araw na iyon makalipas ang ilang linggo—tatlong buwan na mula nang bumuo kami ng aming maliit na pagkakaibigan. Tatlong buwan ng mga kuwentuhan, tawanan, simpleng pagkain sa labas, biglaang lakad, at mga sandaling hindi ko na kailangang mag-isip kung saan ako lulugar sa buhay ng ibang tao.Tatlong buwan ding unti-unti kong napansing may kakaibang ugnayan sa pagitan nina Magnus at Drevin.At sa wakas, isang Sabado ng hapon, nagpasya silang sabihin sa akin ang totoo.Nasa condo ko kami noon; ako ang nag-imbita sa kanila upang kumain dahil nagluto ako ng pasta at may natira pang cake mula sa birthday ng isa kong co-teacher. Nakaupo si Magnus sa sofa habang si Drevin naman ay nasa kusina, tumutulong sa akin sa paghahanda ng pagkain—o mas tamang sabihin, nakikialam sa paghahanda ng pagkain.“Belle, hindi ganyan ang paglalagay ng cheese,” sabi niya habang nakatingin sa ginagawa ko.“Drevin, pasta lang ito.”“Exactly. Pasta deserves respect.”“Kung gusto mong igalang ang pasta,
Lumipas ang isa pang buwan, at mas naging madalas ang pagkikita naming tatlo: may mga pagkakataong sabay kaming kumakain pagkatapos ng trabaho, may mga pagkakataong nagkakape kami tuwing Linggo, at kung minsan, kapag masyadong pagod si Magnus sa trabaho, si Drevin ang kusang nagdadala ng pagkain sa kaniyang opisina.“Kaibigan ko siya,” paliwanag ni Drevin nang minsang tinanong ko kung bakit siya nag-abala.“Kaibigan mo rin naman ako. Bakit hindi ko kain pinadalhan ng pagkain?”“May pagkain ka sa bahay.”“At si Magnus?”“Wala siyang oras magluto.”Napataas ang kilay ko. “At alam mo iyon dahil?”Napatingin siya sa akin, saglit na natahimik, bago nagkibit-balikat. “Dahil sinabi niya sa akin.”“Ah.”Hindi ko na siya kinulit, ngunit nang gabing iyon habang nakahiga ako sa kama, hindi ko maiwasang maalala ang paraan ng pagkakasabi niya—parang natural na natural para kay Drevin na alamin kung kumain na si Magnus, kung nakauwi na ito, kung pagod ba ito, at kung kailangan ba nito ng tulong. Hi
Si Drevin naman ay nanatiling si Drevin—makulit, mapaglaro, at minsan ay sobrang prangka. May mga araw na masyado siyang abala sa trabaho at halos hindi makausap, ngunit kapag kasama namin siya, palagi siyang may baong kuwento.At sa paglipas ng panahon, napansin kong mas madalas na siyang tumingin kay Magnus habang nagsasalita ito.Sa simula, hindi ko iyon pinansin. Normal lang naman sa magkaibigan ang magtinginan habang nag-uusap, ngunit habang tumatagal, may mga bagay akong napapansin.Halimbawa, kapag may pagkain sa mesa, madalas na si Drevin ang unang nagtatanong kung ano ang gustong kainin ni Magnus. Kapag may inumin naman, si Magnus ang kusang nag-aabot ng baso kay Drevin bago pa ito humingi. Kapag naglalakad kami sa mall, madalas na nauuna silang dalawa, nag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay habang ako naman ay sumusunod sa likod; at kung minsan, kapag napapahinto ako upang tumingin sa isang tindahan, saka ko lamang napapansing sabay silang humihinto sa unahan at kapwa lum
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng mensahe noong Miyerkules ng gabi: katatapos ko lamang maghapunan at naghahanda nang matulog nang mag-vibrate ang cellphone ko.[Drevin: Belle, are you free tonight?][Ako: Bakit?][Drevin: Bar hopping.]Napakurap ako.][Ako: Ano?][Magnus: He means we're inviting you to go out with us.][Ako: Alam ko. Ang tanong ko, bakit Wednesday?][Drevin: Because Wednesday deserves to be celebrated.][Ako: Ano ang sine-celebrate natin?][Drevin: The fact that we're alive.]Napahawak ako sa noo—talagang wala na akong magagawa sa lalaking iyon.[Ako: Pagod ako. May pasok pa ako bukas.][Magnus: Just one bar.][Ako: No.][Drevin: Two bars?][Ako: Drevin!][Magnus: He's negotiating.][Ako: Hindi ako makakapunta. Kayo na lang.][Drevin: But it's more fun when you're there.][Magnus: Agreed.]Napabuntong-hininga ako. Kung tutuusin, wala naman akong problema sa paglabas kasama sila; masaya akong kasama sila, at wala akong alinlangan sa kaligtasan ko kapag kasama ko a
“At ako, dalawang carrot lang ang binili ko kahapon sa halagang tatlumpung piso!”Napanganga ako. “Tatlumpung piso?”“Opo!”“Teacher Liza, baka imported iyon.”“Imported ang carrots?”Nagtawanan kami.Dahil sa ingay namin, nagsimulang lumapit ang iba pa naming mga kasama: Ano ang nangyarai rito? Bakit may gulay? May nagtitinda ba? Nang sabihin kong pasalubong ko ang mga iyon mula sa Baguio, nagsimula na ang sunod-sunod na tanong: Saan ako bumili? Magkano ang mga gulay? May strawberry ba? Mayroon pa bang mabibilhan? At higit sa lahat, bakit hindi ko raw sila isinama?Napakamot ako sa ulo habang sinasagot ang mga tanong nila. “Hindi ko naman alam na magiging interesado kayo sa gulay,” natatawang paliwanag ko.“Belle, hindi lang iyan basta gulay!” mariing sabi ni Teacher Liza. “That is a financial blessing!”“Financial blessing ang carrots?”“Oo naman! Sa mahal ng bilihin ngayon, malaking bagay na ang piso!”Nagtawanan na naman kami. Isa-isa kong ipinamahagi ang mga gulay—may ilang carro
"SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha
“Tumawag kayo ng ambulansya! Ngayon na!”Ang pasigaw na utos ni Nathaniel ay umalingawngaw sa buong bahay. Rinig ko ang taranta at takot sa kanyang boses, pero parang napakalayo na nito sa pandinig ko. Parang may makapal na pader na biglang humarang sa akin at sa mundo. Ang tanging nararamdaman ko
Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka
POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak







