LOGIN“Diyos ko po! Drevin?!” narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya, ang mabilis na kaladkad ng sapatos at ang boses ni Nathaniel sa background na nagtataka. “Nasaan kayong ospital?! Sabihin mo sa akin ngayon din!”Mabilis kong ibinigay ang detalye.“Pupunta kami riyan ni Nathaniel ngayon din! Sumakay na kami sa kotse! Belle, kumalma ka, pakiusap!”“Ate Khendra...” hagulhol ko, hawak-hawak ang dibdib kong parang wawasakin sa sakit. “Natatakot ako... Akala ko patay na siya nung nakita ko siya sa kama... Akala ko mawawala na siya sa akin...”“Belle, listen to me. Matatag 'yang si Drevin. Pupunta kami riyan. Huwag kang aalis sa harap ng ER!”Hindi pa nakakalipas ang dalawampung minuto—na tila napabilis dahil sa matinding emergency—narinig ko na ang mabilis na yabag ng mga sapatos na tumatakbo sa hallway ng ospital.“Belle!”Napatingin ako sa dulo ng hallway. Si Ate Khendra, namumutla ang mukha at halatang nagmamadali, kasama si Nathaniel na nakasunod sa kanya.Mabilis na tumakbo si ate Khe
Dahil sa matinding histerya ko at sa malinaw na records na walang activity si Drevin sa loob ng isang linggo, agad na tumawag ng building supervisor ang guard. Pagkatapos ng maikling pag-uusap at pagsusuri sa protocols, napagdesisyunan nilang kailangan na talagang i-check ang unit dahil sa safety concern.“Ma'am, sa likod lang po kayo,” paalala ng supervisor habang sumasakay kami sa elevator.Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa mga numerong nagbago sa indicator board ng elevator.Please, Drevin. Please. Huwag kang gagawa ng katarantaduhan. Huwag mo akong iiwan ng ganito.Pagkalabas ng elevator sa floor namin, tumakbo ako patungo sa pinto ng unit niya.Napakatahimik.Kumatok nang malakas ang security guard. “Sir Drevin? Building maintenance po. Sir?”Walang sumasagot.“Drevin!” sigaw ko habang pinupukpok ang pinto. “Drevin, buksan mo 'to! Kapag hindi mo 'to binuksan, sisirain ko 'to!”Tahimik pa rin.“Gagamitin na po namin ang master key,” anunsyo ng supervisor.Nang sa wakas ay
Isang linggo.Pitong mahahabang araw.Iyon ang eksaktong bilang ng mga araw, oras, at minutong lumipas mula nang huli kong makita ang mukha ni Drevin.Noong unang dalawang araw, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Baka naman busy lang sa trabaho. Baka may urgent project. O baka naman kailangan lang niya ng space mula sa akin—dahil sa totoo lang, baka nauumay na rin siya sa mukha ko. Normal lang naman iyon sa magkapitbahay. Kahit ako, kailangan ko rin minsan ng oras para sa sarili ko.Pero habang patuloy na gumagapang ang mga araw, unti-unting pinalitan ng matinding kaba ang katwiran ko.Simula kasi nang maging magkapitbahay kami, para na kaming may unspoken routine. Halos araw-araw kaming nagkakasalubong. Minsan habang palabas siya ng unit niya at papasok naman ako. Minsan sa elevator, kung saan papatayin niya ako sa titig dahil tititigan ko rin siya nang napakalagkit. Minsan naman, walang pakundangan akong kumakatok sa pinto niya para manghingi ng kung anu-ano—asukal, kape, sibuyas
Bago ko tuluyang isara ang pinto, yumuko ako nang bahagya at sumilip sa loob.“Belle!” tawag niya bago ako makalayo.“Hmm?”“Wala kang binabalak na kalokohan sa sasakyan mo na pwedeng sumabog habang ginagamit ko, 'di ba?”Napangiti ako nang pilya. “Wala naman... sa ngayon.”Tinitigan niya ako nang matalim. “Sure?”“Sure na sure! Ingatan mo 'yang kotse ko ha, mahal 'yan!”“Good.”Bago ko isinara ang pinto, sumigaw ako nang malakas: “Love you, Neighbor! Mwah!”“Eew! Umalis ka na nga!” sigaw niya mula sa loob.Humagalpak ako sa tawa habang tumatakbo papasok sa gate ng school.Buong umaga akong abala sa pagtuturo. Pero kahit busy sa pagsu-sulat sa whiteboard at pagpapaliwanag ng leksyon, hindi ko pa rin mapigilang ngumiti nang mag-isa.Sa unang klase ko pa lang sa Grade 4, halos hindi ko maitago ang kaligayahan ko.“Ma'am Belle, bakit po kayo nakangiti nang ganyan?” tanong ng isa kong estudyante na si Leo habang nakataas ang kamay.Napatingin ako sa kanya. “Wala, Leo. Masaya lang ako dahi
Seryoso siyang tumingin sa akin. “Better than having you beside me in a closed space for thirty minutes.”Napahawak ako sa dibdib ko nang napakatindi, halos maiyak-iyak sa drama. “Ouch! Ang sakit nun ah! Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko!”“Hindi ako nagsisinungaling.”“Pero ako ang mas convenient na option ngayon, Drevin! Tumingin ka sa paligid, ako lang ang may gumaganang kotse rito!”“Hindi pa rin.”“Dadaan ako sa school! Along the way lang talaga!”“Still no.”“Promise, cross my heart, hope to die, hindi ako magsasalita habang nagmamaneho ka! Magsusuot ako ng masking tape sa bibig!”Napatingin siya sa akin, parang pinag-iisipan kung totoong gagawin ko ang masking tape part. “Hindi ako naniniwala sa 'yo.”“Five minutes lang akong magsasalita! Sige na!”“Hindi.”“Ten minutes?”“Hindi.”“Whole ride, makikinig na lang ako sa radyo?”“Mas lalong hindi.”“Drevin! Para sa ekonomiya ng bansa!”Huminga siya nang napakalalim—'yung buntong-hininga ng isang lalaking tanggap na ang kanya
Tinitigan niya ako na para bang pinag-aaralan niya kung seryoso ba ako sa tanong ko o sadyang wala lang talaga akong alam sa corporate world. “Dahil kumpanya ko iyon.”“Ahhh...” Tumango-tango ako na parang napakalalim ng naintindihan ko. “Kumpanya mo pala.”“Kapag hindi ako pumasok, baka mag-resign na ang mga empleyado ko sa sobrang walang ginagawa.”Napatawa ako nang malakas. “Grabe naman sa mag-resign! Bakit, wala ka bang managers doon?”“Meron.”“Directors?”“Meron.”“Executives na may matataas na sahod?”“Meron din.”“Eh bakit kailangan ka pa rin doon? Manggugulo ka lang din doon gaya ng ginagawa ko sa 'yo?”“Dahil ako ang boss, Belle. Ako ang nagpapasahod sa kanila.”“Ah.” Napangiti ako sabay sundot sa braso niya. “Bossy.”“Belle, pakiusap. Maaga pa.”“Okay, okay, tinitigilan ka na.” Tumingin ako sa napakagandang sasakyan niya. Pagkatapos ay tumingin ako sa mumuthing kotse kong nakatabi sa malayo. At doon na pumalaot sa utak ko ang isang napakatalinong ideya.'School ko... Office
"Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti
"Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun
MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang m
"SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha







