Share

Belle 78

Author: Middle Child
last update publish date: 2026-10-16 16:07:31

[Kumain ka na?]

[Huwag mong kalimutang uminom ng gamot mo.]

[Kung kailangan mo ng kahit ano, tawagan mo lang ako.]

Mga ordinaryong mensahe lang. Walang espesyal sa mga salita, at wala ring hinihinging kapalit. Pero nang basahin ko ang mga iyon, biglang bumigat ang dibdib ko.

Dati, madalas ay hindi ko agad sinasagot ang mga mensahe niya. Minsan, binabasa ko lang at saka ko nakakalimutan ang mag-reply. Kapag tinanong niya kung bakit hindi ako sumagot, sasabihin kong naging abala ako. At kahit al
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 79

    'Hindi. Sandali lang.'Napaupo ako sa kama na para bang may kung anong sumabog sa ilalim ko. "Ano 'to?"Napatingin ako sa sarili ko, saka agad umiwas ng tingin na para bang may nakakita sa akin.Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko naman sinasadyang mag-isip ng kung anu-anong bagay. Ang nasa isip ko lang ay si Belle—ang mukha niya, ang ngiti niya, at ang paraan ng pag-aalaga niya sa akin.At ngayon, ang katawan ko ay tila nagbibigay ng reaksiyong hindi ko maipaliwanag.Napahawak ako sa noo ko. "Oh, my God."Tumayo ako agad at naglakad nang paikot sa kuwarto. "No. No, no, no."Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ito nangangahulugang biglang nagbago ang seksuwalidad ko—alam ko iyon. Ang isang pisikal na reaksiyon ay hindi sapat para tukuyin kung sino ang naaakit sa akin o kung sino ang maaari kong mahalin.Pero bakit si Belle? Bakit ngayon? Bakit sa sandaling sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili kong wala akong ibang nararamdaman kundi pagkasanay sa prese

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 78

    [Kumain ka na?] [Huwag mong kalimutang uminom ng gamot mo.][Kung kailangan mo ng kahit ano, tawagan mo lang ako.]Mga ordinaryong mensahe lang. Walang espesyal sa mga salita, at wala ring hinihinging kapalit. Pero nang basahin ko ang mga iyon, biglang bumigat ang dibdib ko.Dati, madalas ay hindi ko agad sinasagot ang mga mensahe niya. Minsan, binabasa ko lang at saka ko nakakalimutan ang mag-reply. Kapag tinanong niya kung bakit hindi ako sumagot, sasabihin kong naging abala ako. At kahit alam kong naghihintay siya, hindi ko naman minamadaling kausapin siya.Dahil alam kong nandiyan lang siya. Alam kong kapag kailangan ko siya, isang tawag ko lang ay lalapit siya. Alam kong kahit ilang beses ko siyang tanggihan, hindi niya agad ako susukuan.Ngayon, ako ang nakatitig sa cellphone at naghihintay na may dumating na mensahe.Nakakainis.Nakakainis dahil hindi ko naman siya dapat hintayin. Ako ang nagsabing huwag na siyang umasa. Ako ang nagsabing wala akong maibibigay sa kaniya. Ako a

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 77

    "At huwag kang ngingiti diyan. Hindi ako nagsusuot nito dahil sa iyo."Pero ang totoo, hindi ko na alam kung kanino ko pa kailangang magsinungaling. Dahil kahit ako, hindi ko na maintindihan kung bakit ang isang bagay na iniwan ni Belle sa unit ko ay tila mas mahalaga ngayon kaysa dati.Lumayo ako sa salamin at hinubad ang headband. Inilapag ko iyon sa mesa nang mas maingat kaysa sa nararapat, saka dumiretso sa banyo.Kailangan kong maligo. Kailangan kong kumilos na parang normal ang lahat. At higit sa lahat, kailangan kong tigilan ang pag-iisip sa babaeng nasa kabilang unit.Pumasok ako sa banyo at isinara ang pinto. Binuksan ko ang gripo ng shower at hinayaang dumaloy ang tubig habang naghuhubad. Pagkaraan ng ilang sandali, pumasok ako sa ilalim niyon at ipinikit ang mga mata.Malamig ang tubig. Dapat ay nakatulong iyon para kumalma ako, pero wala namang nagbago. Nandoon pa rin si Belle sa isip ko—para bang may permanenteng puwesto na siya roon at wala na akong magawa para paalisin

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 76

    Pagkasara ko ng pinto ng unit ko, napasandal ako roon at napapikit.Wala.Walang Belle na sumilip sa pintuan para tanungin kung bakit ako naroon. Walang boses na tatawag sa pangalan ko. Walang babaeng biglang mag-aalala kung bakit ang tagal kong nakatayo sa labas, gayong alam naman niyang ilang beses ko na siyang itinaboy.Sarado ang pinto niya. Tahimik ang unit niya. At sa unang pagkakataon, ako ang hindi mapakali.Napabuntong-hininga ako bago tuluyang lumayo sa pinto. Naglakad ako patungo sa sofa at padabog na umupo. Kinuha ko ang unan at idiniin sa mukha ko, saka napasigaw nang mahina."Argh! Ano ba'ng nangyayari sa akin?"Wala namang sumagot. Mabuti na lang—kung may nakarinig man sa akin, baka isipin nitong tuluyan na akong nasisiraan ng bait.Ilang minuto akong nanatiling nakaupo roon, nakatitig sa kawalan. Sinubukan kong isipin ang mga bagay na karaniwan kong ginagawa kapag gusto kong ilihis ang atensiyon ko—magbukas ng social media, manood ng kung anong palabas, o magbasa ng mg

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 75

    Hindi ko na maikakailang nami-miss ko ang presensiya niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganoon kalalim ang epekto ng pagkawala niya sa akin..Baka dahil nasanay ako.Baka dahil sa mga panahong nagkasakit ako, naging sandalan ko siya nang hindi ko namamalayan.Baka dahil palagi siyang naroon, kaya hindi ko naisip na darating ang araw na maaari siyang tumigil.Pero kung iyon lang ang dahilan, bakit hindi sapat ang mga alaala para mapanatag ako? Bakit kailangan kong makita siya? Bakit kailangan kong malaman kung maayos siya? At bakit, sa kabila ng lahat ng dahilan ko para manatiling malayo sa kaniya, gusto ko pa ring tumawid sa hallway at kumatok sa pinto niya?Napapikit ako.Ayokong madaliin ang sagot. Hindi ko kailangang tawaging pag-ibig ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko rin kailangang itanggi ang mga iyon dahil lamang hindi ko pa kayang unawain.Pero isang bagay ang alam ko: hindi ko gustong isipin ni Belle na pakipot ako. Ayokong isipin niyang nilalayo ko siya n

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 74

    Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng pinto ng condo ko habang hawak ang cellphone at paulit-ulit na binabasa ang mensaheng ipinadala ko kay Belle kagabi.Wala pa rin siyang sagot.Ilang beses ko nang binuksan ang aming conversation. Ilang beses ko na ring tiningnan kung nabasa na ba niya ang mensahe ko. At sa tuwing wala akong nakikitang pagbabago, para bang may kung anong bumibigat sa dibdib ko.Nakakainis.Napakaliit na bagay lamang ng isang mensahe, pero bakit parang ang hirap-hirap maghintay?Dati, kapag hindi sumasagot si Belle, hindi ko naman iyon gaanong iniintindi. Minsan, nakakalimutan ko pa ngang tingnan ang cellphone ko dahil abala ako sa sarili kong ginagawa. Kapag nagpadala siya ng panibagong mensahe, saka ko lamang malalaman na ilang oras na pala siyang naghihintay ng sagot.Ngayon, ako naman ang ganoon. Ako ang naghihintay. Ako ang paulit-ulit na tumitingin sa screen. At ako ang hindi mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungko

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 4: Paglayo

    "SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 3: Nawalan ng anak

    “Tumawag kayo ng ambulansya! Ngayon na!”Ang pasigaw na utos ni Nathaniel ay umalingawngaw sa buong bahay. Rinig ko ang taranta at takot sa kanyang boses, pero parang napakalayo na nito sa pandinig ko. Parang may makapal na pader na biglang humarang sa akin at sa mundo. Ang tanging nararamdaman ko

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 2: Pagtakas

    Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 1: Pagtataksil

    POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status