Share

My Billionaire Husband Doted his First Love
My Billionaire Husband Doted his First Love
Author: rainheart

Chapter 1

Author: rainheart
last update Huling Na-update: 2025-11-01 11:51:02

The light is dimly lit. Quiet. A woman sitting on one of the chair in a four-seater dining table. Nakaharap ito sa mesang may nakahandang pagkain, nakasinding kandila, at preskong mga bulaklak. Naghihintay.

“Bakit kaya wala pa sila?” Bulong niya pagkatapos tingnan ang oras. Mag-ika-sampu na ng gabi.

Napatingin siya sa nga pagkaing inihanda sa mesa para sa kanyang mag-ama. Lumamig na ang mga ito dahil dalawang oras na ang nakalipas mula nang inihanda niya ang mga ito. Maaga pa kanina ay inihanda na niya lahat ng paborito nila para kanilang pagsaluhan. Kaarawan niya at wala pa rin siyang ibang inisip kundi ang mga pagkaing paborito ng kanyang mag-ama. Isa nang magandang regalo na makita ang mga itong masayang kainin ang kanyang mga inihanda.

Siya si Lilian, isang mabuting ina at katuwang sa buhay. Piniling tumigil sa pagtatrabaho para matuunan ng pansin at alagaan ang kanyang mag-ama.

Pero napalis ang kanyang nararamdamang saya at pag-asang uuwi ang kanyang mag-ama para samahan siya para sa kaunting salu-salo na kanyang inihanda nnag maalala ang nakita kanina sa kanyang mobile phone.

“Marco Santander, a billionaire and a CEO of Santander Group of Companies, is already married and has a five year old son?”

Headline ito ng isang article na dumaan sa kanyang feeds sa social media. May kalakip itong larawan ng kanyang mag-ama kasama ang isang babae; si Winona, ang unang babaeng minahal ni Marco bago siya.

Napabuntonghininga na lamang siya nang maalala ang nakita at mapait na ngumiti. Saglit lang at muling napawi ang ngiting iyon nang tumunog ang kanyang mobile phone. May mensahe ang kanyang kaibigan na si Jane. Binuksan niya ito at nagdulot ng kurot sa kanyang puso ang nakita.

“Bes, ang mag-ama mo nasa restaurant kung saan kami kumain ni Joseph kanina. Nakauwi na ba sila?”

Ang mensahe ni Jane ay may kasamang larawan ng kanyang mag-ama kasama si Winona. Suot ng babae ang kwintas na para sana’y nasa kanya.

“Oo bes, kakarating lang nila,” pagsisinungaling niya.

Pagkatapos tugunin ang kaibigan ay ilalapag na sana niya ang kanyang mobile phone nang may nag-pop up sa kanyang notifications. Binuksan niya ito at isa ito sa kaibigan ni Marco.

Naikuyom ni Lilian ang isang kamay nang makita at mapanood ang video kung saan masayang isinuot ni Marco ang kuwintas kay Winona, at ang pag-abot ng kanilang anak ng isang maliit na regalo sa babae. Agad nito iyong binuksan, isa itong customized mug na may nakalagay pang; happy birthday, Mom. Napaismid si Lilian sa isiping, paano tinanggap ni Winona ang mga regalo gayong kitang-kita na hindi ito para sa kanya.

Pakiramdam ni Lilian ay nagkagutay-gutay ang kanyang puso sa sobrang sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon. Ang kuwintas na pag-aari ng kanyang ina na minsang ipinangako ni Marco na tubusin sa sanglaan at ibibigay sa kanya ay suot na ngayon ng babaeng tila inaagaw ang kanyang mag-ama mula sa kanya. Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Ikinurap ang mata para hindi tuluyang tumulo ang nagbabadyang mga luha.

Hindi ka pa ba sanay? Hindi tanong kungdi isang sermon para sa sarili dahil hindi na ito bago sa kanya.

Laging priority ni Marco si Winona. Mula nang bumalik ito sa lugar nila. Dito na nakabuhos ang atensyon ng lalaki. Ayon pa dito, isang taon na lang ang ilalagi nito sa mundo kaya gusto ni Marco na sulitin ang mga araw na natitira para dito. Ang masakit, pati ang anak nilang limangtaong gulang ay tila nakuha na rin ni Winona ang loob. Mas kinakampihan pa nga niya ito kaysa kanya na sarili nitong ina.

Naghintay pa siya ng ilang saglit nang marinig ang pagbukas ng kanilang main door. Alam niyang sina Marco na ang dumating. Tumayo siya at lumabas ng dining area.

“Bakit gising ka pa?”

Agad na tanong ni Marco sa kanya nang mamataan siya nitong galing sa dining area. Ni hindi man lamang siya binati nito sa kanyang kaarawan, at anibersaryo ng kanilang kasal.

“May pag-uusapan tayo.” Seryoso niyang tugon.

“Justine, mauna ka na sa taas. May pag-uusapan kami ng mommy mo.” Utos ni Marco sa anak na nasa paanan na ng hagdan. Ni hindi man lamang ito lumapit sa ina para batiin ito.

“Yes, Daddy!” Humakbang na si Justine pero tumigil at nilingon ang ina. “Mommy, happy birthday. Huwag ka na po magagalit, sinamahan namin si Tita Winona kasi may sakit po siya.”

Bahagyang nginitian ni Lilian ang anak. “Sige, matulog ka na.” Naalala pala nito ang kaarawan niya at siguro ganon din si Marco pero mas inuna pa nilang makapiling si Winona kaysa kanya.

Umakyat na rin si Justine na hindi man lamang nakapag-goodnight sa kanya. Dahan-dahan nang nawala ang lahat na itinuro niya dito dahil sa halos wala ng oras niya itong makasama. Sa bawat araw na gusto niyang ihahatid at susunduin sa school ang anak ay inuunahan siya ni Marco na parang sinasadya nitong hindi siya pwedeng makapaghatid at sundo sa anak.

Nabalot sila ng katahimikan nang makaalis si Justine. Ilang minuto ang nakalipas nang binasag ni Marco ang katahimikang namagitan sa kanila.

“Pwede ba bukas na natin pag-usapan kung ano man ‘yan, Lilian? At kung galit ka dahil hindi kami nakauwi, well, sorry pero ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na wala kang dapat ipag-alala dahil ginagawa ko lang ito sa mga nalalabing araw ni Winona.” May halong inis na paliwanag ni Marco.

Humugot muna nang malalim na paghinga si Lilian bago tumugon. “Kahit sa araw ng anniversary natin? Bakit ba kailangang pati ako magsakripisyo gayong hindi ko naman siya kaano-ano?” Hindi na nagawang itago ni Lilian ang sama ng loob na nararamdaman.

“Pwede naman nating i-celebrate ‘yon sa ibang araw ah. Problema ba ‘yon?” Inis na tugon ni Marco.

“Oo! Problema ‘yon dahil mas inuuna mo ang babaeng ‘yon kaysa tungkol sa ating dalawa. Mabuti pa nga siya, mas inakalang asawa mo ng mga tao samantalang ako, ni hindi mo magawang ipakilala. Pati anak natin, parang kayong dalawa na rin ang naging magulang.” Hindi na pinigilan pa ni Lilian na ilabas ang kinikimkim na sama ng loob at galit sa asawa. Halos anim na taon siyang naghihintay para pakasalan ng lalaki pero binabalewala niya ito at hindi man lang siya kinakausap tungkol dito kung hindi niya uunahan. Dumating na rin sa puntong napagod na sya at pinili na lang na maghintay pero mukhang wala ng pag-asa pang mangyari ngayong bumalik na ang babaeng una nitong minahal.

“So, anong gusto mong mangyari? Alam mo ang rason kung bakit hindi kita maaring ilantad sa ngayon, Lilian.” Niluwagan ni Marco ang suot na kurbata bago naisuklay ang mga daliri sa sariling buhok dahil sa umiinit na kanilang sagutan.

“Maghiwalay na tayo.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 10

    “Lilian, sino itong sinasabi mong mamamatay? Si Winona ba ang tinutukoy mo? Ganyan na lang ba ang galit mo sa kanya para hilingin mong mamatay na siya?” Halos lumuwa ang mga mata ni Marco sa galit at dumagundong ang boses sa loob ng washroom dahil sa narinig kay Lilian. “Ikaw pa ang may ganang magsabi niya eh, ikaw nga dito ‘yung may asawang tao pero nandito para magpakasaya imbis alagaan ang anak.” Nanggagalaiti namang sabi ni Jason na nakasunod sa kapatid. Lumapit naman agad si Winona kay Marco at kumapit sa braso nito. “Hayaan niyo na siya. May hindi lang kami pagkakaintindihan na dalawa,” malumanay nito wika sa dalawang lalaki. Napaismid naman na nilingon sila ni Lilian sabay taas ng kilay nang magtagpo ang tingin nila ni Marco. Alam niyang pinaplastik lamang sila ni Lilian pero hindi niya alam kung bakit naging tanga si Marco na hindi nahalatang puro pagkukunwari lamang ang pinapakita ni Lilian. O baka sadyang magaling lang si Lilian kaya siya lamang na kapwa babae nito ang

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 9

    Isa sa mga pribadong silid kung saan sina Lilian at Jane at napag-usapan nilang sulitin ang gabing iyon sa pagsasaya. Hinihikayat din ni Jane si Lilian para kumuha sila ng lalaking mag-e-entertain sa kanila pero tumanggi si Lilian. “Ayaw kong mahanapan ni Marco ng butas ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Hangga’t maari, ayaw ko siyang bigyan ng rason para ibalik sa akin ang lahat.” “Sabagay. May ugali pa naman ‘yang tatay ng anak mo. Ewan ko ba at minahal mo ‘yon,” sang-ayon naman ni Jane sa kaibigan. Saglit silang natahimik habang inumpisahan na nilang inumin ang alak na kanilang inorder at namili ng kakantahin sa videoke nang tumunog ang mobile phone ni Lilian. “Saglit lang Jane, sasagutin ko lang. Si Dave ang tumatawag. “Walang problema.” Lumabas si Lilian at naghanap ng tahimik na lugar para sagutin ang tawag ni Dave. “Hello, Kuya?” “Maka-kuya ka naman. May good news ako Lilian. Matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling studio.” Masayang wika nito kay Lilian. “T

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 8

    Ipinagluto ng katulong si Justine ng simpleng pagkain para makapag-almusal na ito. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan naman siya ni Marco sa kabilang bahagi ng mesa. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakita ni Justine ang matiim ng ama sa kanya kaya muli itong yumuko at kumain nang kumain. Hindi na kayang salubungin ang mga tinging ipinukol ng ama. “Ang mommy mo ba ang nagturo sa ‘yo ng mga sinabi mo kahapon?” “Hindi po si mommy, dad. Narinig ko po doon sa—“Simula sa araw na ito, doon ka muna mamalagi sa lola mo sa malaking bahay,” agaw ni Marco. Ito ang paraang naisip niya para umuwi si Lilian. Alam niyang hindi kayang tiisin ng babae ang anak. Naalala pa niya, noong itinulak daw ng asawa si Winona sa pool ay pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala kay Justine sa bahay ng mga magulang. Hindi nito natiis at nagmamakaawang papasukin doon nang malamang maysakit ang anak. Nagpakabasa ito sa ulan sa pagmamakaawa sa labas ng gate ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa pi

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 7

    Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan. “Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona. Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis. “Tita Winona, kabit ka po ba?” Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig. “Ano ulit ‘yon, Justine?” “Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata. Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na it

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 6

    Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis. “Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan. Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak. Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito. Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin. “Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti. Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti. “Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak. Pagkaalis nina Marco at Win

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 5

    Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay. “Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig. “Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco. “Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona. “Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona. “Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himih

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status