LOGINWow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat
So, iniwan mo sa yaya si Justine?” Agad na tanong ni Jane kay Lilian nang umusad na ang sasakyan para lisanin nila ang kanilang bahay. “Oo,” na sumandal sa upuan at ipinikit saglit ang mga mata. “Wala kang gagawin? Iiwan mo ang bata sa kanila? Eh, ikaw lang ang nag-aalaga sa kanya ng maayos ah.” Napabuntonghininga si Lilian para alisin o mabawasan ang tila nakadagan sa kanyang dibdib bago tinugon ang kaibigan. “May magagawa ba ako kapag ilalaban ko ang karapatan ko sa bata? Kilala mo ang mga Santander, hindi ba?” “Pero kung ang batas ang susundin, sa edad ni Justine, nasa iyo pa dapat siya,” muling giit ni Jane. “Alam ko ‘yon pero sa dami ng koneksyon ng mga Santander, wala akong laban lalo at wala akong trabaho. Gawin nilang grounds ‘yon para alisan ako ng karapatang alagaan siya.”Bago pa man magdesisyon na lisanin ang kanyang mag-ama ay naisip na ni Lilian ang lahat. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang anak kung aabot pa sila ng korte kaya mas pinili niyang magsakripisyo kah
“Anong sabi mo?” “Maghihiwalay na tayo. Wala rin namang patutunguhan na ang lahat ng ito. Ibibigay ko na ang kalayaan niyo ni Winona. Hindi mo rin lang kayang panindigan ang lahat ng ginawa ko para sa inyo ni Justine, maghihiwalay na tayo kasi parang wala lang din eh.” “Sa akala mo ba nakalimutan ko ang anniversary natin kaya ka galit? Ibinili pa nga kita ng regalo eh. . . “Regalo? Ang kuwintas ba ng nanay ko na suot ngayon ni Winona? Na ipinangako mong ibibigay sa akin bago tayo ikasal?” Saglit pang nagulat si Marco kung bakit nalaman ito ng asawa. Naalala niyang nagpaalam si Winona na i-po-post ito sa social media habang kumakain sila kasama ang kaibigan ng babae. “Iyon lang ba? Pinahiram ko lang kay Winona, ibabalik ko rin sa ‘yo ‘yon.”“Kailan? Kung patay na siya?”“Ang bibig mo Lilian. Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo.” “Bakit? Hindi ba ikaw na rin ang maysabing maiksi na lang na panahon ang ilalagi niya sa mundo? Kung bakit ba kasi pati ako nadadamay diyan sa sitwasyon ni
The light is dimly lit. Quiet. A woman sitting on one of the chair in a four-seater dining table. Nakaharap ito sa mesang may nakahandang pagkain, nakasinding kandila, at preskong mga bulaklak. Naghihintay. “Bakit kaya wala pa sila?” Bulong niya pagkatapos tingnan ang oras. Mag-ika-sampu na ng gabi. Napatingin siya sa nga pagkaing inihanda sa mesa para sa kanyang mag-ama. Lumamig na ang mga ito dahil dalawang oras na ang nakalipas mula nang inihanda niya ang mga ito. Maaga pa kanina ay inihanda na niya lahat ng paborito nila para kanilang pagsaluhan. Kaarawan niya at wala pa rin siyang ibang inisip kundi ang mga pagkaing paborito ng kanyang mag-ama. Isa nang magandang regalo na makita ang mga itong masayang kainin ang kanyang mga inihanda. Siya si Lilian, isang mabuting ina at katuwang sa buhay. Piniling tumigil sa pagtatrabaho para matuunan ng pansin at alagaan ang kanyang mag-ama. Pero napalis ang kanyang nararamdamang saya at pag-asang uuwi ang kanyang mag-ama para samahan siya







