Share

Chapter Three: Secrets and Proviso

GUSTO sana ni Klyde na bumalik sa bahay nina Sana. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa dalawang dahilan.

Una, nahirapan siyang matulog dahil sa kaalamang mas lalo lamang nagalit ang babae sa kanya. And it’s because of that kiss. Suddenly, the picture of him kissing Sana flashed on his mind. May kung anong tila malaking bilog na bagay ang gumulong sa loob ng dibdib niya isipin pa lang niya ang halik na iyon. Ayaw naman sana niyang halikan ang babae pero ano bang magagawa niya? Evertime that he got the chance to be with her, he used to feel the urge to kiss her like it was the only right thing that’s left on his complicated world. Geez, he misses her so much. At kahit paano, naibsan ang pangungulila niyang iyon. Ganoonpaman, kailangan na niyang pag-aralan kung paanong hindi madaig ng kagustuhang halikan ang babae palagi dahil siguradong masisira ang plano niya kung palagi na lamang niyang hahalikan ang babae. At hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon para itama ang lahat ng maling nagawa niya na may kinalaman kay Sana at sa mga anak niya.

Ikalawa, he was so jerk to say sorry after kissing her. Bakit ba siya nanghingi ng paumanhin gayong ang halikan ito ang palaging pinakatamang desisyon para sa kanya?

Palabas na siya ng bahay kanina upang puntahan si Sana nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang mga pinsan sa Maynila. Pinapaluwas siya ng mga ito para sa pagbabasa ng last will ang testament ng namayapa nilang lola –ang matriarka ng Imperial Clan. At wala siyang nagawa kung hindi ang bumiyahe nang maaga matapos na ibilin ang mga anak na kambal kay Aling Lourdes- ang ina ni Sana.

Araw-araw, tuwing kailangan niyang pumasok sa opisina o asikasuhin ang sariling negosyo niya ay iniiwan niya sa matandang babae ang mga anak. Alam niyang wala siyang dapat ipag-alala dahil hindi nito pababayaan ang mga anak niya…na mga apo nito.

Yes, it was his ultimate secret. Sana was actually his wife and the mother of his twins. But due to her amnesia, she forgot everything about him. Iyon siguro ang parusa ng langit sa lahat ng kasalanang nagawa niya kay Sana noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa. Nakaramdam siya ng bahagyang paninikip ng dibdib nang maisip niya ang bagay na ‘yon. Ngayon niya lang kasi narealize na totoo pala ang kasabihan na malalaman mo lang ang importansiya ng isang bagay o tao kapag nawala ‘yon sa’yo.

Now, he has to pay the price of being so selfish. Tama lang na pinapahirapan siya ni Sana. Kulang pa iyon para pagbayaran ang lahat ng sakit na idinulot niya rito. Pero may plano na siya kung paanong mapapabalik si Sana at kung paanong itatama ang lahat. Sa ngayon, kailangan niya munang lumuwas sa Maynila.

Pagkalipas ng halos ilang oras ay narrating ni Klyde ang Maynila. Katulad ng dati, nakaramdam ng pagiging aloof si Klyde pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa mansion ng mga Imperial. Sa buong buhay niya ay dalawang beses pa lamang siyang nakakapsok sa lugar na iyon.

The first one happened twenty years ago when his mother Stella Imperial tried to introduce him to the whole Imperial Clan. Paano ba niyang malilimutan ang gabing iyon samantalang iyon ang itinuturing niyang pinakamasakit at pinakamadilim na gabi ng buhay niya. Thirteen years old lang siya noon nang isama siya ng kanyang ina sa mansiyon. Twenty years had passed so fast but the memory of that night still lingers on his mind. If he only has a choice, he would never ever bring those memories back to his mind. But every time he step his foot on the mansion, he can’t find a way on how to stop his own mind from walking down on the memory lane…

Mahigpit ang pagkakahawak ng labing-tatlong taong gulang na si Klyde sa kamay ng kanyang ina na si Stella. Pakiramdam niya kasi ay maliligaw siya sa lawak at laki ng bahay na pinasok nila. Idagdag pang pinagtitinginan sila ng bawat taong nakakasalubong nila. Hindi na siya bata para hindi makaramdam ng pagkaasiwa habang masusing minamasdan ang bawat taong naroon at ang sarili. Ang lahat ay nakasuot ng magagandang damit na pawang sa mga engrandeng pagtitipon sa pelikula lamang niya napapanood. At kung bahagi man ng pelikula ang mga nangyayaring iyon ngayon, malamang na sila ng kanyang ina ang mga hampas lupang nais magpalimos sa mga mayayamang bisita sa marangyang pagtitipong iyon.

            Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang paa nilang mga-ina. Upod na tsinelas ang sapin sa paa ng nanay niya habang ang tsinelas namang suot niya ay hindi magkapareha. Iyon na ang pinakamatinong sapin sa paa na puwede nilang isuot dahil literal na walang-wala silang dalawa. Ang damit na suot ng nanay niya ay isang T’shirt na nakuha nito kasama ang relief goods na ipinamahagi sa barangay nila sa Tondo noong nakaraang buwan matapos silang salantain ng bagyo. Ipinareha niyo iyon sa isang itim na palda habang siya naman ay suot ang isang kupas na brown na damit at tagpi-tagping shorts na ipinamana pa sa kanya ng kapit-bahay nilang si Aling Tasing.

Nakapustura ang lahat ng babaeng naroon. Mapupula ang mga labi at pisngi samantalang ang nanay niya, maputlang-maputla ang humpak na humpak na pisngi at nagbabalat pa ang mga labi. Hindi na niya matandaan kung kailan ang huling beses na nakita niyang pinapula ng lipstick ang mga labi ng nanay niya. Dahil sa tuwing aalalahanin niya ang kanyang ina, wala siyang ibang maalala kung hindi ang araw-araw na pagtanggap nito ng labada para maitaguyod ang pag-aaral niya. Sa tuwing susubukan niyang ipinta sa isip ang ina, ang mga gabing kalong nito ang isang lumang lata ng biscuit na nagsisilbing lalagyan nito ng pera ang nakikita niya, iyon ay kung pera nga bang matatawag ang mga baryang kinikita nito sa pagiging labandera.

May isang lalaki ang nagtangkang lumapit sa kanila nang tuntunin nila ang daan patungo sa isang malaking bulwagan kung saan nagmumula ang nagkikislapan sa gandang mga ilaw at ang masayang tugtugin na maririnig sa kabuuan ng malaking bahay na iyon.

“Padaanin mo kami Enrico. Pakiusap, kailangan kong makausap ang papa,” sabi ng nanay niya sa nakikiusap na tinig. May nagbabadyang mga luha sa malalim na mga mata nito. Kung pagmamasdan ang mukha ng nanay niya, tila nakasalalay sa pagtitipong iyon ang magiging pagbabago sa takbo ng buhay nila.

“I’m so sorry, Stella pero mahigpit na ipinagbilin ni Senyorita Maristella na huwag kang papasukin,” ang sabi ng lalaking tinawag ng nanay niya na Enrico.

Tinangkang hawakan ng kanyang  gating kamay ni Enrico ngunit umiwas ang huli. “Kailangan kong makausap ang papa, Enrico. Wala na akong ibang malalapitan,” sa gitna ng pakiusap, tumingin sa kanya ang kanyang ina. “Bata pa ang anak ko. Hindi niya kakayanin ang mga susunod na araw kung hindi siya tutulungan ng mga Imperial. Hindi naman ako hihingi ng sobra-sobra. Gusto ko lang masiguro na magiging maayos ang buhay niya,” nanginginig ang tinig na sabi ng nanay niya.

Matagal bago sumagot si Enrico, waring iniisip ang mga salitang sasabihin. “Pasensiya na talaga, Stella pero ginagawa ko lang ang trabaho ko. Kagaya mo ay may mga anak rin akong nag-aaral at umaasa sa trabaho ko sa mansiyon.”

“Isang buwan, Enrico. Isang buwan na lang ang buhay ko. Masyado na raw marami ang cancer cells sa atay ko at hindi na ako magagamot. Ano mang oras mula ngayon ay mamamatay na ako. Hindi ko kayang iwanan ang anak ko na hindi sigurado ang magiging buhay niya,” tuluyan nang bumuhos ang luha ng kanyang nanay.

Namalayan na lang din ni Klyde na umiiyak na siya nang may malasahan siyang mga luha sa kanyang mga labi. Ngayon niya higit na nauunawaan kung bakit may mga gabing giniginaw ang nanay niya. Madalas ay namimilipit ito sa sakit ng tiyan, nagsusuka at walang ganang kumain. Mamamatay na pala ang nanay niya. Kung hindi pa sila nagtungo sa bahay na iyon ay hindi niya malalamang malala na pala ang karamdaman nito. Napakasakit marinig at malaman ang balitang iyon, pero mas masakit tanggapin na wala siyang magawa para tulungan ang ina.

“I-ikinalulungkot kong malaman ang kalagayan mo, Stella pero hindi kita matutulungan,” mahina ang tinig na sabi ni Enrico. Hinawakan nito ang braso ng nanay niya at sapilitang hinila pabalik sa pinanggalingan nila.

“Papa! Papa! Tulungan mo ako, papa! Kailangan ka ng apo mo!” malakas na sigaw ng nanay niya habang inilalabas sila ni Enrico.

Napatingin sa kanila ang lahat ng mga taong naroon. Nagbubulungan ang mga ito. Isa man sa mga sinasabi ng mga ito ay wala siyang maunawaan sapagkat masyadong abala ang isip niya sa nalamang balita mula sa nanay niya.

“Papa! Papa!” mas malakas na sigaw ng nanay niya sa pagkakataong iyon.

“What do you think are you doing here, Stella?!” umalingawngaw sa kabuuan ng bahay na iyon ang tinig ng isang babae. Sabay-sabay silang napalingon sa kanilang likuran.

Sa hindi kalayuan ay nakatayo ang isang may edad na babae. Nakasuot ito ng isang I gown. May mahabang guwantes na umaabot sa braso nito. Nakapusod ang putting buhok nito sa itaas ng ulo nito. May suot din itong malalaking hikaw, kuwintas at singsing na pawang mga perlas lahat. Tanging ang lipstick na pula ang naiibang kulay sa katawan ng matandang babae.

Nagpumiglas ang nanay niya mula sa pagkakahawak ni Enrico at tumakbo palapit sa matanda. “Mama, kailangan ko ang tulong n’yo. Mamamatay na ako at maiiwang mag-isa ang anak ko,” malakas na hagulgol ng nanay niya.

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ng matandang babae. “Wala akong pakialam. And please, don’t you dare to call me, mama, dahil hindi kita anak. Isa kang pagkakamali at paalala ng kataksilan ng aking asawa,” mariing sabi nito sa nanay niya.

Mas lalo lamang lumakas ang bulungan mula sa mga taong hayun at nagsisimula nang lumapit sa matandang babae at sa kanyang ina. Ilang sandali lang ay tila mayroon nang nagaganap na shooting sa bahay na iyon.

Marami ang nanlaki ang mga mata at napaawang ang mga labi nang lumuhod ang nanay niya sa harapan ng matandang babae. Walang babala itong yumakap sa binti ng huli. “Pakiusap, tulungan mo ang anak ko. Wala siyang kasalanan sa lahat. Sa loob ng ilang taon ay hindi ako nanggulo. Nanahimik ako gaya nang gusto mong mangyari. Hindi ako nanghingi ng kahit na gaano kaliit na halaga dahil alam kong hindi ako magiging bahagi ng pamilya n’yo pero pakiusap, alang-alang sa anak ko, puwede bang kahit ang pag-aaral niya ay hilingin ko sa inyo?”

Unti-unti siyang lumapit sa kanyang ina. Durog-durog ang puso niya sa nakikitang pagmamakaawa ng nanay niya para sa kanya. Hindi pa man siya nakakahuma mula sa nalamang nalalapit na kamatayan nito ay hayun at tila paulit-ulit na namang sinasaksak ang puso niya. Kaya niyang tiisin na panoorin itong naghihirap na maglaba para kumita ng pera dahil alam niyang marangal ang trabahong iyon. Ang hindi niya kakayanin ay ang pagtawanan ito ng ganoon dahil lang sa pagmamakaawa alang-alang sa kabutihan niya.

“Fine, baka sabihin mo naman ay masyado akong walang puso. Pagbibigyan kita. I’ll give you four million pesos. Sapat na iyon para makapagtapos ng pag-aaral ang anak mo pero sa isang kondisyon.”

“K-kahit a-ano. S-sabihin mo lang at gagawin ko,” sabi ng nanay niya na tila nakahanap ng pag-asa.

Ngumiti ang matandang babae. “Let’s give our audience the satisfaction they are waiting for. Sabihin mo sa kanilang lahat kung gaano kawalang silbi ang iyong ina. Kung paano niyang inakit ang asawa ko sa pag-aakalang makakakuha siya ng malaking halaga sa pamilya  gati. Tumayo ka at sabihin mong ikaw ang pinakamalaking kahihiyan naming mga Imperial,” sabi ng matandang babae.

Kahihiyan? Ganoon ba kung ituring ng mga taong ito ang isang inang kailanman ay hindi naging madamot na ibigay ang lahat ng kailangan niya sa abot ng makakaya nito? Kahihiyan ba ang tawag sa isang inang nagsisikap para mabuhay siya ng may dignidad? Iyon ba ang tingin ng mga taong ito sa babaeng araw-araw na naniniwala sa ganda ng mga pangarap niya? Hindi niya matatanggap ‘yon sapagkat para sa kanya, wala nang mas mabuting nanay pa kung ikukumpara sa nanay niya.

Unti-unting tumayo ang nanay niya. Sandali siyang tiningnan nito, nakangiti pero walang patid ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata. “N-nay, ‘w-wag. H-hindi ka kahihiyan dahil mahal kita. M-magtatrabaho ako habang nag-aaral. M-mas p-pagbubutihin k-ko pa. G-gagawin ko ang lahat huwag mo lang h-hayaan na tapakan ka nila,” sabi niya habang umiiyak.

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga ang nanay niya. Mapait ang ngiting hinarap nito ang matandang babae bago sinabing. “Anak ako sa labas ni Arnulfo Imperial. A-at a-ako…a-ako ang p-pinakamalaking k-kahihiyan sa p-pamilyang ito,” nagawang sabihin ng nanay niya sa laking tuwa ng mga taong naroon.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay naglabas ng tseke ang matandang babae. May isinulat ito roon, kung ano man iyon ay hindi niya alam. Sapagkat bago pa matapos ang tagpong iyon ay nagtatakbo na siya palabas ng malaking bahay na iyon bitbit ang pangakong babalik siya doon na tinitingala ng lahat. Na iyon na ang una’t huling beses na makakaranas siya ng ganoon kasakit na karanasan. Ipinangako niya sa sariling isang araw, magiging siya ang pinakatanyag na Imperial, malayo sa iniisip ng lahat na isa siyang kahihiyan.

Naikuyom ni Kylde ang kanyang kamao kasabay nang pagtatangis ng mga bagang matapos alalahanin ang tagpong iyon. Sa loob ng mismong bahay kung saan siya naroon ngayon niya ipinangakong magiging matagumpay siya sa buhay.

At atulad ng ipinangako niya sa sarili, pagkatapos ng labing-limang taon pagkatapos ng masakit na gabing iyon ay nagbalik siya sa mansiyon ng mga Imperial sa ikalawang pagkakataon. Iyon ang ikalawang beses na tumapak siya sa mansiyong iyon, iyon din ang panahon kung kailan nagsimulang mamayagpag ang Imperial Software Company na kanyang itinatag. Sa kasalukuyan ay iyon ang pinakamalaking kumpanya ng kahit na sinong Imperial.

Pagkalipas nang ilang sandali ay tinungo niya ang library ng mansiyon. Doon ay inabutan niya ang kanyang mga pinsan. Hindi kagaya ng kanilang abuela, tanggap at mababait sa kanya ang mga ito. Masasabi niyang hindi siya itinuring na putok sa buho ng sino man sa mga pinsan kaya naman magaan at mabuti ang pakikitungo niya sa mga ito.

“Look who’s here,” anunsiyo ng pinakabata niyang pinsan na si Klay pagpasok na pagpasko pa lamang niya sa library.

Halatang nagulat ang lahat nang makita siya ng mga ito doon. Akmang sasalubungin siya ng mga ito nang magsalita siya. “Ano’ng meron? Bakit tayo ipinatawag ni attorney?” tanong niya.

Lumapit sa kanya si Trevor –isa pa rin sa mga pinsan niya. “You’re three minutes late, but here’s the letter that contains your inheritance…and your proviso,” sabi nito habang iniaabot sa kanya ang isang sobre.

“Proviso?” sa naguguluhang tinig ay tanong niya.

“Bago mamamatay si Mamita, lingid sa ating kaalaman ay gumawa siya ng mga sulat. Diyan nakalagay ang mga bagay na mamanahin natin at kung ano ang kailangan nating gawin para makuha ang mga iyon,” pagpapaliwanag ni Klay.

Natawa na lang siya. Hindi na niya kailangan ng pamana mula kay Maristella dahil kahit wala ang mga iyon ay mamumuhay siya nang maalwan. Ganoonpaman, binuksan pa rin niya liham. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang mabasa ang nilalaman niyon.

Sa aking apo na si Klyde,

Una sa lahat, patawarin mo ako kung hindi kita natanggap kaagad. Hindi makakayang tumbasan o bayaran ng aking kamatayan ang sakit ng kalooban na idinulot ko sa’yo…lalo na sa iyong ina. Alam ko rin  na walang katumbas na halaga ang mga panahong kinailangan mong mamuhay mag-isa para sa sarili mo. Naiintindihan ko kung mamamatay akong hindi mo ako napapatawad but believe me, in the darkest and painful remaining times of my life, I reapeatedly asked and pray for your forgiveness. Kapareho iyon nang kapatawarang hiniling ko sa iyong ina at sa Diyos dahil sa mga naging kasalanan ko kanya.

Ikalawa, nais kong malaman mo na ipinagmamalaki kita. Napakalayo ng iyong  gating. Habang pinagbabayaran ko ang mga naging kasalanan ko sa inyo ng nanay mo, gusto kong malaman mong kasabay niyon ay ipinagmamalaki kita bilang isang Imperial. Alam kong hindi kayang burahin ng sulat na ito ang lahat ng sama ng loob mo sa akin pero hindi rin kayang burahin ng sama ng loob na ‘yan ang katotohanang isa kang Imperial.

Kaya naman bilang pamana, ibinibigay ko ang aking basbas upang ilipat ang labi ng iyong ina sa libingan ng mga Imperial. Nais kong malaman mo  gatin ako pumanaw ay natutunan ko siyang patawarin dahil wala siyang kasalanan sa mga sakit na naranasan ko noong nalaman kong nagkaanak si Arnulfo sa ibang babae. Ako ang higit na nagkulang dahil ninais paghigantihan siya upang maibsan ang sakit na aking nararamdaman.

Kalakip ng sulat na ito ay ipinagkakatiwala ko sa iyong mga anak –na aking mga apo –ang Imperial Museum kung saan nakalagak ang pinakamahal at pinakamahahalagang yaman  gating pamilya. Ganoonpaman, makukuha mo lamang ang nasabing ari-arian kung sa loob ng isang taon ay magagawa mong mapakasalan ang ina ng iyong mga anak. Doon mo lamang malalaman ang tunay na ibig sabihin ng salitang “yaman”.

Hanggang sa muli,

Mamita

Aaminin ni Klyde, ni sa hinagap ay hindi siya mag-iinteres sa kahit na anong yaman ng mga Imperial, pero ang Imperial Museum ay hindi lang isang simpleng pamana. Dahil sa lugar na iyon nagsimulang magkaroong muli ng direksiyon ang buhay niya. Direksiyong sa kasalukuyan ay nawawala dahil ang ina ng mga anak niya ay walang maalala tungkol sa kanya dahil sa amnesia matapos masangkot sa isang aksidente. At wala siyang ibang sinisisi sa bagay na iyon kung hindi ang kanyang sarili.

At kung mayroon mang dapat mag-ayos ng lahat ng kaguluhang iyon, iyon ay walang iba kung hindi siya…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status