Share

Chapter Two: The Kiss

Hindi pa man nagtatagal na nakakapasok si Sana sa loob ng kanilang bahay ay narinig na niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanilang bahay. Hindi na niya kailangan pang maging manghuhula upang mahulaan kung sino ang taong iyon na kumakatok at balak pa yatang sirain ang pintuan ng bahay nila. Marahas siyang pumihit pabalik at padabog na binuksan ang nakapinid na pintuan.

            “Ano pa ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko kanina Mr. Imperial?” nakataas ang kilay na tanong niya sa lalaking hayun at tila modelo habang nakatayo sa harapan ng bahay nila. Nakatukod ang kanang kamay nito sa hamba ng pintuan habang ang nalalabing kamay ay nakapamulsa sa suot nitong shorts.

Mukhang balak talaga nitong seryosohin ang misyon nito na palaging sirain ang bawat oras ng bawat araw ng buhay niya.

            “Marami,” tugon nito, nakangiti. Kung nang-iinis ang lalaki base sa ngiting iyon ay hindi niya alam, basta ang sigurado niya, kahit ano pang isipin at sabihin niya ay ang ngiti pa rin nito ang isa sa mga best assets ng lalaki.

Inimbitahan ng lalaki ang sarili papasok sa loob ng bahay nila. Suddenly, their small home was filled with his luxurious scent. “Una, bakit ba napaka-formal mong masyado? You can call me, Klyde, Sana. Or Sylvan kaya para naman hindi nakakarinding pakinggan.”

Sinundan niya ito. Mabilis siyang humarang sa harapan ng lalaki. “Whether Mr. Imperial, or Klyde, or Sylvan ang itawag ko sa’yo ay walang magbabago.  You are still the most annoying man I ever know. And please, ‘wag na ‘wag mo akong didiktahan sa mga desisyon ko sa buhay. Choice ko kung gusto kitang tawaging “hambog” o kaya naman, “Mr. Feeling Entitled,” sa matinding inis ay sabi niya sa lalaki.

Halos kumulo ang dugo niya nang tumaas ang sulok ng mga labi nito. Isa sa mga pinaka-kinaiinisan niya sa lalaki ay hindi siya sineryoso nito kahit kailan. Pero mas naiinis siya sa sarili dahil hayun na naman siya at kahit ang simpleng gesture ng lalaki ay naghahatid ng matinding attraction sa kanya.

“Yeah, you’re right. You can call me whatever you want, but it would be my pleasure if you’ll call me, love, or honey, or maybe…sweetheart?” halatang nang-iinis ang lalaki dahil kinindatan pa siya nito.

Sa loob nang ilang sandali, tila nawala siya sa sarili dahil sa kindat na iyon. Sa katunayan, kinailangan pa niyang ipaalala sa sarili kung gaano siya naiinis rito para lang hindi niya aminin sa sariling guwapo talaga ang lintik na lalaki.

“Bakit ka nga ba inis na inis sa akin, Sana?” tanong nito na nakataas pa ang kilay.

Holy shit! Kahit ang simpleng pagtaas ng kilay nito ay nagdadagdag lamang sa kakisigang taglay nito.

“Well, first and foremost, I hate the way you look…”

“So galit ka sa mga guwapo?”

“Sa’yo lang…period.”

“So naguguwapuhan ka nga sa akin?” pambubuska ng magaling na lalaki.

And how can she deny it gayong nasabi na niya ang hindi niya dapat nasabi. Para na rin niyang inamin sa lalaki na naguguwapuhan siya rito. Sa isang iglap, bigla na namang nag-init ang magkabilang pisngi niya.

“Secondly, masyadong magaspang ang pag-uugali mo. Hambog ka at mayabang. Balita ko ay parang nagtatapon ka lang ng chewing gum kung magpalit ng girlfriend. And not to mention that you’re so boring.”

“Wow, hindi ko alam na updated ka pala sa buhay ko, Sana. Kailan ka pa nagkaroon ng interes tungkol sa pagpapalit ko ng girlfriends?”

Lihim niyang kinagalitan ang sarili. Bakit ba kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya? At bakit ba sa tuwing nasa harapan niya si Klyde ay wala siyang magawa kung hindi ang magpanggap na nagtataray para lang pagakpan ang matinding attraction na mayroon siya para rito?

Bakit nga ba pakiramdam niya ay natatakot siyang ipakita ang tunay na nararamdaman sa harapan ng lalaki? Bakit may kung anong tila nag-uutos sa kanya na magtayo ng pader sa pagitan nilang dalawa?

“Assuming ka rin, eh, ‘no? For your information, wala akong pakialam kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo. Saka bakit ka ba nandito? Inaabala mo na akong masyado,” sabi niya sa lalaki. Natatakot na siyang mas magsalita pa dahil baka kung ano na naman ang lumabas mula sa bibig niya.

“Fine. Palalampasin ko ‘yang katabilan ng dila mo pero sa susunod, hindi na ako papayag na sabihin mo ang lahat nang gusto mong sabihin tungkol sa akin. Binabalaan kita, Sana. I know an effective way on how to shut a girl,” sabi nito na makahulugang nakatingin sa mga labi niya.

Suddenly, she felt uncomfortable in front of him. Ni hindi niya maisip kung ano ang possible niyang maging reaction oras na mangyari ang kung ano mang pamamaraang sinasabi nito para mapatahimik siya.

“Kung nandito ka para alukin na naman ako na maging nanny ng mga anak mo ay nagsasayang ka lang ng panahon, Klyde. I’m not interested with that job. Wala akong balak na mapalapit sa isang kagaya mo,” aniya. Sa nakalipas kasing mga buwan buhat nang umuwi sila doon sa Nueva Ecija ay hindi na siya tinantanan nito. He was so persistent to get her as the nanny of his twins.

“Alam mo, kung nagpapapansin ka sa akin kaya ka nagtataray ng ganyan, gusto kong malaman mong hindi na kailangan. Dahil matagal na kitang napapansin. Akala mo ba hindi ko alam na palihim mo akong sinisilip sa bintana ng kuwarto mo? Sa umaga, kapag lumalabas ako para mag-jogging, palagi kang nakaabang sa may pintuan para pagmasdan ako.”

Marahas siyang napabuga ng hangin. “Ibang klase rin naman talaga ang bilib mo sa sarili mo, eh ‘no? Kung mayroon man akong huling bagay na gugustuhing mangyari, ‘yon ay ang mapalapit sa’yo. Look at yourself; you are a billionaire pero iniwanan ka naman ng asawa mo. Kung sabagay, sino nga ba naman ang magtatagal na pakisamahan ang isang hambog at mayab…”

Ano mang salita na gusto pa niyang sabihin sa lalaki ay nalunok na lamang niyang lahat dahil sa loob lang nang ilang saglit, nagawa na nitong tawirin ang distansiyang nakapagitan sa kanilang dalawa para patahimikin siya sa pamamagitan ng isang halik.

MY. God! Klyde, the billionaire is kissing her!

Bigla ang panlalaki ng kanyang mga mata nang maramdaman niya ang mga labi nito sa mga labi niya. Awtomatikong nagwala ang dibdib niya sa kaba. Napakarami niyang gustong sabihin at gawin para kumawala sa lalaki pero lahat ng iyon ay nawalan ng saysay dahil ang pesteng katawan niya, ipinagkanulo siya bigla.

Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya? Alam na alam niyang kinamumuhian niya ang lalaking ito pero parang may espasyo naman itong inaangkin sa bawat himaymay ng katawan niya? Why does kissing him feel so right gayong buong buhay niyang nararamdaman ang hindi maipaliwanag na inis at pagkamuhi rito? Bakit pakiramdam niya, may sugat sa loob ng puso niya na pinapagaling ng halik na iyon?

Humiwalay ang buwisit na lalaki mula sa kanya. Halos maliyo siya sa damdaming sabay-sabay na binuhay ng halik na iyon. Pero kung sa tingin niya ay tapos na ang dilemma niya, mukhang nagkakamali siya dahil hayun ang buwisit na lalaki at titig na titig sa kanya. Guilt was now written all over his face. “L-look, S-Sana, I-I’m really sorry, I didn’t mean to…”

Umigkas ang kanang kamay niya sa kaliwang pisngi nito, dahilan para hindi na nito matapos pa ang kung ano mang sasabihin nitong ‘yon. Kaagad siyang tumakbo paakyat sa kanyang silid. Pabalibag niyang isinara ang pintuan at sumandal doon. Kailangan niyang manghiram ng lakas doon dahil pakiramdam niya, ano mang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin at gagawin. Gusto niyang magalit kay Klyde dahil sa kapangahasan nito pero paano niyang gagawin ‘yon kung hanggang ngayon, pakiramdam niya ay nararamdaman pa rin niya ang init ng halik nito? Gusto niyang umiyak pero ang puso niya, parang nagsasayaw sa kaba at saya. Iyon ang unang beses na hinalikan siya ni Klyde pero bakit pakiramdam niya ay kabisado na ng puso niya ang pakiramdam na mahalikan nito?

Nababaliw ka na, Sana. Nababaliw ka na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status