Share

KABANATA 15

"Bakit, Mayu? Bakit mo ipapalaglag ang baby mo?" naluluhang tanong niya.

"Huh? Ano, Alice?" naguguluhan ko siyang nilingon dahil sa tanong niya.

"Hindi ba utos ng Mommy mo na kailangan mong i-pa-abort ang baby? Pagkatapos ay lumayo rito?"

Umawang ang mga labi ko at natigilan. Oo nga pala't ganoon ang plano. Lumunok ako at huminga nang malalim.

"Kailangan, Alice. Kailangan kong gawin," nanghihinang bigkas ko.

Napatitig ako sa makapal na envelop na galing kay Mommy. Napahawak sa tiyan ko habang ang puso ko ay binugso ng kakaibang sakit.

"Pero baby mo 'yan, Mayu. Pamilya mo. Kung sakali, siya na lang ang meron ka. Siya na lang mananatili sa'yo—"

"Hindi na importante sa ngayon 'yan, Alice. Ang importante ngayon ay makalayo rito."

Nagpatuloy ako sa pagsiksik ng damit sa backpack at iilang importanteng dokumento bago iyon mabilis na sinara. Tapos na ako ngunit natutulala pa rin si Alice sa akin.

"Mayu, makinig ka please.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alma Buagas Calunsag
baliw ka mayu sana ikaw nalang mawala sa mundo loka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status