PRESO ang pakiramdam ni Cassandra mula nang dumating si Christopher sa buhay niya. Anuman ang gawin niya, lagi itong nakasunod; kahit ang pagpunta niya sa grocery kasama si Manang Gloria ay hindi ito mawala sa buntot niya. Tanging sa banyo at habang naliligo lamang siya ito hindi nakikita, at kahit sa pagtulog niya ay kailangan pa nitong silipin ang bawat sulok ng kuwarto. Bago pa man siya makapikit ay kailangan munang suriin ni Christopher ang silid.
Para siyang bata na kailangang bantayan sa bawat kilos at pagbawalan sa maraming bagay. Dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Christopher, bihira na siyang makalabas kasama ang mga kaibigan. Mukhang nagkamali ito ng pinasukan; umaasta ito na para bang pag-aari na nito ang buong pagkatao ni Cassandra. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame. Hindi niya alam ang gagawin. Kailangan na niyang malutas ang kaso ng kanyang mga magulang para tuluyang mawala si Christopher sa buhay niya. Bigla siyang napabalikwas nang makatanggap siya ng tawag mula kay Aries, ang kanyang childhood sweetheart at anak ng kanyang Ninong Manuel, matalik na kaibigan ng kanyang ama. “Aries, ikaw ba ‘yan? Nasaan ka?” May pananabik sa boses niya habang kausap ang binata. “Papunta na ako. Sumilip ka sa bintana ng kuwarto mo. Andito na ako sa loob ng tatlong minuto.” sagot nito. Agad siyang sumilip sa bintana ng kuwarto at sa loob nga ng tatlong minuto ay pumarada sa harap ng mansyon ang magarang sasakyan ni Aries. Nang bumaba ito, hindi niya agad nakilala dahil sa kulay ng buhok nito at sa suot nitong shades. Napatingin ito sa kanyang kuwarto. Patakbo siyang bumaba, halos lumipad na sa hagdan para salubungin ang kanyang childhood sweetheart. Matagal na rin silang hindi nagkikita dahil sa pagiging abala nila sa pag-aaral at dahil din sa pag-aaral ni Aries sa Australia kung saan niya kinuha ang kursong Business Management. Lumabas si Cassandra sa gate ng mansyon, hindi pinansin ang mga bodyguards na nakaharang, maging si Christopher na nakatingin lamang sa kanya. Niyakap niya si Aries nang mahigpit, napalundag pa sa tuwa. “Cassy, I missed you,” sabi ni Aries. “Ang tagal din. Kumusta ka na?” nakangiting tanong ni Cassandra. “I’m still Aries that you’ve known,” sabay kindat ni Aries. Napatawa si Cassandra. Napansin ni Christopher ang pag-uusap nila kaya lumapit siya sa gate. “Miss Cassandra, pumasok na po kayo sa loob,” paalala niya. Iniwasan ni Cassandra ang tingin niya, alam niyang babantayan na naman siya nito. “Pumasok ka na sa loob, Aries. May kakausapin lang ako,” ani Cassandra, sinulyapan si Christopher. Pagkapasok ni Aries, hinila ni Cassandra si Christopher sa gilid ng garden. “Gusto ko lang ipaalala sa’yo na kaibigan ko si Aries. Can you please, leave us alone! Huwag mo na akong bantayan na parang preso, okay?” pakiusap niya. Nagkibit-balikat lang si Christopher at sinundan ng tingin si Aries papasok sa mansyon. Mula sa unang tingin, hindi siya nagtiwala kay Aries; pakiramdam niya, may gagawin itong hindi maganda. Mula sa labas ng mansyon, pinanood ni Christopher sina Cassandra at Aries. Sa mga araw na nanatili siya sa mansyon at nakakasama ang dalaga, ngayon lang niya ito nakitang ganito kasaya. Halos mapunit na ang labi nito sa pagtawa at pagngiti kay Aries. Napabuntong-hininga siya at umiwas ng tingin. Nakipag-usap na lang siya sa mga kasamahan niya para maaliw ang sarili. NANLAKI ang mga mata ni Christopher nang makita sina Cassandra at Aries na palabas ng mansyon. Napakaganda ni Cassandra sa suot nitong jeans at black tube blouse; napansin din niya ang kamay ni Aries na halos nakadantay sa dibdib ni Cassandra. Lalapit sana si Christopher, pero pinigilan siya ni Cassandra. Sumakay si Cassandra sa kotse ni Aries at mabilis itong umalis. Naiwan si Christopher na tulala, inihatid lamang ng tingin si Cassandra. Wala siyang nagawa para pigilan ito. Napailing siya at napahilamos sa mukha. Gusto man niyang magsisi sa pagtanggap ng alok ng Tita Lucia na maging bodyguard, huli na ang lahat. Mula nang makapasok siya sa mansyon, responsibilidad na niya si Cassandra. Pero hanggang kailan niya matitiis ang katigasan ng ulo ng kanyang amo?Isang kulay itim na kotse ang pumarada sa likod ng mansyon. Doon niya pinapunta si Althea upang hindi siya mapansin ng kaniyang mga bodyguard, at bukod dito, ay hindi ito tanaw ng CCTV.Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang kanyang kaibigan na si Althea, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Carla at Allysa na nakaupo sa driver seat.“Hey guys, what are you doing here?” napaturo siya sa dalawang kaibigan sa pagtataka. Ang buong akala niya kasi ay si Althea lamang ang makikipagkita sa kanya dahil sa importanteng sasabihin nito.“Huwag ka nang tumayo diyan. Get in the car,” sabi ni Allysa sa kanya. Binuksan nito ang unahan ng kotse upang makasakay siya agad.“Let’s party!” sigaw ni Allysa habang pinapatakbo nang mabilis ang kotse.Parang lalabas ang laman-loob ni Cassandra dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse. Hindi na siya sanay sa ganitong gimmick; mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang hindi siya nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Girls' night out, ito ang
Sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Cassandra mula kay Althea. Palihim niyang inilagay ang iPhone sa kanyang beywang. Kahit hindi pa tapos ang kanyang pagkain sa hapunan, agad siyang tumayo mula sa dining table.“Cassandra, hindi mo pa natatapos ang kinakain mo,” puna ni Manang.“I'm full, Manang. Magpapahinga na po ako; masakit po kasi ang ulo ko.” Agad siyang lumabas ng dining area at mabilis na umakyat sa kanyang kuwarto.Isinara at ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at binasa ang mga text messages ni Althea. Napabuntong-hininga siya at umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa mga mata ni Christopher. Paniguradong mamaya lamang ay nandito na siya sa loob ng kanyang kuwarto para gawin ang kanyang routine.Pinandigan niya ang pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo, kaya't nag-utos siya kay Manang Gloria na magdala ng gamot sa kanyang kuwarto upang maging kapani-paniwala ito. Ilang minuto lang ang nakalipas, tatlong sunod na mahinang katok sa pinto ang narinig
HINDI alam ni Cassandra kung gaano na siya katagal na nakatayo sa gitna ng kaniyang silid, hanggang sa napagod na lamang siya at naupo sa harap ng kanyang study table. Nakapalumbaba siya at pinagmamasdan ang repleksyon ni Christopher sa salamin na nakalagay sa kanyang study table. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Nothing had changed; the same scenario pa rin ito—ang kanyang evening routine na suriin ang bawat sulok ng kanyang silid, pati na rin ang kaniyang kamang hinihigaan.“Matagal ka pa ba?” tanong niya dito.Sandaling napahinto si Christopher sa kaniyang ginagawa at bumaling ng tingin kay Cassandra.“Just a moment,” matipid na sagot niya.Napabuntong-hininga na lamang siya at nilaro-laro ang ballpen na kanyang hawak. Isinasayaw niya ito sa kanyang mga daliri, at kung minsan, naitutoktok niya ito sa kaniyang study table. Halata sa kaniya ang pagkainip sa paghihintay na matapos si Christopher sa kaniyang pag-check sa bawat sulok ng kaniyang silid. Pakiramdam niya, sinasadya ng l
HALOS liparin ni Raven ang ikatlong palapag ng mansyon patungo sa kuwarto ni Cassandra. Nag-aalala siya sa dalaga na baka hindi nito kayanin ang mga nangyayari sa kanya ngayon, katulad ng dati, baka muli na naman itong bumalik sa ospital dahil sa depresyon na nararamdaman. Kung maaari nga lang na akuin niya ang lahat ng sakit na nadarama ni Cassandra, ginawa na niya ito.Mahalaga si Cassandra sa kanya; si Cassandra ang prinsesa ng kanilang pamilya. Hindi man sila palaging nagkikita, si Cassandra pa rin ang paborito niyang pinsan.Hingal at habol ang kanyang hininga nang makarating siya sa third floor. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng silid ng dalaga. Hinawakan niya ang door knob at pumihit ito. Humahangos siyang pumasok sa loob ng kuwarto at sinisigaw ang pangalan ng dalaga."Cassy!"Nakatayo si Cassandra sa harap ng bintana at nakatanaw lamang sa malayo. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Raven. Pilit siyang ngumiti sa binata at bumaling sa kanyang Auntie Lucia
NAPAHAWAK si Cassandra sa ulo ng maramdaman ang pagkirot nito, para itong binabarina na tumatangos sa kanyang sintudo. Pinilit niyang bumangon sa kama at dahan-dahan, na naupo. Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom ito. Napasinghap siya at napatingala na lang sa kisame ng maalala niya ang mga naganap sa pagitan nila ni Aries. Laking pasalamat niya kay Christopher dahil sa pagtatanggol nito, ngunit nababahala siya sa mga mangyayari sa pagitan nila ni Aries pakiramdam niya nagkaroon na ng lamat ang tiwala niya sa kababata. Nakaramdam siya ng pangangalam ng sikmura kung kaya 't nagpasya siyang magpunta sa dining area. Kung maari nga lang ay ayaw niyang lumabas at magkulong na lang ng buong mag hapon sa loob ng kaniyang kuwarto. Ayaw niyang makita at makasalubong si Christopher, hanggang ngayon kasi ay natutunaw pa din siya sa hiya dahil sa pagmamalaki niya na hindi siya sasaktan ni Aries. Hindi niya alam kung anong meron kay Christopher, bakit ba siya na lang ang palaging tama
PADABOG na pumasok si Aries sa loob ng living room at pinagsusuntok ang pader. Inihagis niya ang mga gamit na hawak niya. Ikinagulat ito ni Aling Delia, ang isa nilang kasambahay, kaya tumakbo ito pabalik sa kusina dahil sa takot kay Aries. Pakiramdam niya'y lulukso ang puso niya sa nerbyos; kakaiba kasi ang pagwawala ni Aries—para itong batang may kulang sa pag-iisip, sinisira niya ang lahat ng maabot niya. Napaatras siya nang masalubong niya si Don Manuel na may dalang bote ng alak. "Anong nangyari at namumutla ka?" tanong ni Don Manuel kay Aling Delia. "Si Sir Aries po, nagwawala na naman po," nanginginig na sagot nito. Napabuntong-hininga si Don Manuel at nagtungo sa living room. Nasa bungad pa lang siya ay dinig na dinig na niya ang pagwawala ni Aries, na para bang isang batang nagpapalahaw. "Aries, tumigil ka!" sigaw ni Don Manuel. Tumigil lamang si Aries nang marinig ang boses ni Don Manuel. Umupo siya sa mahabang sofa, kuyom ang mga kamao. May pasa sa mukha at sugat sa